Wednesday, September 29, 2010

Still

Hindi ko alam kung bakit ginawa ko iyon. Out of the blue, tinext ko siya.

“Hey, kumusta? Ano nang balita sa’yo?”

“Who’s this?” Medyo na-offend ako sa reply niya. Ibig sabihin, binura niya na ako sa phonebook niya.

But I decided to pursue and play along. “Ang ex mo na mahal mo pa rin hanggang ngayon.”

Akala ko hindi na siya sasagot pero pagkaraan ng ilang sandali, muling tumunog ang cellphone ko. “Aris?”

Nagulat ako. “How did you know it was me?”

“Ikaw lang naman ang ex ko na may feelings pa ako hanggang ngayon.”

Parang haplos iyon sa aking puso. Parang bigla akong natuwa.

“Bakit mo dinelete ang number ko?” ang sumbat ko.

“Para makalimutan na kita kasi may BF na ako,” ang sagot.

Ouch.

“Pero lagi pa rin kitang naaalala,” ang dugtong.

Talaga?

“Lapit na birthday mo ah,” ang sabi niya.

Gulat uli ako. “You still remember?”

“Sabi ko nga, lagi pa rin kitang naaalala. Hindi ko nakakalimutan ang mga importanteng araw na may kinalaman sa’yo. Pati nga anniversary natin, alam ko pa rin.”

Muli kong napatunayan ang kakaibang epekto niya sa akin. Nagagawa niya pa rin akong papaghinain sa konting salita lang.

“Ano’ng regalo mo sa kin?” ang tanong ko.

“Hugs and kisses, gusto mo?” ang sagot niya.

“Magagalit ang BF mo.”

“I want to see you.”

“Hindi na dapat.”

“I miss you. Nami-miss mo rin ba ako?”

Hindi ako sumagot.

“I still love you.”

Nanatili akong tahimik.

“Mahal mo pa rin ba ako?”

Pigil na pigil akong aminin ang tunay na damdamin ko.

“Magkita tayo sa birthday mo. I-celebrate natin iyon nang magkasama. Katulad nang dati. Kunwari tayo pa rin.”

Nagbara ang lalamunan ko. Pumarada sa isip ko ang masasaya naming alaala.

“Aris, I still want to make you happy. Kahit paminsan-minsan lang.”

Nanlabo ang mga mata ko kasabay ng panlalabo ng reasoning ko.

Tuluyan na akong bumigay. “Okay. Sige, magkita tayo.”

Alam kong mali. Pero siguro naman, maaari pa rin naming balikan ang aming nakaraan para sumaya naman ako.

Kahit panandalian lang.

Sunday, September 26, 2010

Chances 8

Nasa loob ng Operating Room si Darwin. Napakabagal ng mga sandali habang naghihintay sa labas sina Alvin at Mimi. Tahimik sila. Batbat ng magkakahalong emosyon – shock, takot, pangamba.

Pagkaraan ng halos tatlong oras, bumukas ang pinto ng Operating Room. Kaagad na sinalubong nina Alvin at Mimi ang doktor. Nagtatanong ang kanilang mga mata.

Makulimlim ang mukha ng doktor na humarap sa kanila. “I’m sorry…” ang sabi.

Nayanig sila sa mga sumunod pang narinig. Nagsikip ang dibdib ni Alvin. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Napakapit siya nang mahigpit kay Mimi.

Nagsimula siyang umiyak. Niyakap siya ni Mimi.

“Oh my God. Oh my God,” ang paulit-ulit niyang usal.

***

Mula sa glass window ng ICU ay pinagmasdan ni Alvin si Vincent.

Nakalulunos ang ayos nito. Balot ng benda ang ulo. Naka-oxygen at nakakabit sa aparato. Walang malay at under observation pa dahil grabe ang mga pinsalang tinamo.

Dumaloy ang mga luha ni Alvin. Parang dinudurog ang kanyang puso.

“Lumaban ka, Vincent. Lumaban ka,” ang bulong niya.

Kung maaari niya nga lang hawakan at hagkan ang kamay nito.

