Friday, October 23, 2009

Gym Boy

Lagi siyang dumadaan sa tapat ng bahay namin. Naka-sleeveless, shorts at rubber shoes, may dala pang bag.

Maganda ang katawan niya kaya in-assume ko na sa gym siya nagpupunta.

Hindi ako nagkamali dahil minsang nagawi ako sa gym na malapit sa amin, nakita kong naroroon siya.

Nagpunta ako roon upang sunduin ang dalawa kong kaibigan na naisipang mag-work out. Nagpamasahe ako noon at dahil katabi lang ng gym ang masahehan, dinaanan ko na sila at niyayang mag-dinner.

Nainggit ako at namangha pagkakita sa mga tao sa gym. Ang daming guwapo na pursigido sa pagpapaganda ng katawan.

Kabilang na siya roon. At sa dinami-dami ng maaari kong pag-ukulan ng pansin, sa kanya napako ang aking tingin.

Pinagmasdan ko siya habang abala sa kanyang work out. Higit siyang maganda sa malapitan at higit na kaakit-akit sa kanyang pawisang itsura habang nagbubuhat ng bakal. Napansin ko ang kanyang matipunong dibdib, impis na tiyan at maliit na baywang. Gayundin ang kanyang matambok na puwet at bilugang mga hita.

Hindi ko naiwasang tumitig sa kanya. Na napansin niya dahil napatingin siya sa akin. May nakita akong recognition sa kanyang mga mata subalit naglayo din siya kaagad ng tingin.

Dahil katatapos ko lang magpamasahe, confident ako na glowing ang aura ko kaya ipinagpatuloy ko ang pagpapapansin sa kanya. Hinintay ko na muli siyang tumingin sa akin.

At nang mangyari iyon, maagap ko siyang nginitian. Subalit sa halip na tumugon ay muli niyang inilayo ang mga mata sa akin.

Bumitiw ang atensyon ko sa kanya nang magyaya nang umalis ang aking mga kaibigan.

Habang papalabas ng gym, hindi ko napigilang muli siyang sulyapan. At nakita kong nakatingin siya sa akin.

Nagulat ako nang bigla niya akong ngitian.

***

Linggo nang gabi after mass, dumaan ako sa 7-11 para bumili ng snacks.

Napa-OMG ako nang makita ko siya na naroroon at bumibili rin. Parang bumagal ang mga sandali nang magkatinginan kami. Nag-alinlangan ako kung babatiin ko siya.

Paiwas akong umikot-ikot sa loob ng convenience store. Gayundin siya. At habang napapagitnaan kami ng mga shelves ng paninda, pasulyap-sulyap kami sa isa’t isa.

Napakaguwapo niya talaga at napakakinis. Dama ko na higit na nag-ibayo ang crush ko sa kanya.

Sinabayan ko siya sa counter. Napansin ko ang binibili niya: Fit N’ Right, yoghurt, saging. Samantalang ako: Mountain Dew, Potato Chips, Adobo Peanuts. May pahabol pa ako na Winston Lights. Para akong biglang nahiya sa kanya. Kitang-kita ang pagkakaiba ng health habits at lifestyle namin.

Muli kaming nagkatinginan. At siguro dahil hindi na namin mapigilan, kami ay nagkangitian.

“Hi,” ang sabi ko.

“Hi,” ang sabi rin niya.

Sabay kaming lumabas ng convenience store bitbit ang mga pinamili. At dahil sa iisang street lang kami nakatira, hindi naiwasang magkasabay kami sa paglalakad papasok sa village.

Since na-break na ang ice sa pagitan namin, naging madali na lang para sa amin ang mag-usap.

“Matagal ka na bang nagdyi-gym?” ang tanong ko.

“Oo,” ang sagot niya.

“Gusto ko rin sanang mag-gym uli…”

“Bakit hindi?”

“Wala kasi akong kasama.”

“E yung mga kaibigan mo?”

“Hindi naman sila regular na nagpupunta.”

“Sumabay ka sa akin, kung gusto mo.”

“Hindi rin ako confident sa routine.”

“No problem. Tuturuan kita.”

“Talaga?”

“Oo. Akong bahala.”

“Sige. Magdyi-gym na uli ako.”

“Kelan?”

