Thursday, August 20, 2009

Another Sad Love Song

Patay-sindi ang mga ilaw at bumabayo ang dance music nang makita ko siyang nakatayo sa isang sulok ng club. Lango ako sa Strong Ice at Red Horse kaya pilit ko pa siyang inaninag at kinilala bago nilapitan.

Napangiti siya pagkakita sa akin. Ngumiti rin ako at kaagad ko siyang niyakap. Yumakap din siya sa akin. Binati ko siya at hinalikan sa pisngi.

Nag-usap kami sandali. At dahil masyadong malapit ang mukha namin sa isa’t isa, nagtagpo ang aming mga labi. Humigpit ang yakap niya sa akin.

Habang naghahalikan kami, balisa ang aking isip dahil sa kabila ng aking pagkalasing, very much aware ako na mali ang ginagawa namin.

Saklot man ng pagnanasa, pilit akong kumawala sa kanyang mga bisig.

Nagmamadali akong lumayo sa boyfriend ng aking kaibigan.

***

Umakyat ako sa ledge at sumayaw sa “Beautiful Nightmare”. I was feeling heady pero nagawa ko pa ring lumandi. Kung kani-kanino ako nakipaghalikan. At hindi katulad kanina, wala akong guilt na naramdaman.

Nakipaglaro ako. Subalit kinalaunan, pakiramdam ko, ako na ang pinaglalaruan. Overpowering na ang mga humahalik sa akin at parang hindi na ako makahinga. Bumitiw ako at kaagad na bumaba.

Hinanap ko ang aking mga kaibigan subalit hindi ko sila makita.

Hazy ang kamalayan ko nang mga sandaling iyon. I was drunk and exhausted. Parang umiikot ang aking paningin. I steadied myself. Sumandal ako at pumikit.

***

May kamay na gumagap sa aking pisngi habang nakapikit ako.

Dumilat ako. Isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin.

Si Arthur. Ex ko.

Niyakap niya ako. I was feeling lost and his embrace was very comforting. Yumakap din ako sa kanya.

“Are you alright?” ang tanong niya.

Hindi ako sumagot subalit humigpit ang yakap ko sa kanya.

“I’ll get you some water,” ang sabi niya. Bumitiw siya sa akin at umalis. Kaagad din siyang bumalik with a bottle of mineral water.

Ininom ko ang tubig and I felt better. I smiled at him gratefully.

“Kumusta ka na?” ang tanong niya.

“Nothing has changed much. Katulad pa rin ng dati,” ang sagot ko.

“Masyado ka na namang wild. Kanina pa kita pinagmamasdan.”

“Hindi naman ako laging ganito. Ngayon lang.”

“You shouldn’t be that way.”

“Bakit, wala naman akong boyfriend. So walang masama, di ba?”

“Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka. You give people the wrong impression.”

Ouch, pinagalitan ako.

“Alam mo naman na hindi ako bad gurl, di ba?”

“Alam ko. Pero ang tingin sa’yo ng iba, bad ka dahil sa pinaggagagawa mo.”

Tumahimik ako.

“Ok ka lang?” ang tanong niya.

“I am fine,” ang sagot ko.

“Halika, magsayaw tayo.”

Habang nagsasayaw, hindi ko napigilang halikan siya sa lips. Tumugon siya at matagal bago nagbitiw ang aming mga labi.

Hinila niya ako sa isang sulok at doon, ipinagpatuloy namin ang paghahalikan.

Dama ko ang pananabik namin sa isa’t isa. Dama ko na naroroon pa rin ang damdamin ko para sa kanya.

Muli kaming nag-usap.

“Anong nangyari sa atin? Bakit bigla na lang tayong naghiwalay?” ang tanong ko.

“Hindi ko alam.”

“We just stopped communicating. No one bothered to ask why.”

“I guess it was pride.”

“But we loved each other, didn’t we?” ang tanong ko na tila naghahanap ng assurance.

“Yeah, I think so.”

Pause.

“Mabuti na lang we remained friends,” ang sabi ko pagkaraan.

“Wala naman tayong pinag-awayan. Basta nag-drift lang tayo.”

“Maybe we should give it another chance...”

Tumingin siya sa akin. May lungkot akong nakita sa kanyang mga mata.

“I think it’s too late for that,” ang sabi niya.

“Why?”

“Kasi, paalis na ako. And I will be away for a while.”

Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kanya.

“Mabuti na lang, nagkita tayo ngayong gabi,” ang sabi niya. “I can formally say goodbye.”

