Kagabi, muling nagpakita ang multo sa kuwarto ko.
Sa kalaliman ng gabi, ako ay nagising. Nakita ko siyang nakatayo sa may bintana, nakaharap sa akin.
Mariin akong napapikit at umusal ng “I believe in God…”
Pagdilat ko uli, wala na siya.
Ito na ang ikatlong pagpapakita ng multo sa akin.
Kalilipat lang namin dito sa bagong gawang bahay nang una siyang magpakita.
Mahimbing ang tulog ko noon nang bigla akong magising. Tumambad sa akin ang isang anino na nakatayo sa may paanan ng kama ko at nakatunghay sa akin.
Ang una ko kaagad naisip: Napasok kami ng magnanakaw!
Hindi ako gumalaw sa takot na baka kung ano ang gawin ng “magnanakaw” sa akin. Nanatili akong nakahiga at nakatingin sa kanya. Madilim, hindi ko makita ang kanyang mukha. Ang naaaninag ko lamang ay ang hubog niya.
Matagal ko siyang pinagmasdan.
Habang nakatingin sa kanya, plinano ko sa isip kung ano ang aking gagawin.
Bumuwelo ako at bumalikwas ng bangon. Tinakbo ko ang pinto at binuksan upang makatakas ako palabas. Nilingon ko ang “magnanakaw” sa kanyang kinaroroonan. Ngunit bigla siyang naglaho. Binuksan ko ang ilaw, walang ibang tao sa kuwarto ko kundi ako.
Ang kinatitirikan ng bahay namin ngayon ay dating bakante at madawag na lote sa isang subdivision. Noong ipinapalinis namin ito, may narinig na akong kwento sa mga kapitbahay na noon daw ay may pinatay at itinapon dito.
Hindi ko pinansin ang kuwento. Nakalimutan ko na nga ito. Naalala ko lang uli pagkatapos ng unang pagpapakita sa akin ng multo.
Binalak ko na lumipat sa guest room at iwan ang kuwarto ko pero naisip ko, kuwarto ko ito. May karapatan ako rito. Kung may dapat umalis, hindi ako kundi ang multo.
Mahigit isang buwan ang lumipas bago uli nagpakita sa akin ang multo. Nagising ako at nakita ko siya na nakatayo sa may aparador. Binulungan ko siya: “Umalis ka… Umalis ka rito… Kuwarto ko ito…” Pumikit ako at sinabayan ko ng dasal. Pagdilat ko, mag-isa na lang ako.
Akala ko, iyon na ang huli niyang pagpapakita sa akin. Akala ko dininig niya ang bulong at assertion ko sa teritoryo ko. Matagal na hindi niya ako dinalaw.
Ngunit kagabi, nagpakita uli siya.
Bakit hindi siya matahimik? Bakit pababalik-balik siya? Bakit kung kailan malapit na ang halloween ay saka uli siya nagpakita? Nakiki-uso ba siya?
May takot ako pero pinaglalabanan ko. Mukha namang harmless siya.
Susubukan ko na lang siyang ipagdasal para sa ikatatahimik niya.
At siguro, pabe-bendisyunan ko na rin ang kuwarto ko.
14 comments:
Tha ghost might be an admirer. lol
:)
How's hibernation? I'm planning to do the same. (gaya gaya) lol
@joaqui: huwag lang na paggising ko, katabi ko na siya hahaha!
refreshing. i feel happier! you should do it! :)
izkeri... hehehehe... try mo kausapin... baka naman may kailangan lang
'Neng, booking din yun! Hahaha. So much for hibernation... kahit sa bahay and even sa AFTERLIFE, sinusundan ka ng mga boys. 'Neng, ANG HABA NG HAIR MOH! Hahahaha. =)
@luis batchoy: gusto ko lang mag-disappear siya! :)
@joel mcvie: hair ko lang ang tatayo sa kanya hahaha! :)
katakot nga! buti wala akong nakikita na ganiyan sa kwarto ko....
ipag-pray mo na lang nga....
Hmmm... ito kaya'y multong bakla? LOLZ
what's under your bed?
nyahahaha!
really??? a ghost in your room? uhm, were y able to still stay in ur room? anyway, scaredy-cat ako so thank God alam nyang di ko kakayanin ang mga ganyang eksena...
a new blooger here.. nice posts btw..
care to exchange link?
i'll add u up ha.
thanks.
cheers!
@dylan dimaubusan: hello! thank you very much for dropping by.
pinadasalan ko na po ang multo. sana di na uli magpakita.
i am happy you enjoyed my posts. it is an honor na mapasali sa links mo. sana bumisita ka lagi.
ingat. :)
'kakatakot naman!
btw, i enjoy reading ur entries, really.
@m a y a: hello! it's so nice to hear from you. maraming salamat sa pagbabasa. balik ka ha? take care. :)
walang anuman. salamat din sa pag-drop by sa king wlang kwentang blog.
i added u in my blogroll para madalaw kita lage... dalaw?? ay di ako yung nagmumulto sa yo ha! harhar!
@m a y a: ang ganda kaya ng blog mo!
maraming salamat sa pag-add. it is an honor na mapabilang sa blogroll mo.
ay, ayoko na ng multo hehe! :)
Post a Comment