Nasa loob ng Operating Room si Darwin. Napakabagal ng mga sandali habang naghihintay sa labas sina Alvin at Mimi. Tahimik sila. Batbat ng magkakahalong emosyon – shock, takot, pangamba.
Pagkaraan ng halos tatlong oras, bumukas ang pinto ng Operating Room. Kaagad na sinalubong nina Alvin at Mimi ang doktor. Nagtatanong ang kanilang mga mata.
Makulimlim ang mukha ng doktor na humarap sa kanila. “I’m sorry…” ang sabi.
Nayanig sila sa mga sumunod pang narinig. Nagsikip ang dibdib ni Alvin. Nanlambot ang kanyang mga tuhod. Napakapit siya nang mahigpit kay Mimi.
Nagsimula siyang umiyak. Niyakap siya ni Mimi.
“Oh my God. Oh my God,” ang paulit-ulit niyang usal.
***
Mula sa glass window ng ICU ay pinagmasdan ni Alvin si Vincent.
Nakalulunos ang ayos nito. Balot ng benda ang ulo. Naka-oxygen at nakakabit sa aparato. Walang malay at under observation pa dahil grabe ang mga pinsalang tinamo.
Dumaloy ang mga luha ni Alvin. Parang dinudurog ang kanyang puso.
“Lumaban ka, Vincent. Lumaban ka,” ang bulong niya.
Kung maaari niya nga lang hawakan at hagkan ang kamay nito.
***
“All I wanted is to love and be loved,” ang sabi niya kay Mimi. Nasa isang coffee shop sila sa may tabing dagat habang papalubog ang araw. “Bakit kailangang maging napaka-kumplikado ng pag-ibig?”
Nakikinig lang si Mimi. Alam niyang bottled-up na ang mga emosyon sa dibdib ni Alvin kaya hinayaan niya itong maglabas ng saloobin.
“Bakit kailangang mangyari ito?” ang tanong pa ni Alvin.
Bumuntonghininga si Mimi. “Hindi kita sasagutin ng cliché na may purpose ang bawat pangyayari sa buhay ng tao. Dahil maaaring wala. Pang-asar lang. Mapagbiro ang tadhana at gusto lang tayong gawing miserable. Pero bakit natin papayagan iyon? We only become miserable if we allow ourselves to be. Bakit ko hahayaang maging biktima ako ng putang-inang tadhana? Gawin niya na ang lahat ng gusto niya. Patayin niya na ako. Lalaban pa rin ako at hindi magpapatalo.”
“I actually feel defeated right now. Parang wala na akong lakas lumaban.”
“Alam mo kung bakit? Dahil ayaw mong tanggapin ang mga nangyari. Bakit hindi mo harapin ang biro ng tadhana. Pagtawanan mo kasi biro nga.”
“Hindi nakakatawa ang biro sa akin ng tadhana.”
“Pero wala kang choice. Hindi mo kontrolado ang mga pangyayari. Kung hindi mo pagtatawanan, talo ka. Hindi pwedeng maloka ka na lang forever dahil kapag nagkaganon, ikaw na mismo ang magiging biro. Alam mo, Alvin, marami na rin naman akong mga pinagdaanan pero heto, alive and kicking pa rin ako dahil sa bawat pagsubok na dumating sa buhay ko, lumalaban ako.”
“I wish I could be as strong as you.”
“Maaari kang maging strong. At magsisimula ang lahat sa acceptance.”
“Pero parang nawasak na ang mga pangarap ko sa buhay.”
“Kapag nagkaroon ka na ng acceptance, magagawa mo nang buuin muli ang mga nawasak sa iyong buhay. Maaari mo nang buuin pati ang iyong sarili.”
***
Pagkalipas ng ilang araw, idineklara nang out-of-danger si Vincent. Inilipat na ito sa isang private room. Nababalutan pa rin ng benda ang ulo at naka-cast ang leeg at braso. Naka-oxygen at naka-dextrose. Unconscious pa rin dahil sa epekto ng mga gamot.
Lumapit si Alvin. Naupo siya sa tabi ng kama. Hinawakan niya ang kamay ni Vincent. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Nanumbalik sa kanyang alaala ang masasaya nilang sandali. Mahal na mahal niya pa rin ito subalit nakapagpasya na siya.
Idinikit niya ang kamay ni Vincent sa pisngi niya. Umiyak siya nang umiyak hanggang sa masaid ang kanyang mga luha.
