Tuesday, August 4, 2009

Sorry

We slept together. Ako at si Marcus.

Dahil sa patuloy na pag-ulan noong Sabado, kinansela ko ang Malate gimik namin at sa halip ay inimbita ko na lang siya at iba pang mga kaibigan for a slumber party sa bahay.

We watched “Boy Culture” on DVD and pigged out on sandwiches, chips and soda. Kuwentuhan at kulitan hanggang sa mapagod. We went to bed at around 2 a.m.

Of course, we had sex. Ako at si Marcus. Dahil sa kuwarto ko siya natulog.

He had an enormous surprise for me. His enthusiasm, though, did not surprise me. I was expecting it and I was ready.

Nagliliwanag na when we finally drifted to sleep. Tired. Drained. Satiated.

Subalit paggising ko, I felt strange. Hinanap ko ang kaligayahan sa dibdib ko pero parang empty ang pakiramdam ko. Wala ang inaasahan kong nag-uumapaw na affection para sa kanya.

Pinagmasdan ko siya sa kanyang pagkakahiga sa aking tabi. Hinagod ko ng tingin ang kanyang payat at hubad na katawan… ang inosente at maamong mukha… ang nakapikit niyang mga mata na may malalagong pilik-mata. Then it struck me. Kahawig siya ni Clarence.

Si Clarence ang nakikita ko sa kanya!

Napatutop ako sa aking ulo.

Kaya wala akong maramdaman para sa kanya dahil substitute lang siya ni Clarence.

I was just trying to recreate everything na may kaugnayan kay Clarence. Ang slumber party kasama ang mga kaibigan ko. Ang pagsisiping naming dalawa.

I was appalled by my realization.

Nagamit ko si Marcus dahil may hang-up pa ako kay Clarence at hindi pa nakaka-“let go”.

Pero hindi ko sinasadya. Mali ang intindi ko sa sarili ko. Akala ko, “moving on” ang ibig sabihin ng attraction at interest ko kay Marcus. Pero “holding on” pala iyon sa alaala ni Clarence.

Hindi ko alam na ganoon pala ako kalungkot at noon ko lang napagtanto dahil sa nagawa ko.

I felt so pathetic. I hated myself.

Parang bigla akong naawa kay Marcus. Niyakap ko siya. Gusto kong mag-sorry.

Dumilat siya, uminat, ngumiti at yumakap din sa akin.

“Mahal mo ba ako?” ang tanong niya.

Puno ng antisipasyon ang kanyang maningning na mga mata subalit ayokong magkunwari. Ayokong magsinungaling dahil kapag ginawa ko iyon, higit ko lamang siyang sasaktan.

Hindi ako sumagot. Hinigpitan ko ang aking yakap.

I knew it was too late to apologize.

21 comments:

Tristan Tan said...

Mare, kahit pa may hang up ka kay Robin Padilla, his enormous surprise should have already gotten your vote. Don't overanalyze.

Eric said...

Naawa naman ako kay Marcus :(

Subalit hindi naman talaga maiiwasan ang ganitong mga bagay.

Knox Galen said...

Maaring nakikita mo sa kanyang mukha si Clarence, subalit tingnan mong mabuti. Baka naman magkaibang mundo sila ng pinanggalingan.

Cheers.

Jinjiruks said...

awts. panakip butas lang si marcus. kawawa naman siya kuya aris kung papatagalin mo pa yan, kung hindi naman siya ang nasa isip mo kundi si clarence. huhu!

♥superjaid♥ said...

honestly, naaawa ako kay marcus, pero di mo naman kasalanan, di mo naman sinasadya at naguluhan ka lang..ganito na lang try to analyze things, baka naman kasi kamukha lang sya ni clarence kaya akala mo kaya ka lang attracted sa kanya dahil nakikita mo sa kanya si clarence, pero may maliit pa rin namang posibility na kay marcus ka talaga attracted at affectionated, di lang dahil sa kamukha nya si ex..Ü

Luis Batchoy said...

