Saturday, May 30, 2009

Minsan May Isang Tag-Init 3

Siniil ako ng halik ni Adrian.

Tumugon ang aking mga labi. Nakipagtunggali ang aking dila.

Napayakap ako sa kanya.

Pilit niyang ibinaba ang aking shorts.

Naramdaman ko ang pagyakap ni Tanya mula sa aking likuran. At pagkatapos, ibinaba niya rin ang suot ni Adrian.

Hinarap ko si Tanya at siya naman ang aking hinalikan sabay tanggal din sa kanyang pang-ibaba.

Ilang sandali pa, hubo’t hubad na kaming tatlo.

Nasa likod ko si Adrian. Nasa harap ko si Tanya. Dama ko ang init habang napapagitnaan nila. Nagpalipat-lipat ang aking mga labi sa paghalik sa kanilang dalawa. Nagpapalit-palit ang aking mga kamay sa paghaplos sa kanilang kahubdan.

Dala marahil ng sensasyon, napaluhod kami. Napaupo.

Humiga si Tanya at hinila ako upang pumaibabaw sa kanya.

Pumatong naman sa akin si Adrian.

Naglingkisan ang aming mga katawan. Nagsalo kami sa isang maalab at marahas na pagtuklas.

Nagpaubaya ako. Idinuyan ako ng magkahalong sakit at sarap.

Halos mawala ako sa sarili sa pag-iisa ng aming mga katawan.

***

Bumuntonghininga si Diego.

Sa kabila ng malamig na simoy ng hangin, para akong naalinsanganan sa kanyang kuwento.

Tumingin ako sa kanya. Bakas sa kanyang mukha ang pagkaantig sa pagbabalik-alaala .

Tumingin din siya sa akin. Tumitig.

May naramdaman akong init na nagmumula sa kanyang mga mata.

Marahan niyang hinaplos ang aking pisngi.

Sumasal ang kaba sa aking dibdib.

Hinintay ko ang susunod niyang gagawin subalit bumitiw siya sa akin.

“Umakyat na tayo,” ang sabi.

Walang imik akong sumunod sa kanya.

Tumuloy ako sa aking silid at humiga. Sa aking isip, hindi ko maiwaksi ang larawan ng pakikipagniig ni Diego kina Adrian at Tanya.

Hinaplos ko ang aking dibdib… ang aking tiyan. Dinukot ko at dinama ang nag-uumigting na bahagi ng aking katawan.

Napapikit ako habang sinasalat ko ang aking sarili.

Narinig kong bumukas ang pinto. Napadilat ako.

Naroroon si Diego. Nakatayo. Nakatingin sa akin.

Napahinto ako sa aking ginagawa.

Dahan-dahan siyang lumapit.

Umupo siya sa gilid ng kama. Hinawakan ang bahaging sinasalat ko.

Sinimulan niya akong himasin… laruin.

Para akong hindi makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

Dinala niya ang aking kamay sa bahagi ng kanyang katawan na nag-uumigting din.

Unti-unti, inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. Nalanghap ko ang kanyang mabangong hininga. Nanabik ako sa panlasa ng kanyang bibig.

Subalit bago niya ako nagawang halikan, umiwas ako. Binawi ko rin ang aking kamay.

“Ayaw mo ba?” ang tanong niya sa akin.

“Hindi pa ako handa.”

Napapitlag ako nang biglang bumungad sa pintuan si Mang Jose.

“Bakit? Ano’ng nangyayari?” ang tanong niya sa amin.

Sinaklot ako ng takot at pangamba.

Kalmadong humarap si Diego sa ama.

“Nananaginip si Arman, Itay. Ginising ko lang.”

“Ganoon ba?”

Nakahinga ako nang maluwag.

“Ikuha mo siya ng tubig,” ang utos ni Mang Jose.

Tumalima si Diego na parang walang nangyari.

***

Sumisikat pa lamang ang araw ay bumaba na ako ng bahay.

Nag-jogging ako sa dalampasigan.

Sa kubling bahagi ng beach malapit sa batuhan, napansin ko ang isang tent na nakatayo.

Huminto ako sa pagtakbo. Lumapit ako at sumilip. Walang tao.

Naglakad-lakad ako. Iginala ko ang tingin sa paligid.

Hindi ko inaasahan ang tanawing bumulaga sa akin.

Isang lalaki. Paahon sa dagat. Wala ni kapirasong damit.

Napatda ako sa aking kinatatayuan.

Napatitig ako habang papalapit siya sa aking kinaroroonan.

Normal ang kanyang lakad, walang pag-aalinlangan sa kanyang kahubdan.

“Hi,” ang bati niya sa akin.

“Hi,” ang bati ko rin.

Dumampot siya ng tuwalya. Nagpunas muna bago nagtakip.

Higit siyang makisig sa malapitan. Matipuno ang kanyang katawan. Kulay honey ang kanyang balat. Mahaba at kulot ang kanyang buhok. Para siyang isang greek god!

“Hindi ko inaasahang may ibang tao rito. Secluded kasi ang lugar na ito,” ang sabi niya.

“Hindi ko sinasadya. Napagawi lang ako.”

“Bakasyunista ka rin?”

“Oo.”

“Ako nga pala si Lawrence,” ang pakilala niya sa akin.

“Ako si Arman,” ang pakilala ko rin.

Kinamayan niya ako.

“Mag-isa ka lang?” ang tanong ko.

“Oo,” ang sagot niya. “Ikaw?”

“May mga kasama ako sa tinutuluyan ko.”

“Malapit ka lang dito?”

“Oo.”

