Monday, January 25, 2010

Bestman 2

“No,” ang sagot ko.

Gumuhit sa kanyang mukha ang disappointment.

“Gusto mo pa bang maging madrama ang kasal mo?” ang dugtong ko pa.

Hindi siya sumagot.

Hinawakan ko ang kamay niya. “Huwag na nating ilagay ang ating mga sarili sa isang mahirap na sitwasyon.”

“Mahirap ba yon?” ang kanyang tugon.

“Oo. Para sa akin. At sa’yo rin. Dahil kakailanganin pa nating magkunwari.”

“Ang gusto ko lang naman sana, maging bahagi ka ng kasal ko dahil importante ka pa rin sa akin.”

Touched ako pero naging firm ako. “Huwag na. Hindi na kailangan. Alam ko na ‘yon.”

“Hindi na ba ako importante sa’yo?” ang tanong niya na tila may pagdaramdam.

Tumitig ako sa kanyang mga mata. “Napaka-importante. Kaya nga ayoko nang makagulo pa. Iintindihin mo pa ako at iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Hindi mo na kailangang ma-stress sa kasal mo dahil sa akin.”

Sinalubong niya ang aking tingin subalit tahimik siya.

“Sana maintindihan mo ako. Marami naman diyan na pwedeng maging bestman sa kasal mo. Huwag na ako.”

Inilayo niya ang kamay niya sa pagkakahawak ko. Dama ko pa rin ang kanyang pagtatampo.

“Ako na ang bahala sa invitations. Regalo ko na sa inyo,” ang sabi ko, trying to appease him. “At least, makakabawas na ‘yon sa mga aalalahanin n’yo.”

“Huwag na.”

“Leo, please. Hayaan mo na kahit paano, makatulong man lang ako.”

Hindi na siya kumibo.

“I-email mo sa akin ang mga detalye at ang entourage. Ako na ang magpapagawa.”

***

Akala ko, magiging ganoon lang kasimple at kadali ang pagreregalo ko ng invitations sa kanila.

Pero hindi pala, dahil sa kagustuhan ng bride na maging hands-on din sa pagpapagawa.

Natagpuan ko ang sarili ko isang hapon na nasa isang invitation store sa SM North at hinihintay sila.

Nang makita ko silang paparating, may tumahip pa rin sa dibdib ko kahit inihanda ko na ang sarili ko sa pagtatagpong iyon. I tried my best to meet them with a smile.

“Romina, si Aris. Aris, si Romina,” ang pagpapakilala ni Leo sa aming dalawa.

“Hi,” ang sabi ko. Nginitian ako ni Romina pero hindi siya nagsalita.

Ewan ko, pero suplada ang impression ko sa kanya. At hindi siya masyadong maganda. O bitter lang ako.

I still tried my best to be nice. “O, pili ka na ng design,” ang sabi ko. “Dala n’yo na ba ang details at entourage list?”

Tumango lang si Romina.

We started checking out the invitations na naka-display sa store.

“Ano ba ang motif ninyo?” ang tanong ko.

“Purple,” si Leo ang sumagot habang namimili.

Namimili rin si Romina.

“Ito, gusto ko ito,” ang sabi ni Leo sabay kuha sa isang sample.

“That’s nice,” ang sang-ayon ko.

Sabay kaming tumingin kay Romina for approval.

Tiningnan ni Romina ang sample.

“Ayoko niyan. Hindi maganda,” ang sabi.

Muling naghanap si Leo ng iba. “Ito kaya?”

I liked his second option. “Maganda yan,” ang sabi ko.

“No. Masyadong simple,” ang kontra ni Romina.

Palihim akong sumulyap kay Leo. See, mas compatible tayo. Pareho ang taste natin. Sana tayo na lang ang magpapakasal.

Hindi na kumibo si Leo. Pinabayaan niya na lang na pumili si Romina.

At nang may mapili ito, nag-agree na lang siya. Yuck! Ang pangit. Ang jologs ng design.

