Thursday, August 31, 2017

Without Me

Nakita kita sa simbahan. May kasamang iba.

Nagsisimba ka na pala ngayon.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi kita nayayang magsimba. “Hindi ako religious,” ang sabi mo pa.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iniwasan kita. Mas mabuti nang hindi mo ako makita.

***

Pagkatapos ng misa, muling nag-krus ang landas natin.

Sa bookstore sa kalapit na mall. Kasama mo siya.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi mo ako sinamahang mag-bookstore. “Hindi ako mahilig magbasa,” ang sabi mo pa.

Isa uli iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iiwas sana ako subalit nagkasalubong na ang ating mga mata.

***

“Kumusta?” ang bati mo.

“Mabuti,” ang tugon ko.

Ipinakilala mo ako sa kasama mo. Kunwari wala tayong nakaraan.

“Saan kayo galing?” ang chika ko pa.

“Nagsimba,” ang sagot niya.

“Uy, nagsisimba ka na,” ang tukso ko sa’yo.

“Oo. Good boy na ako,” ang sagot mo, nakangiti.

“At nagbabasa na rin,” ang dugtong ko pa.

“Dahil sa kanya,” sabay turo sa kasama mo.

Ngumiti siya at nakita ko sa mga mata niya na proud siya dahil napagbago ka niya.

***

Bitbit ang mabibigat na libro, lumabas ako ng bookstore na mabigat din ang dibdib ko.

Sa huling sulyap, nakita ko kayong masayang nagba-browse.

Willing ka palang magbago at mag-adjust, bakit hindi pa sa akin noon?

Sana tayo pa rin hanggang ngayon.

At sana hindi ako nagbabasa ng romance upang pawiin ang lungkot.


*previously posted as Ex-sena in 2010.

Tuesday, August 29, 2017

Naaalala Ka, Paminsan-Minsan


Kahapon, naalala kita nang makita ko ang isang bata.

Pinagmasdan ko siya habang karga-karga ng kanyang ina.

Ang cute niya. Kamukhang-kamukha mo siya.

Pinanood ko siya habang paulit-ulit niyang tinatanggal ang sumbrerong pilit na isinusuot sa kanya ng kanyang ina. Nagpupumiglas pa siya.

At ako ay natawa.

Ang tigas ng ulo ng bata. Parang ikaw. 

Parang ikaw noong tayo pa.

Wednesday, August 23, 2017

Kadugo


Tradisyon na ang pagtitipong iyon ng mga kaibigan at kapamilya sa kaarawan ng aking ama.

Sa gitna ng pagdiriwang, nakikipagkwentuhan ako sa isa sa aking mga tita nang lumapit sa amin ang isa kong tito.

"Aris, may ipakikita ako sa'yo," ang sabi sabay dukot ng celfone sa kanyang bulsa. May hinanap na larawan at nang makita, izinoom pa sa aking mukha. Nakitingin na rin ang aking tita.

Isang gwapong lalaki, nakangiti. Mga 22 to 23 years old.

"Anak ko sa labas," ang sabi nang tila may pagmamalaki pa. "Si Paolo."

Tumaas ang kilay ng aking tita. Tumango-tango naman ako.

"Kagaya mo rin siya," ang sabi pa.

Napakunot-noo ako. Nandilat naman ang aking tita.

"Pero tanggap ko kung anuman siya," ang dugtong pa ng tito ko. "Anak ko siya, kaya mahal ko siya."

Nagkatinginan kami ng tita ko.

Katahimikan.

"As you were saying, auntie..." ang basag ko pagkaraan.

Tuesday, August 15, 2017

Extra Service


“Male,” ang sabi ko sa counter.

Ngumiti sa akin ang receptionist sabay abot sa menu ng kanilang services.

Bahagya ko iyong sinulyapan. Shiatsu. Swedish. Thai.

“Shiatsu,” ang sabi ko na parang kasingkahulugan na rin ng “whatever” kasi nga hindi ko naman talaga alam ang pagkakaiba ng tatlo.

