Tuesday, July 28, 2009

Wonderful

“You have to do something,” ang text sa akin ng bestfriend kong si Ace. “Baka tuluyan na tayong magkawatak-watak.”

It has been months since huli kaming nagkita-kita at nagkasama-sama ng barkada. Hindi ko akalain na sa pagbabakasyon ko ay magbabakasyon din sila sa pagpunta sa Malate.

Kaya Monday pa lang, isa-isa ko na silang tinext: “Barkada night this Saturday. Miss you guys. No excuses please.” At hindi ko sila tinantanan buong linggo hanggang hindi nagko-confirm ang bawat isa. I was aiming for a complete attendance kaya may threat ako sa mga unsure: “You have to be there or else...” (Charing lang, siyempre!)

Hindi naman ako nahirapan na mapa-“oo” lahat sila dahil katulad ko, miss na rin nila ang barkada at excited sila na muli kaming magkasama-sama. May isa nga kaming friend na kinansela ang Baguio trip niya para lang makapunta. At may nakipag-away pa sa jowa dahil ayaw payagan.

Nabalitaan ko na habang bakasyon kami, napagdiskitahan ng mga friends ko ang pagdyi-gym. (Kanya-kanya sila.) I also heard na ang gaganda na ng mga katawan nila. Dito ako na-insecure dahil sa buong duration ng hibernation ko, never akong tumapak sa gym o kahit sa park (para mag-jogging o mag-walking) at sa halip, luto ako nang luto ng mga kung anik-anik at panay ang kain ko. Hence, nadagdagan ang timbang at waistline ko. Sumikip ang mga mga body-fit shirts at skinny jeans ko. Panic ako kaya sinimulan ko kaagad ang crash diet. I have one week (just one week!) to lose weight para hindi naman ako magmukhang sore thumb in the company of my gym-buffed/gym-toned friends.

Medyo naging successful naman ang fruit and veggies diet ko dahil kahit paano, nag-lose ako. Pero pakiramdam ko, mataba pa rin ako sa mga damit pang-gimik ko kaya nag-shopping pa ako ng outfit na nakakapayat. Ang arte noh? Siyempre, ayoko namang magmukhang suman.

Dumating ang Sabado at excited akong nag-prepare. As usual, natagalan na naman ako sa buhok ko (“Kahit gulu-gulo yan, mahirap ayusin yan!”) kaya medyo na-late ako. Siyempre sa Silya ang tagpuan namin. Halos magkakasunod lang kaming dumating. Hugs at beso-beso. At totoo nga, may definition na ang katawan ng mga friends! Lumaki na ang mga braso at umimpis na ang mga tiyan. Ang titikas na ng mga tindig nila. (Tagilid na ako sa swimsuit competition. Babawi na lang ako sa talent portion. Charing hehe!)

Pinagmasdan ko ang mga kaibigan kong sina Ace, James, Axel, Arnel at Lance (padating pa lang sina Maynard at Luigi) at dama ko ang pag-uumapaw ng tuwa sa puso ko sa muli naming pagkikita-kita. I realized how much I care for these guys and how blessed I am to have them in my life. (Drama!)

Umorder kami. Hindi nakalimot ang mga kaibigan naming waiter sa drink preference ng bawat isa sa amin. Strong Ice for me, Red Horse for Ace, San Mig Light for James and Axel, Zombie for Arnel and Ice Tea for Lance.

In high spirits kaming lahat kaya kahit nagsisimula pa lang kaming uminom, maingay na kami. Hindi kami magkamayaw sa kuwentuhan. We had plenty of catching up to do. Panay ang inom namin dahil gusto namin kaagad malasing. Panay rin ang biruan namin dahil na-miss namin ang kulitan at asaran. Feeling ko, ako ang pinakamalakas tumawa dahil genuinely, ang saya-saya ko talaga at ang sarap ng tama ko sa Strong Ice.

Past 1:00 a.m. na kami nag-decide na pumasok ng Bed. Naglakad kami sa Nakpil na magkakaakbay. Masigla ang aming mga hakbang na tila sabay sa music ni Ida Corr na nanggagaling sa O bar.