“Goodbye, Vincent,” ang usal niya.
Hinagkan niya ito sa huling pagkakataon bago siya lumabas ng silid.
***
Panahon ng taglagas. Nagkalat ang mga tuyong dahon sa park. Malamig ang simoy ng hangin na tila hihip ng pamamaalam.
Mula sa malayo, tinatanaw ni Alvin ang imahe ng dalawang nilalang na pilit ibinabangon ang mga sarili at humaharap sa bagong simula. Dalawang nilalang na nakakapit pa rin sa pag-ibig at humuhugot ng lakas sa isa’t isa.
Tulak-tulak ni Vincent ang wheelchair ni Darwin na nakukumutan ang ibabang bahagi ng katawan upang itago ang kawalan na nito ng mga binti.
Sinadya ni Alvin na magkubli. Ang balak niya sana ay magpapaalam siya subalit minabuti niyang huwag nang balikan pa ang mga mapapait na pinagdaanan nila. Sapat nang makita niyang masaya ang dalawa.
Bukas ay nakatakda na siyang mangibang-bansa upang harapin din ang bago niyang simula.
May kirot man sa kanyang puso, may kapanatagan naman sa kanyang kalooban dahil natanggap niya na ang lahat. Naroroon pa rin ang kanyang pag-ibig subalit hindi na iyon makasarili kundi mapang-unawa na at mapagparaya.
Tumalikod siya at humakbang palayo.
Umihip ang hangin at itinaboy ang mga tuyong dahon sa paanan niya.
Tiningala niya ang mga puno. Nahuhubdan man ang mga sanga nito ngayon, alam niya na muli itong sisibol sa pagpapalit ng panahon.
63 comments:
Clap clap clap!!!!! I'm looking forward to see your writings in all national bookstore shelves!!!
Great Job...
GO ALVIN!!!
ang galing. for some reason am sooo proud of Alvin.
.
.
sobrang pinaiyak mo ko Aris ha. tapos may ganyan pang kanta..hehe
.
.
pero ok na. prang si alvin lang =)
.
.
congrats Aris! and thank u for this story. clap! clap! clap!
nice ending. the way it used to be. sana nga mahanap ni alvin sa ibang bansa ang makakapagbigay ng kapanatagan ng kanyang puso. nakakarelate ako. *sniff*
it only tells us one thing - we cannot have everything in this world. maybe it is better for Alvin to move on...fate had it that even though Vincent and Darwin ended with each other, the karma to the injustice they did to Alvin will be with them for the rest of their lives...i salute you for a well-thought ending. it is not a forced one. with this, it just shows how good you are as a writer. keep on writing...
bat nabuhay pa si Darwin? hehehe. such a powerful end. nice. looking forward to your future stories.
thank u aris for your very sincere honest & entertaining stories. . . ur such a joy to read!
Weeeeee... bravo! ang ganda ng storya.. :)
Maghihintay pa ko ng mas marami pang kwento aris..:)
Teary eyed.
Ang galing mo Aris. I never thought na ganito ang ending. Iba sa iniisip ko. Iba ka talaga.
''THE BEST''
yan lang masasabe ko...:))
naantig ang puso ko, pramis!
T.T Nakakaiyak ng bonggang-bongga. Hay, major award for Alvin. Nawa'y mahanap nya ang tunay na kaligayahan sa ibang bansa, di man sa piling ni Vincent, malay natin may much better pa than him.
What a tragic but yet happy ending naman ang love story nina Darwin and Vincent. Sumaya na din ako kahit papanu kahit na team Alvin ako haha.
Congratulations Aris ng major major :D super idol na talaga kita. Galing, palakpakan :D
Ang ganda ng istorya! Napabuntong-hinga ako sa ending. Salamat, Aris!
Mabilis ang transitioning... kakaiba ang plot, mabilisan din, pero swak!
Salamat at medyo tamang lungkot lang ang ending... nakakaiyak lang...haayz..
love love love!!!
this is tragic but poignant! I love it Aris.
I am looking forward to more masterpieces like this from you!
Naku Team Darwin ako pero naman pinutulan pa ng paa ung bet ko. Sana pinatay na lang siya sa istorya para mas maloka si Alvin sa guilt trip. Or pinatay si Vincent para mas masaya. At least pwedeng maging istorya ulit un Darwin VS. Alvin- mas feisty ung mga karakters sa susunod na kwento.
ito na ang papalit sa primetime bidang KRISTINE... o kaya sa hapontastic na PRecious heart presents... hehehe
(***singhot***)
kaiyak naman...
ang lungkot pero ang galing! kuhang kuha ang baway emotions. nagkakaroon ng buhay lalo na pag hinaluan ng imagination ang nagbabasa ng kwento.
friend, pinaluha mo ako dito ng bonggang bongga. i hope you're doing well. tagal na kitang di nakikita.