“Sana pasyalan mo uli ako.”

“Sige.” Ngumiti ako.

Ngumiti rin siya. Higit siyang gumuwapo sa mga biloy sa pisngi niya.

“Kailan?” ang tanong ko.

“Mamaya. Sabayan mo akong maghapunan.”

(Itutuloy)

Part 4

Wednesday, May 27, 2009

If I Can't Have You

The Saturday before I left for Bora, I attended M’s birthday dinner at Dencio’s. It was only for selected friends. My best friend AC was there. And, yes, James.

“Bakit ganyan ang boses mo?” James noticed when I said hello nang dumating ako. “May sakit ka na naman?”

“Medyo,” ang sagot ko. Paos kasi ako dahil sa sipon.

“Puro trabaho kasi yan. Di nagpapahinga,” ang sabi ni AC na tila nagsusumbong.

“Alagaan mo nga yang sarili mo,” ang sabi ni James.

Nang lumapit ang waiter para tanungin ako kung ano ang gusto kong inumin, si James ang sumagot. “Kalamansi juice. Bottomless.”

“Makakabuti yan sa sipon mo,” ang sabi niya sa akin.

Nang dumating ang pagkain, James volunteered to serve the soup.

“Humigop ka ng mainit na sabaw. Kailangan mo yan,” ang sabi habang sinasalinan niya ang mangkok ko.

“Napakamaalaga naman ni James sa’yo,” ang komento ni AC na hindi na nakatiis.

Napangiti na lamang ako. Tumingin ako kay AC. May sinasabi ang mga mata ko: See, I told you, he cares for me.

Ok na sana ang flow ng mga pangyayari. Kaya lang after dinner, dumaldal na itong si M tungkol sa bagong BF ni James. Na-shatter ang ilusyon ko lalo na nang ipakita na ni James sa akin ang pic ng kanyang BF. Ang guwapo! Nakaka-insecure. At ang tsika pa ni M, napakayaman daw!

Nabanggit na ni James ang tungkol sa guy na ito noon, pero I just downplayed it. Hindi ko masyadong pinansin. Yun pala, nagkakamabutihan na sila at hindi lang ako updated.

Bumulong sa akin si AC: “Gurl, back to reality.”

***

After dinner, siyempre go sa Malate.

Sa Silya, doon kami sa bandang loob pumuwesto dahil sa videoke.

“Anong song ang gusto mo?” ang tanong sa akin ni AC.

If I Can’t Have You by Yvonne Elliman,” ang sagot ko.

“Ano yun?”

“Basta tingnan mo kung meron.”

Hanap naman si AC sa songbook.

“Yan ba yung ni-revive sa American Idol?” ang tanong ni James.

“Wala eh,” ang sabi ni AC.

“Siyempre, luma na kasi yun. 70’s pa,” ang sagot ni James.

“Kainis ka,” ang sabi sa akin ni AC.

Natawa na lang ako.

Nagsimula akong magpawis dahil medyo mainit. Napansin ni James.

“May panyo ka?” ang tanong sa akin.

“Bakit?”

“Magsapin ka nga sa likod. Masama sa’yo yan.”

“Ako na,” ang sabi ni AC sabay bulong sa akin habang sinasapinan ang likod ko: “Sobra na ito, gurl. Over na sa pagka-caring.”

Nangiti na lang ako sa pambebeybi sa akin ng mga kaibigan ko.

Nang magsindi ako ng yosi, nagsalita uli si James.

“Tigilan mo na nga yan. Kaya ka nagkakasakit.” Masama ang tingin sa akin.

Palihim akong sinipa ni AC. Pinatay ko kaagad ang yosi.

Hindi ko alam kung bakit napaka-concern sa akin ni James. Siguro dahil ganoon lang talaga siya as a friend.

***

Hindi sana siya magbe-Bed dahil hindi siya nakapagpaalam sa boyfriend pero napilit ko siya.

“Sandali lang ako ha? Baka magalit siya,” ang sabi.

Natuwa ako dahil pinagbigyan niya ako.

Nagpaka-proper ako sa loob. Hindi kami naghiwalay ni James. Siya lang ang naging kasayaw ko.

“Para kayong mag-jowa,” ang bulong sa akin ni AC.

Pinagmasdan ko si James. Nakangiti siya sa akin. He looked boyish, almost innocent.

Kaysarap sanang mag-ilusyon na boyfriend ko siya. Pero ayokong lokohin ang sarili ko.

Kung ang kabaitan at kabutihan niya sa akin ay pagmamahal, hindi ito katulad ng pagmamahal ko sa kanya. Kailangan kong tanggapin na may mahal na siyang iba at hindi siya akin.

Pilit kong iwinaksi ang anumang masakit sa damdamin habang nagsasayaw kami.

Nalungkot ako nang magpaalam na siya.

“I have to go,” ang sabi niya. “Pinapauwi niya na ako.”

I looked straight into his eyes. Sinalubong niya ang tingin ko. Hindi ko alam kung nabasa niya sa mga mata ko ang mga bagay na hindi ko masabi sa kanya.

Niyakap niya ako. Mahigpit.

Yumakap din ako sa kanya. Matagal.

“Bye, Aris. Alagaan mo ang sarili mo.”

Bumitiw siya sa akin.

Habang tinatanaw ko ang kanyang pag-alis, sumidhi ang lungkot ko.

Nawalan na ako ng ganang magsayaw kaya niyaya ko sa labas si AC.

Uminom kami sa Silya.

Nalasing ako at nag-emote.

Naiyak ako sa “If I Can’t Have You” ni Adam Lambert.

