I met you through a friend.
Your beauty struck me immediately. I tried to be my usual self even if I was disturbed by your presence when you joined us sa umpukang iyon. Maingay ako sa pagkukuwento habang tahimik akong humahanga sa’yo.
Nakikitawa ka naman, pero hindi ka nagsasalita. Pasulyap-sulyap ako sa’yo at palihim na iniisa-isa ang mga katangian mo na nagde-define sa kaguwapuhan mo.
Matangkad ka (around 5’10 sa tantiya ko). Chinito ka pero mukhang hindi ka naman Chinese kasi medyo moreno ka. I really have this thing for tall, chinito and moreno guys and you fit the image of my dream guy perfectly. Naka-braces ka pa and I find it very sexy when you smile. I love your long hair and the way it was styled. It opens up your face, highlighting your cheekbones and your clear skin. I also noticed your toned arms and your big hands. I wondered how it would feel like being held tightly by you.
After another round of beer, nagpasya na ang lahat na tapusin na ang inuman session. It was time to hit the dancefloor. Habang naglalakad ang grupo patungo sa club, nasa unahan kita kaya higit kong napagmasdan ang kabuuan mo. Your shoulders are broad and I can see the outline of your back muscles through your body-fit shirt. Your waistline must only be 30 and your low-rise slim-fit pants seem to be suspended only by the well-rounded curve of your butt. Your legs are long and firm. There is something sensual about your walk that complements your height and your built.
Habang nakapila papasok sa club, kinausap mo ako. Inakbayan mo pa ako. May kilig na gumapang sa katawan ko.
“Madalas ka rito?” sabi mo.
“Yup. Ikaw?” I was trying to behave and give you my best smile.
“Ngayon na lang uli,” ang sagot mo.
Pagpasok natin, “Closer” was playing. Niyaya mo akong sumayaw. Hindi ako makapaniwala. Gusto ko talagang makipagsayaw sa’yo.
Akala ko mananatili na lang akong silent admirer mo buong gabi pero ikaw mismo ang gumawa ng paraan upang tayo ay magkalapit. Habang nagsasayaw, unti-unti, nagsimula tayong mag-connect. Nakangiti ka while doing your moves at nakatingin sa akin. Nakangiti rin ako dahil nag-uumapaw ang saya ko at paghanga sa'yo. Tahimik ka kanina (akala ko pa nga, suplado ka) pero habang nasa dancefloor tayo, nakita ko ang other side mo. Makuwento ka rin pala. Panay ang bulong mo sa akin in an effort to make a conversation kahit maingay ang music. Naaamoy ko ang pabango mo everytime na may ibubulong ka sa akin. At one point, dahil sa sobrang lapit ng mukha mo sa mukha ko, gusto na sana kitang halikan pero hindi ko ginawa. Nirerespeto kita.
Sa patuloy nating pagsasayaw, hindi lang mukha natin ang nagkakalapit. Gayundin ang ating mga katawan. May pahawak-hawak pa tayo sa bewang ng isa’t isa habang nagkakadikit ang dibdib, braso at balikat natin. Nagkakatitigan din ang ating mga mata. At makailang ulit din akong nawala sa mga titig mo.
“Let Me Think About It” played. At dahil favorite ito ng mga kaibigan ko, they dragged me up the ledge to dance. Niyaya kita pero tumanggi ka. “Di ako ledge person,” sabi mo. Sumama ako sa mga kaibigan ko dahil mapilit sila.
Habang nagsasayaw ako sa ledge, sa’yo ako nakatingin. At nakatingin ka rin sa akin na parang pinapanood mo ako. Panay din ang ngiti mo sa akin. How I wished na ikaw ang kasayaw ko.
Saglit akong nalingat nang may kakilala akong nag-hello, nakipagsayaw at chumika sa akin. Pagtingin ko, wala ka na sa kinaroroonan mo. I stayed for a while dahil ayaw pang bumaba ng mga kaibigan ko. Isa pang tugtog ang sinayawan namin.
Pagbaba ko ng ledge, hinanap kita sa dancefloor pati sa magkabilang sulok ng club. Umakyat pa ako sa second floor pero hindi kita makita. I went to the bar, uminom ako at nag-smoke. I was thinking about you hanggang nasaid ko ang bote ng beer.
Habang pababa ako ng hagdan, nakita kita. Nasa dancefloor ka. Nagsasayaw. Parang pumitlag ang puso ko sa tuwa. Pero may kasayaw kang iba. Kaya parang kaagad din akong nanlumo.
