Monday, August 10, 2009

Angkas 2

Isa sa mga hobbies ko ang gardening pero ang tagal-tagal ko nang hindi nagagawa ito.

Hindi ko alam kung bakit nang hapong iyon, napagtuunan ko ng pansin ang mga halaman sa bakuran namin. Napansin ko na masyado nang malalago ang ilan sa mga tanim ko.

Inilabas ko ang mga tools sa pagtatanim at sinimulan kong ayusin ang garden.

Nag-trim ako ng mga dahon at sanga. Nag-transplant ako. Tapos nagbunot ng mga damo.

Pawis na pawis ako at ang dumi ng mga kamay ko pero ang sarap ng pakiramdam ko. Totoong therapeutic nga ang gardening dahil nakaka-relax ng isip at damdamin.

Nasa ganoong ayos ako – pawisan at madungis – nang may humintong motorsiklo sa tapat ng bahay namin. Nag-angat ako ng paningin at pumitlag ang puso ko nang makita ko kung sino ang nasa labas ng gate.

Si Jeff.

Nakalimutan ko na kung gaano siya kaguwapo subalit sa muling pagkakita ko sa kanya ay higit pa sa naaalala kong pagkabighani ang damdaming kaagad na lumukob sa akin.

Matikas ang kanyang tindig. Nakangiti maging ang kanyang mga mata.

“Aris,” ang tawag niya. Mistulang musika ang kanyang tinig na minsan pa ay aking narinig.

Tumayo ako at pasimpleng inayos ang sarili. Pigil ang pagkataranta.

“Hey, Jeff, ” ang bati ko, nakangiti habang papalapit sa kanya dahil genuinely, masaya ako.

“Busy?” ang tanong niya.

“Hindi naman, napagdiskitahan ko lang na ayusin ang garden,” ang sagot ko as I was fumbling to open the gate. “Halika, tuloy ka muna.”

“Huwag na. Dumaan lang ako para imbitahin ka.”

“Saan?” Bakas sa tinig ko ang antisipasyon.

“Birthday ko kasi ngayon. Samahan mo akong mag-celebrate.”

“Ha? Talaga? Uy, happy birthday!” ang bati ko.

“Halika, kumain tayo.”

“Saan ba ang celebration?”

“Surprise na lang. Tayong dalawa lang. Magmo-motorsiklo tayo.”

Naintriga ako pero lihim akong natuwa sa pagkakataon na muling makaangkas sa motorsiklo niya. “Ngayon na ba?”

“Oo, ngayon na.”

“Pero kailangan ko munang maligo at magbihis…”

“Sige, babalikan kita after 30 minutes, ok lang? Mag-jacket ka, medyo malamig sa pupuntahan natin.”

Napatango na lamang ako habang nakatanaw sa kanya na papaalis sakay ng kanyang motorsiklo.

Habang nakatapat sa shower, kung anu-ano ang tumatakbo sa isip ko, gayundin sa damdamin ko. Magkakahalo ang pagtataka, excitement at saya. Parang hindi ako makapaniwala. Totoo ba ito? Iniimbita ako ni Jeff na kumain sa labas. Siya na sa unang kita ko pa lamang ay naakit na ako at never kong inakala na makikilala ko at ngayon, makaka-dinner ko pa. Ano bang kabutihan ang nagawa ko to deserve this good karma?

Nagmamadali akong nagbihis. Kahit limitado ang oras ko, conscious ako na kailangang maging maayos ako. Noong magkakilala kasi kami, namamalengke ako at kanina, nadatnan niya akong gumagawa sa garden. On both occasions ang feeling ko, ang dungis ko. Kailangan maipakita ko naman sa kanya ang glamorous side ko.

Nag-skinny jeans ako at nag-Chucks. I wore a white body fit shirt underneath my hooded jacket. Pinatayo-tayo ko ang buhok ko sa pamamagitan ng wax. Nagpapabango na ako nang marinig ko ang kanyang pagdo-doorbell.

I picked-up my house keys at patakbo na akong lumabas. I opened the gate. Napansin ko na nagpalit din siya ng damit. Naka-jacket na siya at naka-Chucks din. May dala rin siyang extra helmet for me na inabot niya sa akin. My hair, ang kaagad kong naisip, mapipipi ang spikes. Pero dedma na, sinuot ko pa rin ang helmet. At pagkatapos, umangkas na ako sa motor niya.