Sunday, May 24, 2009

Beach Boy: I'm Yours

Nang maghubad si Mark, doon ko nakita kung gaano kaganda ang katawan niya. Firm ang kanyang dibdib at defined ang kanyang abs. Hindi man siya gaanong matangkad, sexy siya dahil maliit ang kanyang baywang at matambok ang kanyang puwet. Malaman at hindi payat ang kanyang legs.

Siya ang naghubad ng aking damit. At habang hinuhubaran niya ako, naghahalikan kami.

Napahawak ako sa kanyang likod. Nasalat ko ang matigas niyang muscles. Nadama ko ang makinis niyang balat na buong lugod kong hinaplos.

Yumakap siya sa akin habang patuloy kami sa paghahalikan. Gumapang din ang kanyang mga kamay at dinama ang mga sensitibong bahagi ng aking katawan.

Hindi ko alam kung tumutugtog mula sa malayo o nasa isip ko lang, nauulinigan ko ang “I’m Yours”.

Nang magbitiw kami, dumako ang kanyang bibig sa aking dibdib. Nanghina ako sa bawat flick at sundot ng kanyang dila. Napapikit ako sa bawat halik at sipsip ng kanyang mga labi.

At dahil hindi ko na matagalan ang kanyang ginagawa, itinulak ko siya sa kama. Napahiga siya. Umibabaw ako sa kanya at sinimulan kong i-explore ang kanyang katawan.

Marahan at maingat ko siyang hinalikan mula leeg pababa sa kanyang dibdib… sa kanyang tiyan… sa kanyang puson. Ninamnam ko ang bawat bahagi ng kanyang katawan na dinaanan ng aking bibig.

Patuloy ang musika sa aking pandinig. Dahil sa beat, nai-imagine ko na nagaganap ang lahat ng ito sa tabing dagat kasabay sa paghampas ng mga alon sa dalampasigan.

Napapakapit siya sa aking ulo at napapasabunot sa aking buhok kaya higit kong pinagbuti ang aking ginagawa.

Pagkaraang mahagkan ko ang kanyang mga hita at binti, ako naman ang kanyang pinahiga at ginawa niya sa akin ang ginawa ko sa kanya.

Para akong lumulutang. Dama ko ang pagkabuhay ng mga ugat sa aking katawan. Ang bawat dampi ng kanyang bibig at hagod ng kanyang dila ay may hatid na kiliti at sensasyong nakalalasing sa aking kamalayan.

At pagkatapos, dumapa siya. Tumingin sa akin. May pag-aanyaya at pagpapaubaya sa kanyang mga mata.

Hindi na niya kailangang magsalita.

Naintindihan ko na.

***

Yumakap siya sa akin pagkaraang humupa ang maiinit na sandali. Niyakap ko rin siya.

Tahimik kami sa aming pagkakahiga. Parang walang gustong magsalita.

Nakapikit siya habang nakasiksik sa akin. Muli kong pinagmasdan ang kanyang kaakit-akit na kahubdan.

Hindi ko napigilang muli siyang hagkan.

Saturday, May 23, 2009

Beach Boy

Dahil masyado akong stressed out sa work at naging very sickly lately, a vacation was in order.

And so last Tuesday, I dropped everything and flew to Boracay.

The boat ride from Caticlan to Cagban had an immediate calming effect. Nakaramdam ako ng ginhawa habang nilalanghap ko ang sea breeze. Parang nagluwag ang aking dibdib.

Nang masilayan ko ang White Beach, parang gusto ko itong yakapin na katulad ng isang long-lost friend. Nakaramdam ako ng tuwa at excitement.

I spent the entire afternoon reading a book habang nakahiga sa lounge chair. At nang hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw, nag-swimming ako.

Sa aking pag-ahon, tila naglaho ang lahat ng naipong pagod sa aking katawan. Gumaan ang aking pakiramdam.

Pagkatapos mag-shower at magbihis, I had a candle-lit dinner by the beach.

Afterwards, naglakad-lakad ako sa dalampasigan at in-admire ko ang nagliliwanag na beach front. Nanood din ako ng fire dance.

I checked out the bars. Hey Jude, with its live deejay, had the best music. The ambiance was cool and the people were beautiful.

Doon ko siya nakita.

Hindi siya gaanong matangkad subalit proportioned ang kanyang pangangatawan. Toned ang kanyang muscles. Sunkissed ang kanyang balat.

Magkaharap ang aming mesa. Pareho kaming umiinom na mag-isa.

Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Makisig ang kanyang features. Kaakit-akit ang kanyang mga mata.

Pasulyap-sulyap ako sa kanya habang umiinom. Siya naman, parang hindi aware na naroroon ako.

Dumaan ang isang grupo ng shirtless Japanese guys with bodies to die for. Napatingin siya nang may paghanga. Para akong na-insecure. Feeling ko kasi mataba ako sa sleeveless shirt na suot ko. I just consoled myself na kumpara sa mga Japanese, mas maganda ang legs ko!

Sa pagbawi niya ng tingin mula sa mga bishonen, nagtama ang aming mga mata. And for a moment, nagkatitigan kami.

Naglayo ako ng tingin. Nagsindi ng sigarilyo at nagpatuloy sa pag-inom. Nakinig ako sa music at dinama ang beach atmosphere.

The beer was kicking in and I started feeling great. Mas relaxed. Mas confident.

Muli akong tumingin sa kanyang direksyon. At parang naghihintay, sinalubong niya ang aking mga mata.

I smiled at him. Hindi siya gumanti ng ngiti pero tumayo siya at lumapit sa akin.

“Are you alone?” ang tanong niya.

