Nagsisimula nang umambon nang sumakay ako ng bus. Nagmamadali ako dahil ayokong mahuli sa aking pupuntahan.
Medyo mabagal ang bus na nasakyan ko. Wala kasing pasahero kaya panay ang hinto para magsakay.
May dalawang bagets na sumakay. Parehong may itsura. At pamilyar sa akin ang isa.
Nagulat ako nang mapagtanto ko na si Xyrus ang isa sa kanila.
Nakaramdam ako ng excitement.
Babatiin ko sana siya subalit napansin ko na magkahawak-kamay sila ng kasama niya.
Napatingin na lamang ako sa kanya. Napatingin din siya sa akin.
May recognition sa kanyang mga mata pero hindi niya ako binati.
Umupo sila across the aisle, katapat ng upuan ko. Hindi ako mapakali at panay ang tingin ko sa kanya. Gayundin siya sa akin. Gusto ko siyang ngitian pero nag-alinlangan ako.
Napansin ko na bukod sa magka-holding hands ay masyado rin silang magkadikit ng kasama niya. Obvious na may namamagitan sa kanila.
Naglayo ako ng paningin. Tumanaw ako sa labas ng bintana. Nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Nanatiling maluwag ang bus dahil nawala ang mga pasaherong nag-aabang sa tabing-daan.
Pinipigil ko ang aking sarili na tumingin sa kinaroroonan ni Xyrus subalit sa gilid ng aking mga mata ay naaaninag ko ang mga galaw nila.
Hindi ko natiis na muling tumingin sa kanila. At nakita ko ang panakaw na paghalik kay Xyrus ng kasama niya. Ngumiti lang sa akin ang kasama niya. Napansin ko na naasiwa si Xyrus.
Walang masyadong tao sa bus at mataas ang backrest ng mga upuan kaya siguro malakas ang loob ng kasama niyang gawin iyon.
“Later… nakakahiya,” ang narinig kong sabi ni Xyrus.
“Ok lang yan kay kuya,” ang narinig kong sagot ng kasama niya. “Di ba, kuya, ok lang sa’yo?” ang baling na tanong sa akin.
Ngumiti lang ako. Nag-usap ang mga mata namin ni Xyrus.
At dahil ngumiti ako, parang na-encourage na muling magpumilit ang kasama ni Xyrus na halikan siya. Panay ang iwas ni Xyrus.
Tempted na tempted na akong kausapin siya para ma-distract ang kasama niya pero naisip ko, bakit naman makikisali pa ako sa kanila?
Maya-maya, tumigil din sa kapipilit ang kasama niya at humilig na lang ito sa balikat niya subalit napansin ko na ang kamay nito ay nakapatong at humihimas-himas sa crotch ni Xyrus.
Gulat ako sa pagka-agresibo ng kasama niya. Hindi na nangimi kahit nasa bus sila. Paano pa kaya kung nasa isang pribadong lugar sila? At paano rin kaya kapag nalaman ito ng mommy niya?
Muli akong naglayo ng paningin. Nilibang ko ang aking sarili sa panonood ng ulan sa labas ng bintana.
Pagkaraan ng ilang sandali, muli ko silang sinulyapan. Nakapikit na ang kasama ni Xyrus, tila natutulog. Nakatingin sa akin si Xyrus. Parang may gustong sabihin. Ako rin, parang gusto ko siyang kausapin subalit parang napakahirap gawin dahil napaka-awkward ng sitwasyon.
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko nang mga sandaling iyon. Aaminin ko na attracted ako sa kanya, kesehodang malayo ang agwat ng edad namin at kaibigan ko ang mommy niya. Subalit hindi na pala siya kasing-inosente katulad ng akala ko.
Dumaan ang konduktor. Nagbayad ako at nagbayad sila. Nagpatuloy ang tahimik na biyahe. Sa labas, patuloy ang malakas na buhos ng ulan.
Hindi nagtagal, tumayo ako at pumara. Tumayo rin sila. Hindi ko inakala na iisang lugar lang pala ang bababaan namin.
Huminto ang bus. Bumaba ako at kaagad na nagbukas ng payong. Naglakad ako patungo sa tawiran.
Kasunod ko sila na naka-payong din.
Habang nakatayo sa bangketa at naghihintay sa stoplight, katabi ko sila. Hindi na ako nakatiis.
“Hey, Xyrus. Kumusta ka na?” ang sabi ko.
Taka ang kasama niya. “Magkakilala kayo?” ang tanong niya kay Xyrus.