I don’t know pero parang may naramdaman akong familiar feeling sa muli kong pag-angkas sa motorsiklo niya. Nagmaniobra siya para umikot. Napakapit ako sa kanya.

Ilang sandali pa, nasa main road na kami at mabilis ang patakbo niya. Ramdam ko ang pagsalubong namin sa hangin. Muli kong nalanghap ang pabango niya. Napahigpit ang kapit ko sa kanya. Muli, nadama ko ang matigas na abs niya.

Mga alas-sais lang nang gabi kaya nag-aagaw pa ang dilim at liwanag. Habang binabaybay namin ang landas patungong south, pinaliliguan kami ng sikat ng papalubog na araw. Kaysarap sa pakiramdam na nakasakay ako sa mabilis niyang motorsiklo habang hinahampas ng malamig na hangin.

Nang sapitin namin ang Bacoor, gusto ko sanang itanong sa kanya kung saan ba talaga ang punta namin subalit hindi conducive na kausapin ko siya habang tumatakbo kami sa Aguinaldo Highway. Nang nasa Dasmarinas na kami, almost certain na ako na sa Tagaytay nga ang punta namin. Subalit pagdating sa Silang, lumiko kami sa isang tila hardin na malawak na kung saan ang mga puno at halaman ay nagliliwanag sa firefly lights. May mga poste rin na naiilawan ng mga capiz lanterns. Ang tila bulubunduking lugar ay kinatitirikan ng mga maliliit na bahay kubo, gayundin ng iba pang mga istrakturang gawa sa native materials. Parang resort ang lugar at ang parking lot ay puno ng mga sasakyan.

Balinsasayaw Restaurant, ang sabi ng signage.

Napa-“wow” ako pagbaba ko sa motorsiklo habang minamalas ang kapaligiran. Nakangiti si Jeff habang pinagmamasdan ang reaksyon ko.

“Ang ganda rito,” ang sabi ko pa.

“Buti naman, nagustuhan mo,” ang sagot niya.

Tinanggal namin ang mga suot naming helmet at isinabit niya ang mga ito sa kanyang motorsiklo. Pasimple kong inayos ang buhok ko habang nagbibilin siya sa guwardiya ng parking lot.

Tinunton namin ang pathway na napaliligiran ng mga bulaklak paakyat sa kinaroroonan ng mga kubo na nagsisilbing dining area ng restaurant. Sa isang katulad ko na mahilig sa gardening, na-appreciate ko nang husto ang magandang landscaping.

Sinalubong kami ng waiter.

“Sir, for two?” ang tanong sa amin.

“Yup,” ang sagot ni Jeff.

Giniyahan niya kami sa isang bakanteng kubo na tila nakaluklok sa mga halaman at nalililiman ng isang puno. Natatanglawan ito ng isang capiz lantern at nakukurtinahan ng mga native beads. Nababalutan din ito ng net na parang kulambo bilang proteksyon sa mga insekto. Maliit ang kubo na pandalawahan hanggang pang-apat na katao lamang at pribado.

I was still in awe nang umupo kami sa dining table na gawa sa kawayan. Napakaganda ng lugar at napaka-romantiko. Naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin.

“Masarap ang pagkain nila rito,” ang sabi ni Jeff habang tumitingin sa menu. “Ano ang gusto mo?”

We agreed on a set meal for two na may inihaw na liempo, camaron rebusado, chicken pandan, ensaladang manggang hilaw, fried rice, nido soup at pineapple juice.

“Gusto mo ng beer?” ang alok niya.

“Ikaw, magbe-beer ka ba?” ang tanong ko.

“Kahit gusto ko, hindi puwede. I’m driving.”

Nag-decline ako.

Pag-alis ng waiter, nagsimula kaming mag-usap.

“Salamat sa pagdadala mo sa akin dito,” ang sabi ko. “Madalas ka ba rito?”

“Dati. Pero matagal na rin ang huling punta ko.”

“Paano mo nadiskubre ang lugar na ito?” ang tanong ko.

“Taga-rito kasi sa Cavite ang wife ko.”

Wife? Natigilan ako.

“Dito kami madalas mag-dinner date.”

“Dapat siya ang kasama mo ngayon.” Nakangiti ako pero alam kong pagtatakip lamang iyon sa damdamin ko.

“Wala siya ngayon dito sa Pilipinas,” ang sagot niya.

