Nagkamalay si Toby na hubo’t hubad sa lapag. Bukod sa sakit ng ulo, may naramdaman siyang kakatwang sensasyon sa pagitan ng kanyang mga hita.
Dahan-dahan siyang tumayo at muling tumapat sa shower upang pawiin ang pagkahilo at panghihina.
Habang dinadaluyan ng tubig ang buong katawan, inalala niya ang mga huling sandali bago siya nawalan ng malay.
Natutop niya ang kanyang ulo. Nakadama siya ng magkahalong galit at helplessness nang maalala ang nangyari.
Kaagad siyang nagbihis. May usapan sila ni Stephanie na magkikita pagkatapos ng game.
Lumabas siya ng shower room. Nagdadapithapon na. Pinuntahan niya ang tagpuan nila ni Stephanie subalit wala na ito roon. Wala na rin gaanong tao sa campus.
Napansin niya na maliwanag ang auditorium. May ingay din na nagmumula roon.
Tinungo niya ang auditorium. Sumilip siya at nakita niya na nagpapraktis ng sayaw ang grupo ni Leslie. Dalawang araw bago ang prom kaya puspusan ang pag-eensayo ng grupo para sa number nila.
Hindi sana tutuloy si Toby subalit namataan niya sa loob si Stephanie. Nagtaka siya dahil hindi gawain ni Stephanie ang makihalubilo sa hindi nito kagrupo. Kaagad niya itong nilapitan.
Habang papalapit si Toby sa kinaroroonan ni Stephanie, natanaw siya mula sa stage nina Leslie at Jason. Napahinto sa pagsasayaw ang dalawa. Halos pigil ang hiningang inabangan ang susunod na magaganap.
Pagkakita kay Toby, galit ang kaagad na naramdaman ni Stephanie. Bigla siyang tumayo at walang sabi-sabing sinampal si Toby.
Nagulat si Toby.
“Steph, why?”
“Stay away from me!”
“Hey, what’s wrong?”
“Stop the game, Toby. Alam ko na ang totoo!”
Kinabahan si Toby.
“Alam ko na na ikaw ang may pakana sa iskandalong nangyari kay Brad.”
Siya namang lapit nina Leslie at Jason na bumaba mula sa stage.
Ang hindi alam ni Toby, pagkagaling nina Leslie at Jason sa shower room, nakita nila si Stephanie. Upang ituwid ang lahat, minabuti ni Leslie na ipagtapat kay Stephanie ang totoong nangyari, kung bakit nagkaroon sila ng mga litrato ni Brad. Na-shock si Stephanie at napaiyak. Upang payapain, inimbita siya ni Jason na sumama na lang muna sa kanila sa auditorium upang manood ng praktis at nangakong ihahatid siya nito.
“Kailangang malaman ni Stephanie ang kalokohan mo,” ang sabi ni Leslie kay Toby.
“Huwag kang makilalam dito!” ang bulyaw ni Toby kay Leslie.
“At bakit hindi? Damay ako sa ginawa mo!” ang sagot ni Leslie.
Dahil nasukol, si Leslie ang napagbuntunan ni Toby. Inundayan niya ito ng suntok na kaagad namang sinalag ni Jason.
Umigkas ang isa pang kamao ni Toby. Na hindi nagawang iwasan ni Jason. Tumama ito sa kanyang mukha. Nawalan siya ng panimbang at nabuwal.
Mabilis na naglapitan ang iba pang mga dancers at pumorma upang makipagbugbugan kay Toby.
Mabilis namang umawat si Stephanie.
Tinulungan ni Leslie na tumayo si Jason.
“Umalis ka na. Ayaw na kitang makitang muli!” ang poot na taboy ni Stephanie kay Toby.
“Steph, let me explain…”
“Wala ka nang dapat pang i-explain. Sinira mo na si Brad. Pati ang relasyon namin. Nandamay ka pa ng ibang tao. Napakasama mo.”
Si Leslie ang binalingan ni Toby. “Ikaw ang may kasalanan kung bakit nasira ang plano ko. Humanda ka sa akin.”
Sa halip na matakot ay napangiti si Leslie at buong tapang niyang nilapitan si Toby.
“Ikaw pa ang may ganang magbanta. Alam mo, Toby, tumahimik ka na lang kung ayaw mong gumulo pa lalo ang buhay mo.”
“Anong pinagsasasabi mong bakla ka?”
“Hayaan mo munang i-escort kita palabas ng auditorium na ito because as you can see, unwanted ang presence mo rito.”
“You don’t tell me what to do.”
“I don’t think so. Not unless gusto mong marinig nila ang sasabihin ko sa’yo.”
Natigilan si Toby.