Pagpasok namin sa Bed, Axel commented: “Na-miss ko ang amoy na ito!” at saka ko lang na-realize na, oo nga, may amoy ang Bed at mabango siya! Sabay sa paglanghap ko sa distinct smell ng club ay ang higit na pamamayani ng excitement sa aking dibdib. Parang first time ko uli and I didn’t know what’s in store for me inside. Nag-hello ako kay Rose, ang receptionist. As usual, she was smiling at me. Parang pati siya, na-miss ko. Medyo nainis lang ako kasi kino-confiscate na naman sa gate ang lip balm kung kelan may dala ako (a gurl needs to moisturize her lips, you know, para kissable!). Itinigil na nila ito noon, ewan ko kung bakit ginagawa na naman nila ngayon. (Paki-explain naman sa akin please ang dangers ng lip balm sa dance club kasi hindi ko talaga ma-getz kung bakit bawal!)

With or without lip balm, sige, go na rin. (Use your tongue – or somebody else’s -- na lang para huwag ma-dry ang lips.) We parted the curtain and the familiar sight – and sound – came into view. Jampacked, as usual. Hindi lang maraming tao kundi maraming magagandang tao sa loob! Para kaming mga bata na napasok sa chocolate factory.

We settled in our usual spot after getting our drinks. And then, biglang pinatugtog ang “Nobody” ng Wonder Girls. Nagkatinginan kami. Sabay-sabay naming ibinaba ang aming mga bote at humataw kami ng sayaw with matching clap-clap na luluma sa 2NE1 ni Sandara Park. (Char! Siyempre, masculine pa rin ang mga galaw namin hehe!)

It was the perfect music to jumpstart us. We all climbed up the ledge afterwards. At doon nag-krus ang landas namin ng hubadero kong ex na si Harry. Shirtless na naman siya at mag-isang nagsasayaw. Nagyakapan kami at naglandian. Nagsayaw na nag-uumpugan ang mga harap. Naloka lang ako sa kanya dahil maya't maya, nire-remind niya ako na friends na lang daw kami. As if naman, gusto ko pa siya. Haller, hindi na noh? Wala na nga akong maramdaman sa kiskisan namin. At ang lambot pa rin kaya ng abs niya na pinahahawakan niya sa akin. Gusto ko matigas noh! Honestly, wala na talaga akong feelings (o kahit libog) sa kanya. I was just being nice.

Isa sa nagpatingkad sa gabi ko ay ang presence sa Bed ng mga blogger friends ko na sina McVie, Joaqui, Mike, at MkSurf8. Dance dance kami at konting chika. (Nagkita rin kami ni Kane sa Silya bandang umaga.)

And then I met Marcus. Nagtama na ang aming mga mata kanina at na-kyutan ako sa kanya pero mukha siyang suplado kaya umiwas ako. At ngayon, sa muling pagtatama ng aming mga mata, sinubukan kong ngitian siya. Akala ko, iisnabin niya ako pero ngumiti rin siya. Nag-usap kami sandali at maya-maya lang, magkahinang na ang aming mga labi. Yumakap kami sa isa’t isa at nadama ko ang lean na katawan niya. 22 lang siya. Works in a call center at first-timer sa Bed.

Marcus was so sweet and nice. I stayed with him. We held hands, hugged, kissed and danced. Nagkaroon din kami ng conversation na kung saan nakita ko na intelihente siya, family-oriented at independent. Qualities I admire most in a person. Dahil dito, hindi na lang physical ang naging attraction ko sa kanya.

Bandang alas-tres, nagpaalam si Marcus dahil may okasyon daw siya na kailangang daluhan sa umaga. Hinatid ko siya sa labas. Nag-exchange numbers kami. We promised to text each other. Bago siya sumakay ng taksi, sinabi niya na gusto niya uli akong makita.