***

“All I wanted is to love and be loved,” ang sabi niya kay Mimi. Nasa isang coffee shop sila sa may tabing dagat habang papalubog ang araw. “Bakit kailangang maging napaka-kumplikado ng pag-ibig?”

Nakikinig lang si Mimi. Alam niyang bottled-up na ang mga emosyon sa dibdib ni Alvin kaya hinayaan niya itong maglabas ng saloobin.

“Bakit kailangang mangyari ito?” ang tanong pa ni Alvin.

Bumuntonghininga si Mimi. “Hindi kita sasagutin ng cliché na may purpose ang bawat pangyayari sa buhay ng tao. Dahil maaaring wala. Pang-asar lang. Mapagbiro ang tadhana at gusto lang tayong gawing miserable. Pero bakit natin papayagan iyon? We only become miserable if we allow ourselves to be. Bakit ko hahayaang maging biktima ako ng putang-inang tadhana? Gawin niya na ang lahat ng gusto niya. Patayin niya na ako. Lalaban pa rin ako at hindi magpapatalo.”

“I actually feel defeated right now. Parang wala na akong lakas lumaban.”

“Alam mo kung bakit? Dahil ayaw mong tanggapin ang mga nangyari. Bakit hindi mo harapin ang biro ng tadhana. Pagtawanan mo kasi biro nga.”

“Hindi nakakatawa ang biro sa akin ng tadhana.”

“Pero wala kang choice. Hindi mo kontrolado ang mga pangyayari. Kung hindi mo pagtatawanan, talo ka. Hindi pwedeng maloka ka na lang forever dahil kapag nagkaganon, ikaw na mismo ang magiging biro. Alam mo, Alvin, marami na rin naman akong mga pinagdaanan pero heto, alive and kicking pa rin ako dahil sa bawat pagsubok na dumating sa buhay ko, lumalaban ako.”

“I wish I could be as strong as you.”

“Maaari kang maging strong. At magsisimula ang lahat sa acceptance.”

“Pero parang nawasak na ang mga pangarap ko sa buhay.”

“Kapag nagkaroon ka na ng acceptance, magagawa mo nang buuin muli ang mga nawasak sa iyong buhay. Maaari mo nang buuin pati ang iyong sarili.”

***

Pagkalipas ng ilang araw, idineklara nang out-of-danger si Vincent. Inilipat na ito sa isang private room. Nababalutan pa rin ng benda ang ulo at naka-cast ang leeg at braso. Naka-oxygen at naka-dextrose. Unconscious pa rin dahil sa epekto ng mga gamot.

Lumapit si Alvin. Naupo siya sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ni Vincent. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nanumbalik sa kanyang alaala ang masasaya nilang sandali. Mahal na mahal niya pa rin ito subalit nakapagpasya na siya.

Idinikit niya ang kamay ni Vincent sa pisngi niya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa masaid ang kanyang mga luha.

“Goodbye, Vincent,” ang usal niya.

Hinagkan niya ito sa huling pagkakataon bago siya lumabas ng silid.

***

Panahon ng taglagas. Nagkalat ang mga tuyong dahon sa park. Malamig ang simoy ng hangin na tila hihip ng pamamaalam.

Mula sa malayo, tinatanaw ni Alvin ang imahe ng dalawang nilalang na pilit ibinabangon ang mga sarili at humaharap sa bagong simula. Dalawang nilalang na nakakapit pa rin sa pag-ibig at humuhugot ng lakas sa isa’t isa.

Tulak-tulak ni Vincent ang wheelchair ni Darwin na nakukumutan ang ibabang bahagi ng katawan upang itago ang kawalan na nito ng mga binti.

Sinadya ni Alvin na magkubli. Ang balak niya sana ay magpapaalam siya subalit minabuti niyang huwag nang balikan pa ang mga mapapait na pinagdaanan nila. Sapat nang makita niyang masaya ang dalawa.

Bukas ay nakatakda na siyang mangibang-bansa upang harapin din ang bago niyang simula.

