Wednesday, September 30, 2009

Sulat | Bura

Nagkakilala kami sa isang party. Attracted ako sa kanya. Hindi ko alam, attracted din pala siya sa akin.

Pero nagkahiyaan kami. Imbes na mag-usap, nag-iwasan kami.

Nalaman ko lang na pareho kami ng nararamdaman nang ipagtanong ko siya sa common friend namin at sinabi sa akin na ipinagtanong niya rin daw ako.

Natuwa ako at hiningi ko ang number niya. Hiningi niya rin daw ang number ko. At bago pa ako makapag-text, naunahan niya na ako.

Hindi ko maipaliwanag ang excitement ko habang nagpapalitan kami ng mensahe. Higit lalo na nang maging makahulugan na ang mga ito.

Sa aming pag-uusap, naging bukas kami sa damdamin namin sa isa’t isa. We spent long hours on the phone every night. Naging masaya ako at inihanda ko ang aking sarili sa isang punumpuno ng pag-asang pakikipag-relasyon.

Subalit sa kabila ng pagsasabihan namin ng “I love you,” naunsyami ang lahat. Bigla siyang nanlamig at nanahimik.

Nagtaka ako pero kahit anong pilit ko, hindi ako makakuha ng paliwanag mula sa kanya.

May panghihinayang man at nasaktan, ipinagkibit-balikat ko na lamang ang naganap. Ipinagpasiya kong mag-move on at kalimutan siya.

Nang ipabatid ko sa common friend namin ang nangyari, nahanap ko ang sagot sa aking katanungan.

Nadiskubre niya ang blog ko. At nabasa niya ang mga ups and downs ng buhay pag-ibig ko.

Nag-selos siya sa mga kuwento ko.

Nangamba siya na baka maging isang blog entry lang siya.

***

Our common friend invited me to an afternoon gathering. Nagpunta ako na walang expectations. Ang hindi sinabi ng friend ko ay ang sorpresang naghihintay sa akin.

Naroroon siya, imbitado rin.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko pagkakita sa kanya. Ginawa ko ang pinaka-safe – nginitian ko siya.

Ngumiti rin siya. At nang lumabas ang mga dimples niya, higit siyang naging kaakit-akit sa akin at na-realize ko na naroroon pa rin ang pagtatangi ko sa kanya.

Hinanap ko ang ningning sa mga mata niya na nakita ko noong una kaming magkakilala. Hindi ako nabigo dahil natagpuan ko iyon habang nakatitig ako sa kanya.

It felt like the first time. Pero katulad din ng una naming pagtatagpo, imbes na mag-usap ay nag-iwasan kami.

Siguro dahil may kasama siyang iba. Na ipinakilala niya sa akin. Sa mga kilos at galaw nila, parang alam ko na kung mag-ano sila. Kaybilis niya naman akong pinalitan.

Subalit habang nagkakasarapan ang kuwentuhan sa pagtitipong iyon, madalas na nagkakatagpo ang aming mga mata sa mga panakaw na sulyap. Hindi ko matiis na hindi siya tingnan at siguro, ganoon din siya sa akin.

Napansin ko na naging possessive ang kasama niya na siguro ay nakahalata. Subalit hindi ako tumigil. Ipinagpatuloy ko ang pakikipag-communicate sa kanya sa pamamagitan ng aking mga titig.

At nagkabukingan na nga. Hindi ko alam kung sinadya ng common friend namin o nadulas lang siya. Basta natagpuan ko na lamang ang aking sarili na tinatanong nila tungkol sa aming brief past. Na hindi ko alam kung ano ang isasagot dahil ako nga itong ibinitin niya. Siya ang itinuro ko na tanungin.

Hindi niya masabi ang tunay na dahilan kung bakit hindi kami natuloy. Habang pilit siyang gumagawa ng paliwanag, naging uncomfortable ang kasama niya. Bagama't nakangiti, nabasa ko sa mukha nito ang selos at pagkainis.

Ako na ang kusang naglayo sa topic dahil inisip ko ang saloobin ng kasama niya. Nabaling sa ibang bagay ang usapan pero hindi ko nagawang ibaling sa iba ang aking atensyon.

***

“I’m sorry.”

“Ano ba talaga ang nangyari sa atin?”

“Nabasa ko ang blog mo.”

“Kaya iniwan mo ako?”

“Natakot ako na paglaruan mo.”

“Bakit mo naisip yun?”

“Dahil sa mga kuwento mo.”

“Walang kinalaman ang past ko sa present sana natin.”

“Nagduda ako sa intensyon mo.”

“Sincere ang intensyon ko sa’yo.”

“Hindi na ako sigurado.”

“Ano ang kailangan kong gawin para patunayan sa’yo?”

“Huli na ang lahat.”

“Hindi na ba tayo maaaring magpatuloy?”