“Yup. Wanna join me?”

Umupo siya sa harap ko.

“I’m Mark,” ang pakilala niya sa sarili.

“Aris,” ang pakilala ko rin. “Mag-isa ka rin ba?”

“Yup. My friends are flying in tomorrow. Ikaw, sino ang kasama mo rito?’”

“Ako lang,” ang sagot ko.

“Nagpunta ka sa Boracay na mag-isa lang?”

“Oo. Medyo biglaan kasi ang bakasyon ko. Hindi na ako nakapagyaya.”

“Ok lang sa’yo na mag-isa ka?”

“I desperately needed a break. I don’t mind being alone.”

“Sabagay, ako rin naman. Kaya nauna ako rito dahil gusto ko munang mag-isa.”

We ordered for more beer.

Nag-usap kami habang umiinom. Noong una, mababaw lang na usapan ngunit kinalaunan ay naging malalim kasabay ng aming pagkalasing.

“Do you like guys?” ang tanong niya sa akin.

“Yes,” ang sagot ko.

“Me, too.”

“Do you have a boyfriend?” ang tanong niya uli.

“No. Ikaw?”

“Hindi ko alam.”

“Bakit?”

“I am seeing somebody. Sinasabi niya gusto niya ako pero ayaw niya naman ng commitment.”

“Gusto mo ba ng relasyon?”

“Gusto ko na uli.”

Napansin ko ang pagdami ng tao sa bar. At dahil napaka-inviting ng music, marami na ang nagsasayaw.

“Wanna dance?” ang tanong ko sa kanya.

“Yeah, sure.”

Tumayo kami at nagsayaw.

“You know what, Aris…” ang bulong niya sa akin habang nagsasayaw.

“What?”

“I feel horny tonight.”

Malakas ang music pero malinaw kong narinig ang kanyang sinabi.

“Ako rin,” ang sabi ko.

Ngumiti siya sa akin.

“Mag-sex tayo,” ang kaswal niyang imbita.

Ngumiti ako.

“Sure,” ang sagot ko. “Your place or mine?”

***

Nang sumunod na gabi, muli akong nagtungo sa Hey Jude. Hinanap ko siya.

Hindi ako nabigo. Naroroon siya.

Subalit kasama na niya ang mga kaibigan niya. Ang saya-saya nila.

At parang hindi na niya ako kilala.

Friday, May 15, 2009

Minsan May Isang Tag-Init 2

“May karanasan ka na ba?” ang tanong sa akin ni Diego habang tinutulungan ko siyang maghanda ng hapunan.

“Karanasan saan?” Nagkunwari akong hindi naiintindihan ang kanyang tanong.

“Sa babae.”

“Wala.”

“E sa lalaki?”

“Wala rin.”

Tumingin siya sa akin, nangingiti. “Mas una pa palang nabibinyagan ang mga taga-probinsya kesa sa mga taga-Maynila.”

“May karanasan ka na?” ang tanong ko.

“Oo.” Tila may pagmamalaki sa kanyang tinig. “Pareho. Sa babae at sa lalaki.”

“Pati sa lalaki?” Nanlaki ang mga mata ko.

“Nitong nakaraang summer lang. Bakasyunista sila. Taga-Maynila.”

“Sila?” May pagtataka sa aking tinig.

“Magkasintahan sila na may kakaibang trip sa sex.”

“Ha?” Hindi ako sigurado kung tama ang intindi ko. “Ibig mong sabihin, nakipag-sex ka sa babae at lalaki nang sabay?”

“Oo,” ang pagkumpirma niya. “Kakaiba ang karanasang iyon. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin nalilimutan.”

Gustung-gusto kong marinig ang kanyang kuwento subalit naputol ang aming pag-uusap sa pagdating ni Mang Jose.

Sinalubong namin siya at tinulungan sa kanyang mga dala-dalahan.

Tahimik kami ni Diego habang naghahapunan. In the mood makipagkuwentuhan si Mang Jose.

“May kasintahan ka na ba, Arman?” ang tanong niya sa akin.

“Po? Wala pa po.”

“Nililigawan?”

“Wala rin po.”

“Pareho pala kayo nitong si Diego. Wala rin akong nababalitaang kasintahan o nililigawan. Sabagay, mabuti na rin ‘yun. Mga bata pa naman kayo. Mahirap nang makabuntis nang maaga, baka masira lang ang kinabukasan n’yo. Lalo na ikaw, Arman. Mataas ang pangarap sa’yo ng ama mo. Magkokolehiyo ka na sa pasukan, di ba? ”

“Opo.”

“Ito ngang si Diego, gusto rin sanang magkolehiyo.”

Napatingin ako kay Diego.

“Pangarap ko rin sana,” ang tugon ni Diego. “Kaya lang, mahihirapan si Itay.”

“Kung kaya ko lang sana siyang papag-aralin sa Maynila…” ang sabi ni Mang Jose. “Matalino pa naman itong anak ko, Arman. Pangalawa yan sa mga nagtapos.”

“Salutatorian ka?” ang tanong ko kay Diego.

Tumango si Diego.

“Wow!” ang sabi ko, impressed.

Tinulungan kong magligpit ng pinagkainan si Diego. Si Mang Jose ay nagtungo na sa kanyang silid upang magpahinga.

Bumaba kami ni Diego sa harap-bahay. Sa ilalim ng isang puno, naroroon ang isang pahingahan na may mga upuang yari sa kawayan. Naupo kami roon.

Tahimik ang gabi. Walang ibang maririnig maliban sa mga huni ng kuliglig. Maliwanag ang buwan at presko ang ihip ng hangin.

