Si Steven.
Kasama siya ni Ace nang dumating.
“Akala ko, hindi ka nagma-Malate,” ang sabi ko.
“First time,” ang sagot niya, nakangiti. “Kumusta ka na?”
“Mabuti.”
Ipinakilala siya ni Ace sa grupo namin.
He was as endearing as I remembered him. Magaan ang dating at malakas ang self-confidence.
Warm ang reception sa kanya ng mga friends.
At kaagad siyang nag-blend.
***
Una ko siyang nakita sa mga litrato ng office outing nina Ace. Naka-sleeveless at shorts. Maganda ang katawan at legs.
“Cute. Sino ito?” ang tanong ko kay Ace.
“Si Steven.”
“At sino naman itong kaakbay niya palagi?”
“Si Andy. Ang kanyang love interest.”
“Mag-jowa sila?”
“Hindi.”
“Pero mukha silang mag-jowa sa picture.”
“Hindi puwede. May jowa na si Andy.”
“Ay, ganon? Puwes, ipakilala mo siya sa akin. Wala akong jowa.” It was a joke.
Na sineryoso ni Ace. Dahil isang hapon na nagkita kami sa mall, dumating siya na kasama si Steven at ipinakilala sa akin.
Mas guwapo siya sa personal. Napaka-friendly at napaka-sunny ng personality. Kausap siya nang kausap sa akin na parang matagal na kaming magkakilala.
Starry-eyed ako sa kanya. It was impossible not to like him. And I was conceited enough to think na gusto niya rin ako.
Hindi siya nawala sa aking isip pagkatapos ng pagkikilalang iyon.
Kaya pagkaraan ng ilang araw, I decided to pursue. I invited him to dinner.
But he turned me down.
Hindi ko inaasahan iyon. It was a blow to my self-esteem. Nagkaroon ako ng duda sa sarili. Pangit ba ako? Masama ba ang ugali ko? Bakit ayaw niya sa akin?
Nalaman ko kay Ace ang dahilan kaya tinanggihan ako ni Steven. Mahal niya si Andy. Matagal na. Si Andy na nakikihati lang siya dahil may jowa na.
“Bakit ganoon?” ang tanong ko.
“Ganoon talaga. Mahal niya eh.”
“Mahal ba siya ni Andy?”
“Konti. Pero willing siyang magtiis. Willing siyang maging martir. Willing siyang maging kabit.”
***
At pagkaraan ng maiksing panahon, pagkatapos kong mabura sa damdamin ang kirot ng rejection at mai-restore ang pride sa sarili, muli kaming nagtagpo. Ace could have at least warned me para napaghandaan ko.
“Biglaan eh. At saka surprise na rin.”
“Kumusta na sila ni Andy?”
“Wala na. Bumitiw din siya. Kaya nga siya sumama dito sa Malate para pakawalan na ang kanyang sarili.”
And let go of himself he did.
Pagpasok namin sa Bed, kaagad siyang humiwalay sa amin. Ang lakas ng loob niya for a first timer.
“And I was even prepared to lead him by the hand,” ang sabi ni Ace.
“And I was thinking about pursuing him again,” ang sabi ko.
“Bakit nga hindi?”
“Baka ma-reject na naman ako.”
“Bakit hindi mo siya isayaw?”
“E paano nga? Lumipad na siya.”
“Tara, hanapin natin.”
Nag-join muna kami kina Arnel, James, Lance at Axel sa usual spot namin. Sayaw-sayaw kami. Pero abala ang aking mga mata sa paghahanap kay Steven.
Hindi ako kundi si Ace ang nakakita sa kanya. Nasa ledge, may kasayaw na.
“Dinaig tayo,” ang sabi ni Ace habang pinagmamasdan namin siya.
Sa saliw ng “I Know You Want Me”, maharot at malandi ang mga galaw nila ng kanyang kapareha.
Nagulat kami ni Ace nang pareho silang magtanggal ng T-shirt. In fairness, parehong maganda ang katawan nila. Maya-maya, nagyakap sila at naghalikan.
Napanganga na lang kami ni Ace at hindi nakapagsalita.
Nakadama ako ng frustration. Na sinundan ng resignation. Tumalikod ako at lumayo.
Tapos, bigla siyang nawala. Nag-text siya kay Ace. Nagyaya raw lumabas ang partner niya.
Hindi na nagtanong si Ace kung saan sila pupunta.
***
Nag-aalmusal na kami ng barkada sa Silya nang muli namin siyang makita.
He joined us. Umupo siya sa tabi ni Arnel.
“Saan ka galing?” ang tanong sa kanya ni Ace.
“Sa Adriatico. Nag-breakfast kami.”
“Nasaan na ang kasama mo?”
“Umuwi na.”
At nakipagkuwentuhan na siya sa amin. Nakipagbiruan at nakipagtawanan. Napaka-effortless talaga ng charm niya dahil kuhang-kuha niya ang loob ng barkada.
Narinig ko pang sabi ni Lance sa kanya: “Join ka uli sa amin sa susunod na gimik.”