“Sa ibang bansa ba siya nagtatrabaho?”

“Oo. Singer siya sa isang banda. Pero next month, magkasama na uli kami.”

“Bakit, uuwi na ba siya?”

“Hindi, pero doon na uli sila tutugtog sa cruise ship na pinagtatrabahuhan ko.”

“Seaman ka?”

“Cabin Steward,” ang sagot niya. “Sa cruise ship kami nagkakilala ng misis ko.”

“Oh, I see.”

“Next month, magkikita kami sa Hongkong. Doon kami sasakay ng barko.”

“May anak na ba kayo?”

“Wala pa,” ang sagot niya. “Mahirap kasi ang kalagayan namin. Laging magkalayo.”

“Matagal na ba kayong kasal?”

“Mahigit isang taon pa lang.”

“Sabagay, bata pa naman kayo. Mag-ipon na lang muna kayo habang nandiyan ang opportunity.”

“Yun nga ang ginagawa namin. Siguro, mga three years pang pagtitiis. Pagkatapos niyon, baka pumirmi na kami rito. Dito na lang mag-trabaho o kaya mag-negosyo. Tapos, yun, magsimula na sa pagpapamilya. Mahirap din kasing magkaanak kami ngayon. Baka mapabayaan lang namin. Although, nandiyan naman ang nanay at kapatid ko. Sila ang kasama ko sa bahay.”

Ilang sandali pa, dumating na ang order namin. Nagsimula kaming kumain.

“Mabuti naman, pinagbigyan mo ang imbitasyon ko kahit biglaan,” ang sabi niya.

“I’m glad na sumama ako sa’yo rito. Napakaganda ng lugar na ito. Nakakawala ng pagod.”

“Nagbakasakali lang ako nang dumaan sa bahay ninyo. Mabuti na lang nadatnan kita. Ikaw pa lang kasi ang kaibigan ko sa village kaya ikaw ang naisip kong yayain.”

Napangiti ako sa sinabi niya.

“Bakit ka nangingiti?” ang tanong niya.

“Masaya lang ako na kaibigan na ang turing mo sa akin,” ang sagot ko. “At ako ang kasama mo ngayon sa pagdiriwang ng isang importanteng okasyon sa buhay mo.”

Napangiti na rin siya. “Alam mo, unang kita ko pa lang sa’yo, magaan na kaagad ang loob ko. Kaya nga gumawa ako ng paraan para makilala ka at maging kaibigan.”

“Ako, aaminin ko. Nang makita kita, ang una kong napansin, ang kaguwapuhan mo.”

“Kaya pala panay ang tingin mo sa akin noon.”

“Nahalata mo ba?”

“Oo. Kaya nga nginitian kita. Pero umiwas ka.”

“Bigla kasi akong nahiya.”

“Bakit naman?”

“Alam ko kasi na dahil sa mga tingin ko, nahalata mo rin kung ano ako.”

“Na ano ka?”

“Na hindi ako… straight.”

“Alam ko.”

“And yet, niyaya mo pa rin akong sumakay sa motor mo? Hindi ka man lang ba nag-alinlangan?”

“Bakit kailangan kong mag-alinlangan? As I’ve said, gusto kitang maging kaibigan.”

Napatingin ako sa kanya. Dama ko ang sincerity sa kanyang sinabi.

“Hindi isyu sa akin kung ano ka,” ang dugtong pa niya. “Alam ko na mabuting tao ka at iyon ang mahalaga.”

Parang hindi ako makapaniwala. Nasa harap ko nang mga sandaling iyon ang isang lalaki na alam ang tunay kong pagkatao subalit hindi siya apektado at normal niya akong tinatrato.

“Alam mo, Jeff, kakaiba ka,” ang sabi ko. “Karaniwan na kasi sa mga straight at guwapong katulad mo ang mailap at hindi kumportable sa mga kagaya ko. I am happy na nagkaroon ako ng pagkakataon ngayon upang higit pa kitang makilala.”

Ngumiti siya. Higit siyang naging kaaya-aya sa paningin ko. Ang kabutihang loob niya ay nakita ko sa kanyang maaliwalas na mukha.

Saglit na katahimikan.

“Hindi ka ba nag-aalala na paano kung… magkagusto ako sa’yo?” ang tanong ko pagkaraan.

