Umiikot ang aking paningin at parang alon ng dagat na
pinagmasdan ko ang berdeng tabing habang humahampas sa dalampasigang dingding.
Ang pagkakahimlay ko sa kama ay isang pagpapatiubaya,
pagpapatianod, pagpapatiraya.
Nakasisilaw ang puting ilaw. Nakalulunod ang puting unan
at kumot. Nakapanlalamig ng mga kamay ang hangin.
At sa aandap-andap na hinagap, nabanaag ko ang iyong
larawan. Papalayo nang papalayo sa aking kinaroroonan.
Pumikit ako at ikaw ay sinundan.
1 comment:
Awh :)
Post a Comment