Back on the ledge, the flirting game continued. I danced with two shirtless guys. Pareho silang guwapo at maganda ang katawan. Yung isa, pilit akong hinuhubaran. Tumanggi ako dahil tumaba nga ako. Kung hindi lang, hindi na ako kailangang pilitin. Yung isa naman na may tribal tattoo sa likod, panay ang hawak at himas sa akin kaya, hayun, hinawakan at hinimas ko rin. Pero hanggang doon lang iyon, landian lang na walang ibig sabihin. We didn’t even kiss.

Bumalik ako sa company ng mga friends ko. Dumating na sina Maynard at Luigi. Kumpleto na kami. Hello-hello, picture-picture (para may souvenir) tapos sayaw-sayaw. And then, hiwa-hiwalay uli dahil sa mga panibagong prospects.

Sunud-sunod ang natanggap kong text mula kay Marcus.

Hey, Aris. Thank you. I enjoyed my first time there. Hope to hear from you. See you again soon.

Sorry, I had to leave early. Next time, promise, I won’t leave you.

Just text me if you want to meet again. I will surely be there.

I miss you already hehe!

Bunsod ng saya na nadama ko sa mga text niya, muli akong umakyat ng ledge at doon nagsayaw nang nagsayaw. Parang ang gaan-gaan ng mga paa ko. Parang lumulutang ako sa music. Kahit mag-isa, enjoy ako. I bumped into one of my super crushes before. He smiled at me. I smiled back. Pero parang ang tingin ko sa kanya, hindi na siya ganoon kaguwapo. Parang hindi ko na siya crush.

Then I found myself surrounded by my friends again. Nag-uumaga na and we made the most of the time left. Super dance uli kami. Wala na sina Arnel at Maynard, na-take-home daw. Si Luigi naman, sumama sa ex. Oh well, good for them.

Lima na lang kaming lumabas na magkakasama. We went to Silya for breakfast at doon, nagpatuloy ang kuwentuhan namin. Napag-usapan namin ang mga encounters.

“I have a date later. Magkikita kami sa Gateway,” ang sabi ni James.

“I kissed four,” ang pagyayabang ni Axel. “Ikaw, Aris?”

“Isa lang. And I liked him. BF material,” ang sabi ko.

“Milagro, gurl. Hindi ka top scorer ngayong gabi,” ang comment ni Ace.

“Nagbago na ako,” ang sagot ko.

“Ako rin, isa lang”, ang sabi ni Lance. “Nasa loob kasi si Zaldy, nakita n’yo ba? Ayoko kasing isipin niya na naglalandi ako porke’t hiwalay na kami.”

“Uy, mahal mo pa rin siya,” ang kantiyaw namin.

“Hindi na,” ang tanggi ni Lance.

“I met two. Pinaghahalikan ako sa leeg nung isa. Nahirapan akong umiwas,” ang sharing naman ni Ace.

Saka namin sabay-sabay na napansin ang hickey na nasa kanyang leeg! OMG, lagot! Paano niya ito ipaliliwanag sa kanyang jowa?

Nag-panic si Ace. Kanya-kanya kami ng advice kung ano ang gagawin. Cold compress. Concealer. Vitamin E. Turtle neck.

Medyo tumagal ang pag-aalmusal namin dahil sa kung anu-ano pang mga napag-usapan.

Sa pag-uwi, isang direksyon lang ang tinahak naming lahat. Up na up pa rin kami at parang ayaw maghiwa-hiwalay. Panay ang biruan habang naglalakad. Panay ang tawanan. Masyado kaming masaya. Muli ko silang hinagod ng tingin. At six in the morning, fabulous pa rin ang mga friends kahit walang tulog!

Bandang hapon, nag-text sa akin si Lance: “Winner ang wonder gurls kagabi!”

I could not agree more. Lalong-lalo na ako, wagi talaga ang pakiramdam ko dahil kaka-text lang din sa akin ni Marcus.

I can’t seem to stop thinking about you. If you’re free this afternoon, can I invite you to a movie?

Nag-reply ako at napangiti, tutop ang celfone sa dibdib ko.