“I am already in a relationship.”

Pause.

“Are you happy?”

“Yeah. I think so.”

Pagkatapos ng palitang iyon ng text messages, binura ko ang inbox at outbox ko. Binura ko rin ang kanyang number na parang pagbubura na rin sa damdamin ko. Tanggap ko na at ayoko nang makipag-ugnayan pa sa kanya. Ayoko nang umasa.

Kaya heto, naging isang blog entry na lang siya.

41 comments:

citybuoy said...

how sad. sometimes, sa sobrang takot natin masaktan, we start missing out on opportunities. hope you're okay. take it easy. :D

Looking For The Source said...

shet.

sana hindi rin maging blog entry c mr guy ko. huhuhu. although nakapagsulat ako ng article dahil sa kanya, it doesnt talk about him nmn.

Koji A. Iizuka said...

at least nakilala mo kung sino talaga siya.

Aris said...

@citybouy: may naalala ka bang kahawig na pangyayari? hehe!

sana ok ka rin palagi. take care. *hugs* :)

@looking for the source: hindi naman siguro dahil kung talagang mahal mo siya, ibang level siya. i wish you success in your relationships. :)

@koji a. iizuka: oo nga. at least na-spare na ako sa mas matinding heartache. :)

<*period*> said...

nalungkot ako..haaay.

Jinjiruks said...

may ganun talaga. ako kasi dun ko nakikilala ang isang tao sa kanyang blog. kung panu sya magkwento at iparamdam sa nagbabasa ang kanyang nasasaloob. sad nga lang at iba ang tingin niya sau kuya aris. pero Ok lang iyon. marami pa diyan.

MkSurf8 said...

haay self-fulfilling prophecy!

Angel said...

haaay... sayang... bakit ba kasi ang daming taong nag-aassume agad...

joelmcvie said...

Ang ganda ng pagsulat, especially the structure. At winner ang ending line!

Wow, word verification: ressest (parang "reset" o "resist").

rudeboy said...

Oh, Aris, I'm so sorry. Pero ito kasi ang problema kapag masyado tayong open habang paumpisa pa lang ang relasyon. Hindi ko naman sinasabing magsinungaling tayo, pero mahirap asahan sa isang bagong karelasyon na matanggap at maunawaang lubos ang ating makukulay na nakaraan.

Sa pananaw ko kasi, sa isang relasyon, kailangan natin ng sapat na panahon upang balatan ang sari-sarili nating balatkayo bago natin matunghayan ang tunay na taong nagtatago sa likod ng mga ito. Kailangan natin ng sapat na panahon para tumibay ang isang pagsasama upang may sapat itong lakas na tanggapin ang mga di-kanais-nais na katotohanan hinggil sa ating pagkatao. When the honeymoon period is over, that's when you begin to see each other with clear eyes, warts and all. If the love has become strong enough, love will accept the imperfections.

Sa kasamaang-palad, natunghayan niya ang iyong blog kung saan isinaad mo ang mga katotohanan sa iyong mga nakaraang karanasan. Too much information, too soon, 'ika nga. Kaya siguro siya nabigla at tuloy ay natakot.

Hindi naman ako todong sang-ayon sa sinabi ni Winston Churchill na "The truth is so important, it must be protected by a bodyguard of lies." Naniniwala ako sa katotohanan, mapait man o matamis. Pero kagaya ng gamot, may tamang dosage muna dapat ito.

Nakakalungkot na nagkatotoo ang kanyang pangamba na magiging isang blog entry nga lamang siya. Sayang. Pero kahit mapakla itong pakinggan ngayon, may susunod pa naman.

At sa susunod, ang mga lihim ng iyong blog ay iyo munang pangalagaan hanggang handa na siyang harapin - at kung kaya niya, tanggapin - kung sino nga talaga si Aris, warts and all.

Anonymous said...

wala kang kasalanan sa nangyari. wala kang itinago sa kanya. may mga bagay na hindi na dapat pang ipaalam kahit kanino at wala kang obligasyon dun.
siya ang may diperensya. weak ang kanyang intensyon sa pakikipagrelasyon, meaning, kailangan lahat ay pleasant sa kanya. anosiya...perpekto?
hayaan mo na lang sya na maghanap ng tulad niya!

The Green Man said...

Hi Aris. Nararamdaman ko ang nararamdaman mo sa sitwasyon ng entry na ito. Dumatin gdin ako sa point na pinagaawayan namin ng partner ko ang Blog ko.

Pero wala kang dapat ikabahala. Totoo na masakit na nagkaganon ang sitwasyon dahil nabasa nya ang blog mo... pero ganun ba talaga ang taong gusto mong makasama? Isang taong naapektuhan ng nakaraan mo na hindi naman sya naging bahagi?