May kirot man sa kanyang puso, may kapanatagan naman sa kanyang kalooban dahil natanggap niya na ang lahat. Naroroon pa rin ang kanyang pag-ibig subalit hindi na iyon makasarili kundi mapang-unawa na at mapagparaya.

Tumalikod siya at humakbang palayo.

Umihip ang hangin at itinaboy ang mga tuyong dahon sa paanan niya.

Tiningala niya ang mga puno. Nahuhubdan man ang mga sanga nito ngayon, alam niya na muli itong sisibol sa pagpapalit ng panahon.

Wednesday, September 15, 2010

Getaway

This is where I am going to be in the next five days...


It is actually a spiritual journey…

But it will also be exciting and fun.

I will hit the beach...


And the bars, too…


I will sample the local delicacies…



(Opps, wrong pic)

And maybe even try this…


Manila is so stressful. Bakasyon muna ako sandali. See you, guys, soon. :)

Sunday, September 12, 2010

Chances 7

Humakbang siya patungo sa kinaroroonan nina Darwin at Vincent. Kasunod niya si Mimi.

Bumabayo ang tibok ng kanyang puso at pumipintig pati ang mga ugat sa kanyang sentido.

Nang makalapit, napansin niyang magkahawak-kamay ang dalawa. Nagsikip ang kanyang dibdib. Nag-init ang kanyang mukha. Nawalan ng puwang ang pagpapakahinahon.

“Ano’ng ibig sabihin nito?” May dagundong ang kanyang tinig.

Nagulantang sina Darwin at Vincent. Kaagad na nagbitiw. Gumuhit sa mukha ang ligalig.

Matalim ang tingin sa kanila ni Alvin, bakas ang galit.

“Nag-uusap lang kami,” ang sagot ni Darwin.

“Ano’ng pinag-uusapan n’yo? May dapat ba kayong pag-usapan?” Maigting ang mga salita ni Alvin.

“It’s not what you think…” ang sagot naman ni Vincent na umakmang aakbayan siya.

Tinabig niya ang braso ni Vincent. “Huwag na kayong magkaila. Huling-huli ko kayo.”

Hindi nakasagot ang dalawa.

“Hindi n’yo man lang inisip na nandito ako. Ang lakas ng loob n’yong gumawa ng ganito.”

“Wala kaming ginagawang masama,” ang giit ni Vincent.

“Nandito kayo sa isang sulok. Halos magdikit ang mga mukha ninyo. Magkahawak-kamay pa kayo. Tapos sasabihin ninyo, wala kayong ginagawang masama?” Malakas na ang boses ni Alvin at nag-a-attract na siya ng atensiyon sa iba pang mga taong naroroon.

“Alvin, please. Tone down,” ang saway ni Vincent. “Nakakahiya sa ibang tao.”

“Nakakahiya sa ibang tao? Pero sa akin, hindi kayo nahihiya?”

Hinarap niya si Darwin. “Minsan mo nang pinagtangkaang agawin sa akin si Vincent. Wala kang narinig sa akin. Pero hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa rin titigil? Kailangan ko pa bang magmakaawa sa’yo para layuan mo si Vincent? Tama na ang panggugulo mo sa amin. Itigil mo na ang pang-aagaw kay Vincent.”

“Alvin, please…” Muli, ang saway sa kanya ni Vincent.

Binalingan niya si Vincent. “Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para sa’yo? Ano pa ba ang kulang? Nagkukunwari ka lang ba na mahal mo ako pero si Darwin talaga ang gusto mo? Bakit n’yo ginagawa sa akin ito?”

“Wala kaming ginagawa sa’yo.”

“Meron. Niloloko n’yo ako! Ginagago!”

Napapaligiran na sila ng mga usyuso na nanonood at nagbubulungan.

Hindi na nakatiis si Mimi. Hinawakan niya sa braso si Alvin at hinila palayo.

Kahit nanginginig sa galit, kusang sumama si Alvin dahil pagkaraang maibulalas niya ang damdamin, nagsimula siyang makaramdam ng panghihina.

Napakapit siya kay Mimi. Maya-maya, napaiyak na siya.