“Next week siguro.”

“Bakit next week pa? Bakit hindi bukas na?”

“Ha?”

“Kung desidido ka, gawin mo na kaagad.”

“Pero…”

“Dadaanan kita bukas. Sumama ka na sa akin sa gym.”

Hindi na ako nakatanggi. “Ok.”

Saka lang namin naalala na hindi pa nga pala kami pormal na magkakilala. Halos sabay pa kaming nagsabihan ng pangalan.

“Ako nga pala si Ian.”

“Ako si Aris.”

Nagkamay kami habang parehong nakangiti.

***

Nahirapan ako sa pagbabalik-gym. Pero naroroon siya, trying to make things easy for me. Ang presence niya at ang mga ngiti niya ay sapat na upang ma-motivate ako.

May mga pagkakataon na habang tinuturuan niya ako ng dapat gawin, malapit na malapit siya sa akin. Nagkakadikit kami at naaamoy ko siya. Pawis na pawis siya pero napakabango pa rin niya.

Feeling ko napabayaan niya na ang kanyang work-out dahil sa pag-intindi sa akin. At hindi ako madaling turuan dahil ang awkward ko sa mga dapat gawin. Pero naging matiyaga siya sa akin.

At dahil grateful ako sa kanya, niyaya ko siyang kumain after. Nakita ko na medyo nag-alinlangan siya. Kasi naman, hello, kain after gym? Sa katulad niyang gym boy, mortal sin iyon dahil masasayang ang work-out. Pero naging mapilit ako at nang banggitin ko na dadalhin ko siya sa isang chicken house, pumayag na rin siya. He can always eat the breast, you know. Diet food na rin iyon.

And so, we took a tricycle papasok sa kabilang village. Naka shorts kami pareho at dahil sa sikip, buong biyaheng magkadikit ang aming mga legs.

Umorder ako ng pancit canton bukod sa Savory-style na manok. At dahil napagod ako sa gym, ginanahan akong kumain. Nakita kong pinagmamasdan ako ni Ian.

“Dahil nagdyi-gym ka na uli, we have to do something about your diet,” ang sabi niya. Na-take note ko ang we. Dahil doon, hindi ako na-offend, sa halip natuwa ako sa kanyang concern.

“Sure. So, ano ang dapat kong gawin? Ano ang mga pwede at hindi ko pwedeng kainin?” Hindi dahil wala akong alam sa proper diet kundi dahil gusto ko siyang i-draw out.

At nang magsimula siyang mag-explain tungkol sa tamang pagkain at sa benefits nito, doon ko na-realize kung gaano siya ka-dedicated sa physical fitness. Higit na tumindi ang admiration ko sa kanya.

“If you want to look good, hindi enough ang work out lang. You have to complement it with a good diet,” ang sabi niya.

“Okay, from now on, I will watch what I eat,” ang sabi ko.

“Good. You will be doing yourself a great favor.”

“I am not doing this for myself alone,” ang sabi ko.

“That’s good na may iba ka pang motivation.”

“Hindi lang motivation. Inspiration.”

Tumitig ako nang diretso sa kanya.

“I will also be doing this for you,” ang sabi ko.

Nakita ko na medyo nabigla siya.

“I like you,” ang dugtong ko pa.

Tuluyan na siyang nagulat at hindi nakasagot.

***

Tahimik kami sa tricycle habang palabas ng village. Hindi ko alam kung mas masikip ang nasakyan namin dahil parang masyado kaming magkasiksik. Hindi lang legs namin ang magkadikit kundi pati ang mga balikat at braso namin.

Hinawakan ko ang kamay niya.

Hindi siya tumutol, subalit hindi rin tumugon.

Dumaan kami sa 7-11. Nakigaya ako sa kanyang binili: Fit N’ Right, yoghurt at saging.

Naglakad kami papasok sa street namin.

Tahimik pa rin siya, mukhang nag-iisip.

Nag-iisip din ako, nag-aalala na baka dahil binigla ko siya, umiwas na siya. Sana hindi ko muna sinabi na gusto ko siya.

Maya-maya, inakbayan niya ako.

Napatingin ako sa kanya. Nagtagpo ang aming mga mata.

May ngiting sumilay sa kanyang mga labi.