“Ok lang yun,” ang kalmante niyang sagot. “Pero siyempre alam mo kung hanggang saan lang ang maaari kong isukli. Hindi maaaring ipilit ang isang bagay na lagpas sa limitasyon.”

“Very much aware ako. At nire-respeto kita.”

“Basta ang isipin mo, tanggap kita kung ano ka. Naririto ako bilang kaibigan mo. Kakampihan kita at ipagtatanggol kung kinakailangan.”

“Nandito rin ako para sa’yo. At nangangako ako na kahit crush kita, iingatan ko na huwag masira ang friendship natin.”

“Salamat.” At muli siyang ngumiti.

Ngumiti rin ako. Muli kong pinagmasdan ang napakaganda niyang mukha. Dama ko ang nag-uumapaw na kaligayahan sa aking puso.

Nagsimulang umambon. Dinig ang tikatik ng mahinang ulan sa pawid na bubong ng kubo. Higit na lumamig ang ihip ng hangin.

Natapos ang aming paghahapunan na hindi tumitigil ang ulan. Sa halip ay lumakas pa ito.

“Mukhang gagabihin tayo nang husto kung hihintayin nating tumila ang ulan,” ang sabi niya. “Ok lang ba sa’yo na sugurin na lang natin ito?”

Na-excite ako sa idea na magmo-motorsiklo kami sa ulan. “Sure,” ang sagot ko.

Nakita kong natuwa siya sa aking pagpayag.

Pinatunog niya ang bell upang tawagin ang waiter. Binayaran niya ang aming kinain. Lumabas kami ng kubo at binaybay namin ang daan pababa sa parking lot. Nagsimula kaming mabasa ng ulan. May hatid na ginhawa sa aking pakiramdam ang bawat patak.

Muli naming isinuot ang helmet.

“Hindi ba delikadong mag-motor sa ganitong panahon?” ang tanong ko.

“Basta humawak kang mabuti sa akin. Kung gusto mo, yumakap ka pa. Pero walang malisya ha?” ang pabiro niyang sabi.

“Yeah, sure. Of course,” ang pabiro ko ring sagot.

Una siyang sumakay sa motorsiklo at pagkatapos niyang buhayin ang makina, umangkas na ako.

Nagmaniobra siya palabas ng parking at ilang sandali pa, mabilis na kaming tumatakbo sa highway.

Marahas ang haplit ng ulan at madulas ang kalsada.

Nagtiwala ako kay Jeff sa halip na mangamba.

Yumakap ako sa kanya at pumikit.

Inimagine ko na lumilipad kami sa hangin.

28 comments:

Anonymous said...

heto ako
basang-basa sa ulan...

ay mali!

kinilig naman ako dito, aris...

Jinjiruks said...

aris, kung ako sa iyo masaya na ako at naging kaibigan ko at tanggap ako bilang ako yang si katukayo.

kainis ka talaga. bakit ang bait bait nila sa iyo at sinasakay kpa sa motor. haha!

MkSurf8 said...

lipad lang lipad friend. enjoy the flight. siguraduhin mo lang sariling pakpak mo ang ginagamit mo na pang-lipid para kontrolado mo ang speed. =)

Anonymous said...

nice one aris. i became a fan of your blog mula last week. haha. nabasa ko na ata lahat ng entries dito. natawa ako, nalungkot at kinilig. feeling ko, magkaibigan na tayo kahit di pa tayo nagkikita. sana makita kita sa malate minsan. at sana masabihan mo rin ako ng "ako si aris." :)

Aris said...

@john stanley: actually, basang-basa ako noon... sa ulan. hehe! :)

@jinjiruks: ay, oo. friendship lang masaya na ako. :)

@mksurf8: korek ka jan, my friend. "ang kaligayahan ay dapat naka-depende hindi sa ibang tao kundi sa sarili." :)

@anonymous: touched naman ako sa'yo. talaga? pinag-aksayahan mo ng oras pati mga lumang entries ko? salamat ha! sana lagi kang mag-enjoy sa pagbabasa. sana nga magkakilala tayo nang personal isa sa mga araw na ito. take care. :)

the geek said...

napangiti naman ako dito...

belated happy birthday kay jeff..

wanderingcommuter said...

ang haba lang ng buhok tawag ka ng russia baka pinambabalabal na nila duon. hahaha!

perio mas bnadistract ako sa default pic mo, ang taray!

