Nang nilalagyan ko siya ng concealer saka ko lang
napansin kung gaano kaganda ang kanyang mga mata. Lalo na nang matakpan na ang kanyang
dark circles. Maningning, nanunuot kung makatingin.
Nang pinupulbusan ko siya saka ko lang din napansin
kung gaano kaganda ang kanyang mukha, kung gaano kakinis ang kanyang kutis.
Hindi ko napigilang iyo’y haplusin, kunwari upang pantayin.
Bago pa ako lumabis, sarili naman ang pinagtuunan ko ng pansin. Nakatingin lang siya habang ako naman ang nag-aayos. At nang may
inilalagay na ako sa aking mga labi, saka siya nagtanong.
“Lipstick?”
“Lip balm,” ang aking sagot.
“Why is it red?”
“It’s cherry.”
“Does it taste like cherry, too?”
“Yup. You wanna try it?”
Umakma akong siya naman ang lalagyan. Subalit bigla niyang sinapo ang aking mga pisngi at ako’y kanyang hinagkan.
Tila tumigil ang mga sandali sa paglalapat ng aming mga labi.
Nang kami’y magbitiw, inapuhap ko siya ng tingin. Hindi
siya umiwas, sa halip ay tinitigan ako nang malalim.
“What?” ang tanong ko.
Ngumiti siya.
“Lasang cherry nga,” ang sabi.
***
We were not supposed to be partners nang gabing iyon.
Subalit pagtapak namin sa bar, hindi na kami naghiwalay.
Nagsayaw kami na parang walang ibang tao sa paligid. Sa tama ng patay-sinding mga ilaw, higit na bumagay sa kanya ang matte-finish.
Nang kami’y magyakap at humilig siya sa aking balikat, I
didn’t mind kung magmantsa man ang natural beige sa aking damit. Dinama ko ang
kanyang katawan, ang init na hatid ng aming pagdirikit.
Nang muling magtagpo ang aming mga mata, dahan-dahang
naglapit ang aming mga mukha.
At ako’y napapikit nang muli ay malasahan ko ang cherry
sa aking bibig.
4 comments:
OHHHHHHHHHHHHHHHH! I love the story, im just a little confused of the guy is a gay guy cause he's the one who put make up on the girl (if the one is actually a girl) [ am i stereotyping?]
i love the story though! very very short novel. :)
@stevevhan: thank you. glad you liked my post. welcome to my home and please enjoy your stay. :)
I like the story... I guess these are girls...
Nevertheless, regardless of genders, the story is so cool.
@jayrome l. nunez: hi jayrome. thanks for dropping by. please visit again soon. :)
Post a Comment