“Kabilugan pala ng buwan,” ang puna ni Diego habang nakatingala sa langit. “Kaya pala panahon din ng kalibugan.” Natawa siya sa sariling biro.

Natawa rin ako sabay sa pagbabalik sa aking isip ng eksena kanina sa poso.

Tumingin siya sa akin. “Bilog din ang buwan noon nang makilala ko sina Adrian at Tanya.”

“Sila ba ang una mong karanasan?”

Tumango siya.

Tumahimik ako at nakinig sa kanyang kuwento.

***

Hindi ako makatulog nang gabing iyon kaya naisipan kong maglakad-lakad sa dalampasigan. Nakita ko silang naglalaro at naghahabulan. Naka-bikini si Tanya at naka-trunks si Adrian. Naupo ako sa buhangin at pinanood sila.

Larawan sila ng isang masayang magkasintahan. Maganda si Tanya at makisig si Adrian. Bagay na bagay sila.

Napansin nila ako. Kinawayan ako ni Tanya.

Nahiya ako kaya tumayo ako upang umalis subalit hinabol ako ni Adrian.

“Hey,” ang tawag niya sa akin. “Anong pangalan mo?”

Huminto ako at nilingon siya.

“Diego,” ang sagot ko.

Lumapit siya sa akin. “Join us,” ang sabi.

Kasunod niya si Tanya. “Huwag ka munang umalis. Samahan mo kami.”

Napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya at nag-aanyaya ang kanyang mga mata.

Nakangiti rin si Adrian.

Hinawakan ako ni Tanya sa braso at hinila. “Halika,” ang sabi.

Inakbayan naman ako ni Adrian.

Hindi na ako nakatanggi. Sumama ako sa kanila.

Sa di-kalayuan, naroroon ang kanilang tent. Doon nila ako dinala.

Naupo kami sa harap ng siga.

“Umiinom ka ba?” ang tanong sa akin ni Adrian.

Kahit hindi, tumango ako.

Inabutan niya ako ng beer.

“Siyanga pala, ako si Adrian,” ang pakilala niya. “At siya si Tanya.”

“Hi,” ang sabi ni Tanya. “Nice to meet you.” Bumaling siya kay Adrian. “Hon, he’s cute.”

Ngumiti lang si Adrian.

Nagsimula kaming uminom.

Tumayo si Tanya at nagpatugtog ng isang maharot na musika.

Hinila niya si Adrian at nagsayaw sila sa harap ko.

Pinanood ko sila.

Nagyayakapan sila habang nagsasayaw. Gumagapang ang mga kamay nila sa katawan ng isa’t isa.

Nagsimula akong makaramdam ng pag-iinit. Hindi ko alam kung dahil sa iniinom ko o dahil sa nasasaksihan ko.

Maya-maya, naghahalikan na sila. Bumaba ang mga halik ni Adrian sa leeg ni Tanya…sa balikat…at sa dibdib. Doon siya nagtagal.

Nakatingin sa akin si Tanya. Namumungay ang mga mata.

Tinanggal ni Adrian ang takip sa dibdib ni Tanya.

Tumambad sa akin ang kanyang dibdib. Higit na nag-ibayo ang aking pag-iinit. Naging alumpihit ako sa aking pagkakaupo.

Kumalas si Tanya sa pagkakayakap ni Adrian. Lumapit siya sa akin at hinila ako patayo.

Pilit niyang tinanggal ang aking T-shirt.

Sa akin naman siya nakipagsayaw. Nakatingin lang sa amin si Adrian.

Asiwa ako habang nagsasayaw dahil sa sobrang lapit namin ni Tanya sa isa’t isa. Nararamdaman ko ang pagdidikit ng aming mga hubad na dibdib.

May nagpupumiglas sa loob ng aking shorts habang panay ang yakap at haplos niya sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong hinalikan sa bibig.

Napayakap ako sa kanya. Nakalimot.

Nang magbitiw kami, napatingin ako kay Adrian. May kasiyahan akong nakita sa kanyang mukha.

Lumapit si Adrian sa akin.

Hinaplos niya ang aking balikat… ang aking dibdib… ang aking tiyan.

Nagtama ang aming mga mata. Para akong hinihigop ng kanyang mga titig.

Ginagap niya ang aking mga kamay.

Unti-unti niyang inilapit ang mukha niya sa akin.

Napapikit na lamang ako nang maglapat ang aming mga labi.


(Itutuloy)

Part 3

Saturday, May 9, 2009

Minsan May Isang Tag-Init

Kaka-graduate ko lang ng high school at napagpasyahan kong gugulin ang summer vacation sa resthouse namin malapit sa beach.

Noong bata pa ako, paborito namin itong puntahan tuwing bakasyon. Subalit sa paglipas ng panahon ay tila nakalimutan na namin ito. Ngayon ko lang uli ito naalalang bisitahin dahil sa kagustuhan kong maiba naman ang bakasyon ko.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na biyahe, sinapit ko ang kinaroroonan ng aming resthouse. Ganoon pa rin ang itsura ng bahay. Bagama’t medyo naluma na ito ay maayos pa rin naman dahil sa pag-aalaga ng aming katiwala.

Sinalubong ako ni Mang Jose, ang aming katiwala, kasama niya ang isang binatang ka-edad ko.

“Arman, binatang-binata ka na! Noong huling punta mo rito, ang liit mo pa,” ang bati ni Mang Jose sa akin. Bumaling siya sa kasama niya. “Tulungan mo si Arman sa mga gamit niya.”

Tumalima ang binata.