Sagutin ang tanong... minsan kasi masyado lang nating inaanalisa ang mga bagay bagay na hindi na nahahayaang dumaloy na lang ang emosyon at syang mag hari sa ating mga buhay, dahil alam naman natin na kahinaan yun. Pero sabi ng sakanta ng Fra Lippo Lippi na Light and Shade...

Be weak... If you want to love...

Sagutin ang tanong ni Marcus...

Pinoy Gay Guy Confidential said...

Hi Aris.

The good thing is may realization sa iyo. From there maaayos mo yung situation mo.

It takes a good person to admit he is wrong and even better person to make amends and correct what is not right.

You will get over Clarence one of these days. It doesn't seem that Marcus presence will not help. But just trust that you will find the right person.

Kane said...

Hello Aris,

The month has scarcely turned and already the secrets have begun. Where will it end this time? It's not about what's happened. It's about what's to come. But the past is always with us. Just waiting to mess with the present. And when it does, you know who'll be watching.

XOXO
K

Aris said...

@tristan tan: may point ka, mare. salamat sa advice. :)

@eric: pasensya na po. thanks for dropping by and for the comment. :)

@knox galen: friend, gagawin ko ang sinabi mo. alam ko, makakatulong ito upang maibsan ang pagkalito ng damdamin ko. salamat. :)

@jinjiruks: umamin ako sa pagkakamali ko dahil gusto kong ituwid ito. hindi ko na po dadagdagan ang kasalanan ko, pramis. :)

@superjaid: thank you, li'l sis, sa advice mo. titiyakin ko na maisasaayos ko ang lahat. :)

@luis batchoy: friend, ang hirap naman ng tanong mo hehe! charing. isip-isip muna ako para makasigurado. :)

@pinoy gay guy confidential: natutuwa ako na naiintindihan mo ang kalagayan ko. napakaganda po ng positive mirroring na ginawa mo sa akin, nakakabawas ng bigat sa pakiramdam. thanks. :)

@kane: na-cheer up naman ako sa comment mo, my dear k! alam ko, may pinagdadaanan ka rin but nothing beats a happy disposition para malagpasan ito, di ba? i hope and pray that everything will soon be ok. xoxo, a.

john stanley said...

sooner or later the question must be answered. i want to think that markus knows what he's getting into so that he will be ready whatever your answer is.

good luck, aris.

ACRYLIQUE said...

Awts. for Marcus. Wag ganun. :(

wanderingcommuter said...

parang kanta lang ito ng something stupid ni robbie williams at nicole kidmann (ata), you don't need to spoil it all by saying something like ilove you...

pero more than that, bakit di ka pumunta noong sabado? TSK!

cronwell said...

tama lang ang ginawa mo, hindi ka nagpa-asa ng ibang tao st naging honest ka pa sa sarili mo at sa kanya.

MkSurf8 said...

friend i'll parrot Tristan & Luis. analysis paralysis to! dapat kasi rain or shine sa Bed. i mean not your in your own bed =)

the geek said...

alam mo friend, para sa akin, mas maskit pa ang pagtatahimik mo sa kanya.

he deserves the truth...

kaya mo 'yan!

Mr. Komplikado said...

Akala ko nung hinagod mo ng mata ang payat nyang katawan at mata eh me nakita kang muta.

Joke lang!

=)

kuri said...

ikaw ang nakakaalam ng masmkabubuting gagawin.

napadaan lang.goodluck!

Ming Meows said...

i was also thinking of doing an apology to my pseudo-bf before for using him as a "parausan".

Looking For The Source said...

:(

you'll get over this.

:)

Yj said...

boys like clarence are fucking idiots.... they fucking ruin everything.... they will always be the one to whom the other boys, no matter how great, will be compared to.....

Bonsai Makisig said...

thank you aris......sa follow

anyways just add my YM

poloapolinar
so we can talk about how to blog well.

ive noticed you've done so well.