Saturday, July 14, 2018

Ten

This should have been posted last July 6. But as usual, nakalimutan ko na naman. Sorry, hindi talaga ako ganoon ka-thoughtful. But anyway, the important thing is, I remembered.

Today is my blog’s 10th anniversary! (fireworks)

Wow, ten years! What can I say? Naging madalang man ang posts ko, ang mahalaga, buhay pa rin ako. Hindi ko pa rin tuluyang isinasara ang blog ko.  At kahit malalayo ang pagitan, patuloy pa rin naman ako sa pagpo-post. I haven’t stopped writing. Medyo pahirapan lang makahanap ng time na in the mood at inspirado akong  magsulat dahil na rin sa stress at pagod sa work.

Pero sabi ko nga, I never stopped. Mahal ko ang pagsusulat at kailangan ko lang magpahinga paminsan-minsan pero hinding hindi ako titigil.

At upang patunayan ito at ipagdiwang na rin ang ika-sampung anibersaryo ng blog ko, may I present to you my new book! Not an ebook but a printed book. Finally! Nabigyan din ng katuparan ang matagal ko nang pangarap, ten years after sinimulan ko ang blog ko. At kanino ko pa ba ito ihahandog kundi sa inyo, mga tapat kong kaibigan at mambabasa.


Abangan sa Agosto. Limited copies only. Bili na po kayo.

3 comments:

Kokoi said...

Congrats, Aris!!! Galing! May libro na sya!!!

Arvin U. de la Peña said...

congrats sa 10th year ng blog mo...

Overthinker Palaboy said...

Congrats, Aris! Happy ten years!