Sa huling gabi ng bakasyon ko sa probinsiya, nayaya akong gumimik ng mga dati kong kaklase. Nagpunta kami sa bar ng isang hotel na kung saan may dalawang banda na salitang tumutugtog. Imported ang mga banda galing Manila at ang ambiance ng lugar ay very Manila rin. At dahil Friday, punumpuno ang bar. Mixed ang crowd – mga bakasyonista at locals, mga bata at matanda.
Kasalukuyang tumutugtog ang Band X nang pumasok kami. Maraming nagsasayaw sa dance floor habang kinakanta ng banda ang “Closer”. Kating-kati akong magsayaw kaya lang I was in the company of straight friends and it was a straight place kaya kailangan kong mag-behave. Umupo kami sa isang reserved table malapit sa stage at umorder ng beer at pulutan. Pinanood ko ang banda sa stage. Hindi sa bokalista napako ang aking tingin kundi sa gitarista. Good looking siya and there was something familiar about him.
Nasa late twenties na siya sa palagay ko. Mahaba ang buhok. Smokey ang mga mata. Matangkad at slim ang pangangatawan. Sexy siya sa suot na low-rise tattered jeans at nakabukas na vest -- kita ang kanyang tiyan at pusod. Maputi ang kanyang balat at matingkad ang kanyang aura sa tama ng spotlight. And yes, uulitin ko, pamilyar siya sa akin. Parang kilala ko siya.
Pero dahil nasa stage siya at nasa baba naman ako, hindi ako sigurado. Baka may kamukha lang siya na kakilala ko.
Hindi ko maialis-alis ang mga mata ko kay gitarista. Guwapong-guwapo ako sa kanya. Parang may nararamdaman akong kiliti habang pinagmamasdan ko ang kanyang mahahaba at matatabang daliri na kumakalabit sa mga kuwerdas ng kanyang gitara.
Naging mabilis ang pag-inom ko ng beer kasabay ng manaka-nakang pakikipagkuwentuhan sa aking mga kasama. Pero pabalik-balik ang mga mata ko kay gitarista. At habang nalalasing, higit na nadaragdagan ang atraksyon ko sa kanya. At parang higit akong nakatitiyak na kilala ko siya.
Patuloy ang Band X sa pagtugtog. Patuloy ang sayawan. Naghihintay ako na may magyaya sa aking mga kasama na magsayaw dahil magaling ang banda at sayaw na sayaw ako. Gusto ko ring mapalapit sa stage at higit na mapagmasdan si gitarista pero, sad to say, wala yatang balak humataw sa dancefloor ang mga straight kong kasama. Kuntento na sila sa pag-inom at pagkukuwentuhan.
Gusto kong magyosi at mag-CR na rin. Pero no smoking ang buong bar. Sa lobby lang ng hotel maaaring mag-yosi. At naroroon din malapit ang restroom. Tumayo ako at nagpaalam sa aking mga kasama. Habang patungo ako sa exit, narinig ko ang pamamaalam ng Band X sa pagtatapos ng kanilang set. Babalik sila pagkatapos mag-perform ng ka-back-to-back nilang Band Y.
Nagsindi ako ng yosi sa lobby ng hotel habang pinagmamasdan ko ang mga tao sa paligid. Matao ang coffee shop sa lobby. May ilang familiar faces akong nginitian. Mga schoolmates na hindi ko maalala ang mga pangalan.
I was enjoying my cigarette nang makita ko siyang papalabas ng bar. Si gitarista. Na-excite ako. Napatitig ako sa kanya.
Napatingin din siya sa akin. And for a moment we held our glances.
Nginitian niya ako.
Sa pagkabigla, hindi ako sure kung nagawa ko ring gumanti ng ngiti. Pero may natiyak ako sa aking sarili: kilala ko nga siya. At kasabay ng pagkatiyak ay ang pagbabalik sa aking alaala kung kailan, saan at paano ko siya nakilala.
Years ago sa isang hotel sa Bacolod na kung saan tumutugtog din ang kanilang banda. Pero hindi ko matandaan ang kanyang pangalan.
Tuluy-tuloy siya sa restroom. Dali-dali kong pinatay ang aking yosi at sinundan ko siya.
Nasa urinal siya at nakatalikod pagpasok ko ng restroom. Kaming dalawa lang ang nasa loob. Humarap ako sa salamin at hinintay ko siyang matapos. Pagharap niya sa salamin, kaagad ko siyang nginitian.
“Hey,” ang bati ko.
“Hey.” Nakangiti rin siya. “I know you,” ang sabi.
“Kilala rin kita,” ang sagot ko. “We met in Bacolod. Matagal na.”
“Yeah, I remember. Pero, sorry, makakalimutin ako sa pangalan.”
“Aris,” ang sabi ko. “Ako rin, di ko maalala ang name mo.”
“Brian.”
Awkwardly, we shook hands.
“Kumusta ka na?” ang tanong ko.
“Eto, tumutugtog pa rin. Kagagaling lang namin sa Singapore. At kapag ganitong naghihintay kami ng susunod na booking abroad, paikot-ikot muna kami dito sa atin. Ikaw, kumusta?”
