Saturday, May 9, 2009

Minsan May Isang Tag-Init

Kaka-graduate ko lang ng high school at napagpasyahan kong gugulin ang summer vacation sa resthouse namin malapit sa beach.

Noong bata pa ako, paborito namin itong puntahan tuwing bakasyon. Subalit sa paglipas ng panahon ay tila nakalimutan na namin ito. Ngayon ko lang uli ito naalalang bisitahin dahil sa kagustuhan kong maiba naman ang bakasyon ko.

Pagkaraan ng halos dalawang oras na biyahe, sinapit ko ang kinaroroonan ng aming resthouse. Ganoon pa rin ang itsura ng bahay. Bagama’t medyo naluma na ito ay maayos pa rin naman dahil sa pag-aalaga ng aming katiwala.

Sinalubong ako ni Mang Jose, ang aming katiwala, kasama niya ang isang binatang ka-edad ko.

“Arman, binatang-binata ka na! Noong huling punta mo rito, ang liit mo pa,” ang bati ni Mang Jose sa akin. Bumaling siya sa kasama niya. “Tulungan mo si Arman sa mga gamit niya.”

Tumalima ang binata.

“Siya si Diego,” ang sabi ni Mang Jose. “Naaalala mo pa ba siya? Siya ang anak ko na kalaro-laro mo noon sa tuwing pumupunta ka rito.”

“Opo. Kaya pala pamilyar siya sa akin.” Nginitian ko si Diego. “Kumusta ka na, Diego?”

“Mabuti.” Ngumiti rin siya sabay bitbit ng mga gamit ko paakyat sa bahay.

Pinagmasdan ko si Diego. Kasingtangkad ko siya subalit higit na matipuno ang pangangatawan kumpara sa akin. Siguro’y dahil sa pagiging banat niya sa trabaho. Morenong-moreno ang kanyang balat dahil sa paninirahan sa tabing-dagat.

Pag-akyat ko sa bahay ay nanumbalik sa akin ang mga alaala noon ng aking kabataan. Naroroon pa rin at maayos ang mga dating kagamitan. Malinis at alaga pa rin ni Mang Jose ang aming bahay-bakasyunan. Inilagak ni Diego ang aking mga gamit sa dating silid na inuokupa ko noon.

Naghanda si Mang Jose ng masaganang pananghalian. Tinolang isda, halabos na hipon, inihaw na pusit at kulay-rosas na kanin. May saging at mangga pang panghimagas. Naparami ang kain ko kasabay ang mag-ama.

“Sasaglit muna ako sa bayan,” ang paalam ni Mang Jose pagkakain. “Ano ba ang balak mong gawin ngayong hapon, Arman?”

“Magsu-swimming po sa dagat,” ang sagot ko.

“Diego, ikaw na ang bahala kay Arman. Samahan mo siya sa pagsu-swimming.”

“Opo, Itay,” ang sagot ni Diego.

Nakaalis na si Mang Jose nang lumabas kami ng bahay ni Diego. Nilakad namin ang maiksing distansya patungo sa dagat.

“Ang tagal mo ring hindi nadalaw dito,” ang sabi ni Diego.

“Oo nga,” ang sagot ko. “Siguro grade six ako nang huling pumunta rito. Nasaan na nga pala yung iba nating mga kalaro noon?”

“Halos lahat sila nasa Maynila na at doon nagtatrabaho. Ako na lang yata ang naiwan dito.”

“Bakit hindi ka rin lumuwas ng Maynila?” ang tanong ko.

“Wala kasing makakasama si Itay. Alam mo naman na matagal nang wala si Inay. At saka tinapos ko rin ang hayskul.”

“Tapos ka na ng haysul?”

“Oo. Kaka-gradweyt ko lang nitong Marso.”

“Pareho pala tayo.”

“Magka-edad tayo, di ba?”

“Oo nga pala,” ang sagot ko. “Balak mo pa rin bang magpatuloy sa kolehiyo?”

“Hindi na siguro. Gustuhin ko man, walang pantustos si itay. Tama na sa akin yung nakapagtapos ako ng hayskul.”

