Sabado nang gabi at maulan. Kung hindi lang birthday nina Ace at James, hindi ako susugod sa Malate.
Ilang hakbang na lang bago ko marating ang Silya nang bumuhos ang malakas na ulan. Sumilong muna ako sa kanto ng Nakpil at Bocobo. Nakasabay ko sa pagsilong ang mga callboys ng Supermen. Na-overhear ko ang kuwentuhan nila tungkol sa dick size.
Pagdating ko sa Silya, kumpleto na ang barkada. Kumakain na sila at umiinom. Bineso ko muna ang mga celebrants bago ang iba. Walang Strong Ice kaya nag-Red Horse ako.
Lumabas mula sa katapat na bar si YJ at hinila ako upang ipakilala sa mga kasama niya. Isang girl at dalawang guys na parehong guwapo. Napa-beautiful eyes ako. Kaya lang, may catch pala. Jowa nung girl yung maskulado at baby naman ni YJ yung matangkad. First timers ang tatlo sa Malate at curious sila sa going-ons. We agreed to meet later sa Bed.
I went back to my friends. Tuloy ang inom at kaagad akong nalasing. Hindi ko talaga carry ang Red Horse. Feeling ko, naging maingay ako at magulo.
Luis came with a friend and joined us. After a while, we trooped to Bed. It was almost 2am.
At dahil lasing ako, para akong paru-paro na hindi napirmi sa loob. Ikot-ikot. Beso-beso. Sayaw-sayaw.
Maya-maya, Ace handed me a beer. Red Horse na naman. Ugh! Ininom ko pa rin pero hindi ko na inubos dahil umiikot na ang tingin ko.
Higit akong naging maharot. I danced and circulated some more.
Then I went upstairs para magpahinga sandali. Nakiupo ako at naki-chika sa grupo ni YJ. Ang cute talaga ng baby niya! “Wala bang kakambal yan?” ang tanong ko sa kanya.
Nag-restroom ako. Nakita kong nakatambay sa bridge ang dalawa kong friends. I joined them.
Habang nagkukuwentuhan kami, napansin ko ang isang guwapong boylet sa tabi namin. Panay ang iwas niya sa isang older guy na pinipilit siyang halikan.
I stared at them.
Napansin ako ni older guy.
“Gusto mo siya?” ang tanong niya sa akin.
Hindi ako nagsinungaling. “Oo.”
Binitiwan niya si boylet. “You can have him. Masyado siyang maarte.”
Umalis si older guy na nagsusuplada. Naiwan kami ni boylet na nakatingin sa isa’t isa.
I smiled at him. He smiled back. Then I got closer and held him.
My friends were watching as I gently kissed him on the lips.
He did not resist.
***
It was a surprise to see Li’l Bro sa dancefloor. It must have been ages since I last saw him. Nag-away kasi sila ng isa naming kabarkada kaya nag-sabbatical muna siya. I hugged him tight. I missed him so much.
Nakita ko rin si Kane, kasayaw si J (Do I know him? Charing!). Ang sweet nila ha! Konting chika tapos iniwanan ko na sila.
“I Gotta Feeling” was playing nang muli akong umakyat sa ledge. I swayed to the beat.
Doon ko na-meet si Patrick. The attraction was instant.
I made the first move and he responded. We danced and kissed. We hugged and held hands. He was the cutest thing I have seen that night and I could not be happier because he was mine.
He was just visiting from Pampanga. He’s taken pero nasa States ang jowa. He had the sweetest lips and the roughest kiss. Masakit siyang humalik but I liked it.
Ipinakilala niya ako sa kasama niya. Si Ronald.
Ipinakilala kami ni Ronald sa kahalikan niya. Si Warren.
Nagbiro si Patrick na mag-kiss kami ni Ronald.
Nagkatinginan kami ni Ronald. Nagkangitian. Unti-unting naglapit ang aming mga labi.
We kissed. His lips were soft and gentle.
Not wanting to be left out, sumali sa amin si Warren.
Naghalikan kaming tatlo. Matagal. Maalab.
Nang magbitiw kami, wala na si Patrick.
Muling nagtagpo ang mga labi namin ni Ronald.
Nagparaya si Warren. At umalis.
***
Pagbaba sa ledge, inalok ako ni Ronald na uminom ng zombie. Hindi ako nakatanggi. And then, nag-excuse siya sandali.
Namalayan ko na lamang na katabi ko na si Patrick.
Pinakiramdaman ko muna siya bago ko hinawakan ang kanyang kamay.
Niyakap ko siya. I tried kissing him but he resisted.
“Ayoko. Hinalikan mo na si Ronald,” ang sabi.
“Ikaw kasi. Binuyo mo kami,” ang sagot ko.
“It was just a joke.”
“Nagselos ka ba?” ang tanong ko.
Tumingin muna siya sa akin bago sumagot. “Oo.”
Humigpit ang hawak ko sa kamay niya.
“Alam mo,” ang sabi ko pagkaraan. “Gusto sana kita kaya lang…”
“Kaya lang ano?”
“May boyfriend ka na.”
“Ikaw rin, gusto na sana kita kaya lang…”
“Ano?”
“Player ka.”
Bumalik si Ronald. Muli niya akong pinainom ng zombie.
Maya-maya, nagpaalam na sila. Uuwi pa raw sila ng Pampanga.
I just waved at them.
I was so drunk to manage a proper goodbye.
***
Bandang 5am, lumabas na kami ng mga friends ko sa Bed.
Medyo umaambon kaya sumilong muna kami sa tolda sa labas ng O Bar. Ang daming taong nakikisilong. We thought about getting inside kaya lang masyadong siksikan.
Napatingin ako sa bagets na katabi ko. Tumingin din siya sa akin at ngumiti.