Niyakap siya ni Mimi at inalo.

Matagal din siyang humagulgol sa balikat ni Mimi. At nang mahimasmasan, siya na mismo ang nagyayang umuwi.

Tinungo nila ang labasan.

“Alvin, wait,” ang sabi ni Mimi nang nasa tapat na sila ng restroom malapit sa exit.

Tumingin siya kay Mimi.

“Can you give me a minute?”

“Bakit?”

“Ihing-ihi na kasi ako. Hindi ko na matiis.”

Nag-roll ang mga mata ni Alvin.

“Bilisan mo, bakla. Panira ka ng moment.”

***

Naiwan sina Darwin at Vincent na gulat at parang hindi makapaniwala sa naging pagkumpronta sa kanila ni Alvin.

Totoong nakalimot sila nang maaktuhan sila. Siguro dahil sa nainom kung kaya hindi nila napigil ang kanilang mga kilos. Siguro dahil nangibabaw ang tunay na damdamin nila sa muling pagkikita kaya nadala sila.

Pareho nilang alam na mali iyon subalit ano pa ang magagawa nila. Nakita na ni Alvin ang hindi nito dapat makita.

Hindi nila alam ang sasabihin sa isa’t isa. Magkakahalo ang nararamdaman nila. Pagkapahiya, pagsisisi, pangamba. Nalulungkot din sila dahil humantong iyon sa gulo. Paano pa nila aayusin iyon?

Kasalanan din nila. Pero masidhi talaga ang damdamin nila para sa isa’t isa. Pareho nila iyong hindi maunawaan at nahihirapan silang paglabanan.

Nakakapaso na ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanila kaya niyaya na ni Vincent si Darwin na umalis.

“Uminom na lang tayo sa labas,” ang sabi ni Vincent.

Napasunod na lang sa kanya si Darwin. He needed a drink.

Lumabas sila ng Bed at naglakad patungo sa Silya. Nang hawakan ni Vincent ang kanyang kamay, hindi tumutol si Darwin. May nadama siyang comfort nang gagapin siya nito nang mahigpit.

***

“Tama ba ang ginawa ko?” ang tanong ni Alvin kay Mimi habang nagda-drive na sila pauwi.

“Tama ba ang ginawa nila?” ang buwelta ni Mimi.

“Sana nagpakahinahon ako. Nagpaka-disente.”

“Sila ang dapat na nagpaka-disente.”

“Hindi ko ngayon alam kung paano haharapin si Vincent. Hindi ko alam kung paano aayusin ang gulo namin.”

“Mag-usap kayo. Bigyan mo siya ng pagkakataong makapagpaliwanag. Huwag mo siyang aawayin. Nagawa mo na iyon kanina. Huwag mo rin siyang papipiliin. Hayaan mong siya ang magdesisyon.”

“Natatakot akong malaman iyon. Masasaktan ako kung iiwan niya ako.”

“You need to know where you stand. At kung taliwas man iyon sa iyong inaasahan, kailangan mong tanggapin.”

“Hindi ba dapat ipaglaban ko ang pag-ibig ko?”

“Ginawa mo na ‘yun. At sa giyera, kung mas malakas ang kalaban, kailangan mong umurong. Dahil kung hindi, siguradong mamamatay ka.”

“Pero… mamamatay din ako kapag nawala sa akin si Vincent.”

“Anong gusto mong isagot ko sa’yo? Ipalilibing kita? Huwag kang OA, bakla. Akala mo lang yan. Hindi nakamamatay ang mawalan ng minamahal. Tingnan mo ako, fabulous pa rin.”

“E hindi ka naman loveless. May boyfriend ka, di ba? Yung asawa ng kaibigan mo?”

“Wala na.”

“Anong wala na?”

“Nag-break na kami. Nag-usap kami at sinabi niyang mas mahal niya ang kanyang asawa. Kesa ipagpilitan ko ang aking sarili… kesa ipaglaban ko ang aking pag-ibig… tinanggap ko na lang. Talo na eh. Kaya move on na lang.”

