Dahil malamig ang aircon, hirap siyang magpatigas.
Kailangang may bumakat sa suot niyang kapirasong tela upang magkaroon siya ng impact sa mga manonood at mapansin ng mga judge.
Pumikit siya at inalala ang pinakamasarap niyang karanasan. Hinimas niya ang kanyang katawan na hinubog ng pagkakargador niya noon sa palengke.
Pinaglaruan niya ang sarili na parang ang buhay niya ay nakasalalay sa kanyang erection.
Tumugtog ang “I’m Too Sexy” at nagsayaw ang mga ilaw. Isa-isa na silang lumabas. Labindalawang matitipuno, matatangkad at mga guwapong lalaki.
Naglakad siya sa entablado na nakabilad ang katawan at nakabukol ang harapan. Nakangiti siya na tila inaakit hindi lamang ang mga manonood kundi pati na ang suwerte na mailap pa rin sa kanya hanggang ngayon.
Katulad ng bikining suot niya, kakapiraso lang naman ang pangarap niya.
***
Mula pagkabata sa probinsiya, marami na ang nagsasabing artistahin siya kaya lumuwas siya.
Subalit pagdating niya sa Maynila, tagabuhat sa palengke ang binagsakan niya.
Kinupkop siya ng isang parlorista na nagsali sa kanya sa mga patakbuhing male pageant.
Dito niya nakilala ang isang stand-up comedian na nag-introduce sa kanya sa bikini open sa mga comedy bars.
Sinalihan niya lahat ng pa-contest mula Novaliches hanggang Las PiƱas subalit hindi pa rin siya na-discover.
Napagod siya at nagpagarahe sa isang mayamang executive. Inalagaan siya nito, pinatira sa magandang bahay, binilhan ng mga damit at binigyan ng allowance kapalit ng kanyang pagiging sex slave.
Subalit isang araw, na-realize niya na napaglilipasan na siya ng panahon. At bago pa malaspag ang katawan niya, kailangan niya nang kumilos upang maabot ang pangarap niya.
Kaya muli niyang binalikan ang bikini open.
***
Para sa kanya, iyon na ang huli niyang pagrampa.
Ang venue ay hindi comedy bar kundi isang sosyal na gay bar. Magandang exposure iyon para sa kanya. At higit sa lahat, isang indie film director ang Chairman ng Board of Judges.
Habang naglalakad siya at pinapalakpakan ng audience, sinulyapan niya si direk at buong tamis niya itong nginitian. Ngumiti rin si direk at tumango-tango pa. Kumpiyansa siya na sa pagkakataong iyon, matutupad na ang kanyang pangarap.
Lingid sa kaalaman ng iba, ginapang niya na si direk. Bago ang gabing iyon ng kumpetisyon, nakipagkilala na siya rito at nagpa-take home. Ginawa niya ang lahat nang ipinagawa nito. Kinuhanan pa siya ng video. Screen test daw.
Nangako si direk na papanalunin siya. Edge daw kasi ang titulo sa pagsabak niya sa gay indie.
***
“And the winner is…”
Hinintay niyang i-anunsiyo ang kanyang numero subalit ibang numero ang narinig niya.
Ano’ng nangyari? Nasaan ang ipinangako sa akin? Muli, ang pamilyar na pakiramdam ng pagkabigo.
Nang kumprontahin niya si direk, ito ang naging paliwanag sa kanya: “Pinaboran ng ibang judges ang winner kasi mas bata at sariwa. Na-outvote nila ako.”
“Gagawin mo pa rin ba akong artista?” ang tanong niya.
“Tatawagan na lang kita,” ang sagot at tinalikuran na siya.
Nakita niya itong lumapit sa nanalo at dinig na dinig niya ang sabi: “Congratulations. Here’s my card. Call me. May bagong project ako. Beautiful Boys. Gagawin kitang bida.”
***
“Pare, pinangakuan ka rin ba ni direk?” ang tanong sa kanya ng isa pang contestant habang nagbibihis sila.
“Oo,” ang sagot niya, hindi maikubli ang panlulumo.
“Ako rin. Nagpagamit pa nga ako pero wala ring nangyari.”