“Are you alone?” ang tanong ko.
“Yes,” ang sagot niya.
Inakbayan ko siya. I was poised to flirt.
“Bakit mag-isa ka lang?”
“Kasi…” Pause for effect. “Nagtitinda ako ng taho.”
Saka ko lang napansin ang dalawang stainless container sa may paanan niya.
OMG.
Me and my friends were laughing like crazy when we walked away.
The joke was on me.
20 comments:
Ibang level, pati magtataho!!! Haha.
“Kasi…” Pause for effect. “Nagtitinda ako ng taho.”
panalo! haha gusto ko yan! hahahaha
lupit mo aris! sabi ko sayo player ka eh. hehe
napaka engaging mo talaga magsulat friend. pero isa lang ang masasabi, isa kang haliparot! hahaha kidding!
feeling ko magkikita tayo sa bed soon =)
hahahahaha!!!!
hi there, Aris!
-Bewired
galing mo talaga...
ahmm, nakaka-culture shock naman pala sa malate.
lalo na siguro kung personal kong nasasaksihan ang mga yan.
mukhang mas malala kumpara sa mga eksena sa babylon na napapanuod ko sa queer as folk
HAAAAAAAAAHAHAHAHAHA!!!
Love the ending.
at least cute ang nagtitinda ng taho... at mega "yes" ha, hindi "oo".. sushalan na ang magtataho... mashado ka nga naman player ate! para kang ako!
HAHAHAHAHAHHAH taho!!! kuya, redhorse? hindi masarap yun ah kadeerdeer ung lasa. So teka, yung boylet anu yun parang nakababata mong kapatid lang? lil' bro on the dancing floor? wala lang may masabi lang hehehe
Aris,
It was good to see you again. Ang harot harot mo na naman! Classic Aris. =)
So the night turned out to be unpredictable, after all. Masaya nga that night. Full of old and new friends, familar faces, former lovers. Until your next adventure. Whether in or out of Bed. =)
Kane
p.s. J says hi. Hahaha.
haha natawa naman ako sa ending, ang kulet!hahaha kakaiba talaga ang mga escapades mo kuya, hehehe
panalo ang magtataho!!! :D
Ang harot harot kasi eh. Ang level mo ha, hindi ko abot yan! LOL
friend, na-loca ako sa post mo. nag-iisa ka talaga. hahaha
mare.... shetness ka.... wala kang katulad!!!
hahahahaha.... hindi ko kinaya toh....
at go, bonggang bonggang ngenge ako that night.... Sunday night na kami naghiwa-hiwalay... pero walang ganap dahil lasing na lasing ako hahahahaha
pag lasing nga naman, hahaha.
klap ako sa yo Aris! Winner ka sa magtataho! Haha! Buti di ka dun sa nagtitinda ng mani na macho. Imbyerns ako dun eh. Feelingera. :) Haha. May poot?!? :) Naku more than a month na yata ako wiz circulate sa Malate at sa Silya. Paki-hello na lang kay Kuya Noel. Cge, magpatuloy ka sa iyong pagbongga! :) MWah!
kalandian to the highest level. hahaha! namiss ko tuloy nung magkasama kami ni YJ hahahaa! kaso hindi ako makakasabay sa mga trip niyo. hahaha! skwater. nyahahha! shala shala kau eh.
btw. isang gabing puna ng lapchukan at kariran... ano pang bago... pokpok kang talaga. hahaha!
ui talaga me bago na si YJ. hahay! dami ko nang namiss... aysus. daan ka aman sa blog ko.
@tristan tan: gosh! hahaha!
@citybouy: hindi naman ako player. single lang kasi kaya go lang nang go. :)
@mksurf8: thanks, friend. matagal na akong haliparot hahaha! see you soon! :)
@bewired: hello there, my friend. nice to have made you laugh. :)
@period: salamat, friend. hindi naman. mas grabe pa rin yung sa QAF. :)
@rudeboy: buti naman napatawa kita hehe! :)
@baklang maton: "yes" nga ang sagot ng bagets kaya di ko agad napansin na magtataho. hindi ako player, mare. in fact, demure na demure ako. parang ikaw hahaha! :)
@elay: li'l bro ko siya. as in wholesome relationship. kahit mahal ko siya hehe! :)
@kane: oo nga. nalasing na naman kasi hehe! nice to see you too, my friend. chika na lang tayo sa phone. sabihin mo kay j, hello din sa kanya. and give him a kiss for me, ok? lol! :)
@superjaid: hanggang ngayon kapag naiisip ko yung nangyari, natatawa pa rin ako. :)
@anonymous: hahaha! grabeh! :)
@knox galen: nakakahiya! isinulat ko na para hindi na ako ma-blackmail ng mga kaibigan ko hahaha!
@the geek: true ka, friend. nalokah rin ako! :)
@yj: nakakawindang, mare. hiyang-hiya ako! walang ganap ka jan. echosera ka. hahaha! asan na yung kakambal niya? see you soon. mwah! :)
@maxwell: korekness ka. ayoko nang malasing. nawawala ako sa sarili hehe! :)
@anufi: pasyal ka uli sa malate, mare. mas marami na ngayong waging vendor. di na lang magtataho o magmamani. may magyoyosi at magmamais na rin. charing hahaha! hope to meet you there one of these days. sige, hello kita kay noel. ayaw mo kay ferdie? hehe! ingat always, gurl. mwah! :)
@dilanmuli: why, thank you! sure, i will. :)
haahahhaahah..
why am i laughing my heart out?
the last scene was very very familiar! i just remembered!
this made my day!
@the golden man from manila: naloka talaga ako nang ma-realize ko na magtataho pala yung inakbayan ko! hahaha! :)
Post a Comment