Sunday, October 18, 2009

Happiness

Wala talagang plano.

Around 7 pm, tinext ko ang barkada. Bored lahat, gustong lumabas.

Eclipse ako kaagad para ma-refresh. I woke up around 9:30. Naligo, nagpaganda at gumora.

Ang mantra ko nang gabing iyon: “Happiness is mine tonight!” bukod sa “I am gorgeous and desirable!” (Choz!)

Nagkita-kita kami before 12 sa Malate.

Ang gaganda ng mga friendship. Masasaya ang aura.

Uminom kami sabay chika. Habang nalalasing, lalo kaming sumigla at sumaya.

Jumoin sa amin si YJ, kasama ang jowa. Nag-LFS sila sa Rob at nag-drop by lang sa Silya. Napanganga kami sa kaguwapuhan ng jowa! Pasimpleng kumerengkeng ang barkada. Kausap sila nang kausap sa jowa habang kausap ako nang kausap kay YJ. Gusto kong pagkukurutin sa singit ang mga malalandi! But I cannot blame them, winner kasi talaga ang jowa. Pag-alis nila after a few bottles, namatay kami lahat sa inggit!

Only to rise again pagpasok namin sa Bed. Jampacked as usual. Ang daming cute!

We went to our usual spot after grabbing a drink. Wala pang ten minutes, connected na kaming lahat.

Mine was a cutie with longish hair. We went up the ledge and there, we danced and kissed. Perfect na sana kaya lang nag-negative comment siya about my friend. Na-slight ako kaya nag-excuse ako at iniwan siya.

I saw Mksurf8 (with his very nice and handsome boyfriend!). He flew in from Singapore kasi miss na miss niya na ang Bed (sosyal!). Kasama niya sina Mcvie (na kinulit-kulit ko kung bakit on blog holiday siya) at Joaqui (na kinulit-kulit ko rin kung bakit two months nang walang update ang blog niya). Tinukso-tukso ko rin si Joaqui ng: “I am sure, may nami-miss ka na nasa America!”

Nakita ko rin si Kane. I was introduced to his entourage of good looking friends. Mukhang masaya na siya uli at naka-recover na sa heartbreak.

I was dancing with another boylet nang mamataan ko si Ewik na ka-join na ng mga blogger friends. Kaway-kaway ako sa kanya mula sa ledge. Paalis na siya kaya inabot niya lang ang kamay ko. Hindi na kami nakapag-chikahan kasi cameo appearance lang siya sa Bed.

I checked on my gurls. Aba, busy ang lahat! Cozy-cozy sa kani-kanilang mga partner. Maynard was with this beautiful black guy. Lance was being hugged by a tall semi-kalbo. Luigi was kissing a cute bagets. James was dancing with a hunky chinito. And Arnel was with a (former) G4M sensation. Smile na lang ako like a proud momma.

Then I met him. Ang guy na pwedeng ipantapat sa jowa ni YJ. Ang guy na feeling ko kaiinggitan din ng lahat! Ok, exaj ako. Pero nang mga sandaling iyon, siya ang pinaka-guwapo para sa akin!

Nagsimula kaming magsayaw na nasa likod niya ako. Dahan-dahan kaming nagdikit hanggang sa naka-lean na siya sa akin. Kinuha niya ang aking kamay at dinala sa kanyang tiyan. Sinalat-salat ko ang buhok sa kanyang pusod sabay halik sa kanyang leeg.

Humarap siya sa akin at naglapat ang aming mga labi. Napapikit ako sa sarap niyang humalik. Nagyakap kami at gumapang ang mga kamay niya sa katawan ko. We explored each other.

Nag-getting to know you kami. Pareho kaming single pero unsure sa commitment. We decided to see each other again kaya nag-exchange numbers kami. Kahit wala na kaming masabi, hindi pa rin namin iniwan ang isa’t isa. We just hugged and kissed.

Before the night came to a close, nag-gather kami ng barkada sa dancefloor. May ningning sa mga mata at ngiti sa mga labi ang bawat isa.

Nag-last dance kami at nagyakap-yakap.

It was a good night. Nag-translate sa reality ang mantra ko.

24 comments:

rudeboy said...

How nice to read such a happy post, Aris! Nothing like a good night out with friends, old and new.

Baklang Maton in the Suburbs said...

Talagang me gathering ng mga bloggers lagi sa Bed ah..... bat kaya di ako iniimbitahan ng mga baklita?! hay... tampururot na kaya akeiwa...