Pagsapit sa dalampasigan, ibinaba namin sa lilim ng isang puno ang konting gamit na bitbit namin. Sabay kaming nagtanggal ng T-shirt ni Diego. Muli ay napansin ko kung gaano kaganda ang kanyang katawan. Malaman ang kanyang dibdib at maskulado ang kanyang mga braso. Samantalang ako, payat at nagsisimula pa lang ma-develop ang katawan. Napansin ko rin na napakaiksi ng kanyang shorts at litaw na litaw ang kanyang mabibilog na hita at mahahabang binti.

Lumusong kami sa dagat. Napakasarap sa pandama ng tubig. Habang ako ay nagfo-floating at lumalangoy-langoy, parang nawala ang aking mga alalahanin. Nakaramdam ako ng kapanatagan.

Hindi ko alam kung paanong ang paglangoy-langoy namin ni Diego ay nauwi sa paglalaro. Habulan at wrestling sa tubig. Dating laro na ginagawa namin noong mga bata pa kami. Nangibabaw ang mga sigaw at tawa namin sa tahimik na kapaligiran. Tila nanumbalik ang closeness namin noon ni Diego.

“Ayoko na.” Hinihingal akong sumalampak sa buhangin. Higit na malakas at maliksi sa akin si Diego kaya talo ako sa aming laro.

Umupo rin siya sa tabi ko. Hinayaan naming haplusin ng alon ang aming mga paa habang nakaharap sa dagat. Maaliwalas ang kalangitan at asul na asul ang karagatan.

“Mabuti na lang, hindi pa rin nagbabago ang lugar na ito,” ang sabi ko. “Napakaganda. Tahimik.”

“Malungkot din,” ang sagot ni Diego.

“Pero wala kayong problema rito.”

“Wala ring asenso. Naiinggit nga ako sa’yo kasi sa Maynila ka nakatira. Doon maraming pagkakataon para umasenso.”

“Magulo rin doon. Mahirap ang buhay.”

Niyaya ko siya sa lilim ng punong pinag-iwanan namin ng aming mga gamit. Doon, nahiga kami sa buhangin. Ipinikit ko ang aking mga mata. Pinakinggan ko ang hampas ng alon sa dalampasigan at dinama ko ang ihip ng hangin. Katabi ko si Diego at nararamdaman ko rin ang mainit na singaw ng kanyang katawan. May hatid na comfort sa akin ang presence niya sa tabi ko. Siguro dahil sa pagod sa biyahe at sa pagsu-swimming, naidlip ako sandali.

Nagising ako na nakahilig sa balikat ni Diego. Gising siya at nakatingin sa akin. Noon ko napansin ang maganda niyang mga mata. Ngumiti siya nang magtama ang aming paningin. “Nakatulog ka,” ang sabi.

Bumangon ako. Mababa na ang araw at malamig na ang simoy ng hangin.

“Halika na,” ang yaya ko. “Uwi na tayo.”

Tumayo kami at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay bitbit ang aming mga gamit.

Dumiretso kami sa poso sa likod-bahay upang maligo at magbanlaw.

Nagulat ako nang walang kaabog-abog na hinubad ni Diego ang kanyang shorts. Wala siyang brief kaya tumambad sa akin ang kanyang kahubdan. Hindi ko naiwasang mapatitig.

Parang walang anuman na nagsimula siyang magbuhos ng tubig. Para akong napako sa aking kinatatayuan.

Napatingin siya sa akin at napansin niya na titig na titig ako sa kanya.

“Hubarin mo na rin ‘yan,” ang sabi na ang tinutukoy ay ang aking board shorts. Nag-alinlangan ako.

“Huwag ka nang mahiya,” ang sabi pa. At siya na mismo ang nagtanggal ng shorts ko. May suot akong underwear at pati iyon ay hinubad niya.

Asiwa man, hindi na ako nakatanggi. Nakita kong dumako rin ang kanyang mga mata sa ibabang bahagi ng aking katawan kasabay ng pagsilay ng isang pilyong ngiti sa kanyang mga labi.

