Thursday, June 11, 2009

Souvenirs

Sa huling gabi ko sa Boracay, nag-ikot ako sa D Mall para bumili ng souvenirs.

I bought the requisite shirts and bracelets.

Tumitingin ako sa 7 for P100 na ref magnets nang makita ko siya na umiikot-ikot din sa souvenir shop.

Hindi siya hunk pero matangkad siya. Ang hahaba ng legs niya na nakalitaw sa maiksing shorts. Naka-sleeveless siya na body fit at bumabakat ang kaunti niyang baby fats. Obviously hindi siya nagdyi-gym pero dahil matangkad, attractive ang kanyang built.

I was willing him to look at me habang pinagmamasdan ko siya pero mukhang oblivious siya sa presence ko. Masyado siyang busy sa pagtingin-tingin sa mga paninda. I ruled him out as a possible friend. Mukhang straight at hindi interesado.

Kinalimutan ko siya. Nag-concentrate ako sa pagpili ng mga magnet na isda. Gusto ko yung mukhang totoo ang kulay.

Pagdampot ko sa “Nemo” na nagustuhan ko, may kamay na sabay ding dumampot dito.

Pagtingin ko... siya!

“Sorry,” ang sabi, nakangiti. Ang guwapo pala niya sa malapitan. Baby-faced at chinito.

Automatic din ang ngiti ko habang nakatingin sa kanya.

“You can have it,” ang sabi ko, sabay dampot sa isa pang “Nemo.”

“Nice, noh?” ang sabi habang hawak ang pinag-agawan namin.

Uy, initiating a conversation.

Who would ever think na magsisimula ang aming pagkikilala habang pareho kaming may hawak na isda.

Same fish. Pareho rin ba ang nakalagay?

“I’m getting it. Ikaw?”

“Yup.”

At ang sumunod ay ang pagpili namin ng tig-anim pa na isda. Hindi ko alam pero parang close na kami kaagad.

“Maganda ba ito?”

“Bakit green ang kulay?”

“Eto, lapu-lapu. Mukhang totoo.”

“Yan. Gusto ko yan.”

Funny pero parang nagkaroon kami ng pagkakataong mag-bond dahil sa ref magnets. At hindi pa kami nagsasabihan ng pangalan nun!

Pagkatapos magbayad, saka lang namin naalalang magpakilala sa isa’t isa.

“Stanley nga pala, pare.”

“Aris.” Pare daw, o!

Nagkamay kami.

“Tara, ikot pa tayo,” ang yaya niya.

“Sige.”

Close na nga kami!

“May mga bibilhin ka pa?” ang tanong niya sa akin.

“Wala naman. Tingin-tingin lang. Ikaw?”

“I saw this store kanina na may binebentang Hed Kandi CDs. Gusto ko uling tingnan.”

“Sure. Samahan na kita.”

Habang naglalakad, usap kami.

“Hanggang kelan ka dito?” ang tanong niya.

“Uuwi na ako bukas. Ikaw?”

“Kararating lang namin kanina. Sa Monday pa balik namin sa Manila.”

“Sino kasama mo?”

“Family. They went back to the hotel after dinner. Ikaw, who’s with you?”

“I am alone.”

“Really?”

Pause.

“It’s my first time here kaya excited akong maglibot. Samahan mo ako mamaya sa beach. Gusto kong makita yung mga sand castles. Gusto ko ring mapanood yung mga fire dancers,” ang sabi niya after.

Napangiti ako. Para siyang bata. Sabagay, talaga namang bata pa siya. Sa tantiya ko, early twenties lang siya although sa unang tingin mukhang older dahil malaking bulas siya.

Binili niya ang CD na nagustuhan niya. At pagkatapos, tumuloy na kami sa beach.

Sa tapat ng Red Coconut, naroroon ang sand castle na gusto niyang makita. Nagpa-picture siya sa akin sa celfone niya. Nagpa-picture na rin ako. Hindi nga lang kami nakapagpa-picture na magkasama.

Aliw na aliw siya sa fire dancers. Nakipalakpak siya sa mga nanonood. Kinuhanan niya pa ito ng video.

Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya. Natutuwa ako sa mga kilos niya. Parang ang saya-saya niya.