Isa pang contestant ang sumabad sa usapan nila.
“Niloko niya rin ako. Kinuhanan pa ako ng video habang gumagawa ng mga kalaswaan.”
Nagkatinginan na lamang silang tatlo at sabay-sabay na napailing. Doble-talo ang nangyari sa kanila nang gabing iyon.
Paglabas nila ng dressing room, nilapitan sila ng manager ng bar.
“Hello, boys,” ang buong ningning na bati nito. “May trabaho ako para sa inyo. Kung interesado kayo.”
At dahil wala na siyang pera, kumagat siya sa offer nito.
***
Kinabukasan nang gabi, ipinakilala siya bilang pinakabagong star dancer ng sosyal na gay bar.
Pagkaraan ng ilang linggo, lumabas sa mga bangketa ng Quiapo ang isang DVD na naging “box-office hit” sa mga bading.
Siya ang bida at ang iba pang mga talunang kandidato.
The Bikini Open Scandal.
32 comments:
nalungkot ako...
This happens most times. Dropped by.
@the geek: sorry, friend, napakuwento lang. :)
@ikotoki: thank you for dropping by. sana pasyal ka lagi. tc. :)
nakakalungkot naman!
mag apply kaya sila ng ibang trabaho. chos
magandang material for gay indie film
parang yung lalake lang sa Binyag....
@dhon: pareho kayo ni geek. :)
@mel beckham: nasanay na rin kasi sila sa atensiyon at paghanga. :)
@ming meows: kung may magkaka-interes, why not? hehe! :)
@yj: oh yes with a twist. :)
hi aris musta na?
@jake: hello jake. mabuti naman. bigay mo naman sa akin ang link ng blog mo para mabisita rin kita. :)
nice one...
true story to?kawawa naman,teka san mabibili un scandal nila?LOL!!!
@mark joefer: thanks, macky. uy, kumusta ka na? :)
@mac callister: kathang isip lang. pero may ganyang dvd sa arlegui. hehe! :)
Aris...I am in pain..but totally fine. not in the mood to write for months now.
Hi Aris...i'm in pain but just fine. been out of blog world for months now.
@mark joefer: i wish you will be well soon. maybe writing again can help heal the pain. take care always. *hugs* :)
Nice entry aris..
@dabo: thanks, dabo. :)
oh wow aris. this is quite a departure from your other entries. i'm very, very impressed. :D
napanood mo ba yung twilight dancers? malayo yung mga kwento niyo pero magkasing kulay sila: malungkot at totoo.
@citybuoy: yup, have seen it and the other md movies. hehe! thanks, nyl. :)
so refereshinindi tungkol sa yo, sa Bed, sa paglalandi mo at sa mga naunsyami at mauunsyaming pag ibig. Kudos!
@luis batchoy: ang taray ng comment haha! miss you, friend. kumusta ka naman diyan sa lupang banyaga? ingat always. :)
ang lungkot. pero nangyayari naman talaga to sa totoong buhay. nasa sa kanila naman kasi yan kung mgpapagamit sila. hindi sila marunong dumiskarte. andami na man jang matinong paghanapbuhayan.
@echo serita: oo nga. kaya lang madalas, nananaig talaga ang kanilang ambisyon. thank you for dropping by. sana lagi kang bumisita. :)
that was related to real life.... :-]
@xavier randol: nangyayari nga ang ganito sa ating paligid. welcome to my blog and thanks for following. :)
Nangyari na to sakin... in my dreams :p
nice story ha, nangyayari din to even sa miss universe. :p
ym: gitaristangdrummer
@andrew: hello, andrew. thank you for dropping by. hope to "see" you again. tc always. :)
Ang galing ng plot ng mga stories mo.. Nakakadala talaga ng emotion.. You should write a book.. It would be a sure hit..
hi edgie. thank you. one day, i surely will. :)
hi aries,
It's nice to hear ur story..very impressive..sna soon we will meet to know each other and be my friend..i like to hear ur voice personally sharing your experiences..
call me..pipoy as my alyas...
galing.
pero nakakasad yung ganyang kwento.
Post a Comment