Humakbang siya patungo sa kinaroroonan nina Darwin at Vincent. Kasunod niya si Mimi.
Bumabayo ang tibok ng kanyang puso at pumipintig pati ang mga ugat sa kanyang sentido.
Nang makalapit, napansin niyang magkahawak-kamay ang dalawa. Nagsikip ang kanyang dibdib. Nag-init ang kanyang mukha. Nawalan ng puwang ang pagpapakahinahon.
“Ano’ng ibig sabihin nito?” May dagundong ang kanyang tinig.
Nagulantang sina Darwin at Vincent. Kaagad na nagbitiw. Gumuhit sa mukha ang ligalig.
Matalim ang tingin sa kanila ni Alvin, bakas ang galit.
“Nag-uusap lang kami,” ang sagot ni Darwin.
“Ano’ng pinag-uusapan n’yo? May dapat ba kayong pag-usapan?” Maigting ang mga salita ni Alvin.
“It’s not what you think…” ang sagot naman ni Vincent na umakmang aakbayan siya.
Tinabig niya ang braso ni Vincent. “Huwag na kayong magkaila. Huling-huli ko kayo.”
Hindi nakasagot ang dalawa.
“Hindi n’yo man lang inisip na nandito ako. Ang lakas ng loob n’yong gumawa ng ganito.”
“Wala kaming ginagawang masama,” ang giit ni Vincent.
“Nandito kayo sa isang sulok. Halos magdikit ang mga mukha ninyo. Magkahawak-kamay pa kayo. Tapos sasabihin ninyo, wala kayong ginagawang masama?” Malakas na ang boses ni Alvin at nag-a-attract na siya ng atensiyon sa iba pang mga taong naroroon.
“Alvin, please. Tone down,” ang saway ni Vincent. “Nakakahiya sa ibang tao.”
“Nakakahiya sa ibang tao? Pero sa akin, hindi kayo nahihiya?”
Hinarap niya si Darwin. “Minsan mo nang pinagtangkaang agawin sa akin si Vincent. Wala kang narinig sa akin. Pero hanggang ngayon ba naman, hindi ka pa rin titigil? Kailangan ko pa bang magmakaawa sa’yo para layuan mo si Vincent? Tama na ang panggugulo mo sa amin. Itigil mo na ang pang-aagaw kay Vincent.”
“Alvin, please…” Muli, ang saway sa kanya ni Vincent.
Binalingan niya si Vincent. “Hindi pa ba sapat ang mga ginagawa ko para sa’yo? Ano pa ba ang kulang? Nagkukunwari ka lang ba na mahal mo ako pero si Darwin talaga ang gusto mo? Bakit n’yo ginagawa sa akin ito?”
“Wala kaming ginagawa sa’yo.”
“Meron. Niloloko n’yo ako! Ginagago!”
Napapaligiran na sila ng mga usyuso na nanonood at nagbubulungan.
Hindi na nakatiis si Mimi. Hinawakan niya sa braso si Alvin at hinila palayo.
Kahit nanginginig sa galit, kusang sumama si Alvin dahil pagkaraang maibulalas niya ang damdamin, nagsimula siyang makaramdam ng panghihina.
Napakapit siya kay Mimi. Maya-maya, napaiyak na siya.
Niyakap siya ni Mimi at inalo.
Matagal din siyang humagulgol sa balikat ni Mimi. At nang mahimasmasan, siya na mismo ang nagyayang umuwi.
Tinungo nila ang labasan.
“Alvin, wait,” ang sabi ni Mimi nang nasa tapat na sila ng restroom malapit sa exit.
Tumingin siya kay Mimi.
“Can you give me a minute?”
“Bakit?”
“Ihing-ihi na kasi ako. Hindi ko na matiis.”
Nag-roll ang mga mata ni Alvin.
“Bilisan mo, bakla. Panira ka ng moment.”
***
Naiwan sina Darwin at Vincent na gulat at parang hindi makapaniwala sa naging pagkumpronta sa kanila ni Alvin.
Totoong nakalimot sila nang maaktuhan sila. Siguro dahil sa nainom kung kaya hindi nila napigil ang kanilang mga kilos. Siguro dahil nangibabaw ang tunay na damdamin nila sa muling pagkikita kaya nadala sila.