Umangkla sa braso niya si Leslie at giniyahan siya palabas ng auditorium.
Sa may pinto, huminto sila at sandaling nag-usap.
Nakatingin sa kanila sina Stephanie at Jason, gayundin ang mga dancers.
Maya-maya, nakita nilang nagmamadaling lumabas si Toby, walang lingon-likod.
Si Leslie naman ay may triumphant smile na naglakad pabalik sa kinaroroonan nila.
“Dancers, places!” ang utos nang makalapit.
Tumalima ang mga dancers.
May pagtataka at pagtatanong sa mukha nina Stephanie at Jason.
Nginitian lang ni Leslie si Stephanie. “Wala ka nang dapat ipag-alala. Hindi ka na niya guguluhin.”
At hinila na niya si Jason upang jumoin sa mga dancers.
“Anong sinabi mo kay Toby at napahinuhod mo siya nang ganoon?” ang tanong ni Jason habang paakyat sila ng stage.
“Isang salita lang.”
“Ano yun?”
“Video.”
Napangiti si Jason. Nakadama siya ng tagumpay sa kabila ng pananakit at pamamaga ng kanyang mukha.
Sa pagpapatuloy ng kanilang praktis, naging masaya at masigla siya dahil naroroon at nanonood ang kanyang inspirasyon. Si Stephanie.
“Ang galing mong sumayaw,” ang sabi sa kanya ni Stephanie nang pauwi na sila. Ihahatid niya ito katulad ng naipangako niya.
Masayang-masaya si Jason. Hindi dahil sa sinabi ni Stephanie kundi dahil magkasama sila at nag-uusap.
“Salamat,” ang naisagot niya na tila nahihiya pa sa papuri.
“Sino ang ka-date mo sa prom?” ang tanong ni Stephanie.
“Wala nga eh.”
“Pareho pala tayo.”
Napatingin siya kay Stephanie. May lungkot sa mga mata nito.
“Akala ko, kayo pa rin ni Brad ang magka-date…”
“Break na kami ni Brad. Si Toby sana. But after learning the truth, mas gugustuhin ko pang hindi pumunta kesa makasama siya.”
“Hindi maaring hindi ka pumunta.”
“At bakit naman?”
“Dahil ikaw ang pinakamaganda... Ikaw lang ang karapat-dapat na maging prom queen.”
Nagkibit-balikat lang si Stephanie na tila pambabalewala sa sinabi ni Jason.
Katahamikan.
“Steph,” ang sabi ni Jason pagkaraan, tila nag-ipon muna ng sapat na lakas ng loob. “Maaari bang ako na lang ang maging ka-date mo sa prom?”
Tumingin sa kanya si Stephanie.
May kaba sa dibdib si Jason habang naghihintay ng tugon.
Ngumiti si Stephanie. May ningning sa mga mata na tumango.
“Is that a yes?” ang excited na tanong ni Jason.
“Yes.”
Halos mapatalon sa tuwa si Jason.
Nag-uumapaw siya sa galak hanggang sa pagkikita nila ni Archie kinabukasan. Masayang-masaya rin si Archie. Halos sabay pa sila sa pagsisiwalat ng magandang balita tungkol sa prom date nila. Halos hindi sila makapaniwala na nagkatotoo ang pinapangarap nila.
Nang sumapit ang araw ng prom, tumawid si Jason sa bahay nina Archie. At katulad ng isang mabuting kaibigan, tinulungan niya itong magbihis at mag-ayos. Dahil maalam sa fashion at styling, minake-over niya si Archie ayon sa 80’s theme ng okasyon.
At nang matapos, halos hindi makilala ni Archie ang sarili sa salamin.
Mangha rin si Jason. Noon niya lang na-realize na napakaguwapo pala ni Archie.
Hindi niya naiwasang mapatitig dito nang buong paghanga.
(May Karugtong)
Part 4
8 comments:
aris, bitin na naman!!! waaaaahhhh...
ilang beses ko nang paulit-ulit na binabasa itong tatlong part na ito.. nakakabitin talaga... =)
minsan na nga lang ulit ako makapagblog bitin pa mababasa ko kuya tsk hehehe
nman bitin ako ulit..more!more!^__^
huwaw! ang lupit! the best ka talaga!!
ahaha!
lahattlaga kami iisa lang ang hanap...
NASAN ANG KADUGTONG???
NASAAAAAAAAAAAAAAAN!!!!!!!!!?
hehe.
nice!
:P
abangan...
:P
ang tagal naman ng kasunod... hehehe!
cheers!
red
OMG. Finally read the third part. Now for the finale... or finale na nga ba? Ahihihi...
Post a Comment