@randy: wow, sana nga magkatotoo yan! :)
@desole boy: salamat din. my pleasure to share to you my stories. :)
@jinjiruks: nice to know na nagustuhan mo ang ending at naka-relate ka. :)
@anonymous: your comment inspires me to keep on writing. thank you. :)
@dsm: i am working on something now. i hope you will also like it. please watch for it. :)
@anonymous: thank you for the compliments. i am humbled and honored at the same time. :)
@nicos: salamat, nicos. pagbubutihan ko pa para sa'yo ang susunod kong mga kuwento. :)
@dhenxo: coming from somebody na magaling din magsulat, malaking papuri ito. salamat. :)
@toffer: masaya ako na na-touch ka ng kuwento. sana di ka magsawa sa pagbabasa ng mga isinusulat ko. :)
@bjoy: major major thank you. naloka naman ako sa sobra sobra mong papuri. sana abangan mo rin ang susunod na serye. :)
@lasherations: salamat din sa'yo. sana patuloy kitang mapasaya sa mga susunod pang susulatin ko. :)
@mark joefer: thanks. binilisan ko talaga ang pacing para naman hindi maging masyadong heavy. i am happy na nagustuhan mo ang ending. o, huwag ka nang malungkot. hehe! :)
@ewan: sa sinabi mo lalo tuloy akong ginaganahang magsulat. sana lagi kang nandiyan para magbasa. thanks a lot. :)
@anonymous: hmmm... pwede nga. pwedeng mangyari kung sakaling magkakaroon ng sequel. at sa pagitan ng mga bagong characters. napapag-isip na tuloy ako ngayon ng panibagong plot. hehe! :)
@wandering commuter: friend!!! kamustasa kalabasa? primetime bida na, hapontastic pa! hahaha! salamat sa pagdaan. sana na-enjoy mo ang final chapter. :)
nabitin ako.. ehehe.. sana may next season pa tong kuwento nila.. ehehe
@al: friend, sorry, pinaiyak kita. alam mo, i thought about you when i went on vacation sa camsur. taga-naga ka nga pala. sayang, di natin naplano. sana nag-meet tayo. anyway, next time. babalik uli ako diyan. mabalos saimo. :)
@mike: oo nga, friend. mula kasi nang masunog ang bed, tinatamad na akong magpunta sa malate. i am hoping na sana one of these days, magkita-kita tayo uli. ok naman ako. ikaw, kumusta na? happy na ba ulit ang lovelife? hehe! ingat always. touched naman ako sa comment. :)
@virex: well... abangan na lang natin. hehe! thanks, virex. :)
Dapat mapalabas eto sa MMK! bravo!
@the golden man: wow naman. thanks, friend. :)
You never fail to amuse and amaze me with your stories. i felt every emotion while reading it. kaiyak ako promise. more stories pls :D
@sheen: a new series is coming up. sana magustuhan mo rin. watch for it! thanks, sheen. :)
Hahaha..! At least hindi nasayang pagpunta mo and you also learned a few Bicolano phrases.. Mabalos man saimo amigo☺. Oo nga, sayang pero may next time pa naman. Just inform me in advance para makapag-bonding tayo☺..
How was your visit pala to our Peñafrancia Fest?☺
i hate you for this. puyat tuloy ako dahil pilit kong tinapos ang story! beauty sleep pa ako nito.
pero my pimple for tomorrow is so worth it. loved it!
@icarusboytoy: hehehe! thanks a lot. :)
Katatapos ko lang basahin lahat at talagang tinapos ko during company hours. Wagi! I am amazed at how you started and ended the story. Galing. I hope you don't mind if I repost the links to the story in my blog.
Basta. Winner!