Pareho nilang alam na mali iyon subalit ano pa ang magagawa nila. Nakita na ni Alvin ang hindi nito dapat makita.
Hindi nila alam ang sasabihin sa isa’t isa. Magkakahalo ang nararamdaman nila. Pagkapahiya, pagsisisi, pangamba. Nalulungkot din sila dahil humantong iyon sa gulo. Paano pa nila aayusin iyon?
Kasalanan din nila. Pero masidhi talaga ang damdamin nila para sa isa’t isa. Pareho nila iyong hindi maunawaan at nahihirapan silang paglabanan.
Nakakapaso na ang tingin ng mga taong nakapaligid sa kanila kaya niyaya na ni Vincent si Darwin na umalis.
“Uminom na lang tayo sa labas,” ang sabi ni Vincent.
Napasunod na lang sa kanya si Darwin. He needed a drink.
Lumabas sila ng Bed at naglakad patungo sa Silya. Nang hawakan ni Vincent ang kanyang kamay, hindi tumutol si Darwin. May nadama siyang comfort nang gagapin siya nito nang mahigpit.
***
“Tama ba ang ginawa ko?” ang tanong ni Alvin kay Mimi habang nagda-drive na sila pauwi.
“Tama ba ang ginawa nila?” ang buwelta ni Mimi.
“Sana nagpakahinahon ako. Nagpaka-disente.”
“Sila ang dapat na nagpaka-disente.”
“Hindi ko ngayon alam kung paano haharapin si Vincent. Hindi ko alam kung paano aayusin ang gulo namin.”
“Mag-usap kayo. Bigyan mo siya ng pagkakataong makapagpaliwanag. Huwag mo siyang aawayin. Nagawa mo na iyon kanina. Huwag mo rin siyang papipiliin. Hayaan mong siya ang magdesisyon.”
“Natatakot akong malaman iyon. Masasaktan ako kung iiwan niya ako.”
“You need to know where you stand. At kung taliwas man iyon sa iyong inaasahan, kailangan mong tanggapin.”
“Hindi ba dapat ipaglaban ko ang pag-ibig ko?”
“Ginawa mo na ‘yun. At sa giyera, kung mas malakas ang kalaban, kailangan mong umurong. Dahil kung hindi, siguradong mamamatay ka.”
“Pero… mamamatay din ako kapag nawala sa akin si Vincent.”
“Anong gusto mong isagot ko sa’yo? Ipalilibing kita? Huwag kang OA, bakla. Akala mo lang yan. Hindi nakamamatay ang mawalan ng minamahal. Tingnan mo ako, fabulous pa rin.”
“E hindi ka naman loveless. May boyfriend ka, di ba? Yung asawa ng kaibigan mo?”
“Wala na.”
“Anong wala na?”
“Nag-break na kami. Nag-usap kami at sinabi niyang mas mahal niya ang kanyang asawa. Kesa ipagpilitan ko ang aking sarili… kesa ipaglaban ko ang aking pag-ibig… tinanggap ko na lang. Talo na eh. Kaya move on na lang.”
“Pero kabit ka. Ako, asawa.”
“Sa kaso n’yong mga bading, kung sino ang mas mahal, ‘yun ang asawa. Kung mas mahal niya si Darwin, ikaw na ang kabit. Ipagpipilitan mo pa ba ang iyong sarili?”
***
Magkaharap sila sa mesa, nakatingin sa isa’t isa habang tumutungga ng Red Horse. Maingay ang paligid pero tahimik sila at parehong nag-iisip.
Pagkaraang maubos ang tig-isang bote, umorder uli sila. At saka nag-usap.
“Dahil sa nangyari ngayong gabi, kailangan nang ituwid ang mga pagkakamali,” ang sabi ni Vincent.
“Ano’ng ibig mong sabihin?”ang tanong ni Darwin.
“Kailangan na nating magpakatotoo sa ating damdamin. Mahal kita, Darwin.”
“Mahal din kita, Vincent. Pero paano si Alvin?”
“Hindi niya rin gugustuhing mabuhay sa pagkukunwari. Hindi ko kayang ibigay sa kanya nang buong-buo ang pag-ibig ko.”