PUSANG-gala said...

happiness is a choice---and a mindset---if you think you are happy, you are. if you think you are gloomy, you are. it is indeed a choice that you have to make everyday~~~cheers

<*period*>; said...

kuya aris, kapag ako ininvite mo sa malate, sasama ako!hehehe

xtian1978ii said...

ang saya ninyo ah. good. sana ganun lagi, masaya dba

Boying Opaw said...

i gotta feeling...that tonight's gonna be a good night...

Aris said...

@rudeboy: korek, my friend. gumaan ang pakiramdam ko. nabura ang mga lungkot-lungkutan moments ko. :)

@baklang maton: next time, sana ikaw naman ang ma-meet ko sa bed! :)

@pusang gala: korek. if you choose to be happy, you will be happy. mind set lang. :)

@period: surely! hayaan mo, one of these days. :)

@xtian: oo nga, friend. sana lahat tayo, laging happy. :)

@boying opaw: yan ang kinakanta ko habang papunta ako sa malate hehe! thanks for dropping by. dalaw ka lagi ha? :)

xtian1978ii said...

@Aris cheers to that.

Thanks sa hug ha. Hugging you back.

the geek said...

nag cameo lang si ewik? parang di yun ang dinig ko. wahahaha

hi ewik!!!!

ang saya ah!!!

Yj said...

sinulit lang ang oras... we won't be seeing each other the whole week eh hahahaha.....

it was great talking to you my friend..... sayang wala ang mother Luis hehehehe....

wanderingcommuter said...

hahaha. tumigil ka geek! hahahaha!

hindi ako yun, kambal ko yun. nyahaha.

infairness, madalang lang ako pumunta dito pero madami palang naganap... hahaha.

sayang aris hidni tayo nakapag usap ng matagal. pero siguro kahit nagkita tayo ng mas maaga hindi din kita lalapitan lalo nat kasayawan mo pala ang happiness mo! hahahaha

POPOY said...

malate been der once pero not in bed sa chelu ba un... kind of traumatic experience or baka culture shock lang cguro about sa mga bagay bagay na nakita ko nung 1st time na punta ko dun hehehe...

hope to be in malate Soon LOL

POPOY said...

aris- same ako LOL

Real Men said...

nice blog...

Aris said...

@the geek: ay, hindi ko alam yan. hmmm... hehe! :)

@yj: so happy to be with you again, friend. next time uli. kasama na si luis. :)

@wandering commuter: next time, chika tayo. basta lapitan mo lang ako, iiwan ko kasayaw ko hahaha! :)

@popoy: hope to meet you one of these days in malate. sure, sama ka anytime hehe! :)

@real men: thanks. sana dalaw ka lagi. :)

wanderingcommuter said...

ok prinint ko na po ang commentna io as an evidence your honor... hahahaha!

citybuoy said...

star studded pala ang malate!

Kane said...

Aris!!! May comment talaga sa heartbreak ko???? Hahahaha. Ikaw talaga.

My "entourage of goodlooking friends", as you call them, were pleased to meet you. I've been telling them about your stories.

Grabe ang dami mong kilalang bloggers. At hindi ka nauubusan ng "happiness" sa Bed. I hope we can catch up soon =) Madami ako updates, mga off-the-record WTF oh-no-you-didn't moments. Hahaha.

Hugs,

K

lucas said...

alot of bloggers in one place! ang saya naman :)

wala pa akong namimeet na blogger in person...

thanks nga pala. peace out!

Aris said...

@wandering commuter: hahaha! hope to see you again soon, my friend! :)

@citybouy: sana nandoon ka rin. :)

@kane: ay, binuking ba kita? sowee hahaha! my pleasure to meet your friends and to see you again. looking forward ako sa mga kuwento mo na pang-GG! ingat always and be happy now. xoxo.

@lucas: maybe someday soon, tayo naman ang magmi-meet. :)

Mac Callister said...

ako naman ang namatay sa inggit!LOL

ang saya!i cant wait after that exchanging of numbers!

Aris said...

@mac callister: sana pag-uwi mo dito sa pinas, ma-meet din kita sa bed.

will keep you posted. tc. :)

ELAY said...

"I GOTTA FEELING... THAT TONIGHT'S GONNA BE A GOOD NIGHT!" Happiness is a choice regardless of what our "mantra" is. Namiss ko tong page mo kuya. :)

Aris said...

@elay: na-miss din kita, li'l bro. :)