Thursday, August 27, 2009

Be With You

I have given up on you pero nagbakasakali pa rin ako.

Niyaya kitang lumabas kasama ang grupo.

I was expecting a “No” kasi nga ang pagkakaalam ko, may dine-date ka nang iba. Kaya na-surprise ako nang mag-“Yes” ka. Siyempre, natuwa ako.

Ang sabi mo pa: “I cancelled my date to be with you, guys.”

It was the usual gimik with friends. And your presence made the difference.

Even if we were sitting beside each other, I tried to be as casual as possible. Even if we were sharing a plate of pulutan and a pack of cigarettes, hindi ko ito binigyan ng anumang kahulugan.

I was myself. Wala na akong conscious effort na magpa-impress sa’yo. Panay ang inom ko at alam ko na habang nalalasing ako, mas nagiging spontaneous ako. Hindi na guarded ang mga salita at galaw ko. And like the other guys, you were laughing at my every joke.

I got the feeling na mas appreciated mo ang pagkaluka-luka ko, hindi katulad noon na wala kang reaction sa pagpapaka-demure ko.

Nevertheless, hindi pa rin ako nag-isip ng kahit na ano. I was just enjoying myself being with the group. And being with you.

Wala na talaga sa isip ko na tratuhin pa kita nang espesyal dahil sabi ko nga, I’ve given up on you. Tanggap ko na, na kahit matagal din akong nag-care sa’yo, na-reach ko na ang finish line ng kahibangang ito.

Actually, I paid more attention to my other friends than to you. To the point na, feeling ko intentionally talaga, I neglected you. Hindi katulad dati na iniintindi kita palagi… tinatanong kung ok ka lang ba… hinahanap kapag nawawala. Ayoko na kasi talagang magpadala sa damdamin ko.

Pero sadya yatang may twist ang bawat istorya ng buhay ko dahil kung kelan wala na akong expectations mula sa’yo, saka naman parang sinorpresa mo ako sa mga kakaibang kilos mo.

Napansin ko na sa tuwing tumitingin ako sa’yo, sinasalubong mo ang mga mata ko. Umiiwas ako dahil ayokong muli ay mawala ako sa mga titig mo.

Napansin ko rin na naging mahawak ka sa akin, bagay na hindi ko yata maalalang ginagawa mo sa akin noon. Ako pa ang mahawak sa’yo dati pero never kang naging responsive.

Naramdaman ko ang manaka-nakang pagpatong ng kamay mo sa hita ko o sa likod ko. Na dinedma ko lang dahil mahawak din naman sa akin ang ibang friends ko.

Natigilan lang ako nang bumulong ka sa akin: “Basambasa na ng pawis ang likod mo, baka magkasakit ka.” Na noong una’y babalewalain ko lang sana subalit dinugtungan mo pa: “Akina panyo mo, pupunasan kita.”

Touched ako. Pero parang hindi tama na magpapunas pa ako ng likod sa’yo. “No, it’s ok,” ang sabi ko. Nag-excuse ako at nag-restroom. Ako ang nagpunas sa sarili ko.

The night wore on na basta nag-enjoy lang ako. I went about meeting other people. Pinabayaan lang din kita na mag-socialize. Honestly, I forgot all about you dahil I got connected with really interesting guys.

We parted ways na walang fanfare. Basta naghiwalay lang tayo. Ni hindi ko maalala kung nakapag-goodbye ako sa’yo nang maayos.

The following day, I texted everybody including you: “It was great to see you again last night. Thank you for the enjoyable company.”

Nag-reply lahat. Maliban sa’yo.

Wala sa akin ‘yon. Okay lang kung di ka sumagot. Malay ko ba kung hindi ka nag-enjoy and you felt na wala kang dapat ipagpasalamat sa nagdaang gabi.

I went about my day na hindi ako apektado.

Naapektuhan lang ako nang bandang hapon, nag-text ka sa akin: “Why were you so cold last night?”

Matagal bago ako nakasagot: “What do you mean cold?”

“Parang iniiwasan mo ako.”

“Hindi kita iniiwasan. Why would I do that?”

“Pinabayaan mo akong mag-isa.”

