Tuesday, October 13, 2009

Counterpoint

Papahupa na ang init sa dancefloor nang tayo ay magtagpo.

Sa liwanag ng aandap-andap na ilaw, hinagod natin ng tingin ang isa’t isa.

Nagngitian tayo at naglapit. Nagtitigan. At sabay sa kumpas ng maharot na tugtog, gumalaw tayo sa isang seduction dance.

Kusang nagtagpo ang ating mga labi. Naglapat at nagtunggalian sa isang sabik na halik.

May kakaibang tamis ang iyong mga labi na bumura sa alaala ng iba ko pang mga nakaulayaw nang gabing iyon. Para kang unang karanasan na nagdulot sa akin ng masidhing excitement.

Nagsabihan tayo ng pangalan at nagpalitan ng number.

“I want to see you again,” ang sabi mo.

Sa kabila ng pagnanasa, umusbong sa akin ang pag-asa para sa isang bagong simula.

***

Ang cute mo. Para kang bata. Malikot ka at makulit pero hindi ako naiinis. Natutuwa pa nga ako sa mga kilos mo. Madaldal ka rin at opinionated pero hindi ako nagsasawang makinig. Naaaliw ako sa mga kuwento mo at sa mga points-of-view mo. Refreshing ang take mo sa mga bagay-bagay na ikinaka-amuse ko. Nakakahawa rin ang iyong pagiging masayahin.

Iyan ang mga katangian mong nag-endear sa akin. Bukod pa sa iyong good looks. Kapag kasama kita, feeling ko maraming naiinggit sa akin. Malambing ka kasi at kahit nasa “ligawan” stage pa lang tayo, lagi kang nakaakbay sa akin at malagkit kung tumingin. Nagyayakapan at naghahalikan din tayo in public.

Actually, parang tayo na kahit wala pa naman tayong pinag-uusapang pormal tungkol sa atin. Hindi ko alam pero kahit nagawa na natin ang lahat, pagdating sa bagay na iyon, parang nagkakahiyaan tayo. Parang mas gusto pa natin iyong implied na lang ang ating relasyon.

Subalit ang pagkakamabutihan natin ay nahadlangan ng aking trabaho. Pumasok ang peak season at naging very demanding ang office sa time ko. I had to work extra, even at night. Humingi ako ng paumanhin at pang-unawa sa’yo dahil nawalan ako ng panahon. Nangako akong babawi kapag lumuwag na ang schedule ko. Pero hindi iyon nangyari dahil dumagdag nang dumagdag ang responsibilidad ko. Sa pagtupad ko sa aking tungkulin, napabayaan kita. Dumalang ang mga text at tawagan natin. Hindi na tayo nagkita. Bago ko namalayan, katahimikan na ang namamagitan sa ating dalawa.

Nagising ako isang araw na parang may void sa buhay ko. Hinahanap-hanap kita.

Tinext kita: “Hey, kumusta na?”

Ang reply mo: “Who’s this?”

Ouch! Kaya tinawagan kaagad kita.

“Myco, it’s me, Aris,” ang sabi ko nang mag-hello ka.

“Alam ko,” ang sagot mo.

“Bakit who’s this ang reply mo? Binura mo na ba ako sa phonebook mo?”

“Oo. Pero memorized ko ang number mo.”

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. “I miss you,” ang sabi ko na lang.

“I miss you, too.” Mabilis ang iyong sagot.

Nabuhayan ako ng loob. Sumigla ang aking pakiramdam.

“I’m sorry. Masyado akong naging busy. I didn’t mean to neglect you.”

“Akala ko, bumitaw ka na. Akala ko, ayaw mo na,” ang sagot mo.

“No. Mahal kita.” Hindi ko napigilang isatinig ang nararamdaman ko.

“Bakit ngayon mo lang sinabi ‘yan?”

“I don’t want to lose you. Magsimula tayo uli. Ipagpatuloy natin ang nasimulan natin noon.”

Wala kang tugon.

“Mahal mo rin ba ako?” ang tanong ko.

May na-sense akong hesitation bago ka sumagot. “Oo.”

“Mag-dinner tayo. Mag-usap. Gawin na nating pormal ang ating relasyon.”

Tahimik ka.

“Kailan tayo pwedeng magkita uli?” ang tanong ko.

Bumuntonghininga ka muna bago nagsalita. “Aris, hindi na puwede.”

“Ha? Bakit?”

Nanlumo ako sa iyong tinuran.

“May boyfriend na ako.”

***

Balik ako sa Malate upang limutin ka at ang nakapanghihinayang nating kabanata. Hurt ako pero kasalanan ko rin.

Magkasama kami ng bestfriend kong si Ace na umiinom sa Silya nang may bumati sa kanya. Matangkad, guwapo, maganda ang katawan. Nagulat ako nang makita kong ikaw ang kasama.

Ipinakilala ako ni Ace sa bumati sa kanya. “Aris, Drake. Drake, Aris.”