Taka rin si Xyrus sa pambabati ko pero parang may nakita akong tuwa sa kanyang mukha. “Yeah, kaibigan siya ng mommy ko.”
“Ha? Bakit hindi mo sinabi kanina. Naku, baka isumbong niya tayo,” ang tila biglang na-praning na sagot ng kasama niya.
“Huwag kang mag-alala. Hindi naman kami close ng mommy niya,” ang sagot ko.
“Siyanga pala,” ang sabi ni Xyrus. “Aris, si Jericho. Jericho, si Aris.”
“Hi.” Kinamayan ko si Jericho. “Is he your boyfriend?” ang tanong ko kay Xyrus.
“Yeah,” si Jericho ang sumagot. “I am his boyfriend,” ang tila may pagmamalaki pang sabi.
Tahimik lang si Xyrus na nakatingin sa akin.
“Let’s go, babe,” ang biglang yaya ni Jericho nang magpalit ang ilaw. “Tumawid na tayo. Basambasa na ang shoes ko.”
“Bye, Aris,” ang paalam sa akin ni Xyrus.
“Bye.” Hindi ko na sila sinabayan sa pagtawid. Nagpaiwan ako.
Pinagmasdan ko sila habang papalayo. Nakapayong sa ulan at magkahawak-kamay.
Hindi ko alam pero parang may selos akong naramdaman.
21 comments:
hahaha! ako na lang ba ang naniniwala dito sa true love? dadating din yun pards. :)
naku kuya aris ah. bata ni xyrus. bakit nagseselos ka. grabe ka talaga. kahit san ka magpunta me nakikilala ka.
chico andito pa ako... naniniwala din ako sa letcheng true love na yan!
Aris nag malate ako last saturday at wala ka! Musta na ang Miss New Jersey!
ako, ayoko na sa mas bata..masyado akong nasasaktan..kaya nga mas gusto ko ngayon ay yung mga mature na magisip
mahilig din ako sa older guys, ang pinakamatandang nakarelasyon ko eh 12years ang tanda sa akin(though 1month lang kami..hehe) pero dahil mapagbiro ang tadhana, natapat ako ngayon sa isang guy na kasing tanda ko lang..tsk tsk mapagbiro talaga ang tadhana.
Lemme guess, malamya kumilos ang kasamahan ni xyrus? Tama ba?
@chicomachine: ako rin naniniwala. hindi pa ako nawawalan ng pag-asa hehe! :)
@jinjiruks: baka naman panghihinayang lang ang naramdaman ko. ang cute niya eh. :)
@luis batchoy: heto, under the weather. choz! welcome back, miss iloilo! :)
@period: korek ka jan. kung pang-relasyon, dapat yung mature. :)
@superjaid: siya talaga siguro ang nakatakda para sa'yo. buti ka pa, li'l sis, natagpuan mo na ang one true love mo. inggit ako hehe! :)
@knox galen: tama ka, friend. bukod sa malamya, makulit pa. pasasaan ba at hihiwalayan din yun ni xyrus dahil hindi niya matitiis ang kalandian at maiinis siya. ay, bitter daw ako? hahaha! :)
friend, parang gusto ko sumayaw sa ulan habang kinakanta yung song ng aegis. hehehe
@the geek: para ngang mas bagay ang song na yan na maging soundtrack ng post na ito hehehe. "heto ako... basambasa sa ulan... walang masisilungan... walang malalapitan." :)
hi! sorry i can't seem to find a place anywhere else in your blog to leave this message..your blog is very interesting thus i'm inviting you to register for free at (,") BLOGS NG PINOY (",), the online directory of blogs made by pinoys worldwide! :) registering is just like an exchange links concept. click on the "MAGPALISTA NA!" link on the page for instructions :) take care!
@blogsngpinoy: thank you for the invite. isang malaking karangalan. nagpalista na ako. ingat din. :)
alam na. selos yan. hahaha! ano pa nga ba???? ang landi naman ng kasama nya.
@dilanmuli: oo nga. kainez! hahaha! :)
sana sinapak mo.
musta ka na bro...???
@acebomb: ok naman. ikaw? :)
ok lang ako bro...in fairness sayo..alam mo ang tama at mali..d ka nagpapadala sa emosyon mo..
@acebomb: thanks. tc. :)
"“Let’s go, babe,” ang biglang yaya ni Jericho nang magpalit ang ilaw. “Tumawid na tayo. Basambasa na ang shoes ko.”"
pa girl pala 'yung jericho na 'yan.
@xtian1978ii: sinabi mo pa. sarap sabunutan. charing! hehe! :)
haha go sinabunutan mo na sana
Post a Comment