Nang mapag-usapan ang ink color, pareho kami ni Leo na black ang gusto para elegante. Ang gusto ni Romina, purple. Pumayag na lang si Leo at hindi na ako kumibo.

Pagkatapos ng mahaba-haba ring sandali ng pakikipag-usap sa sales staff ng store, na-finalize din ang invitation. Napagkasunduan ang petsa kung kailan nila kukuhanin.

I paid for it kasi nga gift ko sa kanila. Para akong nakahinga nang maluwag dahil tapos na ang obligasyon ko, nagawa ko na ang gusto kong gawin para kay Leo.

Nakahanda na akong magpaalam para umuwi pero nagyaya si Leo na magmeryenda muna. At hindi ako nakatanggi.

Sa Tokyo Tokyo kami nagpunta. Parehong Tempura ang choice namin ni Leo samantalang si Romina ay Beef Misono.

“Salamat sa regalo,” ang sabi ni Romina habang kumakain kami. At least, nagpasalamat.

“Sure. ‘Yan lang ang magagawa ko para makatulong sa preparasyon. Biglaan naman kasi ang kasal ninyo at ang lapit na ng date,” ang sabi ko.

“Pressured na nga kami. Buti na lang mabilis ang printing ng invites. May two weeks pa kami para mamigay,” ang sagot ni Leo.

“Ang dami pa rin naming aasikasuhin. Ang hirap din pala kahit maliit lang at simple ang kasal.” Si Romina uli.

“But it will be all worth it,” ang tanging nasabi ko na lang. Ewan ko, pero kahit ganitong nag-uusap kami ni Romina na nice kami sa isa’t isa, deep inside parang nega ang feeling ko sa kanya. Parang ayoko siya para kay Leo. Pero mayroon pa ba akong magagawa? At saka ano naman ang karapatan kong manghimasok sa pag-aasawa ni Leo.

Looking at him, nakikita ko naman kung gaano siya ka-sincere kay Romina. Asikasong-asikaso niya ito. At mukhang masaya naman siya. Masakit man sa akin, aaminin ko na nakikita ko sa kanyang mga mata na mahal niya ito.

Sandaling nagpaalam si Leo upang mag-restroom.

Naiwan kami ni Romina. Parang biglang nagkaroon ng lambong sa pagitan namin. Naging tense ang air at obvious na hindi kami at ease sa isa’t isa.

“Tinanggihan mo raw na maging bestman ni Leo,” ang sabi niya sa akin.

“Oo,” ang sagot ko.

“Bakit?”

Naghagilap ako ng idadahilan. “Marami naman siyang kaibigan. Bakit ako pa?”

“Pero, ikaw ang pinaka-close niya, di ba?”

“Isa lang ako sa mga ka-close niya.”

“Pero kakaiba ang closeness ninyo.”

“Ha?” May discomfort akong naramdaman sa tinutumbok ng aming usapan. “Anong kakaiba sa closeness namin?”

Hindi siya tumugon. Sa halip ay tumingin sa akin nang makahulugan.

Sinalubong ko ang kanyang mga mata. Ayokong magpa-intimidate sa kanya.

“Sabi niya, ikaw ang bestfriend niya.”

“Yeah… Ganoon nga,” ang pagsang-ayon ko.

“Pero alam ko na higit pa roon ang naging relasyon ninyo.”

“Ha?”

“Alam ko na naging mag-boyfriend kayo!”

Hindi ako nakasagot. Nayanig ako sa aking narinig.

“Madalas ka niyang mabanggit sa akin kaya alam ko kung ano ka sa buhay niya. Woman intuition, Aris. Alam ko ang pagkatao niya at alam kong pumapatol siya. Pero mahal ko siya kaya nakahanda akong tanggapin kung ano siya.”

Saglit siyang uminom ng Red Ice Tea. Nakatingin lang ako sa kanya na parang naumid.

“Sabagay, ano pa nga ba ang dapat kong ipangamba. Ikakasal na kami. May pakiusap lang ako sa’yo. Sana pagkatapos nito, layuan mo na siya. Huwag mo na sana kaming guluhin.”