@adam: hello adam. salamat at pinagtiyagaan mong basahin ang buong kuwento. salamat din at nagustuhan mo. sure, you may repost the links in your blog. tc always. :)
oh gosh! napaiyak mo ko dun! i dont normally comment sa mga blogs pero i cant resist, ang galing mo! i love ur work! if u have a book il buy it! God Bless and more power! continue writing
@anonymous: wow, sulit na sulit naman ang mga pagod ko sa pagsusulat kapag nakakatanggap ako ng ganitong comment. maraming maraming salamat. pramis, higit ko pang pagagandahin ang aking mga posts para patuloy kitang mapasaya. :)
please do! heheh and yeah you make me smile and cry at the same time hehe! is this from personal experience kasi i really do feel alvin's pain
John
@john: this is fiction pero may mga karanasang pinaghugutan ng emosyon. thanks, john. :)
aris, sawi ka ba?
galing ng kwento. bad3p nalungkot ako.
hirap ng ganitong sitwasyon.
-kokey
@anonymous: hindi naman. hehe! kathang-isip lang. thanks, kokey. :)
Sad mode.... Galing! galing! galing!... Di ko expect ganito ang ending... Teary eyed ako.. Hehehe..
more stories to come..
regards aris.. keep it up... thanks sa mga stories.. :)
@adventure: am so glad na kahit medyo sad ang ending, nagustuhan mo pa rin. i highly recommend na basahin mo rin ang "dove". salamat sa pagbabasa at sa follow. ingatz. :)
WOW!!! Brilliant plot, amazing characters, and a great writer! can't wait to read more of these.. thanks, Aris...
@corix: maraming salamat din sa'yo. sana palagi kang mag-enjoy sa mga kuwento ko. :)
My Gosh! I love the story...nakaka-iyak...kaya ayaw ko ma-inlove..dahil ayokong masaktan ng ganito..ansakit! but i love the story...grabe.....GOOD JOB ARIS!
@lancenette: thank you very much. sana magustuhan mo rin ang iba ko pang mga kuwento. may i recommend "dove" as your next read? enjoy and take care always. :)
grabe ang ganda ng story mo aris! Clapclapclap
xoxoxoxo
@cugertz: maraming salamat. balik ka uli ha? :)
nice! very nice!
@badtiger280: thank you. :)
Another great story from you kuya Aris! Naramdaman ko lahat ng emosyon. Ilang beses ako nag-isip kung Team Alvin o Team Darwin ba talaga ako kasi pareho ko silang naramdaman. Naramdaman ko si Alvin kasi siya yung pinakanasaktan pero naramdaman ko rin si Darwin kasi inalala niya din si Alvin kahit papano. Thank you sa story kuya!
@denzhel: hello, denzhel. salamat sa appreciation. masaya ako na napapasaya ka ng mga kuwento ko. tc. :)
Oh my God! Grabe talaga aris naiyak ako......you are such a writer.....top calibre.....go on writing and hare it to us.....God bless....
@kenny ben: thank you, kenny. basahin mo rin ang "dove". palagay ko, magugustuhan mo rin siya. god bless you too. :)
wow.. great story... i really love it... sarap gawing movie yang story mo po.. for sure daming maiinlab at iinspire sa story mo.. isa na ako dun... hehehe
@jake: thanks, jake. malay natin, in the future, maging movie nga. pwede naman nating pangarapin, di ba? hehe! :)
shit alvin... pigil na pigil ko ang pagtulo ng aking mga luha. actually pati sipon. nakakainis ka... sinabayan pa ng malulungkot natugtugin. i hate you...
thanks for the beautiful story. keep writing. someday you'll magkakaroon ka din ng malaking break! idol!
*clap clap*
@hard.ass.kisser: maraming salamat. natutuwa ako na kahit malungkot ang kuwento, naibigan mo pa rin ito. patuloy akong magsusulat at sana ay magdilang-anghel ka upang matupad ang pangarap ko ring maihatid sa mas nakararami ang aking mga kuwento. ingat always. :)
ikaw din... at aabangan ko ang iyong mga kwento... :D
*hugz*
ikaw din.. salamat muli.
*hugz*
wah grabe toh. napaiyak ako. tnx for inspiring me with ur works aris. :)
@jake206: thank you too for reading and appreciating. i hope you enjoy my other stories as well. tc. :)
Ganon b dapat ang ending,,,parang di ko kinaya,,buti nlang my karma,,pasensya n pero naawa ksi ako ky alvin,,lahat ksi ginawa nya,,pero wala p rin pala,,kya mhirp tlagang mag mahal ng subra,,,,,,salamat,,,
Ang swabe ng flow. Thanks for this, Aris. :-)
@anonymous: salamat din. :)
@pink 5ive: thank you din sa pagbabasa. :)
Post a Comment