“Pero kabit ka. Ako, asawa.”

“Sa kaso n’yong mga bading, kung sino ang mas mahal, ‘yun ang asawa. Kung mas mahal niya si Darwin, ikaw na ang kabit. Ipagpipilitan mo pa ba ang iyong sarili?”

***

Magkaharap sila sa mesa, nakatingin sa isa’t isa habang tumutungga ng Red Horse. Maingay ang paligid pero tahimik sila at parehong nag-iisip.

Pagkaraang maubos ang tig-isang bote, umorder uli sila. At saka nag-usap.

“Dahil sa nangyari ngayong gabi, kailangan nang ituwid ang mga pagkakamali,” ang sabi ni Vincent.

“Ano’ng ibig mong sabihin?”ang tanong ni Darwin.

“Kailangan na nating magpakatotoo sa ating damdamin. Mahal kita, Darwin.”

“Mahal din kita, Vincent. Pero paano si Alvin?”

“Hindi niya rin gugustuhing mabuhay sa pagkukunwari. Hindi ko kayang ibigay sa kanya nang buong-buo ang pag-ibig ko.”

“Mahal mo ba siya?”

“Oo. Pero naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung anong uri ng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa’yo, sigurado ako. Mahal kita dahil gusto kitang makasama… maging partner sa buhay… makasiping sa kama.”

Humugot ng malalim na buntonghininga si Darwin. “Ayoko sanang magmukhang kontrabida pero hindi ko rin mapaglabanan ang damdamin ko. Ayoko rin sanang saktan si Alvin pero nagawa ko na at sa puntong ito, hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang friendship namin. Maaring hindi na. At kung mawawalan din lang ako ng kaibigan, ayokong mawalan ng minamahal.”

“Panahon na ng pagpapakatotoo. It has to be you and me. Huwag na nating ipilit ang isang bagay na magpapahirap lang sa ating tatlo.”

Muli silang tumungga ng beer. Bottoms up. Hindi nila alintana ang bumabanat ng “There’s No Easy Way” sa videoke.

***

“Should I bring you home now?” ang tanong ni Darwin kay Vincent. Marami na silang nainom at bago pa tuluyang malasing, tumigil na sila dahil magda-drive pa si Darwin.

“Yeah. Iuwi mo na ako sa bahay mo,” ang sagot ni Vincent.

“Seryoso ka?”

“Yeah. I want to be with you.”

“Hindi ba dapat umuwi ka muna ngayon kay Alvin?”

“What for? I am leaving him.”

Hindi alam ni Darwin kung matutuwa siya o malulungkot sa kanyang narinig.

***

“I think you should do this right,” ang sabi ni Darwin. “Hindi maaaring basta mo na lang talikuran si Alvin. Hindi madali pero kailangan mong makipaghiwalay sa kanya nang maayos.”

Nasa kotse na sila at nakahinto sa stoplight sa isang intersection.

“You owe it to him, ang ipaintindi sa kanya ang sitwasyon,” ang patuloy ni Darwin. “Kailangan muna ninyong mag-usap.”

Nakikinig sa kanya si Vincent at nag-iisip.

Sabay sa pagpapalit ng ilaw ay ang pagdedesisyon nito. “You’re right. Turn around.”

Dahil sa biglaang utos ni Vincent, kumabig pakaliwa si Darwin sa halip na dumiretso.

Hindi niya napansin ang paparating na truck mula sa kabilang lane. Mabilis ang takbo nito.

Hindi na nagawang umiwas ni Darwin. Sumalpok sila rito.

Sa sobrang lakas ng impact, bumaliktad ang kotse at tumilapon sa center island.

(Tatapusin)

Part 8

Monday, September 6, 2010

Chances 6

The days rolled by.

Natanggap si Vincent sa call center at naipasa niya ang isang buwang training. Ngayon ay hired na siya at regular nang pumapasok.