Kung ako ang tatanungin mo, dapat nga machallenge pa sya kasi may kakayahan syang lagyan ng bagong kulay ang buhay mo. Pero ganun talaga... kung baga, "he's just one of them."

Hindi tayo dapat magkimkim ng damdamin sa mga taong ganun, bagkus dapat intindihin natin sila. Kasi hindi sila tulad natin na malakas ang loob, totoo sa sarili at may malamin na pang unawa.

Sayang... hindi naging kayo... E di sana nakilala nya na isa kang mabuting, masayahing tao at marunogn magpahalaga sa maliliit na bagay :-)

Anonymous said...

sometimes we were judge sa past natin. moreoften than not, mga past natin ay mga naging silbing aral natin na nais natin na may mapulot din ang iba dito. siguro naging sigurista lang siya at hindi man lang ikaw tinanong muna. saklap naman pero sadyang minsan kahit anong pilit ay may mga bagay na hindi talaga para sa atin.

Anonymous said...

Hi friend. don't worry, the right guy will come - in the right time.

in this aspect, i think i am lucky that my partner and i are together for almost 7 years now. and mind you, we have a 7y/o son. they make me complete.

this is not to make you feel envious :) but to make you feel that things happen for a reason.

i wish you well.


-Bewired

Al said...

hay Aris.. I feel sadness after reading this entry. but to for him to think that way is just so closet minded. But hindi naman natin sya masisisi.. Pero he jumped into a theory kaagad.

Well friend, it's not our loss, right? things could have been worse kung sakaling naging kayo pa..

Anonymous said...

taas kilay ever ka na lang sa kanya, friend.

after all, he's just a blog entry.

dyeriboi said...

i'm really sad of what happened. It's not really the ending that i'm assuming but maganda na rin yun dahil if there's no trust from the very beginning, pa'no pa kaya if kayo na??..

caloy said...

sh*t. naka-relate ako. as in!

tama nga ang mga tropa ko, ipinaglihi nga daw ako sa assume. pero tanga din yung guy ah..tama bang i-base nya lang sa mga blog entries mo yung magiging takbo ng relationship nyo? sino yun? sapakin ko para sa'yo. (loko lang. :D)

pero ang isang nakakabilib sa'yo, hindi ka sumusuko, you never stop falling in love, malay nga naman natin diba? siya na pala yun. bilib ako sa tapang mo! haha! sana ako din, merong ganyan. :D

wala kang kasalanan. masyado lang siguro siyang tanga para sa'yo. hayaan mo, there are so many fish in the sea, mangisda ka na.

Aris said...

@period: sad, noh? sayang.

@jinjiruks: sana nagkaroon ako ng chance na ipakita sa kanya kung ano ako.

@mksurf8: nangyari tuloy yung pinangangambahan niya. musta ka na, friend? :)

@angel: sana binigyan niya muna ako ng pagkakataon.

@joelmcvie: thank you, friend. sariwa pa kasi ang damdaming pinaghugutan. :)

Aris said...

@rudeboy: "Pero kagaya ng gamot, may tamang dosage muna dapat ito."
you are so right. too bad, na-overdose siya kaya imbes na gumaling, sumama ang pagtingin niya sa akin. hindi ko rin siya masisisi pero nakakalungkot din. sana nga matagpuan ko na yung taong mamahalin ako warts and all. :)

@anonymous: siguro nga hindi niya kayang tanggapin ang aking nakaraan. siguro nga, mababaw ang kanyang resolve na magmahal. sayang, pero tanggap ko na.

@the green man: "pero ganun ba talaga ang taong gusto mong makasama? Isang taong naapektuhan ng nakaraan mo na hindi naman sya naging bahagi?" exactly, yan din ang naisip ko kaya ipinagpasiya kong kalimutan na lang siya. sayang nga lang, hindi ko naipadama sa kanya ang aking pagmamahal. maraming salamat, kaibigan, sa mga sinabi mong nakapagpapagaan sa kalooban. :)

@xtian1978ii: lagi tayong may kagustuhan at kakayahang magbago for the better, kaya hindi tayo dapat husgahan sa pamamagitan lamang ng ating nakaraan. hayy, akala ko siya na, pero hindi pa pala.

Aris said...

@bewired: hello, friend. thank you for the inspiring words. wow, 7 years! sana mangyari din sa akin yan at madama ko ang kaligayahang nadarama mo ngayon. dasal ko na maging higit na matibay at laging puno ng pagmamahal at kaligayahan ang pagsasama ninyo ng partner mo kapiling ang inyong anak. take care always and god bless. :)

@al: oo nga, baka mauwi lang din sa hiwalayan kung hindi niya maha-handle ang aking past.

