Thursday, August 18, 2016

8 Years Old Na Ang Blog Ko!

Eight years old na pala ang blog ko and guess what, nakalimutan ko itong i-celebrate noong July 6. Ngayon ko lang naalala. Grabe, ganoon na ba talaga ako ka-busy o sadyang nawaglit lang sa isip ko dahil madalang na ang mga post ko? But still, buhay pa rin naman ang blog na ito kaya dapat lang na gunitain pa rin ang taong nagdaan. Parang kailan lang, hindi ko inasahang magtatagal ang blog ko nang ganito. (Heto na naman ako, parang sirang plaka.) Short term lang ito dapat pero nakagiliwan ko na nang husto kaya nagtagal nang ganito. Kung dumalang man ang mga post ko at medyo naging malalim ako, iyon ay dahil nag-mature na rin naman ako. Hindi na pwedeng ang mga post ko hanggang ngayon ay katulad pa rin ng mga post ko noong bata-bata pa ako. Siyempre, may nababago sa ating pananaw, pag-iisip, kilos, galaw habang nagkakaedad tayo. At sa paglipas ng panahon, siguro kung sisilipin nyo ang mga post ko, mapapansin ninyo ang pagkakaiba ng mga luma sa bago. But still, nandiyan pa rin kayo (I hope!). Kahit madalang na ang mga comments, alam ko na paisa-isa, may nagbabasa pa rin ng mga isinusulat ko. Sapat na yun upang ako ay magpatuloy. Sana lang ay bumalik sa dati ang sigla ng Blogspot pero parang wishful thinking na lang iyon. Unless magkasundo-sundo ang mga kasabayan kong bloggers noon na muli ay buhayin ito. I can't help but look back doon sa mga panahong pagbukas mo ng Blogspot, punumpuno ng updates ang dashboard mo. Nakaka-miss iyon. Ang dami ko ring naging kaibigan noon na kapwa blogger. Ilang ulit din akong nakipag-eyeball. At ang bawat pagkakataon ay tunay na memorable. Sarap balikan ng nakaraan. Sana kahit mukhang imposible na ay madugtungan pa rin ng panibagong sigla ang darating na panahon.  

13 comments:

bender said...

Congratulations Aries! Continue the love to write, and share. Long live :))

_angbekingmedugongstripes

Arvin U. de la Peña said...

Magkapareho pala 2008 magsimula na mag blog. Ang mga naging kasabayan ko noon na kasabayan mo rin marami na rin ang hindi na active o ang iba paminsan minsan na lang mag post. Ganundin din naman ako paminsan minsan na lang. Pero kahit ganun na bihira na lang ako mag post di ko pa rin nakakalimutan mga nakilala ko sa blog. At ang na meet ko sa pag blog isa lang at di na rin active. Babae iyon nagkita kami sa robinson sa tacloban city kasi sa tacloban sila dati nakatira pero lumaki na sa maynila at nagbakasyon. Sa blog ko lang siya nakilala at di ko alam taga tacloban pala. Happy 8 years na lang sa blog mo..

Anonymous said...

Awh :) Happy 8 years po!! :) I have been readinh your blog since yung time na nasa college pa ako haha :)

patryckjr said...

Happy 8 years po.....

patryckjr said...

Happy 8 years po.....

Drama King said...

Congrats Aris! Nagbabasa pa rin ako ng blog mo. Galing mo pa rin. Nakuha na ng social media 'yung dating mundo ng blogging. Nakakamiss, pero well ganun talaga. Congrats ulit! :)

nyoradexplorer said...

congratula, aris! ipagpatuloy mo lang ang pagbabahagi ng mga istorya mo, meeemst! laban lang nang laban sa buhay. char. isa ka sa mga iniidolo ko at inspirasyon sa pagsusulat. sana nga muling buhayin ang mga kasabayan mo.

have a great hair day teh!

cheers!

mwahlaplap!

Jay Calicdan said...

Sorry, late na ako. Hahahaha!!!!
Happy 8th sa akosiarisblog!
I love you Aris... always! Pati na rin sa akosiarisblog
hart hart

lovelots!
-jay

Unknown said...

Congratulations. Wow 8 years and still going strong. Keep it up aries

Unknown said...

Congratulations. Wow 8 years and still going strong. Keep it up aries

Kevin Talle said...

Congrats hehe nagbabasa parin ako ng mga posts mo 😊

Lady_Myx said...

wow! congrats Kuya Aris! :D antagal na, at hanggang ngyon, active ka pa rin! :D

from Myxilog with Love

BM said...

Wishful hinking na nga ata na mamayagpag pa ang blogspot. Nasa FB na lahat eh. Konti na lang yung nagsusulat talaga, karamihan memes at screenshot ng text na naging kwento at naging pelikula pa! Still, what we wrote are embedded in our collective histories, and to the hearts of those who followed us. Maligayang kaarawan Aris! I'm still reading your posts =)