Friday, January 22, 2010

High School Scandal 4

Marangya ang gayak ng social hall na pagdarausan ng prom. Napapalamutian ang paligid ng makukulay na lobo at makikislap na mga banderitas. May disco ball sa itaas ng dancefloor. May nagsasalimbayan ding laser lights.

May arko sa entrance na naaadornohan ng mga rosas at natatanglawan ng firefly lights. Ang lakaran papasok ay nalalatagan ng pulang carpet.

Bandang alas-siyete nang gabi, nagsimula nang magdatingan ang mga seniors. Magarbo ang mga 80’s inspired na damit. Made up ang mga girls at groomed ang mga boys.

Unti-unting napuno ang venue. Masaya ang lahat habang sa background ay tumutugtog ang mga 80’s hits.

Dumating sina Brad at Archie. Natigilan ang lahat at nagbulungan. Nagtaasan ang kilay ng mga teachers.

Kasunod nila sina Jason at Stephanie. Marami ang nasorpresa na sila ang magkapareha. Gayunpaman, they were a lovely pair. At bagay sila.

Dumating si Leslie. And guess who ang kanyang ka-date? Si Toby. Nagulat ang lahat at hindi makapaniwala. A little blackmail made it possible.

Umalingawngaw ang tinig ng deejay. “Ladies and gentlemen, welcome to the Hillcrest High Seniors Prom!”

Nagpalakpakan ang lahat at nagsigawan.

“It’s time to hit the dancefloor and groove!”

Pumailanlang ang “Into the Groove” at nagsihugos ang karamihan upang sumayaw.

Kabilang sina Jason at Stephanie. Gayundin sina Brad at Archie. Halos magkalapit lang ang puwesto nila at hindi maiwasang magkatinginan sina Stephanie at Brad. May ibig sabihin ang kanilang mga mata, may emosyong hindi maikubli.

Magkakasunod na pinatugtog ang iba pang 80’s dance hits. Uminit ang sayawan.

Maya-maya, tumigil ang musika at dumilim ang mga ilaw. Inanunsyo ng deejay ang special number ng dance group nina Leslie at Jason.

Nagsitabi ang mga nasa dance floor.

Nag-play ang “Maniac” at dahan-dahang nagliwanag. Pumagitna ang mga dancers at gumalaw sabay sa beat.

Nag-cheer ang lahat.

Naka-mask ang mga dancers. Nagulat si Toby pagkakita sa mask. It was exactly the same mask na suot ng lalaki sa shower room.

Napatitig siya kay Leslie. Nakadama siya ng galit. In his mind, walang duda na si Leslie ang umatake sa kanya. Binuo niya sa isip ang isang maitim na balak.

Kay Jason naman nakatitig si Archie. May kakaibang pang-akit ang mga galaw ni Jason. Hindi niya maiwasang humanga sa husay nitong sumayaw.

Sa pagkakalingat ni Archie ay hindi niya namalayan ang pag-alis ni Brad sa kanyang tabi. Nilapitan nito si Stephanie.

Hindi alam ni Stephanie kung ano ang kanyang magiging reaksiyon sa paglapit ni Brad.

Nagtama ang kanilang mga mata. Nasa mga titig nila ang mga bagay na hindi nila masabi… ang pag-unawa at pagpapatawad… ang pagmamahal at pangungulila...

Malakas ang naging palakpakan nang matapos ang dance number.

Muling nagdilim ang ilaw. At nang sumindi, tumugtog ang “Careless Whisper”.

Inabot ni Brad ang kamay ni Stephanie. Nagpaubaya si Stephanie na dalhin siya ni Brad sa dancefloor.

At sila ay nagsayaw.

Nakatingin lang sa kanila si Archie, may kirot sa puso.

Kaagad namang hinila ni Toby si Leslie palabas ng social hall.

“Saan tayo pupunta?”

“Sa labas, may sorpresa ako sa’yo.”

Dinala ni Toby si Leslie sa isang madilim na lugar sa loob ng campus, malayo sa pinagdarausan ng prom.

“Ano’ng gagawin natin dito?”

Sa halip na sumagot ay bigla siyang itinulak ni Toby. Muntik na siyang matumba.

Nakita niya ang galit sa mukha ni Toby.

Kinabahan si Leslie. “Toby, bakit?”

Hinablot ni Toby ang kanyang damit na kaagad napunit.

“Putang ina, Toby…”

Isang sampal ang dumapo sa kanyang mukha.

“Putang ina mo! Matitikman mo ngayon ang galit ko.” Nasindak si Leslie sa tinig ni Toby.

Mahigpit na hinawakan ni Toby ang kanyang mga braso. Nagpumiglas si Leslie.

“Bitiwan mo ako!”

Sinikmuraan siya ni Toby. Namilipit siya sa sakit at nalugmok.

Pilit siyang pinadapa ni Toby sa lupa. Nanlaban siya subalit muli siya nitong sinuntok. Nanghina siya.

Hinila ni Toby ang kanyang natitirang damit at kinubabawan siya nito. Mabigat ang katawan ni Toby at lalo siyang hindi nakagalaw.

Naramdaman ni Leslie ang nagngangalit na bahagi ng katawan ni Toby na pilit nitong iginigiit sa kanyang likuran.

