Kapag nagliligpit ka ng cabinet, hindi ka dapat maging sentimental dahil ang bawat piraso ng iyong mga damit ay may alaalang nakakabit. Mga alaalang masasaya o masasakit na mahirap pakawalan. Hindi ka matatapos. Wala kang maise-segregate. Nasa sa'yo kung gusto mong magkaroon ng magulo o maayos na cabinet. Nasa sa'yo kung gusto mong bigyang puwang ang alaala ng mga bagong damit.
***
Ang dami ko na palang naipong Boracay souvenir shirts. Ilang ulit na ba akong nakapunta? Tatlo? Apat? Lima? Hindi ko na maalala. Pero ikaw na sa bawat pagkakataon ay lagi kong kasama, hindi mawawaglit sa aking alaala. Nasaan ka na kaya at kumusta?
***
To throw or not to throw? Ito yung T-shirt na bigay mo sa akin noon. Ito yung T-shirt na paborito kong suotin kahit kupas na at may punit. Ito yung T-shirt na hindi ko ma-let go kahit hiwalay na tayo. Umasa kasi ako noon na ikaw ay magbabalik kaya patuloy akong nag-hold on. Pero luma na ang T-shirt at worn out na rin ako. Throw!
4 comments:
Parang ako lang nung nag-aayos ako (hindi ng mga damit sa cabinet, kundi mga gamit sa kwarto), may tatlong yearbook akong nakita (na nabuklat ko na rin noon page by page) pero sa di ko malamang dahilan hindi ako makausad sa pagliligpit hanggat di ko natatapos na mabuklat ulit at makita ang bawat pahina sa tatlong yearbook na iyon lols :)
Gusto ko yung huling musing :)
Nagkakalkal ako ng mga gamit sa kuwarto tapos nakakita ako ng libro. Binasa ko. Sabi, mamaya na lang pero nagpatuloy ako pagkatapos ng isang chapter. At isa pa. Naulit. Hanggang gabi na pala. Galit si mama dahil hindi pa ako nagligpit sa kuwarto.
Pero sentimental?... meron. Isang libro ng Japanese Grammar na ibinigay sa akin ng isang kaibigan. Paano ko naman makakalimutan iyon lalo na kung may letter of dedication, signature, at cellphone number? Nakakatuwa dahil may litrato pa! haha
Miss ko na siya.
paarbor ng mga shirts nyo imbes na itapon hehehehe
mahirap talagang kalimutan lalo na kapag parating nasa isipan (aminin man o hindi)
Post a Comment