Baka ito na yun.

25 comments:

Superjaid said...

nice..may marcus ka na..Ü good for you sis,

Luis Batchoy said...

22... need I say more?
Well... baka naman nga lang!

Looking For The Source said...

uy. go girl!

ha ha

Theo Martin said...

when i read your blog, it seems the BED is such a nice place to be...well not for me sigh, but i guess, just for this post, it made me feel like im in heaven! hahahahhaha!

Pinoy queer as folk tlaga!

Aris said...

@superjaid: thanks, li'l sis. uy, magbi-birthday ka na pala. Happy 18th! Mwah! :)

@luis batchoy: baka sakali lang. malay natin, divah? hehe! :)

@lfts: go talaga ako, friend. so far, so good naman. :)

@theo martin: bakit naman not for you? try mo uling pumunta and let me know. samahan kita hehe!

happy ako na na-enjoy mo ang post ko. sobra naman, QAF talaga ha? thanks, my dear. :)

Jinjiruks said...

hindi ako maka relate hehe. grabe tatanda siguro akong hindi man lang makakapunta sa ganyang lugar. good thing me mga friends kang ganyan kuya Aris. mahirap talaga pag mag-isa lang.

Aris said...

@jinjiruks: why not? kailangan lang maging sociable and adventurous. :)

argunn said...

kakaiba ka aris. kaya kayang mo akong pakiligin hehehe

cronwell said...

you go gurl! maybe this is it?

Aris said...

@argunn: uy, salamat naman, napapasaya kita! :)

@cronwell: sana nga. pramis, ikukuwento ko ang mga susunod na pangyayari. :)

MkSurf8 said...

good luck friend! =) nice to see you there sa wakas! at na meet ko na rin ang mha wonder gurls! =) sa uulitin

Jinjiruks said...

eh tayo aris san naman tayo magmi-meet? sa monasteryo? hehe. nasa email mo naman ako minsan.

Eli said...

huwaw.. kinilig naman ako.. i so love reading your posts alam mo un hindi writer ang nakikita ko pero tao, tao na nagkkwento. Tayo mag memeet ba tau? hehehe

Aris said...

@mksurf8: it was nice to see you again, my friend. it was my friends' pleasure to meet you. :)

@jinjiruks: pwede hehe! in time, magmi-meet din tayo. :)

@elay: touched naman ako sa comment mo. thank you for appreciating at sana lagi kang mag-enjoy. sure, why not? will look forward to meeting you. :)

Jinjiruks said...

promise mo yan kuya aris ah. eh magaling ka naman magluto. invite mo naman mga blogger sa haus mo.

teegee said...

NOBODY by wonder girls is a good song. love the lyrics. although its korean. :)

<*period*> said...

<*kilig pepe*>

Aris said...

@jinjiruks: sige. pwede rin sa mall. o sa malate. :)

@teegee: i love the song, too! thanks for dropping by and for the comment. i hope you will visit often. take care. :)

@period: lol! :)

the geek said...

go friend!!! good luck!

(i like the name marcus. hahaha)

Eli said...

cge ah meet tau ah.. seryoso.. actually gusto ko nga magkaron eyeball mga bloggers wala lang, kahit na di man ako popular blogger gusto ko parin makita ung mga tao na nasa likod ng pangarap ko maging magaling na blogger hehe

Aris said...

@the geek: ang astig ng name, di ba? mhin na mhin hehe! :)

@elay: yup, seryoso. i also want to meet you. i like the way you write at para sa akin, magaling kang blogger! :)

Yj said...

i want nobody nobody but you....

hehehehe

guess what.... dumating kagabi sina joaqui, ewik at mugen.... hehehehehe

abangan ko yung pinangako mong post hehehehehe

Aris said...

@yj: ay, sayang. sana hindi ko na binago ang plano. nagkita-kita sana tayo. ang ulan kasi. :)

Jinjiruks said...

kuya aris kaw na po mag organize ng bloggers eb.

Eli said...

kuya try mo kaya maglagay ng cbox. hehe.. n_n