“Siya si Diego,” ang sabi ni Mang Jose. “Naaalala mo pa ba siya? Siya ang anak ko na kalaro-laro mo noon sa tuwing pumupunta ka rito.”

“Opo. Kaya pala pamilyar siya sa akin.” Nginitian ko si Diego. “Kumusta ka na, Diego?”

“Mabuti.” Ngumiti rin siya sabay bitbit ng mga gamit ko paakyat sa bahay.

Pinagmasdan ko si Diego. Kasingtangkad ko siya subalit higit na matipuno ang pangangatawan kumpara sa akin. Siguro’y dahil sa pagiging banat niya sa trabaho. Morenong-moreno ang kanyang balat dahil sa paninirahan sa tabing-dagat.

Pag-akyat ko sa bahay ay nanumbalik sa akin ang mga alaala noon ng aking kabataan. Naroroon pa rin at maayos ang mga dating kagamitan. Malinis at alaga pa rin ni Mang Jose ang aming bahay-bakasyunan. Inilagak ni Diego ang aking mga gamit sa dating silid na inuokupa ko noon.

Naghanda si Mang Jose ng masaganang pananghalian. Tinolang isda, halabos na hipon, inihaw na pusit at kulay-rosas na kanin. May saging at mangga pang panghimagas. Naparami ang kain ko kasabay ang mag-ama.

“Sasaglit muna ako sa bayan,” ang paalam ni Mang Jose pagkakain. “Ano ba ang balak mong gawin ngayong hapon, Arman?”

“Magsu-swimming po sa dagat,” ang sagot ko.

“Diego, ikaw na ang bahala kay Arman. Samahan mo siya sa pagsu-swimming.”

“Opo, Itay,” ang sagot ni Diego.

Nakaalis na si Mang Jose nang lumabas kami ng bahay ni Diego. Nilakad namin ang maiksing distansya patungo sa dagat.

“Ang tagal mo ring hindi nadalaw dito,” ang sabi ni Diego.

“Oo nga,” ang sagot ko. “Siguro grade six ako nang huling pumunta rito. Nasaan na nga pala yung iba nating mga kalaro noon?”

“Halos lahat sila nasa Maynila na at doon nagtatrabaho. Ako na lang yata ang naiwan dito.”

“Bakit hindi ka rin lumuwas ng Maynila?” ang tanong ko.

“Wala kasing makakasama si Itay. Alam mo naman na matagal nang wala si Inay. At saka tinapos ko rin ang hayskul.”

“Tapos ka na ng haysul?”

“Oo. Kaka-gradweyt ko lang nitong Marso.”

“Pareho pala tayo.”

“Magka-edad tayo, di ba?”

“Oo nga pala,” ang sagot ko. “Balak mo pa rin bang magpatuloy sa kolehiyo?”

“Hindi na siguro. Gustuhin ko man, walang pantustos si itay. Tama na sa akin yung nakapagtapos ako ng hayskul.”

Pagsapit sa dalampasigan, ibinaba namin sa lilim ng isang puno ang konting gamit na bitbit namin. Sabay kaming nagtanggal ng T-shirt ni Diego. Muli ay napansin ko kung gaano kaganda ang kanyang katawan. Malaman ang kanyang dibdib at maskulado ang kanyang mga braso. Samantalang ako, payat at nagsisimula pa lang ma-develop ang katawan. Napansin ko rin na napakaiksi ng kanyang shorts at litaw na litaw ang kanyang mabibilog na hita at mahahabang binti.

Lumusong kami sa dagat. Napakasarap sa pandama ng tubig. Habang ako ay nagfo-floating at lumalangoy-langoy, parang nawala ang aking mga alalahanin. Nakaramdam ako ng kapanatagan.

Hindi ko alam kung paanong ang paglangoy-langoy namin ni Diego ay nauwi sa paglalaro. Habulan at wrestling sa tubig. Dating laro na ginagawa namin noong mga bata pa kami. Nangibabaw ang mga sigaw at tawa namin sa tahimik na kapaligiran. Tila nanumbalik ang closeness namin noon ni Diego.

“Ayoko na.” Hinihingal akong sumalampak sa buhangin. Higit na malakas at maliksi sa akin si Diego kaya talo ako sa aming laro.

Umupo rin siya sa tabi ko. Hinayaan naming haplusin ng alon ang aming mga paa habang nakaharap sa dagat. Maaliwalas ang kalangitan at asul na asul ang karagatan.

“Mabuti na lang, hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito,” ang sabi ko. “Napakaganda. Tahimik.”

“Malungkot din,” ang sagot ni Diego.

“Pero wala kayong problema rito.”

“Wala ring asenso. Naiinggit nga ako sa’yo kasi sa Maynila ka nakatira. Doon maraming pagkakataon para umasenso.”

“Magulo rin doon. Mahirap ang buhay.”

Niyaya ko siya sa lilim ng punong pinag-iwanan namin ng aming mga gamit. Doon, nahiga kami sa buhangin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinakinggan ko ang hampas ng alon sa dalampasigan at dinama ko ang ihip ng hangin. Katabi ko si Diego at nararamdaman ko rin ang mainit na singaw ng kanyang katawan. May hatid na comfort sa akin ang presence niya sa tabi ko. Siguro dahil sa pagod sa biyahe at sa pagsu-swimming, naidlip ako sandali.

Nagising ako na nakahilig sa balikat ni Diego. Gising siya at nakatingin sa akin. Noon ko napansin ang maganda niyang mga mata. Ngumiti siya nang magtama ang aming paningin. “Nakatulog ka,” ang sabi.