Higit akong nagulat nang ipakilala ka ni Drake na boyfriend niya. Nagulat din si Ace dahil alam niya ang tungkol sa atin pero hindi siya nagpahalata.

Nagkunwari tayong first time na nagkakilala.

Nang makaalis kayo saka nagsalita si Ace.

“Oh no! Alam ko, at this very moment, parang dinudurog ang puso mo.”

Tumungga lang ako ng Strong Ice.

“Akalain mo yun? Si Drake pa pala ang naging jowa niya. Ang liit ng mundo!”

“Ano ba yan. Kaya nga ako naririto para kalimutan siya tapos, makikita ko siya na kasama ang jowa.”

“Worried ako para kay Myco,” ang sabi ni Ace.

“Bakit naman?”

“Kilala ko ‘yang si Drake. Malandi ‘yan.”

“Really? Pero guwapo siya ha! Bagay sila ni Myco.”

“Nagmo-model model ‘yan. Alam ko pa nga, sumasali ‘yan sa bikini open.”

Hindi na ako nagsalita. Na-insecure na ako. At least, mas maganda ang ipinalit mo sa akin.

“Sabay-sabay ‘yan kung makipag-boyfriend,” ang patuloy na chika ni Ace.

Nag-alala ako para sa’yo. Ayaw kitang masaktan.

“Pero malay natin, baka nagbago na siya. Baka nagtino na siya dahil kay Myco.”

***

Nakita ko kayo ni Drake na nagsasayaw sa Bed nang gabing iyon. Magkahawak-kamay, magkayakap at panay ang halikan. Nagpakatatag ako sa kabila ng pagiging crushed. Pilit kong ibinaling sa iba ang aking pansin subalit patuloy ang kirot sa aking damdamin.

Later that evening, lumabas ako upang bumili ng yosi. Parang nananadya ang tadhana dahil naroroon ka at may binibili rin.

“Hey,” ang bati ko.

“Hey,” ang bati mo rin.

“Mag-isa ka. Nasaan si Drake?”

“Nasa loob with his friends.”

“You want to grab a beer?”

Nag-alinlangan ka. “I want to. Kaya lang baka hanapin niya ako.”

I forced a smile. “It’s ok. I understand.”

“Sorry, baka kasi magalit siya.”

I stared at you. Parang may na-sense akong pangamba sa’yo.

“Myco, masaya ka ba?” ang tanong ko.

Ngumiti ka.

“Yeah. Masaya ako.”

***

Hindi ko inaasahan na muli kitang makikita nitong Sabado. Sa nagdaang mahabang panahon, naka-get over na ako sa’yo. In fact, nakalimutan na kita.

Tila may nabago na sa iyong itsura na hindi ko matukoy exactly kung ano. Tumaba ka ba? Nagka-edad? Naging seryoso? Parang nawala na ang innocence at pagkamasayahin sa iyong mukha. Pero guwapo ka pa rin.

Ikaw kaagad ang aking nabungaran pagpasok ko sa Bed. At nakita ko, kasama mo si Drake. Kayo pa rin pala.

Parang hindi nagbago si Drake. Parang higit itong gumuwapo subalit parang naging cocky. Ewan ko, biased lang siguro ako pero parang yumabang ang tingin ko sa boyfriend mo.

At dahil kasama ko si Ace, hindi naiwasang mag-hello-hello tayo. Remember, magkakilala sila ni Drake.

When our eyes met, tahimik tayong nag-communicate. Dinaan natin sa ngiti ang mga bagay na hindi natin masabi.

Ayoko nang balikan pa ang nakaraan natin at ang naging pagdurusa ng aking damdamin. Kaya kahit nasa iisang bubong tayo, sa lugar na kung saan una tayong nagkatagpo, umiwas ako sa’yo. Pinilit kong mag-enjoy. I danced and flirted.

I saw you and Drake dancing. Ewan ko pero parang wala na ang dating sweetness na nakita ko sa inyo noong bago pa lang kayo. Wala na rin ang ngiti sa mukha mo.

I met and kissed a few guys. Nagkunwari akong masaya pero parang napagod lang ako. At the back of my mind, naroroon ka, hindi mawala anumang waksi ang gawin ko.

Then I saw Drake dancing with another guy. May nakita akong libog sa kanilang mga galaw. Hinanap kita subalit hindi kita makita.

Bigay na bigay sa pagsasayaw si Drake at ang kapareha niya. Nagulat ako nang maghalikan sila. Na-disturb ako para sa’yo. Nag-alala ako sa damdamin mo sakali mang nakita mo ang nakita ko. Muli kang hinanap ng aking mga mata. Subalit wala ka.