Mula sa malayo, pinanood kita. You seemed to be enjoying yourself. Hindi ko alam kung lalapitan kita kahit may kasayaw ka nang iba.
Pero para kang magnet na humihigop sa akin. Nanaig ang kagustuhan kong maipagpatuloy ang connection natin. Dahan-dahan akong naglakad papalapit sa iyo, sa inyo ng partner mo habang sinasayawan ninyo ang “If You Could Read My Mind” na sa totoo lang, feeling ko theme song ko nang mga sandaling iyon.
Nagtama ang paningin natin habang papalapit ako. Your face broke into a smile.Your partner saw you smiling at me. Nilingon niya ako at nakita niya rin akong nakangiti sa iyo. Possessively, bigla siyang yumakap sa iyo, siguro upang ilayo ang atensyon mo sa akin.
Dahil sa inasal ng partner mo, I decided to change course. Sa halip na lumapit pa sa’yo, lumihis ako sa kinaroroonan mo. Kumawala ka sa yakap ng partner mo at inabot mo ako, hinawakan sa kamay at hinatak papalapit sa’yo. Nag-resist ako in deference sa partner mo. Pinisil mo nang mahigpit ang kamay ko. Pero bumitiw pa rin ako. Nakatingin ako sa’yo habang papalayo. Nakatingin ka rin sa akin. Nasa mga mata ko ang hurt at jealousy. Ewan ko kung tama ang basa ko, pero parang may nakita rin akong lungkot sa mga mata mo.
I joined my friends. Sayaw-sayaw kami pero parang hindi ko pa rin maiwaksi ang nararamdaman ko. Nalulungkot ako… nanghihinayang. Naroroon ang pagnanais na muli kang makapiling subalit naroroon din ang pagpaparaya… ang pag-give up ko sa’yo.
Nilapitan ako ng common friend natin.
“You like him, don’t you?” ang sabi.
Ganoon ba ako ka-transparent? Was my longing for you written all over my face kaya napansin niya?
“Halata ba?” ang sagot ko.
“I know you like him,” ang sabi niya pa.
Tumango ako ng pag-amin.
My friend hugged me sabay bulong ng: “Just go for it.”
But how?
I spent the entire evening dancing with my friends even if there were tempting invitations to flirt with other guys. Ikaw ang gusto ko. Ikaw lang.
Natapos ang gabing hindi na kita nakita at nakasamang muli.
Late Sunday afternoon, nagising ako na ikaw pa rin ang nasa isip ko. Parang ayokong bumangon. I was feeling low. Ito ang pinakaayaw ko: the day after. Madalas may hatid itong lungkot sa akin. Lalong-lalo na ngayon.
Tumunog ang celfone ko.
A text from our common friend: “Ok lang ba, binigay ko number mo? Hiningi niya eh.”
Huh? Hiningi mo ba talaga ang number ko?
Maya-maya, tumunog uli ang celfone ko.
At napangiti ako nang mabasa ko ang message mo.
13 comments:
I can feel na this is it for you. hehehe
Just like what your friend said, "Just go for it!"
:)
Was this last Saturday?
@joaqui: sana nga. i am going for it now. :)
yup, last saturday ito.
kaka-kilig na kwento....ang galing! aabangan ko ang mangyayari.
siyanga pala, salamat sa pag bisita sa aking blog at pag comment....it was honor..thanks
wag na kasing pa-keme.. sabi nga ng common friend nyo... GO NA!
go for it!
@canmaker: salamat din sa pagbabasa mo ng blog ko. mas honored ako na mapabilang sa mga favorites mo. :)
@source: i am going for it! ipagdasal mo ako haha! :)
Maybe it was not meant fo us to meet last Saturday for your love life to flourish. lol
@joaqui: kaya siguro hindi ko kayo nakita nina mcvie because i was all eyes on him haha! :)
Could be true! Prolly even if we will make a scene you will not notice us because you had your eyes on the prize! lol
Go for it!
Update us, ayt? :)
Best of luck! :)
there's no reason to hold back, mate :) at mukhang maganda ang sinasabi ng text message ah. hehehe!
---
maraming salamat :) thanks for reading :)
hmmm mukhang may part deux itow! keep us posted ha ;)btw pansin ko lang fave mo ang Let Me Think About It na song hehehe
@benzgasm: ang saya kasi ng beat at ang taray ng video hehe! :)
Wow, Aris is sooo back! =)
asan na ang follow up neto?
Post a Comment