Sinikap kong magpakahinahon nang ako ay magsalita.

“Alam mo, Romina, mali ang iniisip mo tungkol sa akin. Aaminin ko sa’yo na may feelings pa ako kay Leo pero hindi ako desperado. Hindi mo na kailangang sabihin sa akin yan dahil alam ko kung saan ako dapat lumugar.”

Bago pa muling nakapagsalita si Romina at mauwi sa tarayan ang aming usapan, dumating na si Leo.

“Mukhang pinag-uusapan n’yo ako ah,” ang pabirong sabi.

“Hindi naman,” ang sagot ni Romina, nakangiti. “We’re just trying to be friends.”

I forced a smile for Leo’s sake.

Bitch.

***

Ayoko na sanang dumalo sa kasal, pero nagbago ang pasiya ko. Nanaig ang kagustuhan kong makita si Leo sa huling sandali.

Pagdating sa simbahan, parang naasiwa ako. Wala akong kakilala at feeling ko, pinagtitinginan ako. Parang gusto ko nang umalis subalit naisip ko, naroroon na rin lang ako, might as well, pangatawanan ko na.

Naka-posisyon na si Leo sa may altar kaya hindi ko na siya nagawang lapitan. Nakihalo ako sa mga bisitang naghihintay sa pagsisimula ng seremonyas.

Pinagmasdan ko siya. Bagay pala sa kanya ang naka-barong. Higit siyang gumuwapo. My bad boy Leo. Sumagi sa aking isipan ang mga panahong akin siya at kami pa. Binalot ako ng matinding pangungulila.

Maya-maya, tumugtog na ang martsa. At nagsimulang maglakad si Romina sa aisle. In fairness, napakaganda niya sa kanyang trahe de boda.

Habang papalapit siya kay Leo, parang dinudurog ang aking puso.

Parang isang panaginip ang lahat. Parang surreal na naroroon ako at pinapanood ang pakikipag-isang-dibdib sa iba ng lalaking mahal ko. I felt weak and helpless. I felt so sad.

Sinikap kong magpakatatag. Pinilit kong tiisin ang kirot sa aking dibdib. Subalit nang nasa bahaging magpapalitan na sila ng vows, hindi ko na nakayanan.

Lumabas ako ng simbahan, nagmamadali ang aking mga hakbang.

At habang papalayo, dumaloy ang mga luhang tinimpi ko.

45 comments:

ROD ANGELES said...

that was so beautifully written, iba ka talaga!!!

Dhon said...

Anf SAKIT! parang hindi ko kakayanin kapag ako na ang nasa iyong sitwasyon..

pero i know.. you can do it.. you can manage..

Majoy said...

galing :)

Raiden Shuriken said...

dumalo ka sa kasal at umuwi kang wagi (Kahit luhaan)! kasi kung hindi ka dumalo, it means, you cannot face the truth.

here's a cheer for moving on!

cheers!
red

citybuoy said...

ang sakit, aris. ayoko na sanang ituloy kasi naluluha na ako. kaso ang ganda ng pagkakasulat. idol talaga!

i recently met up with an ex tapos mineet namin yung boylet nya. buti nalang hindi siya parang si romina. he was very nice. nagulat akong walang negativity. pero kahit tapos na ang lahat at magkaibigan nalang talaga kami, hindi ko paring mapigilang malungkot. even if i've been trying to ignore it, something in my head keeps wondering.. when will that happen to me?

hala nag-emo na ako. haha

Mike said...

Sigh!

Galing mo talaga, friend.

Aris said...

