Thursday, October 15, 2009

Seventeen

“She’s the girl I am going to marry.”

Para akong sinampal sa sinabi niyang iyon.

“Paano ako?” ang tanong ko.

“Inisip mo ba na ipagpapalit ko siya sa’yo?”

“Paano tayo?”

“Anong tayo? Walang tayo.”

“Ano’ng tawag mo sa relasyon natin?”

“Eksperimento.”

“What?”

“Pareho tayong lalaki. Sinubukan lang natin ang mag-sex.”

“Akala ko sinubukan din natin ang magmahal.”

“Walang ibig sabihin yun.”

“Pero minsan mo na ring sinabi na mahal mo ako.”

“It was just an outburst.”

Nilapitan ko siya at niyakap.

“Mahal kita, alam mo ‘yan.” May pagsusumamo sa aking tinig.

Pilit siyang kumawala sa akin.

“Bitiwan mo ako,” ang sabi niya.

Lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Nagpumiglas siya.

At nang makawala, itinulak niya ako palayo sa kanya.

Napaupo ako sa kama. Sa kama na kanina lang ay pinag-alab naming dalawa.

“Itigil na natin ito habang maaga pa,” ang sabi niya.

“Are you breaking up with me?”

“Yes. If that is how you want to put it.”

Nagsikip ang aking dibdib. Parang gusto kong maiyak.

“Hindi ako bakla,” ang mariin niyang sabi.

Tumalikod siya at lumabas ng aking silid.

Sa mesa, nakita kong nakalapag ang pinag-ugatan ng lahat. Ang imbitasyon sa debut ng kanyang girlfriend.

Kinuha ko ito at binuklat. Nakita ko ang pangalan niya bilang escort.

Nakaramdam ako ng galit.

Pinunit ko ang imbitasyon. Pinagpira-piraso at itinapon.

Napahagulgol ako ng iyak.

I was only seventeen.

***

Isang long-stemmed rose ang inaabot niya sa akin.

Sa gitna ng marangyang ballroom, natigilan ako at napatitig sa kanya. Napakaguwapo niya sa suot na coat and tie.

Tinanggap ko ang bulaklak.

“Para sa 18 roses,” ang sabi niya.

Akala ko, may ibig sabihin na.

“Maaari ba tayong mag-usap?” ang tanong ko.

“Wala na tayong dapat pag-usapan,” ang sagot niya.

“Please?” ang giit ko.

“Hindi ka ba makaintindi? Tapos na tayo.”

“Ganoon lang ba 'yun kadali?”

“Oo.”

“Hindi mo na ba ako mahal?”

Hindi na siya sumagot. Sa halip, ako ay kanyang tinalikuran.

Nagsimula ang programa. Dahan-dahang bumaba sa hagdan ang debutante. Nakangiti. Magarbo ang gown.

Sinalubong niya at inabutan ng rosas. Siya ang first dance.

Nag-waltz sila. Napakaganda ng debutante at napakaguwapo niya. Bagay na bagay sila.

Parang sasabog ang dibdib ko sa panibugho.

Humigpit ang hawak ko sa rose. Tumusok sa akin ang mga tinik.

Nagdugo ang aking kamay pero ang kirot ay nasa aking puso.

I was only seventeen nang ako ay mabigo.

15 comments:

Jinjiruks said...

aww *hugs* kuya aris. sad naman nun. alam ko naman na maganda ang intention mo sa kanya. pero ganun talaga kung hindi talaga para sa atin. wala tayong magagawa.

mr.nightcrawler said...

first time ko sa blog mo parekoy.. truse story ba to? wawa ka naman. sana maligaya ka ngayon. ayos :P

rudeboy said...

I love the way you write, Aris.

Pero akala ko naman "Seventeen" by Janis Ian yung nasa audio file mo.

Anonymous said...

friend, is this a true one? colorful talaga ang life mo. hehe..

i hope you are better now - you know what i mean.

take care!


-Bewired

Kane said...

Aris,

As a wise young lady once said, "We were both young when I first saw you. I close my eyes, and the flashback starts I'm standing there."

Ah. To be young again. And so the years have passed Aris. Have they been kind to us? Or is love still as elusive as ever?

Kane

Anonymous said...

grabe ang bata mo pala nagkaroon ng heartache. makulay talaga buhay mo aris.

the geek said...

friend, nangilabot ako sa kanta..*goosebumps*

<*period*> said...

kuya aris..awwww..lungkot naman niyan

Yj said...

TSE! nine years old ako nung mangyari sa kin yan hehehehe echusa...

pero seriously friend, niluluto na ang telserye mo sa ABS-CBN... DISISIETE...

oh kabog d ba... kakabugin mo ang laging litaw na boobey ni Erich sa Katorse....

TARAY!

Anonymous said...

this brought me back to my first heart ache. sad.

just remember, a diamond started out as a rough coal. ;) trial and error lang ang buhay. tuloy lang.

Aris said...

@jinjiruks: parang praktis lang muna habang bata pa hehe! :)

@mr. nightcrawler: salamat sa pagbisita. yup, happy na ako ngayon. :)

@rudeboy: galing sa'yo, isang napakalaking compliment yan. salamat. :)

oo nga, appropriate din yung song ni janis, di ba? :)

@bewired: friend, ok lang ako. sumabay lang sa mga kadramahan ang dami ng ginagawa kaya nangarag ang ateh mo. pero happy na uli ako. you take care too. mwah! :)

@kane: elusive pa rin. charing! hindi, alam mo naman na palagi akong optimistic pagdating sa love. dedma na ang bad experiences. :)

Aris said...

@xtian: dami kong nahahalungkat na mga kuwento sa lumang baul ng buhay ko hehe! past experiences, no matter how bad, makes us stronger. and prettier! charing! :)

@the geek: love ko yang song na yan. "this love" from cruel intentions. taray, di ba? :)

@period: pagbabalik-tanaw lang sa isang episode na kahit paano, nagpatatag sa akin. :)

@yj: ano pa kaya ang kailangan kong ipakita riyan bukod sa boobey? hahaha! :)

@maxwell: korek na korek ka, friend. kailangan talagang maranasan ang mga ganyan para maging wise at tumibay sa buhay. :)

Anonymous said...

tama ka Aris. Kaya I'm opening up dito sa blog na sana may mapulot man lang sa mga karanasan ko.

citybuoy said...

sabi nga ni kuya cat stevens, first cut is the deepest. i'm glad you were able to get through that with minimal damage. we should always be grateful for all the heartaches we went through in the past. they shaped the people we are today.

Aris said...

@xtian: and our learnings are precious because they make us better persons. :)

@citybouy: right. basta huwag lang tayong madadala. inspite of our bad experiences, we should always be ready to forgive and forget and start afresh. :)

@knoxxy: sakit nga. pero magandang learning experience na rin. :)