“Pinabayaan lang kitang mag-enjoy on your own.”

Hindi ka na sumagot.

Bandang gabi, muli kang nag-text sa akin: “Goodnight.”

“I hope hindi ka na nagtatampo,” ang reply ko.

“Sorry, na-misread ko ang actions mo.”

“Ako ang dapat mag-sorry kasi na-offend kita.”

“Na-disappoint lang ako na parang hindi na tayo masyadong close.”

“We’re still friends, di ba?”

“Pero parang malayo na tayo sa isa’t isa. Hindi na katulad dati. ”

“May mga bagay din kasing mahirap sabihin at ipakita.”

Hinintay ko ang reply mo pero nanahimik ka.

Subalit kinabukasan paggising ko, may text ka: “Good morning. Sana maging maganda ang araw mo. Ingatan mo ang sarili mo. Naririto lang ako palagi. Please be there for me also.”

Napangiti ako. May warmth na bumalot sa puso ko.

I texted back: “I will always be there for you.”

Pero ang gusto ko talagang sabihin: I want to be with you.

34 comments:

JANCAHOLiC said...

nyay ! hihi nakaka inis yung ganun kung kelan wla na ..
tska naman nya naramdaman ung importance mu ..


:)

Anonymous said...

kase naman. careful A

♥ ruby ♥ said...

:D
Don't know if matutuwa ako or malulungkot ako. :)

MkSurf8 said...

dapat kasi walang expectations. =) o kung di man kaya, lower expectations na lang.

good luck friend!

pusangkalye said...

I think that's always the best thing to do---you enjoy doing things because you do so---para sa sarili mo and not because you want to please the other person......

Herbs D. said...

sadyang malandi ka lang talaga papa aris hahaha

Superjaid said...

lagi talagang nasa huli ang pagsisisi..time will come magiging ok din ang lahat..

Anonymous said...

is this james? awww. kinikilig ako. sana magkatuluyan kayo. hehe. anyway, nasa malate ako with my friends last saturday night tapos nag silya ng slight (kase may ginawang scene yung friend ko. haha.) i was wondering kung andun ka-in fact gusto ko nga sumigaw ng ARIIIIIIIS! haha. :)

Aris said...

@coco jan: korek. nakaka-confuse na naman tuloy. :)

@xtian1978ii: oo nga, kailangang mag-ingat. mahirap na namang masaktan. :)

@ruby: ako rin, mixed ang feelings ko. half of me, gusto pa. pero yung kalahati, takot na. :)

@mksurf8: dapat nga siguro, go lang nang go. bahala na kung masaktan kasi malay mo, baka hindi naman. tc, my friend. :)

@pusang gala: oo nga, basta enjoy lang. minsan mas mabuti pa yung isipin muna ang sarili pagdating sa mga ganitong bagay. :)

@herbs d.: given na yun, baby gurl. pero marunong din akong magmahal. choz! hahaha! :)

@superjaid: i hope so, li'l sis. kaya ikaw, ingatan ang lovelife. :)

@anonymous: ay hindi, ibang boylet ito hehe! nasa malate ako last sat. nasa silya ako until 2:30 then bed until 5:30. kung sumigaw ka siguradong sasagot ako hahaha! i hope to meet you someday. take care. :)

Tristan Tan said...

Nakakapikon man aminin ate, kinikilig ako. Haha

Eli said...

haaay, nakakarelate nanaman. parang basta hindi ko mahanap ung appropriate words na gusto kong sabihin

Mike said...

It's better ko keep up that way para wala ng masasaktan pa uli.

Hay landi mo talaga friend. miss you!

Aris said...

@tristan tan: masarap din yung paminsan-minsan, kinikilig tayo hehe! :)

@elay: kahit hindi masabi basta nararamdaman, ok na yun. ingat always, bunso. :)

@doc mike: minsan parang gusto ko munang magpahinga. pagod na kasi ang puso. charing hehe!

i miss you too, my friend. hinanap kita sa bed last sat. :)

Anonymous said...

awww. nasa bed din ako. sumayaw ka sa ledge? malapit ako dun eh. hehe. :)

Aris said...