“Very well, sir,” ang sabi ng receptionist sabay pindot sa buzzer. Tatlong beses. At mula sa kurtina sa kanyang likuran ay sumilip ang isang lalaking kaagad na ngumiti pagkakita sa akin.

“Sir, this is Miguel,” ang sabi ng receptionist. “Siya po ang inyong magiging therapist.”

Tuluyan nang lumabas si Miguel mula sa pagkakakubli. Naka-white sando at jogging pants. He must be 5’8 or 5’9. Moreno at matipuno. Squarish ang panga, mabibilog at mapipilik ang mga mata, makakapal ang mga labi.  

“This way, sir,” ang giya niya sa akin.

Hindi siya perfect but I think I liked what I saw.

***   

Dinala nya muna ako sa isang parang receiving room na may mahabang sofa.

“Footbath muna tayo, sir,” ang sabi. “Pakitanggal na lang ng shoes.”

Naupo ako sa sofa. Umupo sya sa bangkito sa aking harapan at hinawakan ang aking mga paa. One after the other ay maingat niyang inilubog ang mga ito sa maligamgam na tubig ng electric footbath. Nanuot sa aking ilong ang mabangong aroma ng minty herbs na nasa tubig. Hinagod-hagod niya ang aking mga daliri at hinaplos-haplos ang aking talampakan.

Nakadama ako hindi lang ng ginhawa kundi ng kiliti.

Pinagmasdan ko siya. Nakita ko ang mapuputi niyang ngipin nang siya ay ngumiti.

***

Maliit ang cubicle. At madilim ang ilaw. Tila sadyang ikinukubli hindi lamang ang aking masseur kundi pati ang kapaligiran.

“Sir, hubad na po tayo,” ang sabi ni Miguel.

Literal pala ang ibig niyang sabihin ng “tayo” dahil nang maghubad na ako ng damit, sinabayan niya ako. Naghubad siya ng sando at naghubo ng  jogging pants. May shorts siya sa loob na kanyang itinira. Natambad sa akin ang mahahaba niyang legs.

Dumapa ako sa kama nang naka-brief. At saka lang ako naging aware sa background music. Kenny G. What the f! Asan na ang mga huni ng ibon at lagaslas ng tubig?

Ang unang dampi ng mga palad ni Miguel sa aking likod ay tila naghatid ng chills sa aking kabuuan. Matatag iyon, lalaking lalaki. Una niya munang ikinalat ang oil sa aking likod pababa sa balakang. At nagulat ako nang bigla niyang hinaklit ang aking brief.

“Sir, tanggalin na natin ito,” ang sabi. “Para hindi malagyan ng oil.” At bago pa ako nakatutol, hinubo niya na iyon. Pinahiran niya na rin ng langis ang aking butt cheeks. Pagkatapos ay kaagad nya rin naman akong  tinakpan ng towel.

At doon na nagsimula ang kanyang pagmamasahe.

***

Nakapikit ako. Pilit na iwinawaksi ang epekto ng erotikong musika ni Kenny G. Ewan ko kung bakit ang bawat pagdiin ng mga daliri ni Miguel sa masasakit na bahagi ng aking katawan ay tila pagduro rin sa aking kamalayan ng mga nakakikiliting isipin. At dahil hindi ko naman siya nakikita, tila nasa balintataw siya ng aking isip na nanunukso ang bawat galaw, nag-aanyaya, nang-aakit. Bukod sa haplos ng kanyang mga kamay, dama ko rin ang pagkiskis ng kanyang mga binti sa aking balat.

Napaungol ako nang dumako siya sa aking puwet. Masinsinan niya iyong hinagod. At doon ko naramdaman ang mga pahapyaw nyang sundot sa aking butt crack. Dedma lang ako kunwari subalit  hindi ko naitago ang excitement dahil kaagad akong nagkaroon ng erection.

Bahagya akong napapitlag nang maramdaman ko ang strokes na kumalabit sa aking bayag.

***

Sapo-sapo ko ang towel sa aking harapan dahil ayokong malantad sa kanya ang aking kahubdan.