“Mahal mo ba siya?”
“Oo. Pero naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung anong uri ng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa’yo, sigurado ako. Mahal kita dahil gusto kitang makasama… maging partner sa buhay… makasiping sa kama.”
Humugot ng malalim na buntonghininga si Darwin. “Ayoko sanang magmukhang kontrabida pero hindi ko rin mapaglabanan ang damdamin ko. Ayoko rin sanang saktan si Alvin pero nagawa ko na at sa puntong ito, hindi ko alam kung maibabalik pa sa dati ang friendship namin. Maaring hindi na. At kung mawawalan din lang ako ng kaibigan, ayokong mawalan ng minamahal.”
“Panahon na ng pagpapakatotoo. It has to be you and me. Huwag na nating ipilit ang isang bagay na magpapahirap lang sa ating tatlo.”
Muli silang tumungga ng beer. Bottoms up. Hindi nila alintana ang bumabanat ng “There’s No Easy Way” sa videoke.
***
“Should I bring you home now?” ang tanong ni Darwin kay Vincent. Marami na silang nainom at bago pa tuluyang malasing, tumigil na sila dahil magda-drive pa si Darwin.
“Yeah. Iuwi mo na ako sa bahay mo,” ang sagot ni Vincent.
“Seryoso ka?”
“Yeah. I want to be with you.”
“Hindi ba dapat umuwi ka muna ngayon kay Alvin?”
“What for? I am leaving him.”
Hindi alam ni Darwin kung matutuwa siya o malulungkot sa kanyang narinig.
***
“I think you should do this right,” ang sabi ni Darwin. “Hindi maaaring basta mo na lang talikuran si Alvin. Hindi madali pero kailangan mong makipaghiwalay sa kanya nang maayos.”
Nasa kotse na sila at nakahinto sa stoplight sa isang intersection.
“You owe it to him, ang ipaintindi sa kanya ang sitwasyon,” ang patuloy ni Darwin. “Kailangan muna ninyong mag-usap.”
Nakikinig sa kanya si Vincent at nag-iisip.
Sabay sa pagpapalit ng ilaw ay ang pagdedesisyon nito. “You’re right. Turn around.”
Dahil sa biglaang utos ni Vincent, kumabig pakaliwa si Darwin sa halip na dumiretso.
Hindi niya napansin ang paparating na truck mula sa kabilang lane. Mabilis ang takbo nito.
Hindi na nagawang umiwas ni Darwin. Sumalpok sila rito.
Sa sobrang lakas ng impact, bumaliktad ang kotse at tumilapon sa center island.
(Tatapusin)
Part 8
30 comments:
pwedeng pwede ka nang writer sa mga teleserye..hehe..:)
aabangan ko to, this is getting so exciting...
nice chapter aris!!!! more more!!!
hmm.. medyo ok na sana.. kaso ayaw ko nung ending.. nabitin siguro ako kaya ganun.. ehehe..
@toffer: wow naman. thanks, toffer. mwah! :)
@maginoongbulakenyo: am glad you liked it. conclusion coming up! :)
@virex: hindi ka mabibitin kasi may karugtong pa. abangan ang final chapter! salamat, virex :)
wow..aries!! galing!! can't wait for Chances 8..ron
astig ng mga cliffhanger mo...
.
.
.
at grabe ha, feel na feel ko pa rin talaga si Alvin.
GO Alvin! Kaya natin 'to! Hahaha!
woah... damn.
sobrang tensyon nararamdaman ko sa series na to. nakikita ko sarili ko. wahaha. Nicely done by a Master Story Teller.
Sa mga nasa sitwasyon ni Alvin, it's much better to accept defeat kung umpisa palang alam mo nang talo ka na. But that's just me.
patay..... bitin naman, final chapter plsssssssssssss...arissssssss
yan ang karma sa mga manlolokong nahuhuli, hahaha!
waaahhhhh..next! next!
excited na ko sa kasunod!!!hehehe di naman sa pinepressure kita, pero sobra!...sobrang galing!
