OMG. Nahanap din kita sa FB. Ang common kasi ng name mo. Buti nabanggit sa akin ng isang common friend natin ang middle name mo. Kaya ayun nang sinubukan ko uli sa search, lumabas ang profile mo. Natigilan ako nang tumambad ang litrato mo. Ang inaasahan ko, medyo tumaba ka na at tumanda but no, payat ka pa rin at obvious na alaga mo ang iyong sarili dahil maliban sa konting crow’s feet sa iyong mga mata dahil nakangiti ka, ay bata pa rin ang iyong itsura. Parang katulad noong tayo pa. I would say you even look better dahil may character na ang bukas ng iyong mukha. Hindi katulad noong mga bata pa tayo. All I remember is your angelic face na palaging nakangiti at kung nakakanti naman ay parang iiyak palagi. Pero ngayon, nasa mukha mo na ang strength of character, ang wisdom na natutunan mo through the years and I so very much prefer yung ikaw ngayon kesa dati. Minessage na kita. At inadd na rin. Please accept.
8 comments:
Hi aris.. isa ako sa matagal na sumusubaybay sau. Di nga lang ako nagkokoment hehe.. just want you to know na isa ka sa mga nagpa-inspire sakin para magsulat ulit. Gusto ko ang pagiging malalim ng stories mo lalo na yong tungkol kay Josh na tambay at pahada hehe... keep it up. :-)
Happy to read from you again Aris :) I sure hope things turn out to be happy for me as well..
Aris... antagal kong naghintay sa iyo. Huhu..
At matagal na din pala akong naghihintay na i-accept niya ang request ko (note: anim na buwan), pero binura ng hinayupak kong kaibigan. Langhiya siya. Pero mas na-miss kita huhu
Lovelots, ingat lagi!
@aladin basilan: maraming salamat sa iyong pagsubaybay. natutuwa ako na nabibigyan kita ng konting inspirasyon upang magsulat. sana patuloy kang mapasaya ng aking mga akda. :)
@simon: hello simon. nice to "see" you again. i wish you the best. ingat always. :)
@jay calicdan: i miss you too, jay. sisikapin kong dalas-dalasan ang pagpo-post. gustung-gusto kong magsulat, daming ideya sa utak ko. will find time, promise. :)
Nakakatuwa na ang daming love sa comments section. :)
@citybuoy: oo nga. sapat na rason para magpatuloy pa rin tayo sa blogspot. :)
Post a Comment