@anonymous: yup, sumayaw ako sa ledge. pero hindi na ako muling nakabalik. kung saan-saan na kasi ako nasabit hehe! :)

merman said...

hi aris.

i'm a new reader of your blog.

love your stories. ganun nga siguro dapat gawin sa mga taong minsan hindi pansin ang pagbibigay natin ng importansya sa kanila. dumistansya ng konti, ika nga.

dahil malay natin, ma miss din tayo. :)

Aris said...

@merman: hello. welcome to my blog. happy ako na enjoy ka sa mga kuwento ko. salamat sa pagbabasa.

siguro ganoon nga, mare-realize mo ang importance ng isang tao kapag wala na siya. ay, sana ganoon nga ang nararamdaman niya hehe!

take care. :)

Al said...

well at least i can see a white line in the not so far horizon :-)

gege said...

'Napansin ko na sa tuwing tumitingin ako sa’yo, sinasalubong mo ang mga mata ko. Umiiwas ako dahil ayokong muli ay mawala ako sa mga titig mo.'


SUPER RELATE!

pero mas mapalad ka sa akin..
at least tumutugon sya.
sya?
pekeng GM na nga lang tinetxt ko sa kanya...
wala pa rin.
saklap.
pero hindi pa 'ko nagigive up sa kanya...
hindi ko pa iniisip na may finish line dahil ayokong matapos ang lahat sa amin.
binibigyan ko ng ibig sabihin ang mga beses na nagkakatinginan kami!
anu bang depinisyon ng cool off?
at gaanu ba katagal dapat?
haha!
kahit pa minsan hangin na lang ang pagitan ko sa kanya...(sa LRT). feels like sobrang layo padin nya!

masaklap. pero kaya pa!

:P

Aris said...

@al: oo nga, mukhang may hope pa. :)

@gege: hello. welcome to my blog.

"true love waits. and even if it takes forever, true love remains."

ok lang maghintay kung talagang mahal mo siya. pero huwag mo rin kalilimutan na marami rin ang nakahandang magmahal sa'yo.

salamat sa pagsubaybay. take care always. :)

gege said...

salamat!

yez! i believe in love.
power of love.
ang unfair noh?
may nagmamahal sayo pero hindi naman sila ang gusto mong mahalin.

di bale!
sadyang masaklap ang buhay...
tayo na lang ang magadjust,
choose happiness!

welcome!
i know i'll enjoy my every visit.
tc din!

:P

<*period*> said...

saying goodbye in this part of cyberspace.till we meet again.

Aris said...

@gege: i agree. happiness is a choice. :)

@period: ay bakit naman? sana balik ka kaagad. we will miss you. :)

Eli said...

sige ah simula ngayon kuya na kita heehehehehe

Aris said...

@elay: sure. of course. :)

gege said...

yung cupcake mo nagaantay! dalaw ka sa akin... para makuha mo.
:P

basta pag-ibig!
maraming masasabi ang lahat. :P

Aris said...

@gege: gurl, salamat sa cupcake. ang sweet naman. *hugs* :)

Turismoboi said...

i will always be ther for you

parang kanta lang

hay drama mo rin pala tlaga!

merman said...

"para kang karinderia na bukas sa lahat ng gustong kumain."

mali. isa kang mamimili na kinakain lahat ng tinda sa karinderia. hehe.

as usual, galeng galeng aris. naaalala ko tuloy ang gwapong asaw ng tindera ng ulam malapit sa apartment. :)

merman said...

ay mali... sa "Ulam" pala dapat ang comment na yan. hehe

caloy said...

waw! sana ako din walang typo..kakainggit. hahahaha!

Aris said...

@turismoboi: hay naku, sinabi mo pa hehe! :)

@merman: happy ako na na-enjoy mo ang "ulam". :)

@chicomachine: hello, welcome to my blog. salamat sa pagbisita. sana nag-enjoy ka. :)

The Golden Man from Manila said...

why is it that when saying 'I will always be there for you' , nega ang dating sa akin.

it is a 'give up' statement na.

And why say is because one wants to be polite?

i do not know....

Aris said...

@the golden man from manila: hmmm... oo nga. mukhang napag-isip ako sa sinabi mo. :)