Bumangon ako. Mababa na ang araw at malamig na ang simoy ng hangin.

“Halika na,” ang yaya ko. “Uwi na tayo.”

Tumayo kami at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay bitbit ang aming mga gamit.

Dumiretso kami sa poso sa likod-bahay upang maligo at magbanlaw.

Nagulat ako nang walang kaabog-abog na hinubad ni Diego ang kanyang shorts. Wala siyang brief kaya tumambad sa akin ang kanyang kahubdan. Hindi ko naiwasang mapatitig.

Parang walang anuman na nagsimula siyang magbuhos ng tubig. Para akong napako sa aking kinatatayuan.

Napatingin siya sa akin at napansin niya na titig na titig ako sa kanya.

“Hubarin mo na rin ‘yan,” ang sabi na ang tinutukoy ay ang aking board shorts. Nag-alinlangan ako.

“Huwag ka nang mahiya,” ang sabi pa. At siya na mismo ang nagtanggal ng shorts ko. May suot akong underwear at pati iyon ay hinubad niya.

Asiwa man, hindi na ako nakatanggi. Nakita kong dumako rin ang kanyang mga mata sa ibabang bahagi ng aking katawan kasabay ng pagsilay ng isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Hubo’t hubad na rin akong nagbuhos ng tubig. Si Diego naman ay nagsasabon na. Pilit kong iniwasan na tumingin sa kanya subalit matindi ang pang-akit ng kanyang hubad na katawan. Lalong-lalo na nang sinasabon na niya ang kanyang pagkalalaki. Napansin ko ang unti-unting pagbabago ng hugis at anyo nito.

Dahil sa aking nasaksihan, nakaramdam ako ng reaksyon sa ibabang bahagi ng aking katawan na hindi ko kayang pigilan. Nagsabon ako at pilit na tinakpan ng mga bula ang aking pagkaantig. Subalit higit na nag-ibayo ang aking pag-uumigting dahil sa masarap na pandama ng madulas na sabon.

Muling napangiti si Diego nang makita niya na pareho kaming may naghuhumindig sa katawan.

Nagsimulang maging kakaiba ang galaw at haplos ng kanyang kamay habang nakatingin sa akin.

Para akong biglang naalinsanganan. Dali-dali akong nagbanlaw.

Patuloy si Diego sa paghimas sa kanyang sarili.

Pinaglabanan ko ang udyok na makibahagi sa kanyang ginagawa. Gusto kong iwasan ang mga sandaling iyon. Gusto kong itago ang aking tunay na nararamdaman.

“Mauuna na ako,” ang sabi ko. Nagtapi ako ng tuwalya at nagmamadaling pumasok sa bahay.

Sa aking silid, hindi ko napigilang silipin si Diego mula sa siwang ng nakasarang bintana.

Isa siyang kaakit-akit na panoorin. Nakatutukso ang kanyang kahubdan habang nakatayo at hinahagod ang sarili. Nakapikit siya at ang mga labi ay bahagyang nakabuka habang nilalasap ang sensasyong hatid ng kanyang madulas na kamay.

Maya-maya, dumilat siya at tumingin sa aking direksyon. Parang alam niya na pinanonood ko siya.

Nagkubli ako.

(Itutuloy)

Part 2

Monday, May 4, 2009

Feeling Better

Out of town kami dapat nitong nakaraang weekend. Laguna or Batangas. Pero na-cancel dahil hindi pa rin ako lubusang magaling. Paano naman kasi ako gagaling, kahit tinatrangkaso, nagtatrabaho at nagpupuyat pa rin ako. Saturday lang talaga ako nakapagpahinga. I slept the whole day. Bandang 4:00 pm, nagtext sa akin sina MC and RJ. Kakatapos lang daw nila mag-swimming sa Rizal at niyayaya nila akong mag-dinner sa isang quaint ihaw-ihaw by the breakwater malapit sa CCP. Meet daw nila ako ng 6:00 pm sa Harrison Plaza. I immediately texted my bestfriend AC inviting him to join us. Isasama niya raw bf niya dahil susunduin siya nito from work. Tinext ko rin si AX na namamasyal sa Megamall with his bf na dumalaw from Pampanga. Go rin daw sila. I gave them directions. Habang nagbibihis, iniisip ko kung iimbitahin ko rin si Rich para naman may partner din ako. Pero nag-decide ako na huwag na lang kasi masyadong biglaan. At saka sa aking sickly state, kailangan ko ba talagang maki-pagdate? Saka na kapag magaling na ako para hindi naman nakakahiya na sisinghot-singhot ako at uubo-ubo. Paano naman kami magki-kissing, di ba? Mamaya, mahawa pa siya. Joke.

The ihaw-ihaw by the breakwater was a quiet, relaxing place. Natatanaw mo ang city lights sa kabilang bahagi ng dagat. Nararamdaman mo ang malamig na simoy ng hangin. Naririnig mo ang banayad na hampas ng alon kasabay ang pagpailanlang ng love songs na nagmumula sa radyo. Hindi sosyal ang lugar pero may ambiance dahil sa madilim na lighting. Napaka-ideal ng lugar upang maging tagpuan ng mga magkasintahan.

Nauna kami nina MC at RJ na dumating. Maya-maya magkasunod na ring dumating sina AX at AC kasama ang mga jowa. Hello hello. Beso-beso. We ordered. Hindi kami nainip sa paghihintay na maluto ang pagkain dahil nagsimula kaagad ang masayang kuwentuhan. As usual, kami nina AC at AX ang pinaka-maingay. Tawa kami nang tawa kahit sa simpleng joke lang.

Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ko na napaka-sweet ng tatlong pareha sa harap ko. Magkakadikit sila, panay ang holding hands at kung magtinginan, punumpuno ng pagmamahal. Nakadama ako ng bahagyang pagkainggit at longing dahil sa umpukang iyon, ako lang ang walang partner. Sana ay isinama ko si Rich para may kalambingan din ako at hindi yung parang na-o-OP ako kapag tinitingnan sila.

At para namang sinasadya, biglang nag-ring ang phone ko. Si Rich. I had to excuse myself para kausapin siya. Nagtungo ako sa may breakwater.

“Magaling ka na?” ang bungad niya pagkatapos kong mag-hello.

“Feeling better.”

“Asan ka?”

Hindi ko alam kung maglilihim ako. Pero nag-decide akong magsabi ng totoo. “Nasa labas ako. Dinner with friends.”

“Akala ko magpapahinga ka…”

“Hindi ako nakatanggi sa imbitasyon nila.”

“Sana isinama mo ako.” May tila pagdaramdam sa kanyang tinig. “Di ba dapat lalabas tayo ngayon? Hindi lang ako nangulit kasi nga may sakit ka pa.”

“Biglaan kasi. Inisip ko, baka hindi ka pwede.”

“Pwede pa ba akong humabol?”

Saglit akong nag-isip. Kailangan ko pa ba siyang pasunurin? “Pauwi na rin kami maya-maya.”

“Paano ka uuwi?”

“Makikisabay na lang siguro ako o magta-taksi.”

“Sabado ngayon. Baka naman mag-Malate ka pa.”

“Hindi na. Kailangan kong magpahinga.”

***

Higit kaming naging masaya nang i-serve na ang pagkain namin – inihaw na pusit, inihaw na liempo, chicken barbecue, pork barbecue. We ate with gusto at higit na naging masigla ang conversation namin.

Sobra kaming nalibang sa kainan at kuwentuhan, nakalimutan namin ang oras. 10:30 na pala.

AC was asking me: “Gusto mo bang mag-Malate?”

Hindi ako kaagad nakasagot. Gusto kung sa gusto, kaya lang nararamdaman ko na hindi ako dapat magpuyat at kailangan munang mag-recover ng katawan ko.

“Kayo? Gusto n’yo ba?” ang balik-tanong ko.

“Ikaw, kung gusto mo, go tayo. Baka kailangan mo lang mag-Malate para gumaling ka.”

Natawa ako. “Ok sige. Pero Silya lang tapos uwi na. Ayoko munang mag-Bed.” Pagkasabi ay parang na-guilty ako kasi nga ang sabi ko kay Rich, hindi ako magma-Malate.

“Good. Uminom na lang tayo at mag-videoke,” ang sabi ni AC.

***

Pagbaba ko ng sasakyan, naramdaman ko kaagad ang pamilyar na atmosphere. Ang masigla at masayang galaw ng mga tao sa kahabaan ng Nakpil. Ang musikang nanggagaling sa iba’t ibang bar na kahit sala-salabat ay may harmony sa aking pandinig.

Kumaway sa akin ang mga waiter ng Silya. Nginitian ko sila. Umupo kami at sumenyas ng beer. May preskong hagod sa aking lalamunan ang unang lagok ko ng Strong Ice. Nakadama ako ng comfort at pagka-relax.

Nagsimulang kumanta si AC. Na sinundan ng jowa ni AX. Pati ako napakanta rin kahit medyo ngongo ang boses ko dahil sa sipon.

Uminom kami. Nag-yosi. Kumanta. Nagkulitan. I started feeling really good.

Nakipagtitigan ako at nakipagngitian sa isang cute guy na naka-checkered shorts. Siniko ako ni AC.

I got a few text messages from my other friends asking kung gigimik ako. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko kasi nga hindi naman kami magtatagal.

12:30, nag-decide na kaming umuwi. Parang ayaw ko pa pero kailangan na.

Nakita namin sina LW at A sa kabilang side ng Silya. No, hindi sila magkasama. May ibang ka-grupo si LW at may ka-date naman si A. I hugged them. Hinanap ko ang iba pa naming mga kaibigan. Hindi nila alam kung nasaan. Mukhang watak-watak ang barkada ngayong gabi.

“See you later in Bed?” ang tanong ni LW.

“No, pauwi na kami,” ang sagot ko.

“Why so early?”

“Hindi ako dapat nandito. Sick pa rin ako.”

“Ang alam ko nga. Kaya absent ka last week.”

“Next Saturday, I promise, buo na uli tayo.”

***

Nag-offer sina AC na ihahatid na ako pauwi pero nag-decline ako. Out of the way kasi. Pumara ako ng taksi at nag-goodbye sa kanila.

Dumaan sa Orosa ang taksing sinasakyan ko. At doon sa kanto, namataan ko siyang nakatayo. Parang lost boy. Agaw-pansin ang kaguwapuhan. May hatid na sikdo ng excitement sa dibdib ko.

Si Xyrus.

Ang tagal kong hinintay na muli siyang makita. Mula sa bintana ng taksi, pinagmasdan ko ang kanyang mapang-akit na kabuuan. Gusto kong bumaba to say hello pero napaka-awkward naman yata.

I had to remind myself na tapos na ang gimik at pauwi na ako dahil kailangan ko nang magpahinga. At saka, hindi ako masyadong confident sa itsura ko. Dinaan ko lang nga sa concealer ang panlalalim ng mga mata ko.

Isinandal ko ang ulo ko sa upuan. Pumikit ako.

“Next time,” ang bulong ko sa sarili. “Paghahandaan kita.”