Yj said...

well you know what they say....

there's no other way a straight would go but to bend...

sa ganda mong yan, mababali yan!!! hihihihihi

Aris said...

@the geek: salamat naman, napasaya ka. makakarating. :)

@wandering commuter: nakakahiya yata ang pic kaya tinanggal ko muna hehe! :)

@yj: hmmm... very encouraging. friend kita kaya kung maganda ako, maganda ka rin! :)

Anonymous said...

wow haba ng hair.

Anonymous said...

Kinilig ako....


-Bewired

Anonymous said...

I really like your blog. "Got to see your blog like 2 months ago and have read all the entries. Every morning, i would eagerly check on your new entry.

Keep it up. You're actually keeping me company thousands of miles away from home.

-Bewired

Aris said...

@xtian1978ii: hindi naman hehe! maraming salamat sa pagdalaw. tc. :)

@bewired: ang sarap naman sa pakiramdam na naa-appreciate mo ang mga sinusulat ko. alam mo, kapag nakakatanggap ako ng mga comments na ganito, lalo akong nai-inspire magkuwento. masaya ako na kahit malayo ka, napapasaya kita at nakakatulong ako para mabawasan ang pagka-homesick mo. ingat ka lagi diyan and god bless you always. :)

Eli said...

ayiieee,, talagang may pinaghuhugutan ang mga posts mo nakakakilig naman.. ewan pero i really find myself engrossed sa mga posts mo. n_n

Anonymous said...

No, thank you!

Well, you may be inspired with the thoughts you're getting from your readers but honestly, you inspire us more than you think.

i am actually a frustrated writer (lol). but because of the nature of my job, i couldn't spare enough time to compose my thoughts. kaya nakikibasa na lang ako. haha.

God bless you, Aris and thanks again!

-Bewired

Aris said...

@elay: salamat at nakikita mo na nanggagaling sa puso ko ang mga isinusulat ko. :)

@bewired: my pleasure. :)

Kane said...

Aris,

Who would have thought you could turn from a gardener into such a biker chick?

I love this story. It reminds me of when I was young and did crazy things.

K

Aris said...

@kane: biker chick... i love that hehe! it was crazy but i needed a little excitement. :)

Kane said...

Aris,

Mas maganda siguro ang story kung ikaw ang biker chick tapos you slept with the gardener. What do you think?

K

Aris said...

@karl lester: sige, maghahanap ako ng gardener hahaha! :)

Superjaid said...

Nakakakilig naman to, hehe Ü parang gusto ko rin tuloy itry to, yung magmotor at magpakabasa sa ulan..ahehe

Aris said...

@superjaid: salamat naman, li'l sis, at nagustuhan mo. ingat lang, delikadong mag-motor sa highway nang umuulan. :)

Al said...

Hi Aris. I've been reading your kakakilig posts.. And inubos ko from the very start, and inaabangan ko ang every post mo. Nakakakilig ang mga kuwento mo...like, rekindling the spark and hope for a true love ba...

Sana hindi ka magsawang magpost ng iyong mga kuwento!

Aris said...

@al: hello, al. thank you for your appreciation. with a comment like yours, lalo akong mai-inspire magkuwento. take care always and keep in touch. :)

Anonymous said...

Aris, just wanna thank you for such captivating, engaging writing.... napaka-believable and nuanced. I like how you reveal your thoughts and feelings in subtle detail. I also like reading you in Pilipino... I just think you do a beautiful job. Salamat ulit. How I wish we could have a chat some day. gene from houston

Aris said...

@gene: hello! it is so nice to hear from you again. masyado mo naman akong pinasaya ngayong araw na ito dahil sa comment mo. lalo tuloy akong nai-inspire na magkuwento. nagpapasalamat ako na naa-appreciate mo ang ginagawa ko at natutuwa ako na kahit paano, napapasaya kita. sure, gene, one of these days, chumika tayo.
ingat ka lagi diyan sa houston. alam ko na minsan, nami-miss mo ang ating bayan but in my own way, i will try my best to bring you closer to home. god bless. :)

Mikami said...

Kinilig naman ako dito sa entry na to.

New reader here, ini-isa-isa ko talaga ang entries mo from the beginning. :)

Aris said...

@mikami: hello. welcome to my blog and thank you very much. sana ma-enjoy mo rin ang "angkas 3" at ang "dumating ka na pala". ingat always. :)