Monday, August 14, 2017

Just Friends


“Aris, Tonio here. Nasaan na kayo? Pinatatanong ni Christian.”

“Oh hi, Tonio. Magkasama na kayo?”

“Yup, nandito na kami sa High Street.”

“Nasa shuttle bus na kami.”

“Who’s with you?”

“Allen.”

“Nice. Meet you at Starbucks. Christian’s excited to see you.”

“Really?”

Nakangiti ako nang ibaba ko ang telepono. I’m excited too na makita si Christian. No, wala kaming something. We’re just friends. Sila pa ni Tonio ang may something. Kaya lang “kabit” lang si Tonio dahil si Christian ay matagal nang in a relationship.

As I’ve said friends lang kami. Special friends dahil may kakaiba sa friendship namin ni Christian. We are extra affectionate with each other. We are very expressive about how we feel. Lalong-lalo na kapag nagkikita kami. At hindi yun madalas. The last time was noong Summer na nag-Puerto Galera kami.

***

Halata yatang stressed-out ako kaya out-of-the-blue, nag-offer si Christian na i-massage ako.

“Seryoso?” ang sabi ko.

“Oo,” ang sagot nya.

How can I resist, di ba? Massage on a beachfront cottage. It was so perfect.

And so, pinadapa niya ako. Isa-isa niyang tinanggal ang damit ko. Kumot na lang ang natirang pantakip sa katawan ko.

Nilagyan niya ng lotion ang likod ko at sinimulan nyang hagurin ang sore spots ko.

Napapikit at napa-aaahh ako. He has big, strong hands. His strokes are hard just the way I want them.

Habang naglalakbay ang kanyang mga kamay sa aking katawan, wala akong malisyang naramdaman. Walang na-induce na anumang reaksyong sekswal mula sa akin. O sa kanya. Sa halip ang naramdaman ko ay pagmamahal na nanggagaling sa mga hagod nya, sa kagustuhang mabigyan ako ng ginhawa.

Habang dinidiinan at dinudurog nya ang mga tension bulges sa balikat, likod at balakang ko, nadama ko rin ang pag-uumapaw ng emosyon ko – magkahalong lungkot at saya na hindi maipaliwanag – na parang gusto kong maiyak sa pagpapasalamat sa kanya.

Inantok ako dahil sa kanyang ginagawa. At bago ako tuluyang nakatulog, narinig ko pa ang bulong niya.

“I love you.”

***

Sa Galera rin nagsimula ang relasyon nila ni Tonio. Isang gabi, basta na lang sila nawala at hindi namin nakasabay mag-dinner. Late na nang bumalik sila sa cottage – nag-iinuman na kami – at may kakaibang ningning sa kanilang mga mata. We knew it. They went to somewhere private at doon may nangyari. Hindi man nila aminin, obvious na obvious. At sa halip na magselos, na-amuse ako. Ang tinik din talaga ni Christian. May jowa na at lahat and yet…

Jumoin sila sa inuman namin. Tumabi sila sa akin, sa magkabila ko. At habang nalalasing, salitan ang naging pagbulong nila sa akin.

“Aris, I think I’m in love with him,” ang sabi ni Tonio.

“Aris, I’m confused,” ang sabi naman ni Christian.

Sinabi ko kay Tonio ang totoo, na taken na si Christian. Okay lang daw sa kanya ang maging number two.

“Hindi ako worried basta hindi ikaw ang karibal ko,” ang dugtong pa.

“What?” Napatingin ako sa kanya na parang takang-taka sa tinuran niya.

“He’s in love with you.”

Bahagya akong natawa sa sinabi niya. “You know very well na friends lang kami.”

“Yeah. Special friends. Yan ang mas nakakatakot dahil between two special friends, pure love at special bond ang namamagitan. Mahirap silang paghiwalayin.

As if on cue at tila pagkumpirma, naramdaman ko ang pag-akbay ni Christian.  Pinisil-pisil nya pa ang balikat ko.

***

Napapangiti ako sa mga alaalang iyon at ngayon nga, after three months, nag-decide ang Galera group namin na mag-reunion. At si Christian na hindi sumasagot sa mga text ko ay finally nagparamdam thru Tonio (nalaman ko kinalaunan na nasa Korea pala kasi siya nung tinetext ko).

Nakababa na kami sa shuttle bus at naglalakad na patungo sa Starbucks nang muling tumunog ang phone ko. Si Christian.

“Hey, Aris.”

“Hi, Christian.”

“Asan na kayo?”

“Lapit na diyan.”

“Bilisan nyo. Kayo na lang ang hinihintay.”