“Goodbye?”

“I am leaving this Wednesday.”

“Saan ka pupunta?”

“Sa Saudi. Doon na ako magtatrabaho. Nag-resign na ako sa bangko.”

Natigilan ako.

“Three years ang kontrata ko. Medyo matagal.”

“Bakit ka aalis?”

“I don’t know. Siguro may hinahanap ako. O tinatakasan.”

I stared at him. Hindi ko alam kung ano pa ang aking sasabihin. May lump akong naramdaman sa aking lalamunan.

Inilapit niya ang mukha niya sa akin at muli niya akong hinalikan. Pumikit na lamang ako habang parang ginugutay ang aking kalooban sa halik ng kanyang pamamaalam.

***

Muli akong umakyat sa ledge. Nagsayaw ako at nakipaglandian. Nagpalipat-lipat ang aking mga labi sa kung sinu-sino.

Patay-sindi ang mga ilaw at oblivious ang lahat sa aking lungkot at pagkukunwari habang umiindak at nagpapaka-wild.

Masaya ang tugtog but all I could hear was just another sad love song playing.

12 comments:

Anonymous said...

“Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka. You give people the wrong impression.”

i like this one. it is so true sometimes, well i think, even most of the times. that whatever repercussions we feel are often dependent on the impact we throw out from ourselves.

but then again, we'll never get to know an individual unless that individual would disclose himself to us.

Good day, Aris!


-Bewired

♥superjaid♥ said...

aww..ang lungkot naman nito, di ko alam ang aking dapat sabihin..

ELAY said...

whew grabe, nagkita lang sa dilim tapos nagkiss na ay hindi lang pala kiss nag KISS na. haaay that is sad, I feel you. *wink

Aris said...

@bewired: hello to you. pati bestfriend ko pinagsabihan na ako nito. actually, totoo naman eh. pero minsan, kapag masyado akong malungkot, nakakalimot ako at naghahanap ng quick fix to feel ok. or something to reassure me that i am ok. but in the end, it doesn't really help. next time, magpapakatino na talaga ako, promise hehe! :)

@superjaid: don't worry, li'l sis. mabilis akong mag-bounce back and i am back to my usual self. happy na uli ako ngayon. :)

@elay: sorry, li'l bro, kung na-shock kita. kadalasan, yang mga kiss-kiss na ganyan, wala namang kahulugan. pero wag mong gagayahin ang kuya mo. bad yun. hehe! :)

Yj said...

haaaaaaaaaaaaaayz.....

xtian1978ii said...

ang dami na talaga sa saudi.
---
aris ganyan tlaga ang hirap mag let go. hirap din ako sa ganyan :(

Aris said...

@yj: *sigh!* (gurl, it was great to see you again last night. ang saya-saya!) :)

@xtian1978ii: oo nga. minsan akala mo, naka-get over ka na. tapos, biglang-bigla it will just hit you, hindi pa pala. thank you sa mga comments mo. i really appreciate them. take care. :)

Knox Galen said...

“Paano ka magkaka-boyfriend kung ganyan ka. You give people the wrong impression.”

Napaisip ako sa mga linyang ito lalong lalo na't lumiliit na ang mundo ko sa O-Bar.

Pareho lang tayo ng sitwasyon. Hindi ko lang alam kung hanggang kailan ako magiging ganito.

Looking For The Source said...

:(

:)

Aris said...

@knox galen: last saturday night, sabi ko magbe-behave na ako. nalasing ako kaya medyo nag-behave lang. hirap kasing i-resist kapag nasa harap mo na at nakangiti ang tukso! lilipas din ito. in time. soon. :)

@lfts: nakaka-sad ba? ganon yata talaga hehe! :)

Anonymous said...

i remember my old days with your story before i go abroad for a better earnings... and to be far away from someone and forget to forget him.....

mabuti at nagkita kayo to finally say goodbye to each other, atleast may tuldok ang lahat, walang inaasahan at walang umaasa...

i felt guilt on what i have done... im so bad....

Aris said...

@anonymous: hello. nakakalungkot man, pero minsan, kailangang may isakripisyo para ma-pursue ang mga gusto sa buhay. sabagay, true love waits naman. kung kayo talaga, kahit na magkalayo pa nang matagal na panahon, kayo pa rin sa bandang huli.

salamat sa pagbabasa. sana kahit paano nalilibang ka sa mga kuwento ko at nakakatulong ako para hindi ka ma-homesick. ingat ka lagi diyan. :)