Mula nang maging sila ni Alvin, naging mapagmahal naman siya rito. Hindi na iyon naging mahirap para sa kanya dahil college pa lang sila, malapit na sila sa isa’t isa. At hindi man na-verbalize ang feelings nila noon, naroroon ang care, love at pagpapahalaga sa kanilang relasyon. Ang ipinagkaiba nga lang ngayon, nagkaroon na ng physical expression ang mga damdaming iyon. And he could not complain. Dahil kung noon maalaga na sa kanya si Alvin, higit ngayon na ang mundo ay tila sa kanya umiinog. Napakamaasikaso nito at laging iniisip ang kanyang kapakanan. Ang bawat gawin nito ay tila laging paghahayag kung gaano siya nito kamahal. Bagay na naa-appreciate niya at pilit sinusuklian.

Parang nakumpleto naman ang mundo ni Alvin at nagkaroon ng kahulugan ang kanyang buhay. Ang bawat araw ay laging puno ng saya at sigla. Ang masilayan at mahaplos ang mukha ni Vincent sa bawat paggising niya sa umaga ay laging may hatid na inspirasyon sa kanya. Higit siyang naging masipag at masinop. Ginampanan niya nang masigasig ang lahat ng tungkuling inaasahan sa isang “maybahay”. Wala na siyang mahihiling pa sa bawat gabing magkayakap sila sa harap ng tv habang nagre-relax dahil iyon na ang katuparan ng matagal niya nang pangarap.

Pilit namang binibigyan nina Alvin at Darwin ng semblance of normalcy ang friendship nila. Parang dati pa rin kahit pareho nilang nararamdaman na may nabago na. Alam ni Darwin na may nagawa siyang kasalanan subalit hindi niya iyon maamin-amin. Alam naman ni Alvin ang kasalanang iyon subalit minabuti niyang umiwas sa kumprontasyon. Anyway, nasa kanya na si Vincent at naagapan niya ang muntik nang pang-aagaw ni Darwin. Hindi na nila iyon kailangang palakihin pa at dahil may pinagsamahan naman sila, mas mahalagang pagtuunan na lang nila ng pansin kung paano isasaayos ang nagkalamat nilang pagkakaibigan.

Sa panig naman ni Darwin, mas pinili niya na lang ang manahimik at piliting maging masaya para kay Alvin. Kahit na masakit iyon para sa kanya dahil, aaminin niya, hanggang ngayon may pagtingin pa rin siya kay Vincent at hindi iyon nawawala kahit hindi na ito muling nakipag-communicate sa kanya mula nang magka-relasyon kay Alvin. Ipinagpasiya niyang tanggapin na lamang ang kanyang kabiguan. May panghihinayang man, kailangang magpatuloy ang takbo ng buhay, kalimutan ang maiksing kabanatang iyon at pagsumikapang ibalik sa dati ang lahat.

May nabago nga lang sa routine nila. Hindi na sumasabay si Alvin sa pag-uwi kay Darwin. Ang mga dahilan: dadaan pa sa supermarket, may bibilhin sa department store, nagpapasama si Mimi, et cetera. Hanggang sa dumating ang point na paglabas nila sa opisina, given na iyon na kanya-kanya na sila. Nagchichikahan pa rin naman sila katulad nang dati at sabay pa ring mag-lunch pero may mga topic na silang iniiwasang pag-usapan. Isa na roon ang tungkol kay Vincent.

Pero dumating din ‘yung time na nawala na ang ill feeling sa pagitan nila. Nakalimutan din nila ang nangyari at nabura ang hurt. Sabi nga “time heals all wounds” at dahil galos lang naman ang nangyari sa kanila, hindi naman naging mahirap na paghilumin iyon.

At nagkataon namang paparating na noon ang kaarawan ni Alvin.

Nagplano si Alvin ng intimate dinner. Siya, si Vincent, si Darwin at si Mimi. Secure na si Alvin dahil sa pagdaan ng panahon, naging matapat sa kanya si Vincent. Hindi na siya nag-alala sa muling pagkikita nina Vincent at Darwin. Gusto niya na rin kasing mailagay sa tamang lugar ang lahat. Okay, they may have stumbled at first pero kailangan nang kalimutan iyon dahil there is still a long road ahead na kailangan nilang lakbayin nang matiwasay. Parte ng buhay niya si Darwin kung paanong parte rin ng buhay niya si Vincent. At panahon na upang magkaroon ng harmony ang relasyon nilang tatlo.