@rod angeles: napaka-inspiring naman ng comment mo, rod. thank you! :)

@dhon: friend, ok na ako. nakapag-move on na. :)

@majoy: salamat naman na-enjoy mo ang post ko. welcome sa blog ko. visit ka lagi ha? :)

@red: i agree na kailangang harapin ang mga ganitong pangyayari. they make us stronger. cheers! :)

@citybuoy: don't worry about being emo. ako rin nga eh. you can always talk to me if you need a friend. :)

@mike: friend, hindi naman. manila-based ka na ba? will i see you soon in b? :)

Eli said...

ay nako kuya you never fail to amuse me

mickeyscloset said...

omaygash. ang taray mo te! talagang dumalo ka pa! ang sakit kaya nun! haha kung ako seu sinabunutan ko na si romina.. joke!! hehe i understand naman her feelings. and i admire him kasi tanggap niya si Leo nang buong buo! =)) xoxo aris. moi!

Dhon said...

mabuti naman friend.. :)

Anonymous said...

i feel for you friend. ang hirap nun. i could just imagine kung sakin mangyayari yun.

lee said...

sigh :-< ang sakit naman...

pero at least nakapag move on ka na :)

imsonotconio said...

awwwww

Jinjiruks said...

aris nadala na kasi ako eh. totoo bang nangyari ito? sad naman hayaan mo na. darating naman ang kasiyahan na hinahanap mo. papel lang at seremonya ang kasal.

Guyrony said...

I truly Applaud you...

You are strong...

And you will be stronger with time...

You have my best wishes...

I was touched with the post so much

I wasn't able to think of anything but the scenario.

BRAVO.

Aris said...

@elay: buti naman na-entertain kita, li'l bro. :)

@mickeyscloset: one last look at him before i finally say goodbye hehe! i wish them the best. :)

@dhon: thanks. :)

@maxwell: buti na lang, friend, it's over na. :)

@lee: masakit pero mawawala rin. hanap na lang uli ng iba hehe! :)

@imsonotconio: maligayang pagbabalik! :)

@jinjiruks: ako pa, laging puno ng pag-asa at walang kadala-dala hehe! :)

@guyrony: hello. welcome to my blog. thank you very much for your encouraging words. sana lagi kang bumisita. tc. :)

Unknown said...

hehehehe, galing ah!! wew!

VICTOR said...

Naisip ko, Aris, kung bakit ang tinutulan mo lang ay iyong pagiging best man mo at hindi ang kasal mismo, sa pag-uusap niyo ni Leo. Paano kung, gaya ng maraming bagay, magkapareho kayo ng iniisip o gustong mangyari? Pero ako lang naman ito. Hehe.

wanderingcommuter said...

always the bestman but bnever the bride... ay ano daw!

nagpupulpitate ako hbang binabasa ko

Kokoi said...

ouch naman to Aris! :'(

nga pala, kelan pa tinanggal ni Pao ang blog nya? Di ko siya matanong kasi puro emo ang fezbuk nya friend. hehe..

Aris said...

@tim: thanks. :)

@victor gregor: made up na kasi ang mind niya at preggy na si girl. wala na rin kaming relasyon maliban sa friends. :)

@wandering commuter: darating din ang panahon na lalakad ako sa aisle. charoz! hehe. :)

@kokoi: matagal-tagal na rin. nagulat na lang ako nang i-check ko ang blog niya, dead link na. i have no other way of communicating with him pa naman. kumusta na kaya ang dear friend natin? :)

Bong C. Austero said...

Hayyyyy. I knew how it was gonna end but I still hoped that in the end he would run away with you. Lol. I guess I've been watching too many Julia Roberts movies.

pusangkalye said...

ang hirap naman ng sitwasyun....naiintindihan kita at ganun din sya---siguro masaya sya kung makikita ya na andun ang mga mahal nya sa buhay---oldo syempre masakit din sayo na makita sya sa araw ng kasal nya at hindi sayo kundi sa piling ng iba. ang maganda dito is kahit papanu e okay kayo---wlang me galit o tampo. just wish each other well. and it's my hope that you both find happiness.....

MkSurf8 said...

friend, kill me! di ko kaya mga ganito. hanubeh!

Aris said...

