Wednesday, February 28, 2018

Unang Gabi


Babangon sana si Alberto subalit pinigilan siya ni Leandro.

Lumapit sa kanila si Henry. “Pagbigyan na natin si Leandro,” ang sabi.

Napakunot-noo si Alberto.

Lumipat ang tingin ni Henry kay Leandro, humihingi ng saklolo.

“Noon pa ma’y gusto na kita,” ang sabi ni Leandro. “Unang kita ko pa lamang sa iyo’y pinagnasaan na kita. Hindi ko nga lang nagawang sabihin noon dahil hindi pa hayag ang tunay na pagkatao ko. Subalit ngayon, naririto ka at wala na akong dapat itago. Ito na ang tamang pagkakataon upang bigyang katuparan ang matagal ko nang pagnanasa sa’yo.”

Napatingin si Alberto kay Henry, nagtatanong.  

Tila nabasa ni Henry ang nasa kanyang isip. “Hindi ka niya nalimot,” ang sabi nito. “Kahit noong nagkarelasyon sila ni Miguelito. Kaya nga nabaling sa akin ang kanyang pagtingin dahil magkamukha raw tayo. Okay lang sa akin iyon. Alam ko na kapag kami ay nagse-sex, ikaw ang kanyang naiisip. Okay lang din sa akin iyon. Open si Leandro tungkol sa mga pantasya niya sa’yo at tanggap ko iyon. Nito ngang huli, ang pantasya niya ay ang makaniig ka... at ako... nang sabay. Ang sabi niya, iyon ang magbibigay sa kanya ng lubos na kaligayahan at ayokong ipagkait sa kanya iyon.”

Muli ay tila nagbara ang kanyang lalamunan. Hindi siya makapaniwala. Nais niya mang tumutol, hindi niya alam ang sasabihin o gagawin. Tila nawalan siya ng lakas at nanatili na lamang siyang nakatingin.

“Pagbigyan na natin si Leandro,” ang ulit ni Henry habang nagtatanggal ng damit.

Naghubad na rin si Leandro. At pagkatapos ay hinubaran na rin siya nito.

Ilang sandali pa’y hubo’t hubad na silang tatlo.

Hindi niya alam kung bakit nagpaubaya na lang siya. Marahil, dahil sa pagkabigla. Maaaring dahil sa likod ng kanyang isip ay naroroon ang pag-iwas na maka-offend dahil nga sa utang na loob ng pagpapatuloy sa kanya. O maaari rin namang dahil sa ang nangyayari ay gusto niya rin, hindi nga lang niya maamin.

Muli niyang naramdaman ang paggapang ng mga kamay ni Leandro. Gayundin ang mga kamay ni Henry. Napapikit na lamang siya. Hanggang sa ang pandama ng mga palad ay naging pandama ng mga labi. Mainit-init, mamasa-masa. Maya-maya pa’y sumiping na sa kanya ang dalawa.

Nilingkis siya ng mga bisig at binti sabay sa patuloy na paghimas, paghaplos at pagdampi. 

1 comment:

Arvin U. de la Peña said...

ayos din ang kuwento..magaling ka magsulat..