Naglakad-lakad kami sa beach pagkatapos. Doon kami sa parteng nababasa ng tubig ang aming mga paa.

“Ang ganda dito, noh? Sana pwedeng dito na lang tumira,” ang sabi niya.

“Ako rin, gusto kong tumira dito. Walang stress.”

“Kaya lang kung dito tayo titira, ano naman ang gagawin natin dito.”

“E di wala, magiging beach bum lang tayo.”

“Ang sarap nun!” Napangiti siya. Lalong naningkit ang mga mata niya. Ang cute.

Na-attract kami sa ganda ng music na nanggagaling sa Le Soliel kaya doon kami sa tapat tumambay. Naupo kami sa buhangin.

“What do you do, Stan?” ang tanong ko. “Where do you work?”

“I am still a student.” So, he’s younger than I thought. “Ikaw?”

“Business.”

“I am taking up a business course. I also help in the family business.”

“You look Chinese to me. Are you?”

“Yeah. Pero hindi na pure. So what business are you in?”

Sinabi ko.

“Someday, I will be taking over the family business. I am the eldest, you know.”

“Pareho tayo, eldest din ako.”

“I could tell.”

Nagtaka ako. “Why?”

“You have this air of confidence and independence about you.”

“I saw that in you, too.” Napangiti ako.

“We have three things in common: business… being the eldest… at lakas dating!” He chuckled.

“That’s why we gravitated towards each other. Ngayon lang tayo nagkakilala pero tingnan mo, parang matagal na tayong friends.”

“I am sure marami pa tayong pagkakapareho.”

“We’re forgetting the fish magnet.”

“Oo nga.”

Nagkatawanan kami.

I felt so comfortable being with him. Parang biglang-bigla nakalimutan ko ang pag-iisa.

Nahiga siya sa buhangin. “Wow, this is heaven,” ang sabi habang nakatingin sa langit. “Ngayon lang ako nakakita nang ganito karaming bituin sa gabi.”

Nahiga rin ako. “Oo nga. Ang ganda.”

May gumuhit na shooting star sa kalawakan na sabay naming nakita.

“Did you make a wish?” ang tanong ko.

“Yeah.”

“Anong wish mo?”

“Na maging magkaibigan tayo.”

“Really? Bakit hindi pa ba?

“Gusto ko yung close. Best friends, ganon. Ikaw ano’ng wish mo?”

Tumingin ako sa kanya. “Pareho ng wish mo.”

Napangiti siya.

He moved closer to me hanggang maramdaman ko na magkadikit na kami sa aming pagkakahiga. Nakatingin lang kami sa mga bituin… nakikinig sa chill-out music… dinadama ang ihip ng hangin.

I felt at peace. I felt so happy being with him. It was a perfect moment.

Matagal kami sa ganoong posisyon. Tahimik, walang nagsasalita pero may connection.

Maya-maya, bumangon siya.

“Baka hinahanap na ako. Kailangan ko nang bumalik sa hotel.”

Bumangon na rin ako. Para akong nalungkot sa pamamaalam niya.

Tumayo kami. At nagulat ako nang bigla niya akong niyakap.

“Masaya ako na nakilala kita, Aris. Salamat.”

Napayakap na rin ako sa kanya.

Nagpalitan kami ng bracelets bilang remembrance at souvenir.

Nag-exchange numbers din kami.

“Magkikita uli tayo, promise?”

“Promise.”

Bago kami tuluyang naghiwalay, ginawaran ko siya ng halik sa pisngi.

Masayang-malungkot na naglakad ako sa beach. In my mind, I could hear a song.



26 comments:

Ming Meows said...

(high-pitched) hala!

Herbs D. said...

weh. so siya na ang aampunin mo? hindi na ako? hmfff. kaya pala i gravitate towards you rin-pareho tayong eldest-mwahahahaha etchos!

Cayy Cayy said...

So, is he realyy straight?

bampiraako said...

sana nanghingi ka din ng souvenir sa kanya..hehe

Hindi ata applicable sa akin ang eldest/charactertheory..

Mike said...

Bakit ganun, nung nagpunta ako ng Bora, wala man lang akong nakilala? hay!

pasama na lang sayo pagpunta ng dun ha? baka sakaling madaming makilala! LOL!