Nakatihaya na ako at ngayo’y minamasahe na sa dibdib. Pilit kong inaninag ang kanyang itsura sa malapitan. Kung saan-saan dumako ang aking mga mata sa kanyang kabuuan, kung paanong dumako rin sa kung saan-saan ang kanyang mga kamay sa aking katawan.

Napapikit ako nang agawin niya sa akin ang towel. Higit akong naghumindig nang sinimulan niyang hagurin ang aking mga singit, pati na ang aking mga hita, na ewan ko naman kung bakit sa bawat muwestra ay hindi maiwasang masagi ang aking ari.

Kaagad akong nagmulat nang maramdaman ko ang kanyang lantarang paghaplos at pagpisil sa aking maselang bahagi.

Sinalubong niya ang aking mga mata na bagamat madilim ay nanuot sa akin ang kanyang titig.

“Sir, extra service?” ang halos pabulong niyang sabi.

***

Mahina ako subalit pilit ko pa ring hinanapan ng lakas ang kahinaan ko.

Ipinagpasya kong makipaglaro, sukatin ang hangganan ng kakayahan kong magtimpi.

Ang simpleng pag-aalok ng extra service ay isang tunggalian sa pagitan ng buyer at seller. Matira ang matibay. Manalo ang mahusay.

“Magkano?” ang tanong ko.

“1K,” ang maiksing sagot.

“Mahal,” ang sabi ko.

Katahimikan.

Nakikiramdam si Miguel, alam ko. Hinihintay niya na ako ang hindi makatiis na muling magsalita. Subalit determinado ako na paghintayin siya.

Dedma lang ako kunwari na hindi na interesado sa alok nya.

“Kasama na doon ang romansa.” Siya ang hindi nakatiis.

Tahimik ako.

“Hand job,” ang dugtong niya pa.

Tahimik pa rin ako.

“Pwede rin akong magpalabas.”

“Pag-iisipan ko muna,” ang sagot ko. “Meanwhile, tapusin na muna natin ang masahe.”

Ipinagpatuloy niya ang pagmamasahe. At dahil siguro sa alok niya kung kaya’t para siyang nagkaroon ng pahintulot na manaka-nakang hagurin ang sentro ng aking pagkalalaki.

Nang matapos ang masahe, balik kami sa negosasyon.

“Sir…” ang untag niya uli.

“Uhum?”

“Sige na, sir, pa-service ka na.”

Pinagmasdan ko siya. May nakita akong  tila pagsusumamo sa kanyang mga mata.

“Kung namamahalan ka sa isang libo, sige, kahit seven hundred na lang.”

Napatitig ako sa kanya subalit hindi ako nagsalita.

Tumango ako. Hindi dahil minurahan niya ang singil kundi dahil bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya.

He proceeded to do his thing. Sa una’y parang distracted ako, parang hindi ko lubusang ma-enjoy ang sensasyong dulot ng aming pagniniig dahil iniisip ko na bumigay na naman ako, nagpadala sa kahinaan ko.

Gayunpaman, nairaos din namin ang init. Sinabayan namin ang sirit ng background music. Ang tuwalya na kanina ay pantakip, naging pamunas na ng katas at pawis.

Nag-alok siya ng hot towel.

Siya mismo ang nagpunas sa akin. Maingat, aakalain mong may pag-ibig.

At nang makapagbihis, iniabot ko sa kanya ang seven hundred.

Nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha.

“Thank you, sir,” ang sabi. “Please come again.”

Nginitian ko siya bago ako tuluyang lumabas ng cubicle.

Monday, August 14, 2017

Just Friends


“Aris, Tonio here. Nasaan na kayo? Pinatatanong ni Christian.”

“Oh hi, Tonio. Magkasama na kayo?”

“Yup, nandito na kami sa High Street.”

“Nasa shuttle bus na kami.”

“Who’s with you?”

“Allen.”

“Nice. Meet you at Starbucks. Christian’s excited to see you.”

“Really?”

