Yakap sa taglamig ang iyong pagdating na dahil sa higpit,
tumagos sa puso ko ang init. Salat man sa pangako ay aking dadamhin at ipananalangin
na ika’y manatili’t huwag bumitiw.
At kung sakali man na kumalas ang iyong mga bisig, ipagpapasalamat ko pa rin ang mga sandaling ika’y nakapiling. Hahayaan kitang umalis upang hanapin ang nais; at kung magbabalik, yayakapin kita at tatanggapin nang buong pananabik.



