Wednesday, August 23, 2017
Kadugo
Tradisyon na ang pagtitipong iyon ng mga kaibigan at kapamilya sa kaarawan ng aking ama.
Sa gitna ng pagdiriwang, nakikipagkwentuhan ako sa isa sa aking mga tita nang lumapit sa amin ang isa kong tito.
"Aris, may ipakikita ako sa'yo," ang sabi sabay dukot ng celfone sa kanyang bulsa. May hinanap na larawan at nang makita, izinoom pa sa aking mukha. Nakitingin na rin ang aking tita.
Isang gwapong lalaki, nakangiti. Mga 22 to 23 years old.
"Anak ko sa labas," ang sabi nang tila may pagmamalaki pa. "Si Paolo."
Tumaas ang kilay ng aking tita. Tumango-tango naman ako.
"Kagaya mo rin siya," ang sabi pa.
Napakunot-noo ako. Nandilat naman ang aking tita.
"Pero tanggap ko kung anuman siya," ang dugtong pa ng tito ko. "Anak ko siya, kaya mahal ko siya."
Nagkatinginan kami ng tita ko.
Katahimikan.
"As you were saying, auntie..." ang basag ko pagkaraan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
ur stories sobrang interesting hehehe..
very controversial but i like it..
aris add kita sa roll, add mo rin ako pls newbie...
thank you
https://perfectlyimperfectpictures.blogspot.com/
@anonymous 4:07: hello. thank you for reading my blog. i've added you to my links. :)
Post a Comment