Jinjiruks said...

aris bigyan mo nga ako ng pointers pano mapalapit sa mga ganyan. so kelangan titigan mo muna siya hanggang sa tumingin siya sa iyo and the rest is history. kelangan magkita tayo para turuan mo ako.

<*period*> said...

wow..sweet

The Green Man said...

I am happy for you Aris! Not for anything else but because you made friendship.

I loved your story... feels like what happens in fairy tales. I am sure you will still see each other.

-- "Friendship is like diamonds, it last forever." :-D - The Green Man

Anonymous said...

wow naman. so sweet... inlove ka na naman ba??? so kelan kayo ulit? hehehe

kawadjan said...

Winner! So may continuation pa ba ang kwento?

Aris said...

@ming meows: hehehe! thanks for dropping by. sana pasyal ka lagi. :)

@herbs d.: magtayo kaya ako ng hospicio? lol! uy, eldest ka rin pala? *hugs* :)

@cayy cayy: hindi na ako sure hehe! :)

@bampiraako: sana siya na lang ang naging souvenir ko hehe! eldest ka rin? bakit naman hindi applicable ang theory? :)

@doc mike: uy, masaya yun. sa bora ang susunod na GEB. siyempre dapat kasama si friend! :)

@jinjiruks: ikaw talaga hehe! sure, tayo naman ang magkita minsan. :)

@period: thanks. happy ako na nagustuhan mo. :)

@the green man: nakaka-inspire naman malaman na naa-appreciate mo ang mga kuwento ko. maraming salamat. :)

@dilan muli: ewan ko ba, lagi yata akong in love hehe! bahala na. :)

@kawadjan: sana nga may karugtong pa ang kabanata namin. maraming salamat sa pagbabasa at sa comment. sana lagi kang bumisita. :)

JANCAHOLiC said...

yey ! haha ang saya naman nun , thanks kay NEMO ang, kyut chinito pa

Aris said...

@shen shen: kapag nakikita ko nga ang nemo ref magnet, naaalala ko siya. :)

Yj said...

hmmmmmmmp yun lang ang souvenir?

i was ecpecting something more hahahaha

muahz

Luis Batchoy said...

Sa bed mo na yata sya makikita ulit. Letcheng mga chinito na yan! Hehehehe

Aris said...

@yj: saka na lang daw ang pinakamagandang souvenir kapag nagkita uli. charing hahaha! *hugs* :)

@luis batchoy: mukhang di nagpupunta ng bed eh. oo nga, kainis na mga chinito, ang kukyut! hehehe! :)

Kokoi said...

sweet naman! buti pa kayo you have three things in common. ako isa lang. lakas ng dating. heheh. bora, bora, bora. i remember those days...

the geek said...

ahhh...bora....

Better Than Coffee said...

ang haba naman ng love storing ito. hehe.

love,
nobe

www.deariago.com
www.iamnobe.wordpress.com

Aris said...

@kokoi: sarap sa bora. gusto ko uling pumunta. :)

@the geek: i swear, in the future sa bora ako titira hehe! :)

@nobe: hello. i hope nagustuhan mo. salamat sa pagbisita. sana dalaw ka lagi. tc. :)

RoNRoNTuRoN said...

nainlove ako sa istorya na to aris. awww

Anonymous said...

Aww, this is one of my favorites stories. I'm really attracted to chinitos, especially kung matangkad at medyo payat ^^

Aris said...

@ronaldvreyes: kakilig noh? :)

@anonymous: pareho tayo. favorite ko rin ito. :)

Denzhel said...

Aside from The Love I Lost, Dove, and Chances, isa din 'to sa mga pinakagusto ko. Kaya nga isa din 'to sa mga binalikan ko eh. Oo, nabasa ko na 'to dati :) Ako din, attracted ako sa mga chinitos. Tama yung sinabi ni Anonymous, payat at matangkad ^_^ Kapag nag-iimagine ako, laging chinito gusto kong partner :P

Aris said...

@denzhel: isa rin ito sa mga paulit-ulit kong binabasa. lalo na kapag medyo sad ako. nakakagaan kasi sa pakiramdam. as you can see, patronizing my own ako. hehe! thanks again, denzhel. :)

Unknown said...

.wow. tapos? anu nang nangyari afterwards?