Nakangiti ako nang ibaba ko ang telepono. I’m excited too na makita si Christian. No, wala kaming something. We’re just friends. Sila pa ni Tonio ang may something. Kaya lang “kabit” lang si Tonio dahil si Christian ay matagal nang in a relationship.

As I’ve said friends lang kami. Special friends dahil may kakaiba sa friendship namin ni Christian. We are extra affectionate with each other. We are very expressive about how we feel. Lalong-lalo na kapag nagkikita kami. At hindi yun madalas. The last time was noong Summer na nag-Puerto Galera kami.

***

Halata yatang stressed-out ako kaya out-of-the-blue, nag-offer si Christian na i-massage ako.

“Seryoso?” ang sabi ko.

“Oo,” ang sagot nya.

How can I resist, di ba? Massage on a beachfront cottage. It was so perfect.

And so, pinadapa niya ako. Isa-isa niyang tinanggal ang damit ko. Kumot na lang ang natirang pantakip sa katawan ko.

Nilagyan niya ng lotion ang likod ko at sinimulan nyang hagurin ang sore spots ko.

Napapikit at napa-aaahh ako. He has big, strong hands. His strokes are hard just the way I want them.

Habang naglalakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan, wala akong malisyang naramdaman. Walang na-induce na anumang reaksyong sekswal mula sa akin. O sa kanya. Sa halip ang naramdaman ko ay pagmamahal na nanggagaling sa mga hagod nya, sa kagustuhang mabigyan ako ng ginhawa.

Habang dinidiinan at dinudurog nya ang mga tension bulges sa balikat, likod at balakang ko, nadama ko rin ang pag-uumapaw ng emosyon ko – magkahalong lungkot at saya na hindi maipaliwanag – na parang gusto kong maiyak sa pagpapasalamat sa kanya.

Inantok ako dahil sa kanyang ginagawa. At bago ako tuluyang nakatulog, narinig ko pa ang bulong niya.

“I love you.”

***

Sa Galera rin nagsimula ang relasyon nila ni Tonio. Isang gabi, basta na lang sila nawala at hindi namin nakasabay mag-dinner. Late na nang bumalik sila sa cottage – nag-iinuman na kami – at may kakaibang ningning sa kanilang mga mata. We knew it. They went to somewhere private at doon may nangyari. Hindi man nila aminin, obvious na obvious. At sa halip na magselos, na-amuse ako. Ang tinik din talaga ni Christian. May jowa na at lahat and yet…

Jumoin sila sa inuman namin. Tumabi sila sa akin, sa magkabila ko. At habang nalalasing, salitan ang naging pagbulong nila sa akin.

“Aris, I think I’m in love with him,” ang sabi ni Tonio.

“Aris, I’m confused,” ang sabi naman ni Christian.

Sinabi ko kay Tonio ang totoo, na taken na si Christian. Okay lang daw sa kanya ang maging number two.

“Hindi ako worried basta hindi ikaw ang karibal ko,” ang dugtong pa.

“What?” Napatingin ako sa kanya na parang takang-taka sa tinuran niya.

“He’s in love with you.”

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “You know very well na friends lang kami.”

“Yeah. Special friends. Yan ang mas nakakatakot dahil between two special friends, pure love at special bond ang namamagitan. Mahirap silang paghiwalayin.

As if on cue at tila pagkumpirma, naramdaman ko ang pag-akbay ni Christian.  Pinisil-pisil nya pa ang balikat ko.

***

Napapangiti ako sa mga alaalang iyon at ngayon nga, after three months, nag-decide ang Galera group namin na mag-reunion. At si Christian na hindi sumasagot sa mga text ko ay finally nagparamdam thru Tonio (nalaman ko kinalaunan na nasa Korea pala kasi siya nung tinetext ko).

Nakababa na kami sa shuttle bus at naglalakad na patungo sa Starbucks nang muling tumunog ang phone ko. Si Christian.

“Hey, Aris.”

“Hi, Christian.”

“Asan na kayo?”

“Lapit na diyan.”

“Bilisan nyo. Kayo na lang ang hinihintay.”