“Huwag, Toby! Huwag!” ang samo niya.

Marahas at mariin ang naging pag-ulos ni Toby upang siya ay lupigin.

Pinunit ng malakas na sigaw ang dilim ng gabi.

Makaraang mairaos ang kanyang paghihiganti, dahan-dahang tumayo si Toby. May satisfaction siyang naramdaman, hindi niya alam kung dahil sa tagumpay o dahil sa luwalhating naranasan. Inayos niya ang sarili at umalis.

Naiwan si Leslie na nakahandusay at humihikbi, pilit na tinatakpan ng gula-gulanit na damit ang hubad na katawan.

Samantala, sa social hall ay nasa mikropono na ang principal, hawak ang isang sobre na naglalaman ng pinaka-importanteng anunsiyo ng gabi.

“Our Prom King and Queen are…”

Tumahimik ang lahat, puno ng antisipasyon.

Hindi makapaniwala sina Brad at Stephanie nang tawagin ang kanilang pangalan.

Nagpalakpakan ang lahat. Nagkakaisa sila na walang ibang karapat-dapat sa parangal na iyon kundi sina Brad at Stephanie. Dedma na sa iskandalong nangyari.

Magkahawak-kamay na umakyat sa stage sina Brad at Stephanie at sila ay kinoronahan. Pagkatapos ay pumagitna sila sa dancefloor para sa kanilang traditional dance.

Pinanood sila ni Archie. Kahit may masakit sa kanyang kalooban, masaya siya para kay Brad. Nakahanda siyang magparaya para sa ikaliligaya nito.

Tumalikod siya upang umalis. Subalit may pumigil sa kanya.

“Saan ka pupunta?”

Hinarap niya ang nagsalita.

Si Jason. Na bagamat may dinaramdam din kay Stephanie ay nakangiti sa kanya.

“Halika, magsayaw tayo,” ang yaya nito.

Napangiti si Archie.

Tinungo nila ang dancefloor na kung saan nagsasayaw sina Brad at Stephanie.

Nagsayaw sila na hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila.

Nagtama ang kanilang mga mata. Nag-usap. Ang lungkot ay napalitan ng kakaibang kislap.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, nangibabaw ang tunay na damdaming matagal nang nakatago sa dibdib nila. Sa loob ng maraming taon mula pagkabata, ngayon lang nila napagtanto na mahal nila ang isa’t isa.

Nagyakap sila. Mahigpit.

At nagtagpo ang kanilang mga labi.



19 comments:

Eli said...

winner nakakadala kuya pwede ka na magdirect ng isang indie film. winner toh.. let's go for promenade 5

Ming Meows said...

ka-level mo na si ang lee teh :)

bunwich said...

eto na ang susunod sa twilight series... nice one ARIS.

Mac Callister said...

ano to?haha

dream mo maging writer?hehe

imsonotconio said...

may nagbalik!

Angel said...

waaaahhh... kilig ako... nakaka-iyak! ='(

Rei Mikazuki said...

Para namang napaka-bittersweet ng chapter na to. I feel for Leslie and Arch. :(

Al said...

nakakalungkot naman friend.. though masaya at sila ni Jason ang nagkamabutihan...

kawawa din si Leslie...pero parang may mare-realize dito si Toby ha :-)

sweetjhon said...

sobrang ganda ng story...magaling ang pagkakagawa...walang kalito lito sa istorya....keep up the good workkkk...love et....

azteeg said...

nice one!!!! i-film na yan!!!

Anonymous said...

hi! Since I discovered this blog site, grabe, hangang hanga ako sa mga istoryang likha nang isip mo... I am proud to say na abot langit ang sayang dulot nito sa aming mga napapahanga mo.. just keep up the good work.. malay mo d lng blog ang kahantungan ng fictions mo kundi ma i publish na rin sa libro.. BTW, I'm Jonel..

gleo said...

nice story aris.....

Aris said...

@anonymous / jonel: welcome to my blog. wow naman, pinasaya mo rin ako sa comment mo. sana palagi kang mag-enjoy sa mga kuwento ko. at sana rin magdilang-anghel ka tungkol sa libro. maraming salamat.:)

@gleo: thanks a lot, gleo. :)

june said...

maganda ang pag kasulat,,,,,,kaya lang talagng mahirap mainlove sa may nag mamayari na db??????

Anonymous said...

maganda,,,,,, kaya lang mahirap mag mahalng taong may nag mamay ari na,,,,,,,,

Anonymous said...

luv it! pak n pak!

Aris said...

@unknown / anonymous: korek. :)

@anonymous: maraming salamat. :)

hard.ass.kisser said...

nakakamangha ang style ng pagsusulat mo aris. kaabang abang ang bawat pangyayari at nakatulong pa ang mga youtube links na naging background habang binabasa ang mga susunod na kaganapan. ako'y lubhang humahanga sa iyong angking talento at sana ang masundan pa ng maraming estorya ang iyong blog. salamat. :D

Aris said...

@hard.ass.kisser: welcome to my blog. salamat sa iyong papuri. sisikapin kong makalikha pa ng mga kuwentong higit mong magugustuhan. :)