Wednesday, September 17, 2008

Witching Hours

At dahil naubusan ng Strong Ice sa Silya, Red Horse ang ininom ko. We sang a few songs sa videoke habang umiinom. Sa sobrang enjoy sa kantahan at kwentuhan, napadami ang inom ko. At dahil Red Horse, sobrang lakas ng naging tama ko. Masarap sa pakiramdam, para akong lumulutang.

Lalong na-enhance ang aking happy mood pagpasok namin sa Bed. The party was in full swing. I immediately got caught in the whirl of things. I had a brush with two cuties, one after the other. The usual dancing, flirting and kissing.

Then I met RN. He is 5’11 and he has an innocent face. Attracted kaagad ako sa kanya. Nagkatinginan muna kami at nagkangitian. We moved closer to each other and then we started dancing. We held each other and we were both smiling.

We kissed. Sa sobrang tangkad niya, kinailangan kong tumingkayad (I am only 5’9) to meet his lips. It was so nice and sweet, almost romantic. We stayed together half of the evening.

Then I lost him. I went to the restroom. He promised to wait for me pero pagbalik ko, wala na siya. Baka niyaya na ng mga kasama niyang umuwi. Baka sumama na sa iba. Hinanap ko siya, pero hindi ko na nakita. Hindi man lang kami nakapag-exchange numbers. Oh, well… I am getting used to this.

I decided to rejoin my friends. Papunta sa kinaroroonan nila, I was stopped by a group of tall chinese-looking guys na tipong mga basketbolista. (What’s with this night? Ang tatangkad ng mga tao!) They were sipping blue frog from a pitcher and they were offering me to drink. I was refusing but they were insisting. Inakbayan pa nila ako. Pinagbigyan ko sila, I took a short sip. They wanted me to drink some more and to dance with them. I realized they were all drunk. I said thank you sabay kawala sa mga akbay nila. Lumayo kaagad ako. Ayokong ma-gangbang noh!

I took refuge in the company of my friends. We danced to our favorite music na magkakasunod na pinatugtog. Then I noticed him, nagsasayaw rin sa aming likuran.

He was chinese-looking (na naman?) pero hindi sobrang tangkad (magka-height lang kami). Mag-isa lang siya. At dahil ako ang pinakamalapit sa kanya, hinarap ko siya. Ngumiti ako. Ngumiti siya. At nagsayaw kami na magka-partner.

MD ang pangalan niya. He has bee-stung lips and gym-toned arms and chest. When he wrapped his arms around me, I felt so protected. When he kissed me, it was like savoring a luscious fruit. We did other naughty things while we were dancing. I was so warmed up nang magyaya siyang umakyat sa ledge.

It was like bringing ourselves to the next level. There, we continued to dance and hug and kiss na parang kami lang ang tao sa mundo. Masyado kaming naging absorbed sa isa’t isa, nakalimutan namin ang oras. We did not even notice na nabawasan na ang tao sa ledge at kami na lang and two other pairs ang nagsasayaw.

Manipis na rin ang tao sa dancefloor kasi nag-uumaga na pala. Nagyaya nang lumabas ang mga friends ko. I invited MD to join us for breakfast. He said ok.

We went to Silya and ordered breakfast. I introduced MD to my friends. I could tell they liked him. Ang mga friends ko, kapag ayaw nila sa ipinapakilala ko, tahimik lang sila. Pero kay MD, kausap sila nang kausap, tanong sila nang tanong. They kept on looking at me with approval in their eyes. I was just smiling.

MD was extra sweet sa akin during breakfast. He was stealing kisses. Panay ang akbay at yakap niya sa akin. Panay din ang holding hands namin. Kulang na lang, magsubuan kami ng pagkain. “Oh my gosh,” ang sabi ko sa sarili. “Is he the one?”

Sa sobrang aliw ng mga friends ko, piniktyuran nila kami. Sa bawat click ng camera, MD would hold me close to him at ididikit niya ang ulo o mukha niya sa akin. Ang sweet, para kaming lovers. Kilig na kilig at botong-boto ang mga friends ko. They even randomly planned an outing in Tagaytay next week at hindi raw pwedeng mawala si MD kasi partner-partner daw dapat. “Sure. Just let me know,” was MD’s answer. Kaagad niyang itinayp ang number niya sa celfone ko. At miniscol ko siya.

After breakfast, naglakad kami sa Nakpil patungong Taft para kumuha ng taxi. Ako, si MD at ang bestfriend kong si AC. Nauna na ang iba naming friends. Habang naglalakad kami, nakaakbay sa akin si MD. May dumaang taxi. Pinara niya. At bago sumakay, niyakap niya ako at hinalikan sa lips -- for manong driver to see! Medyo nagulat ako, ganundin si AC. But I was very happy.

“Siya na yata talaga,” ang nasabi ko sa sarili habang tinatanaw ko ang papalayong taksi.

AC and I decided to hang around for a while. We just needed to process the MD experience before we finally go home.

Sunod-sunod ang text na natanggap ko mula sa mga friends.

Finally you found him! Am so happy for you, friend.

You look good together.

Siya na ang matagal mong hinihintay. Make it work.

Nangiti ako sa support at encouragement nila.

Maya-maya, a text from MD. Excited akong binasa ito, line by line. My heart was beating fast.

Aris, I am so happy I have met you.
Thank you for a very memorable evening.
I hope we can really be good friends. =)

Hu-wat??? Ano daw?

I showed AC the text message.

“Good friends?” Napatingin sa akin si AC. Nagtataka… nagtatanong.

May kasunod pa ang text.

I am sorry. I did not mean to lead you on.

“What the fuck…?” Halos sabay pa kaming napamura ni AC.

Matagal bago ko nagawang mag-reply.

Sure. No prob.

Oh, well… I am getting used to this.

4 comments:

Joaqui said...

"in time." :)

joelmcvie said...

GANOON?! "Good friends"?!

Sagot diyan: "I have enough good friends, thank you very much!"

Looking For The Source said...

hay, may hangover pa ako sa mindoro sling post mo...

gow lang ng gow...

Aris said...

@joelmcvie: pahiram uli ng mantra mo:

"If you cannot be my boyfriend, then I cannot be your friend!"

@source: i am glad you liked it! gow! :)