Pagsapit namin sa tagpuan, naroon  na nga ang lahat. Beso-beso, hello-hello.

Tila sinasadyang nagpahuli sa pagbeso at pag-hello si  Christian. Nagyakap kami. Mainit. Mahigpit. Puno ng pananabik. Spontaneously, nagdampi ang aming mga labi na parang normal lang, na parang palaging nangyayari. At nagkasabay pa kami sa pagbulong ng “I love you.”

Sa gilid ng aking mga mata, nasilip ko na nakatingin si Tonio na tila naninibugho.

***

Nagtungo kami sa Petals, bagong bukas na club sa BGC. Exclusive daw ang bar at hindi basta-basta nagpapapasok (Studio 54, isdatchu?). Mahaba ang pila at sa kabila ng discriminatory admittance, nakapasok naman kaming lahat.

Sa loob, daming bata, daming guwapo. I felt old, really! Kailangan ko na yata talagang tanggapin na tapos na ang pamamayagpag ng aming henerasyon. Ang bilis ng panahon. Parang Project Runway lang: “one day you’re in and the next day you’re out.” Oh well…

Circulate. Circulate.

So this is the club scene now. Meron pa rin namang mga pamilyar na mukha subalit dahil na rin sa pagkaka-displace namin sa pagsasara ng Bed, sa paglipat ng Obar at sa pagkamatay ng Malate ay parang nagkakahiyaan na kaming magbatian at magchikahan. At katulad ko, parang nakikimi na rin silang makisalamuha sa mga bagong mukha.

And so lumabas na lang kami ng best friend kong si Allen. May nakita kaming inuman na katabing-katabi ng Club. Japanese bar na medyo mahal but then al fresco, kaya sige na. Umorder kami ng isang bucket na SanMig Light at sinimulan naming mag-reminisce ng nakaraan. Noong mga panahong kami ang nagrereyna-reynahan, kami ang nagbibida-bidahan.  Kaydali lang noong magpaibig, kaydali lang makipaglaro.  At habang binabalikan namin ang nakaraan, tila higit kong nararamdaman ang lamig ng pagiging single. At napapag-isip: inaksaya ko nga ba ang aking kabataan kung kaya’t hindi ako nagkaroon ng meaningful relationship?

***

But I’ve changed. Nagbago na ako, matagal na. Kasabay ng pagkaka-edad ay ang reyalisasyon na ang buhay ay hindi isang laro lamang, lalo na ang pag-ibig. Na kailangan mong mag-settle down with somebody. Na hindi ka maaaring mabuhay nang mag-isa. Kaya kahit nag-depreciate na ang market value, I am not giving up on love. Marami pa rin namang maaaring magkagusto. It is just a matter of time bago ako muling makahanap ng iibigin at magiging forever ko.

Meanwhile, I have my special friendships and relationships I should be thankful for.

Like Allen here na sa hirap at ginhawa sa matagal na panahon (panahon pa ng Club Bath at Red Banana) ay kasama ko na.

At si Christian na sa kabila ng pagiging kaibigan lang ay kakaibang pagmamahal ang sa akin ay ipinapadama.

***

Nakakadalawang bucket na kami ni Allen nang mamataan namin ang paglabas nina Christian at Tonio mula sa Petals. Tinawag sila ni Allen at niyayang  jumoin sa amin.

“Where are you going?” ang tanong ni Allen.

“Pauwi na sana,” ang sagot ni Christian.

“Maaga pa,” ang sabi ko.

“May pupuntahan pa kami,” ang sabi ni Tonio.

“Oh,” ang sabi ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Christian. Hindi na namin kailangang magsalita upang magkaintindihan.

“Tutuloy na kami,” ang pagmamadali ni Tonio.  

Tumayo ako at nagyakap kami ni Christian. Mahigpit.

Kusang nagdampi ang aming mga labi.

“I love you,” ang sabay naming sabi.

Dumukot siya sa kanyang bulsa. Isang napakaliit na stuffed toy ang kanyang kinuha.

“Pasalubong ko sa'yo. Galing Korea.”