May reservations si Mimi sa plano niya. Pero hindi siya nito pinigilan. Ang rason niya kasi: “Mas mahirap iyong natatakot ka sa multong nasa imahinasyon mo lang. Mas mabuting makaharap mo ito para malaman mo kung may dapat ka ngang ikatakot.” May punto naman siya kaya hindi na nakipag-argue si Mimi at umasa na lang na mapaplantsa nga ng pagkakataong iyon ang gusot na namagitan sa magkaibigan.

Nag-leave si Alvin sa mismong kaarawan niya at naging abala siya sa paghahanda para sa dinner party niya. Rest day naman ni Vincent at kahit puyat dahil nalipat sa graveyard shift, maaga itong gumising upang tulungan siya. Magaan at masaya ang kanyang pakiramdam habang nagluluto siya. Ito na ang pinakamasayang birthday niya dahil natanggap niya na ang pinakamagandang regalo sa buhay niya – si Vincent na extra lambing sa kanya habang sila ay gumagawa.

Bago mag-alas siyete na oras ng imbitasyon niya, nakaayos na ang mesa at nakapag-freshen up na sila. Unang dumating si Mimi.

“Happy birthday!” ang kaagad nitong bati kay Alvin pagbungad sa pinto sabay halik sa pisngi. May inabot pa itong regalo sa kanya.

Kaagad na pinagkilala ni Alvin sina Mimi at Vincent.

“Finally, I’ve met you,” ang sabi ni Mimi, pretending na iyon ang first time niyang makita si Vincent.

Nakangiti si Vincent na bumeso sa kanya at hindi napigilan ni Mimi ang mag-quip: “Gosh, you’re so guwapo. Kung hindi ka lang taken, liligawan kita!”

Natawa si Alvin at minsan pa ay naging proud siya sa boyfriend. Para namang nahiya si Vincent. Iyon ang isa sa mga endearing qualities nito na kahit totoong guwapo, parang hindi ito aware at nagiging uncomfortable kapag napupuri ang itsura.

Maya-maya pa, narinig na nilang pumaparada sa labas ang kotse ni Darwin. Curious si Mimi sa muling pagkikita nina Vincent at Darwin in the same way na hopeful din siya na walang magiging tensiyon whatsoever dahil gusto niya na ring matuldukan ang “away” nina Alvin at Darwin.

Kaagad na sinalubong ni Alvin si Darwin. Nagyakapan ang magkaibigan. Nakatayo sa likuran ni Alvin si Vincent na magiliw din ang ginawang pagtanggap kay Darwin. Nagkamay ang dalawa. Nahalata ni Mimi ang effort nilang magpaka-normal – nakangiti pareho na parang wala silang naging sikreto. Nakangiti rin si Alvin na parang limot na ang nakaraan. Good, ang naisip ni Mimi at para siyang nakahinga nang maluwag.

Bumeso si Darwin kay Mimi. “Bakla, ang ganda mo,” ang sabi.

“Ikaw din,” ang sagot ni Mimi.

After nilang mag-aperitif, nag-dinner na sila. Puring-puri nila ang mga pagkaing inihanda ni Alvin. Magaan ang kanilang conversation at wala namang naging tensiyon.

Nagko-coffee na sila at nagyo-yosi nang magkaroon ng idea si Mimi. “Hey, guys. Why don’t we go clubbing? Masyado pang maaga para tapusin ang selebrasyon.”

Nag-light-up ang mukha ni Darwin. “Yeah, let’s go to Malate. Mag-Bed tayo.”

Tumingin si Alvin kay Vincent na parang nanghihingi ng approval.

Vincent shrugged his shoulders. “Sure. Why not?”

Ilang sandali pa, palabas na sila ng bahay upang sumakay ng kotse. Si Mimi na ang kusang gumawa ng choreography.