Pagsapit namin sa tagpuan, naroon  na nga ang lahat. Beso-beso, hello-hello.

Tila sinasadyang nagpahuli sa pagbeso at pag-hello si  Christian. Nagyakap kami. Mainit. Mahigpit. Puno ng pananabik. Spontaneously, nagdampi ang aming mga labi na parang normal lang, na parang palaging nangyayari. At nagkasabay pa kami sa pagbulong ng “I love you.”

Sa gilid ng aking mga mata, nasilip ko na nakatingin si Tonio na tila naninibugho.

***

Nagtungo kami sa Petals, bagong bukas na club sa BGC. Exclusive daw ang bar at hindi basta-basta nagpapapasok (Studio 54, isdatchu?). Mahaba ang pila at sa kabila ng discriminatory admittance, nakapasok naman kaming lahat.

Sa loob, daming bata, daming guwapo. I felt old, really! Kailangan ko na yata talagang tanggapin na tapos na ang pamamayagpag ng aming henerasyon. Ang bilis ng panahon. Parang Project Runway lang: “one day you’re in and the next day you’re out.” Oh well…

Circulate. Circulate.

So this is the club scene now. Meron pa rin namang mga pamilyar na mukha subalit dahil na rin sa pagkaka-displace namin sa pagsasara ng Bed, sa paglipat ng Obar at sa pagkamatay ng Malate ay parang nagkakahiyaan na kaming magbatian at magchikahan. At katulad ko, parang nakikimi na rin silang makisalamuha sa mga bagong mukha.

And so lumabas na lang kami ng best friend kong si Allen. May nakita kaming inuman na katabing-katabi ng Club. Japanese bar na medyo mahal but then al fresco, kaya sige na. Umorder kami ng isang bucket na SanMig Light at sinimulan naming mag-reminisce ng nakaraan. Noong mga panahong kami ang nagrereyna-reynahan, kami ang nagbibida-bidahan.  Kaydali lang noong magpaibig, kaydali lang makipaglaro.  At habang binabalikan namin ang nakaraan, tila higit kong nararamdaman ang lamig ng pagiging single. At napapag-isip: inaksaya ko nga ba ang aking kabataan kung kaya’t hindi ako nagkaroon ng meaningful relationship?

***

But I’ve changed. Nagbago na ako, matagal na. Kasabay ng pagkaka-edad ay ang reyalisasyon na ang buhay ay hindi isang laro lamang, lalo na ang pag-ibig. Na kailangan mong mag-settle down with somebody. Na hindi ka maaaring mabuhay nang mag-isa. Kaya kahit nag-depreciate na ang market value, I am not giving up on love. Marami pa rin namang maaaring magkagusto. It is just a matter of time bago ako muling makahanap ng iibigin at magiging forever ko.

Meanwhile, I have my special friendships and relationships I should be thankful for.

Like Allen here na sa hirap at ginhawa sa matagal na panahon (panahon pa ng Club Bath at Red Banana) ay kasama ko na.

At si Christian na sa kabila ng pagiging kaibigan lang ay kakaibang pagmamahal ang sa akin ay ipinapadama.

***

Nakakadalawang bucket na kami ni Allen nang mamataan namin ang paglabas nina Christian at Tonio mula sa Petals. Tinawag sila ni Allen at niyayang  jumoin sa amin.

“Where are you going?” ang tanong ni Allen.

“Pauwi na sana,” ang sagot ni Christian.

“Maaga pa,” ang sabi ko.

“May pupuntahan pa kami,” ang sabi ni Tonio.

“Oh,” ang sabi ko.

Nagtama ang mga mata namin ni Christian. Hindi na namin kailangang magsalita upang magkaintindihan.

“Tutuloy na kami,” ang pagmamadali ni Tonio.  

Tumayo ako at nagyakap kami ni Christian. Mahigpit.

Kusang nagdampi ang aming mga labi.

“I love you,” ang sabay naming sabi.

Dumukot siya sa kanyang bulsa. Isang napakaliit na stuffed toy ang kanyang kinuha.

“Pasalubong ko sa'yo. Galing Korea.”

4 comments:

John Ahmer said...

i have the same just friends relationship. perhaps some people are meant to be friends having...having special feelings and thoughts of one another.

citybuoy said...

Grabe this feels like a classic Aris post! We've missed you!

wanderingcommuter said...

ang dakilang kwentista. same feels! walang kupas!

Drama King said...

Grabe 'yung feels. Relate na relate naman ako! Lalo na sa Malate parts! HAHAHA. Ibang-iba na club scene ngayon. Nakakamiss Malate.