“Bukas uli,” ang sabi niya. “Susunduin kita.”

23 comments:

Aris said...

This story is from my ex files.

Mugen said...

Sus akala ko naman ay sa present files mo siya galing. Lol.

The Green Man said...

Pasweet pero agressive. LOL.

Happy sana kung present ito... but well, happy parin kasi nagyari sya :-D

wanderingcommuter said...

kung may ganyan ka ba naman nga talagang kasabay eh mag ggym na dina ko. hehehe! nice story!

ACRYLIQUE said...

“Ako nga pala si Ian.”

“Ako si Aris.”


- PAMATAY TO! :)

Jinjiruks said...

kainis ka Aris. andun na ang momentum eh.

Bi-Em Pascual said...

tsk tsk tsk... alam mo nawawala ang kilig ko everytime malalaman ko na di naman sha recent... gus2 ko makita kang masaya na aris. enough bar hopping, mas maganda na me constant bembang ka mare...

Yj said...

subukan ko nga minsan gamitin ang linyang

"Ako si Aris."

hehehehehe

Anonymous said...

bitin! kahit na this was from the past, hehe.

Eric said...

Exciting naman nito. Sana mapublish din sequel. haha

Soul Yaoi said...

I like gym bodies! lol

Looking For The Source said...

sayang nmn past na...

gege said...

haist. san ba ko pupunta?

7-11 o GYm...
haha!

"it's a love story baby just say yes!!!"

citybuoy said...

nice! iba ka talaga mag-narrate. *slackjawed*

ano na nangyari kay gym boy?

Anonymous said...

Well-written. Good development towards a very good climax. Keep it up!

Metamorphosis said...

hahaha! kala ko kasalukuyan ito!

Anonymous said...

haha ang pakikipagsapalaran ni Aris: Ex-files.

kala ko recent, mas happy sana.

Dabo said...

ang sweet naman kung paano kayo nagkakilala awww..

caloy said...

dati pa pala to. hahaha! ang jangas nung pagkakasabi ng..


"Ako si Aris."


hahaha! :D

Aris said...

Friends, sorry, hindi kaagad ako nakapag-reply sa mga comments ninyo. Medyo nagbakasyon kasi ako.

@galen: wala kasing masyadong happening sa present ko. :)

@the green man: oo nga hehe! yup, the memories are worth keeping. :)

@wandering commuter: sana nga, magkaroon uli ako ng inspirasyon para mag-gym. :)

@acrylique: hahaha! hindi naman... :)

@jinjiruks: paminsan-minsan, masarap din yung medyo nabibitin hehe! :)

@baklang maton: agree ako, mare. minsan naiisip ko na ring lumagay sa tahimik. choz! :)

@yj: sige, pahiram ko sa'yo hahaha!

@maxwell: hayaan mo, baka one of these days, dugtungan ko siya. :)

@eric: sige, kapag sinipag uli akong sariwain ang nakaraan namin hehe! :)

@knoxxy: apir! pero ayoko nung masyado nang makapal ang katawan. nakakatakot nang magpadagan hehe! :)

@looking for the source: hayaan mo, hahanap uli ako ng gym boy sa present hehe! :)

@gege: hanggang ngayon lagi pa rin akong may nakakasabay na mga cutie sa 7-11 malapit sa amin! missed you, gurl. matagal ka yatang di nag-post sa blog mo. :)

@citybouy: ginagaya lang kita na sobrang galing mag-kuwento. :)

@goodboi: thank you, thank you. nakaka-inspire ka naman. sobra. :)

@metamorphosis: wala kasi akong present kaya heto, balik-tanaw na lang. :)

@xtian: hayaan mo, friend. mukhang malapit na uli akong maging happy sa present. stay tuned hehe! :)

@dabo: ang kapal ng mukha ko noh? hahaha! buti na lang pinatulan ako. :)

@chicomachine: magic line yan. charing hehe! :)

Anonymous said...

hi, new to the site, thanks.

Eri Perry said...

Back reading dahil walang magawa. Winner!!! Pamatay ang "Ako si Aris." :)))

Aris said...

@eri perry: hello eri. hehehe! thanks. sana mag-enjoy ka rin sa iba ko pang mga kuwento. tc. :)