“Hi. Musta?”
Surprised ako sa text mo. Lumukso pa ang puso ko. It has been ages since I last heard from you.
Kahit nasa gitna ako ng sobrang ka-busy-han, nag-reply ako: “Buti. May exhibit ako ngayon.”
The last time I participated in an exhibit, you attended. Kaka-break lang natin noon pero dumating ka. Mas na-surprise ako noon.
Ikaw: Bakit di mo ako invite?
Ako: Baka kasi di ka pumunta.
Ikaw: Syempre, punta ako kung invite mo ako.
Ako: Talaga?
Ikaw: Akala ko nasa house ka.
Ako: Why?
Ikaw: Am here near your house. Sunduin sana kita. Coffee tayo.
Huh? Bakit? Antagal-tagal na nating wala. May jowa ka na. Antagal-tagal mo na ring walang paramdam. Nakalimutan na kita. Tapos, heto ka na naman.
Ikaw: What time ka uwi?
Ako: Mga 10pm siguro.
Ikaw: Text me. Maybe we can still meet.
Why oh why? Kailangan pa ba talaga? Kahit isipin ko man na friends na lang tayo at wala nang ibang kahulugan ang mga ganitong pagkikita, heto, bumabalik na naman sa akin ang ating nakaraan. Ikaw talaga, bakit parang hindi mo magawang tuluyan na akong iwanan at pabayaan? Mahirap ito para sa akin, alam mo ba, kasi parang pinag-iisip mo ako… pinapaasa mo ako… na may pag-asa pa rin tayong magpatuloy na dalawa.
Pero kapag ganito, nakakadama rin ako ng excitement. Excited ako na andyan ka na naman at gusto mo akong makita. Sa totoo lang, gusto rin kitang makita… makausap… makumusta. Pero kadalasan kapag ganito, pagkatapos nating magkita, nalulungkot lang ako. Kaya as much as possible, ayaw ko na sana ng ganito.
Ewan ko ba, what’s with you. Bakit kaya kahit nakakalimutan na kita… kapag nagparamdam ka, balik na naman ang feelings ko sa’yo na parang hindi nawala. Isang text mo lang parang napindot na naman ang switch ng puso ko at muling magsisindi ang pagmamahal ko sa’yo.
Siguro dahil iba ka at iba ang naging pagmamahal ko sa’yo. Kahit sinaktan mo ako noon, naroroon pa rin, hindi nawawala ang pagtatangi ko sa’yo. Siguro dahil din sa mga maliliit na bagay na patuloy mo pa ring ginagawa para sa akin na nagpapakitang mahalaga pa rin ako sa’yo… na naaalala mo pa rin ako… na ayaw mong maputol ang ating connection… na gusto mo pa rin akong i-keep sa buhay mo… kahit bilang isang kaibigan na lang. Katulad ngayon, nagparamdam ka na naman… nangungumusta… nag-iimbita after a long, long time na wala akong balita sa’yo.
Pero mahirap sa akin ito. Minsan nga, pakiramdam ko, parang pinaglalaruan mo lang ako. Magkikita tayo… mag-uusap… mag-e-enjoy ako sa company mo. Tapos, balik ka uli sa jowa mo. Malulungkot ako at mami-miss kita.
Effort na naman ang gagawin kong paglimot sa’yo. And back to square one ako.
Ewan ko ba sa sarili ko, parang hindi na ako natuto. Makailang beses nang nangyari ito pero parang wala akong kadala-dala. Kahit alam kong masasaktan ako pagkatapos, sige pa rin ako.
Katulad ngayon, pagdating ko, tinext kaagad kita: “Home na.” kahit kaninang nasa sasakyan ako, paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili na “No! No! No!”
“Will pick you up. Wait lang po,” sagot mo.
Nakapagpalit na ako ng damit. Nakapag-ayos na. At naghihintay sa’yo, excited na makita kang muli.
Sabado ngayon. Who knows, baka after coffee, yayain mo ako sa Malate. Kahit hindi ako dapat magpuyat ngayong gabi, sasama ako sa’yo sa Bed.
Gusto kong magsayaw tayo katulad ng dati.
I just want to hold you close to me.
Kahit sandali.
8 comments:
Hi Aris - "be strong.." nyahaha. ;)
There is always that someone in the past that when they make a sudden unannounced appearance in our present we go back to the days that they mean so much to us making us realize that we may have never moved on or he was just too much for us to let go.
"All in One Night" happened last Sep 6. Were you there? At times when I am Bed, I smile knowing that I might have bumped into you yet we totally are unaware of it. Totally unknown to each other in Malate yet I know much about you from your stories. :)
@tristan: hello. i will be. pwamis hehe! :)
@joaqui: he is too much to let go. nagugulo ako kapag nagbabalik siya.
sayang, di na kami nakapag-bed last sat. nag-usap lang kami nang nag-usap over coffee and yosi.
ako din, naiisip ko na baka nagkakabanggaan na tayo sa bed di natin alam hehe! darating yung time na magkakakilala rin tayo. tc. :)
I guess, you will not feel that way if you too are in a relationship. I am totally just guessing. :)
Yeah, in time maybe we will. ;)
@joaqui: palagay ko, tama ka.
in time... :)
may mga past talagang mahirap kalimutan. we exert all our efforts in doing so, pero parang hopeless.
ang payo ko, i-enjoy mo na lang. joke!
okay, ngayon ko lang napagtanto na i was wrong sa comment ko on one of your entries. so totoong lugar ang bed at silya? hahaha. amf. ang noob ko. :D pasensya.
@sephy ganzon: hehe! ok lang naman, sephy. maybe i was wrong to assume that they're that popular. thanks for your comments. sana ma-enjoy mo rin ang iba ko pang mga entries. tc. :)
Post a Comment