Sunday, March 20, 2016

Wisik


Akala ko hindi ka dumating. Kaagad kitang hinanap. At nang nagsisimula na akong mainip, saka kita namataan sa likod ng mga iwinawagayway na palaspas. Lumukso ang puso ko at ako ay napasinghap. Nang magbendita ang pari, napapikit ako upang damhin ang ginhawang dulot ng sagradong tubig. Parang basbas ng pag-ibig sa puso kong kaytagal nanimdim. Nang magmulat ako, nakangiti ka sa akin. At sa tama ng ilaw sa mga butil ng wisik, nagningning ka na kagaya ng isang panaginip!

1 comment:

Victor Saudad said...

Nakakapangiting lathala. :)