@john stanley: eto nga, hindi pa bumababa ang kaliwang kilay ko. hahaha! tc, friend. :)

@dyeriboi: mahalaga talaga ang trust lalo na sa ganitong pakikipag-relasyon. mahalaga rin ang love na optimistic sa hinaharap at hindi tumitingin sa nakaraan. thank you for dropping by and for the comment. sana lagi kang bumisita. ingat. :)

@chicomachine: hindi pa talaga ako sumusuko kahit nakakapagod na hahaha! basta, naniniwala pa rin ako na may nakalaan sa akin sa hinaharap. tc. :)

Herbs D. said...

papa aris. haberdei. ayaw kasi bigay ni Nyl & Yj number mo eh LOL

Aris said...

@herbs d.: thank you, sweetie. *hugs* :)

Metamorphosis said...

nakakalungkot naman.

Aris said...

@metamorphosis: oo nga. pero ganoon talaga kaya move on na lang. :)

Anonymous said...

friend! hindi tayo nagkita nung umuwi ako! di bale, this december, uuwi ako. sana makita na kita! :)

Aris said...

@pao pielago: friend, nice to hear from you! na-miss kita. hindi bale, next time na umuwi ka, magkita na tayo! ingat ka jan. :)

period said...

@kuya knox and kuya aris..hmmm, am i in love?nah..hindi po...i just love this dance...i remember way back in college, tuwing magrerehearse ang lahing batangan dance troupe, talaga dumadayo ako para panuorin ang rehearsal nila ng paunjalay..gusto ko talaga yang dance na yan, lalo na yung parang monkey na sideway movement nung guy, at yung paluhod na naghahabulan... sabi ni sir rodel fronda ng LBDT, etong sayaw na ito, connotes courting and love..kaya ayun..but anyway, i think i already found the one.im just not sure of my feelings..sabi nga ni mariah, love takes time...<*wink*>

Yj said...

teh anong tawag sa ganyang laro?

meron akong hindi kinaya sa comment section... alam NIYO na!!!

Aris said...

@period: hmmm... :)

@yj: hide and seek?

alin kaya? hehe! :)

Anonymous said...

hi friend. thanks much.

even my partner and i are thousands of miles away from each other, we always make sure that each other's presence is felt - especially to our son who always would ask me when i'll be bringing him here. it's sad and takes a lot of sacrifices but we are prioritizing our li'l boy's future so i think, it'll be all worth it in the long run.

hey, i really, really appreciate the warmth of the friendship. and i hope you don't mind, as well as your readers, if i am kinda telling you some private stuff here. it's because i don't know how to make chikka with you, other than the comment section.

i hope all is well at your end. enjoy your week ahead!

-Bewired

Aris said...

@bewired: friend, happy ako to know more about you. pwede mo akong i-email sa akosiarisblog@yahoo.com. ikuwento mo sa akin ang love story ninyo, tapos isusulat ko (kung ok lang sa'yo). i am sure marami ang interesadong makabasa nito. magsisilbi rin itong inspirasyon sa mga nagmamahal at magmamahal pa lang. ako mismo, nae-excite na hehe! take care and my warm regards to your partner and little boy. :)

Anonymous said...

sadyang may mga bagay talaga na wala tayong kontrol pero isipin mo na lang, he had the chance to look into your life and see a part of you but he saw it in another way, that means it's really not meant to be. and tama ka, wala ng ibang dapat pang gawin kundi tanggapin ang nagyari.

Aris said...

@maxwell: "he had the chance to look into your life and see a part of you but he saw it in another way..."

oo nga, nakapanghihinayang pero hindi talaga siguro kami nakatakda. anyway, ok naman na ako at wala nang masakit sa dibdib. :)

Mac Callister said...

ay ganun ang duwag naman niya at ang babaw.di muna siya nag take ng chance na makilala ka...anyway go on lang like me pareho tau na need mag move on hehe

Aris said...

@mac callister: sana nga, nabigyan ako ng chance. good luck sa ating dalawa. kaya nating mag-move on muli at maging masaya. tc. :)

Anonymous said...

hi friend. sent you an e-mail. hope you'll have the time to read it. i hope everything's fine with you.

enjoy ur weekend!

-Bewired

Aris said...

@bewired: friend, thanks. i already replied. ingat always. :)

Anonymous said...

kaya nga dapat mas marunong tayong umintindi sana. kaso minsan may mga taong may malupit na karanasan na pilit nila iniiwasng mangyari ulit, kaya siguro kahit mahal na nila ang isang tao pero parang feeling nila na mauulit muli ang nakaraan mas pipiliin na lang nilang lumayo.

Aris said...

@xtian1978ii: siguro dahil human nature ang maging defensive. pero sayang naman di ba, if you miss out on opportunities dahil lang sa takot. pero ganon yata talaga. *sigh* :)

Anonymous said...

tama ka dyan aris. pero hindi din natin masisi sila.