“Bakasyon lang. Sa Manila ako nakapirmi.”
Muli, nagkatitigan kami. Matagal. At sabay napangiti. Pareho siguro kami ng naiisip. At naaalala. Ang maiksi subalit maiinit naming mga sandali noong una kaming nagkakilala.
“It was great to see you again,” ang sabi niya. “I may have forgotten your name pero hindi ang nangyari sa atin.”
“Ako rin.”
Dahan-dahan, naglapit ang aming mga mukha. At dahil kanina ko pa siya pinagnanasahan sa stage, ako na ang nag-initiate ng paglalapat ng aming mga labi. Naghalikan kami at nagyakap na punumpuno ng pagkasabik na parang nakalimutan namin kung nasaan kami.
Biglang bumukas ang pinto ng restroom. Kaagad kaming nagbitiw. Isang lalaki ang pumasok na bagama’t may nakita akong pagkagulat sa mukha ay deadma lang itong nagtungo sa urinal.
Kaagad kaming lumabas ng restroom ni Brian.
“Dito kami tumutuloy sa hotel,” ang sabi ni Brian. “Do you want to see my room?”
“But you’re performing…”
“I still have time before our next set,” ang sagot niya.
“Of course.” Nang mga sandaling iyon masyado na akong consumed ng passion kaya hindi ko na kailangang mag-isip. I just wanted to have a private moment with him.
Hinawakan niya ako sa kamay at ginabayan papaakyat sa hotel. May nasalubong kaming roomboy na napatingin sa amin pero hindi binitiwan ni Brian ang kamay ko. Sa halip ay binati niya pa ang roomboy na parang walang anuman.
Pagkapasok na pagkapasok sa kuwarto niya ay kaagad kaming naghubad. Halos hablutin namin ang mga damit sa aming katawan. Nagtunggalian ang aming mga labi. Naglingkisan ang aming mga bisig at naglapat ang aming kahubdan. Naging malikot ang aming mga kamay.
Mabilis naming binigyan ng kaganapan ang nag-uumapaw na init sa aming katawan.
Para kaming mga kuwitis na sinindihan, ginapangan ng apoy, naglagablab at tinupok ang mga mitsa bago tuluyang pumulandit at sumabog nang buong igting at ningning.
Katahimikan pagkatapos ng big bang.
Maya-maya bumangon si Brian at nagsindi ng dalawang yosi. Iniabot niya sa akin ang isa.
Sandali kaming nag-yosi. Wala pa ring imikan.
Pagkatapos, tuluyan nang tumayo si Brian. “We need to go,” ang sabi. “Malapit na kaming tumugtog uli.”
Umupo ako sa kama at pinagmasdan ko ang kahubdan ni Brian habang isa-isa niyang pinupulot ang mga damit namin sa lapag.
“Hinintay kita noon…” ang sabi niya habang nagbibihis.
“Huh?” Napakunot-noo ako, nagtatanong.
“Sa Bacolod. Nang sumunod na gabi, hinintay kita noon sa bar pero hindi ka na nagpakita. Basta nawala ka na lang sa hotel.”
“Biglaan ang naging pagbalik ko sa Manila.”
“Who would ever think na pagkaraan ng mahabang panahon, magkikita tayo uli… at mangyayari uli ang nangyari sa atin noon.”
I just smiled.
“Sana this time, we can continue to keep in touch. Kahit friends lang.”
“Sure. We can exchange numbers.”
Pagkabihis kaagad na kaming bumaba at bumalik sa bar. Naunang pumasok si Brian. Nagpaiwan muna ako sa lobby ng hotel at nagyosi. I was feeling great. Sino ang mag-aakala na sa hindi inaasahang lugar at pagkakataon, I would get laid. Haha!
Pagpasok ko sa bar, nakasalang na uli ang banda ni Brian. At dinig na dinig ko ang spiel ng bokalista: “Welcome to our second set. By special request, our first song is dedicated to Aris. Aris, this is for you. From someone.”
Napatingin ako kay Brian. Nakatingin din siya sa akin at nakangiti habang pumapasakalye ang kanyang gitara.
At kinanta ng banda ang “Always Be My Baby”.
5 comments:
mga manilenyo nga naman talaga... madaling manloko at magpaasa sa mga tulad naming mga promdi lalo't taga Visayas... hay... I feel Brian
ang tagal mong nawala. ang galing mo talaga sa mga ganyang moment. kaunting ngiti lang alam mo na ang next na mangyayari
nung umuwi ako ng bicol, wala...walang nangyari! nakaka-inggit ka! maka-punta nga ng bacolod. hehehe...
bongga ha, sana may details nung pagniniig ninyo
woof!
@luis batchoy: ilang ulit na akong nabiktima ng mga heartbreaker na manilenyo. :)
@jinjiruks: i am back! hindi naman. :)
@pao pielago: hindi inaasahan. swerte lang siguro. :)
@bryan anthony: gusto ko sanang ikuwento blow by blow (pun intented) kaya lang baka may makabasang mga minors. charing! :)
Post a Comment