“Vincent, sa akin ka sasabay. Ikaw, Alvin, kay Darwin ka.”

At habang on the road sila, nagkaroon ng pagkakataong mag-usap sina Darwin at Alvin.

“Friend,” ang sabi ni Darwin. “I have a confession to make. Hindi ko na sana ito sa’yo sasabihin pero after tonight, gusto ko totally ma-clear na ang air sa pagitan natin.”

Tahimik si Alvin. Nakikinig lang.

Nagpatuloy si Darwin. “There was this one time na sikreto kaming nagkita ni Vincent…”

“Alam ko,” ang tugon ni Alvin.

“Alam mo?”

“Hindi sinasadya, nakita ko kayo sa Starbucks.”

“Bakit hindi ka nagsalita about it?”

“Dahil ayokong mag-away tayo.”

“I’ve been meaning to tell you kaya lang nag-alala ako na magalit ka sa akin.”

“Tapos na iyon.”

“I am sorry. Inamin ko sa’yo noon na may gusto ako kay Vincent. Mali ang naging judgment ko na makipagkita sa kanya. Nagpadala ako noon sa damdamin ko.”

“Kalimutan na natin iyon. Ang mahalaga, maayos na ang lahat ngayon. Kami na ni Vincent and I hope, natanggap mo na iyon.”

“From the very start, sa’yo naman talaga siya at kailangan ko iyong tanggapin. ”

Katahimikan.

“May I just ask you something?” ang sabi ni Alvin pagkaraan.

“Ano yun?”

“Bakit kayo nagkita?”

Pinili ni Darwin ang maging truthful. “Pareho kami ng nararamdaman and we were trying to explore the possibilities.”

Truth hurts. Hindi nakasagot si Alvin.

“But that was before he made a decision na makipag-relasyon sa’yo. I think he finally realized na ikaw ang mas gusto niya at hindi ako.”

“Yeah,” ang naging tugon na lang ni Alvin. Mabuti na lang naging maagap siya.

***

Bed was bursting with life that night. The music, the lights and the beautiful people were all in synch. OMG was playing and everybody was dancing. Kaagad silang nag-blend in. Umakyat sa ledge sina Mimi at Darwin. Nanatili naman sa dancefloor sina Alvin at Vincent.

Ilang beses na ring napunta roon sina Alvin, Darwin at Mimi kaya at home na sila. First time naman ni Vincent at mukhang enjoy naman ito at hindi naaasiwa.

Nagsayaw sina Alvin at Vincent, nagyakapan at naghalikan. Siguro dahil na-carried away sila sa ginagawa ng iba pang mga pareha sa paligid nila.

Maya-maya, nagpaalam si Vincent na magre-restroom. Nagpaiwan si Alvin at hinanap ng tingin sina Darwin at Mimi. Si Mimi lang ang nakita niya, may kasayaw nang iba. Kinawayan niya ito.

Iniwan ni Mimi ang kapareha at bumaba ng ledge. Lumapit ito sa kinaroroonan niya.

“Nasaan si Darwin?” ang tanong niya.

“Ewan ko, biglang nawala,” ang sagot ni Mimi. “Siguro sumama na dun sa guwapong kasayaw niya. E, si Vincent?”

“Nag-CR lang.”

“Halika,” ang yaya ni Mimi. “Samahan mo ako, magsi-CR din ako. Hanapin na rin natin si Darwin.”

They squeezed their way paakyat sa second floor. Sumilip sila sa VIP room sa pagbabaka-sakaling naroroon si Darwin.

Kahit maraming tao, kaagad nilang natagpuan ang hinahanap.

At pareho silang nagulat.

Si Darwin. Nasa isang sulok. Kasama si Vincent. Halos magkadikit at seryosong nag-uusap.

Sinaklot ng panibugho si Alvin. Naningkit ang mga mata.

Tumingin siya kay Mimi. Tumingin din ito sa kanya, nakataas ang isang kilay.

“This time, hindi na kita pipigilan,” ang sabi ni Mimi. “Sugurin mo na sila. Go!”

(Itutuloy)

Part 7