@bong c. austero: how i wish i was julia roberts. it could have ended differently. hehe! thank you very much for leaving a comment. i feel so honored. :)

@pusang kalye: kahit masakit, tanggap ko na. i am actually praying na maging successful ang marriage nila. :)

@mksurf8: friend, masokista kasi ako. i just wanna know kung hanggang saan ang tolerance ko sa pain. hehe! :)

karla said...

chanced upon ur blog while surfing. i think i know how it feels. was my bestfriend's bestman when he got married last feb coz his bro couldn't make it.

natulala ako when they made their promises sa altar. i was holding the mike and bestfriend had to snap me out of my revelry thrice kasi nawawala na sa posisyon yung mike.

naapakan ko rin yung gown ni misis (di ko naman sinasadya)nung recessional. inirapan ako.

hanggang ngayon pagnagkikita kami civil naman. i tried to befriend her pero civil nga. she knows.

Bryan Anthony said...

@aris: the whole time i was waiting for a big scene! sabunutan or eksenahan...that sort... very anti climax ang eklaver huh... brave ka gurl.

Aris said...

@karla: we were in the same boat pala. hirap noh? nakakawindang ng emosyon. buti na lang nalagpasan na natin iyon. thank you for dropping by. please visit always. take care. :)

@bryan anthony: sana nga nagkasabunutan hehe! pero ayoko na rin ng eksena kasi iniisip ko si leo. gusto ko siyang i-let go nang walang drama. salamat sa muling pagdalaw. :)

VICTOR said...

Ngayon ko lang napansin: Aris at Leo. :D

Aris said...

@victor gregor: oo nga. haha! at ang sabi sa astrology, it's a good match up. sayang, compatible sana kami. choz! hehe! :)

Anonymous said...

aris.. i hate you. i really hate you. huhuhu

--- -

as a literary work: this is one good job, specially kung paano mo sinulat kung paano mag-isip ang mga character

Anufi, Patronesa-in-waiting ng mga Tunay na Veyklas said...

ay! syet na malagket ang eksena itey!

al said...

i know im destined to feel this way someday... haaay! great read... linking you up btw.

Al said...

ang sad ulit... :-(

ang bitter naman ng mapapangasawa nya friend.

pero saludo ako sa'yo kasi you have the conviction same as mine :-)

Al said...

you deleted yung isang blog mo? yung latest - confessions?

Aris said...

@dabo: please don't hate me. hehehe! salamat, friend. :)

@anufi: nakakaloka ba, mare? hehe! :)

@al: sana ma-achieve pa rin nating lahat ang ating mga happy endings. thank you, al. link din kita. :)

@Al: sa mga ganitong pagkakataon, kailangan lang talaga natin maging strong. pasensya na, friend, na-censor yung last entry ko. hehe! :)

The Golden Man from Manila said...

if only i could write the way you write... haizzzzz


bravo!

Aris said...

@golden man: thank you. nag-blush naman ako. hehe! :)

The Golden Man from Manila said...

you are so modest! Truly you deserve our accolades.

Looking forward for more!

Aris said...

@golden man: you've just inspired me to always do my best. salamat uli. :)

kenchu said...

wow. that was beautifully written. galing! hehe. it made me feel sad. hehe. pero kaya mo yan! God bless. :-)

Aris said...

@looking for vince: thank you, kc. god bless you too. :)

The Golden Man from Manila said...

And i am really looking forward to read your future works.

Baka nga nagkita na tayo sa Bed, d lang tayo magkakilala! lols as if naman madalas ako dun.

see you around!

jason0727 said...

may kilala akong bading na nagpakasal. nagkaanak and now my lalaki na ung girl. awa nga ako kay kuyang bading e. pero yung girl siguro hindi na nakatiis na bading ung asawa nya and decided na tumikim ulit ng straight guy. sana hindi cla maparis dun sa kilala ko.

Aris said...

@golden man from manila: sure. hope to see you soon. :)

@jason: sana nga. maraming salamat sa pagbisita at sa pag-follow. sana lagi kang mag-enjoy sa pagbabasa. ingat always. :)