Hubo’t hubad na rin akong nagbuhos ng tubig. Si Diego naman ay nagsasabon na. Pilit kong iniwasan na tumingin sa kanya subalit matindi ang pang-akit ng kanyang hubad na katawan. Lalong-lalo na nang sinasabon na niya ang kanyang pagkalalaki. Napansin ko ang unti-unting pagbabago ng hugis at anyo nito.

Dahil sa aking nasaksihan, nakaramdam ako ng reaksyon sa ibabang bahagi ng aking katawan na hindi ko kayang pigilan. Nagsabon ako at pilit na tinakpan ng mga bula ang aking pagkaantig. Subalit higit na nag-ibayo ang aking pag-uumigting dahil sa masarap na pandama ng madulas na sabon.

Muling napangiti si Diego nang makita niya na pareho kaming may naghuhumindig sa katawan.

Nagsimulang maging kakaiba ang galaw at haplos ng kanyang kamay habang nakatingin sa akin.

Para akong biglang naalinsanganan. Dali-dali akong nagbanlaw.

Patuloy si Diego sa paghimas sa kanyang sarili.

Pinaglabanan ko ang udyok na makibahagi sa kanyang ginagawa. Gusto kong iwasan ang mga sandaling iyon. Gusto kong itago ang aking tunay na nararamdaman.

“Mauuna na ako,” ang sabi ko. Nagtapi ako ng tuwalya at nagmamadaling pumasok sa bahay.

Sa aking silid, hindi ko napigilang silipin si Diego mula sa siwang ng nakasarang bintana.

Isa siyang kaakit-akit na panoorin. Nakatutukso ang kanyang kahubdan habang nakatayo at hinahagod ang sarili. Nakapikit siya at ang mga labi ay bahagyang nakabuka habang nilalasap ang sensasyong hatid ng kanyang madulas na kamay.

Maya-maya, dumilat siya at tumingin sa aking direksyon. Parang alam niya na pinanonood ko siya.

Nagkubli ako.

(Itutuloy)

Part 2

17 comments:

Herbs D. said...

nice. excited ako sa continuation. i dunno. its like i've already heard it somewhere or something

<*period*> said...

huwaaaa..bitin,,,,sana lumabas na yung part two..

Jinjiruks said...

ahaha. kura aris. gawaan na natin ng book itong buhay mo.

bampiraako said...

sige..Huling hirit sa Tag-init..!

Theo Martin said...

virgin ka pa nito no? haha.:)

escape said...

seryoso ka aris? pero hindi naman ikaw yan diba?

Herbs D. said...

sabi na nga ba hehe. :P

Aris said...

friends, kahit hango sa mga tunay na pangyayari, fiction po ang kuwentong ito. si arman ang pangunahing tauhan at hindi si aris. sinubukan ko lang magsulat ng ganito para maiba naman. may karugtong pa ito. sana magustuhan ninyo ang kabuuan. :)

lucas said...

[sana matagpuan ko na ang bagong pag-ibig na magsisilbing mucolytic sa aking puso. :)]

i, too, wish this...

<*period*> said...

bro aris...salamat..pero alam mo, wala nang pag-asa na magkausap kami ni alberto...tinanggihan na niyang kausapin pa ako...kaya siguro mas maganda na yung ganun

JOSHMARIE said...

part two na AGAD. hehe. missed being here!

Anonymous said...

aris hehehe. nakasama ko na rin si YJ. kala mo kaw lang ha hehehe! Joke. Ingat po lage...

jericho said...

nagsisimula ng tumindig ... istorya ni aris. arman pala.. :)

Luis Batchoy said...

d you, you're it as in ITremitida!

Yj said...

dear xerex,

hahahahaha echoz.... tarayful! pinagaalab mo ang maulang tag-init....

Aris said...

@joshmarie: sistah!!! musta na? missed you too! :)

@dilan muli: i'm sure nag-enjoy kayo sa gimik n'yo. next time, isama n'yo ako. take care. :)

@jericho: abangan ang higit na paghuhumindig hahaha! :)

@yj: pampapawis lang para maiba naman hehe! :)

Anonymous said...

Maya-maya, dumilat siya at tumingin sa aking direksyon. Parang alam niya na pinanonood ko siya. - fiction bato??? ayos ah. galing mo pala.