Patapos na kaming mag-almusal nang may mapansin ako sa kanila ni Arnel. Masyado silang magkadikit. At parang may ibig sabihin ang kanilang body language.
Tumingin ako kay Ace. Nag-usap ang aming mga mata sabay sulyap sa dalawa. Napansin niya rin pala.
Nang pauwi na kami, magkaakbay na naglakad sina Steven at Arnel. Nagbubulungan sila. At hindi maipagkakaila ang namamagitang sweetness.
Nasa likod nila kami ni Ace at patuloy na nagmamasid. Alam ko na pareho kami ng naiisip.
Nang sapitin namin ang Taft, nagpaalamanan na kami dahil iba-iba na ang direksyon namin.
Nakumpirma ang hinala namin ni Ace nang magpaalam sa kanya si Steven.
“Hindi na ako sasabay sa’yo.”
“Huh?”
“Sasama ako kay Arnel.”
“Saan kayo pupunta?”
“Sa condo niya.”
Mulagat kami ni Ace na napatingin sa kanya. Pagkatapos ay kay Arnel.
Ngumiti lang si Arnel. Naintindihan na namin ang ibig niyang sabihin.
Dedma lang kunwari sina James, Lance at Axel pero bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat din sa narinig.
Maya-maya, pumara na ng taxi si Arnel at sumakay na sila ni Steven.
Naiwan kami na nagtitinginan at hindi alam kung ano ang sasabihin.
Alam kaya ni Steven na may jowa na si Arnel?
18 comments:
friend ano ba yan? nasalisihan ka ata. masyado namanng paru paro tong si steven
PALAKLAKIN NG ANTI ITCH LOTION
GROWL...
GRRRRRRRRRRRR....
AYOKO SA LAHAT, YUNG MGA TAONG MAKATI PA SA HIGAD...SA GABING BICOL...TILAS...SA MGA NILALANG NA LIBOG NA TINUBUAN NG KATAWAN
GRRRRRRR.
sunugin na yan sa gitna ng luneta kasama ng mga pinaghihinalaang witch
(affected..me ganun?ahihihihi)
parang melrose place lang. hahaha! sakit sa bangs!
hayaan mo na, friend. bagong tubo pa lang ang pakpak ng paru-paro.
may nag text:
"Hayaan na silang dalawa... hindi ko din naman silang kayang gamutin!"
-Caladryl
nasa loob ang kulo ng mokong. wag ka na dun.
@mksurf8: oo nga, nalingat lang ako... hehe! :)
@anteros dominion: may poot? haha! kainez nga siya. :)
@wandering commuter: hindi lang bangs ang sumakit sa akin. pati pilikmata. :)
@john stanley: kalalabas lang kasi sa cocoon kaya nang mapunta sa malate, parang bata na nakapasok sa candy store. hehe! :)
@bunwich: haha! parang showtime lang! :)
@vanilla twilight: korek. hanap na lang ako ng iba. welcome sa blog ko. salamat sa pagbabasa at sa comment. tc. :)
grabe ang eksena
oh no! hay, ganun talaga siguro pag bagong labas. i once heard na kung di mo natutunan yung lesson from a previous relationship, uulit daw yun ng uulit sa lahat ng future relationships hanggang magtanda ka. baka yun yunh nangyari kay steven.
@thecuriouscat: pang-teleserye ba? hehe! :)
@citybuoy: palagay ko nga. balik siya sa grade one hanggang matuto at makapasa. buti na lang grade two na ako. hehe! :)
first time eh, kaya sinagad sagad na ang paglelet loose, haha.
@maxwell flux: oo nga, grabeh. parang nag-smorgasbord lang. hehe! :)
ano ba 'to? para lang syang naghohopping. palipat-lipat lols
OMG! this is quite hard.
you guys are caught in a pickle.
Yikes!
OMG! wala akong maicomment! parang pati mga mata ko nanlalaki sa gulat!
@lee: parang paru-paro lang na dumadapo-dapo sa mga bulaklak sabay sipsip ng nektar. haha! :)
@dhon: hirap nga. parang ang gulo. hindi ako prepared hehe! :)
@angel: kakagulat noh? parang hindi ko akalain. talagang nilubus-lubos ang first time. :)
hi. ngayon ko lang nabasa.
me taong ewan ko ba ang takbo ng kapalaran - e iisa ang pupuntahan. Maybe kung sex lang yun ok lang. But then, who are they fooling?
Iba na talaga ang takbo ng panahon. Ako hindi na ako makasunod. Tama, ganun din siguro magiging reaction ko. pero at the back of my mind, well, bakla lang talaga. lols
ang d lang magandang tignan, lantaran. ewan ko. but things can be done discreetly. or was it really a conquest? or was it freedom? I do not know.
@the golden man from manila: kakaiba na yata talaga ang takbo ngayon ng panahon. ako nga, akala ko i've seen them all. pero heto, nagugulat pa rin ako. makulay talaga ang buhay. hehe! thank you for reading and for always taking the time to express what is on your mind. :)
Post a Comment