I felt uncomfortable na parang gusto ko munang umalis. At dahil hindi ko mahagilap si Ace, niyaya ko si James na lumabas. Uminom kami sa Silya. Nagkuwentuhan kami. Hindi ko napigilang magkuwento sa kanya ng mga nagpapasikip sa aking dibdib. Lately I have been feeling lousy, kailangan kong i-express ang halo-halong emosyon na nagpapahirap sa akin. Nakinig naman siya. No, I did not tell him about us.

Nang makaramdam na ako ng pagkalasing, nagyaya na akong bumalik sa loob. Humiwalay sa akin si James at mag-isa akong umakyat para mag-restroom.

At doon, muli kitang nakita at si Drake. Napahinto ako sa paghakbang dahil mula sa malayo, nakita kong nagtatalo kayo. Hindi ko man naririnig ang usapan ninyo, nabasa ko sa mga kilos ninyo na nag-aaway kayo. At si Drake, galit na galit sa’yo.

Pinanood ko kayo na saklot ako ng pag-aalala at pangamba para sa’yo.

Nakita kong dinuro-duro ka ni Drake. At pagkatapos, itinulak ka niya nang malakas. Napaupo ka sa couch at napayupyop sa iyong mga palad.

Umalis si Drake at iniwan ka. Nakita ko siyang dumiretso sa exit.

Matagal kitang pinagmasdan. Nag-alinlangan akong lapitan ka subalit nanaig ang malambot na damdamin ko para sa’yo.

Humakbang ako patungo sa kinaroroonan mo. Nanatili kang nakatungo at nakayupyop sa mga palad mo.

Marahan kong hinagod ang likod mo.

Nag-angat ka ng mukha. At nakita kong basa ng luha ang iyong mga mata.

Maingay at malakas ang music. Sa dancefloor at sa ledge, siksikan ang mga nagsasayaw. Masaya ang lahat. May mga nagtatawanan pa.

“Are you alright?” ang tanong ko sa’yo.

Hindi ka sumagot.

Inabot ko ang kamay mo at itinayo kita.

Kumapit ka sa akin.

Niyakap kita.

At sa balikat ko, muli kang umiyak.



17 comments:

♥ ruby ♥ said...

Ang sad naman! D:
Hope your friend is ok.

Pwede ba ang "Maybe this time" sa inyong dalawa? :D

Looking For The Source said...

waaaaah. sad. huhu.

Mugen said...

Pansin mo Aris, nitong mga nakaraang blog entries ko tungkol sa Malate maangas na ako.

Tingin ko, manhid na ako sa mga pait na nakikita natin sa lugar na iyon.

Aris said...

@the geek: buntonghininga na lang tayo, friend sa mga ganitong pagkakataon. :)

@ruby: sana nga pwede ang "maybe this time" pero mukhang mahirap na. :)

@looking for the source: kalungkot nga. pero ganyan talaga ang buhay.

@knox galen: friend, napansin ko nga. ako mukhang malapit na, konting-konti na lang, baka maging manhid na rin. nakakapagod na ang umasa at mabigo.

MkSurf8 said...

ka sad naman 'to!

pero friend, matchpoint ka na. isang punto na lang sayo na ulet sya. =

btw, hindi na kita nati-tyempuhan sa B.

Jinjiruks said...

mahirap talaga pag gwapo at maganda ang katawan ng jowa mo. maraming kalaban.

Aris said...

@mksurf8: parang ang hirap nang umiskor uli.

are you in town again? hope to see you soon, my friend. :)

@jinjiruks: nakaka-insecure ang jowa na masyadong guwapo! takaw-tukso at parang laging maaagaw sa'yo hehe! :)

Anonymous said...

aris grabe naman mga kwento mo. hirap talaga buhay pag puso nakataya. sana naman huwag ka maging manhid kase may darating din na para sayo. pano kung darating 'yun at manhid ka na dba? sana ok na 'yung friend mo.

Aris said...

@xtian1978ii: may point ka, friend. sige, makikinig ako sa'yo. :)

i hope ok lang siya. ayoko na rin kasing manghimasok dahil bahagi na siya ng aking nakaraan.

Kokoi said...

friend, ang lungkot! life goes on. shet!

Aris said...

@kokoi: korek, friend. move on na lang. :)

POPOY said...

Sad pero malay mo may part 2 kau.. and life mas goes on...


keep loving :)

Aris said...

@popoy: hi, popoy. welcome sa blog ko. yes, sa kabila ng mga pagkabigo, i will keep on loving. :)

Al said...

how are you and him na today Aris?

I think a second chance might come to both of you. When will love cease to be so mysterious and complicated ano?

Or maybe tayo ang nagpapacomplicate sa love :-)

***Sigh***

again, our mantra: Move on..!

Anonymous said...

i always believed in second chances. :) who knows?

Aris said...

@al: hindi ko rin maintindihan kung sino ba talaga ang nagko-complicate sa love. siguro ako rin. *sigh*

@maxwell: oo nga, friend. malay natin baka happy ending pa rin, di ba? :)

Anonymous said...

Oh My.. This is my favorite.. You are Gold :D