Monday, March 9, 2015

Summer Lovers


Hindi ako makatulog nang gabing iyon kaya naisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan. Nakita ko silang naglalaro at naghahabulan. Naka-bikini si Tanya at naka-trunks si Adrian. Naupo ako sa buhangin at pinanood sila.

Larawan sila ng isang masayang magkasintahan. Maganda si Tanya at makisig si Adrian. Bagay na bagay sila.

Napansin nila ako. Kinawayan ako ni Tanya.

Nahiya ako kaya tumayo ako upang umalis subalit hinabol ako ni Adrian.

“Hey,” ang tawag niya sa akin. “Anong pangalan mo?”

Huminto ako at nilingon siya.

“Diego,” ang sagot ko.

Lumapit siya sa akin. “Join us,” ang sabi.

Kasunod niya si Tanya. “Huwag ka munang umalis. Samahan mo kami.”

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya at nag-aanyaya ang kanyang mga mata.

Nakangiti rin si Adrian.

Hinawakan ako ni Tanya sa braso at hinila. “Halika,” ang sabi.

Inakbayan naman ako ni Adrian.

Hindi na ako nakatanggi. Sumama ako sa kanila.

Sa di-kalayuan, naroroon ang kanilang tent. Doon nila ako dinala.

Naupo kami sa harap ng siga.

“Umiinom ka ba?” ang tanong sa akin ni Adrian.

Kahit hindi, tumango ako.

Inabutan niya ako ng beer.

“Siyanga pala, ako si Adrian,” ang pakilala niya. “At siya si Tanya.”

“Hi,” ang sabi ni Tanya. “Nice to meet you.” Bumaling siya kay Adrian. “Hon, he’s cute.”

Ngumiti lang si Adrian.

Nagsimula kaming uminom.

Tumayo si Tanya at nagpatugtog ng isang maharot na musika.

Hinila niya si Adrian at nagsayaw sila sa harap ko.

Pinanood ko sila.

Nagyayakapan sila habang nagsasayaw. Gumagapang ang mga kamay nila sa katawan ng isa’t isa.

Nagsimula akong makaramdam ng pag-iinit. Hindi ko alam kung dahil sa iniinom ko o dahil sa nasasaksihan ko.

Maya-maya, naghahalikan na sila. Bumaba ang mga halik ni Adrian sa leeg ni Tanya…sa balikat…at sa dibdib. Doon siya nagtagal.

Nakatingin sa akin si Tanya. Namumungay ang mga mata.

Tinanggal ni Adrian ang takip sa dibdib ni Tanya.

Tumambad sa akin ang kanyang dibdib. Higit na nag-ibayo ang aking pag-iinit. Naging alumpihit ako sa aking pagkakaupo.

Kumalas si Tanya sa pagkakayakap ni Adrian. Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo.

Pilit niyang tinanggal ang aking T-shirt.

Sa akin naman siya nakipagsayaw. Nakatingin lang sa amin si Adrian.

Asiwa ako habang nagsasayaw dahil sa sobrang lapit namin ni Tanya sa isa’t isa. Nararamdaman ko ang pagdidikit ng aming mga hubad na dibdib.

May nagpupumiglas sa loob ng aking shorts habang panay ang yakap at haplos niya sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa bibig.

Napayakap ako sa kanya. Nakalimot.

Nang magbitiw kami, napatingin ako kay Adrian. May kasiyahan akong nakita sa kanyang mukha.

Lumapit si Adrian sa akin.

Hinaplos niya ang aking balikat… ang aking dibdib… ang aking tiyan.

Nagtama ang aming mga mata. Para akong hinihigop ng kanyang mga titig.

Ginagap niya ang aking mga kamay.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit na lamang ako nang maglapat ang aming mga labi.

*** 

Siniil ako ng halik ni Adrian.

Tumugon ang aking mga labi. Nakipagtunggali ang aking dila.

Napayakap ako sa kanya.

Pilit niyang ibinaba ang aking shorts.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Tanya mula sa aking likuran. At pagkatapos, ibinaba niya rin ang suot ni Adrian.

Hinarap ko si Tanya at siya naman ang aking hinalikan sabay tanggal din sa kanyang pang-ibaba.

Ilang sandali pa, hubo’t hubad na kaming tatlo.

Nasa likod ko si Adrian. Nasa harap ko si Tanya. Dama ko ang init habang napapagitnaan nila. Nagpalipat-lipat ang aking mga labi sa paghalik sa kanilang dalawa. Nagpapalit-palit ang aking mga kamay sa paghaplos sa kanilang kahubdan.

Dala marahil ng sensasyon, napaluhod kami. Napaupo.

Humiga si Tanya at hinila ako upang pumaibabaw sa kanya.

Pumatong naman sa akin si Adrian.

Naglingkisan ang aming mga katawan. Nagsalo kami sa isang maalab at marahas na pagtuklas.

Nagpaubaya ako. Idinuyan ako ng magkahalong sakit at sarap.

Halos mawala ako sa sarili sa pag-iisa ng aming mga katawan.



-- An excerpt from Minsan May Isang Tag-Init posted in 2009.

4 comments:

nyoradexplorer said...

betchikola kong maranasan ang threesome ngunit witchels kasama ang isang babaylan. charms!

Jay Calicdan said...

Tag-init nga ang tema sa panahong tag-init... lalo na ngayong summer. Tapos ko na yung Dove at naghahanap pa ako ng time para sa Chances. Exciting ituuu...

Anonymous said...

hi aris. i miss the times you write this way...

Aris said...

@nyoradexplorer: ay pareho tayo, gurl. anofangavah! haha!

@jay calidan: thanks, jay, sa patuloy mong pagtangkilik. :)

@anonymous 1:11: talaga? sige, gagawa uli ako ng ganitong mga stories. will find time kahit laging busy. :)