@ron: thanks, ron. coming soon na ang conclusion. :)
@desole boy: go team alvin! :)
@dsm: kakagulat ba? hehe! :)
@barakong pinoy: wow, tanggal naman ang pagod ko dahil sa comment mo. salamat. :)
@rex: don't worry, malapit na ang karugtong. :)
@john stanley: korekness. yan ang napapala ng mga taksil. hehe! :)
@nicos: nasimulan ko nang gawin. inuunti-unti ko na. post ko kaagad pagkatapos. thank you, nicos. :)
ayan sige Alvin. Patay na si Darwin at Vincent. Masaya ka na? Masaya ka na??? Huhuhuhuhu.... Di ko man lang natikman si Vincent. huhuhuhuhuhu.
it is a good story. and i emphatize with Alvin. don't ever trust somebody when it ocmes to love. on the part of Darwin, he should have known better not to double-cross a friend. and Vincent - he is an opportunist. PLU are always victims of many Vincents - they are there when they can get something from us. what we need is to feel what others feel in order for us to be just in our dealings with them. this is the Golden Rule, isn't it? well, i do believe in karma too...
first time ko mag-comment dito and lagi ko sinusubaybayan kung may update na... and i've been a fan simula nung ma-discover ko tong blog na ito.. mr. author never failed my interests... you deserve what you have... congrats... :DD
oh sh*t...
panalo!!!! yan ang dramarama. hihi. nice one Aris! :)
panalo talaga ang serye na ito sir aris, bow ako sau, lalo na sa line na ito - less siping sa kama nga lang, nevertheless, ang galing galing mong scriptwriter aris. ibigay na sa indie director itong script na ito.
“Oo. Pero naguguluhan ako dahil hindi ko alam kung anong uri ng pagmamahal ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero sa’yo, sigurado ako. Mahal kita dahil gusto kitang makasama… maging partner sa buhay… makasiping sa kama.”
uggh! bket may accident pa huhu sana walang casulaties, sana galos lang pero i have a feeling madededbol si Vincent LOL..tama naman, sila tlaga ang nagmamahalan e, kaya Team Darwin na ako, sya naman ang LOVE kc ni Vincent hehe :)
i like
waaa... final chapter na?? huhuhu..
Team Darwin ako!
Nice story.. I cant wait for the last chapter! :)
huhuhu, master aris, grabe.. ang sakit sakit sakit... nakakaasar!! nakakaasar!! nakakaasar!!!
alam kong mahirap ang sitwasyon ng mga charactrs.. pero, mas mahirap agn sitwasyon ngayon ng mga katulad kong readers.. hindi ko alam kung kanino papanig, bwaahHHhh!!
but somehow, i love it.. ;)
ohhh.... SH----ttt... anu bato...grrr...
huhuhu...
anu kaya next na mangyayari...huhuhu...
ayoko ng sad story...pero feel ko sad tlga ang story...
Team Darwin! Wooh!
I don't know what to feel with the sudden rush of emotions filling me after reading the 2 chapters... Grabe. I so pity Alvin,but I cannot hate Darwin and Vincent.. Right now, I feel for Darwin. I am Darwin. Ah! Friend, what have you done?! Lol.. I can relate so much to their story. Life (***sigh***)
OMG! anu na? revelation kung revelations ang drama. bongga! may accident factor pa. haha. :D ay naku huling-huli na ako sa mga update mo Aris :D Finally nakahabol din ako sa istorya ng chances, napag-iiwanan na talaga ako. Keep it up :D part 8 na.
wala akong masabi...nice job...
kudos!!!!
PLU is a dangerous ground to fish...this in not fiction reality bites...wahehehe
raceboi
Hi Aris,
I hate you so much!!!!
There were 4 weeks or more that I have not visited your blog because of Chances because it always breaks my heart every time I read this story. I don't know, but I kinda feel for Alvin...for Vincent and for Darwin. It's so hard to read a story that you know it happened once in your life and it's the reason why until now you can't move on.
I was about to, but every time I read this kind of story, all the memories flash back and it kills my heart so softly.
Honestly, I cried a little (nasa office ako)reading the most recent chapter you wrote. That's so freaking unfair!
I don't want to read the previous chapters... I just want to know the end, and please don't make it so hard for me.
Love you always,
Macky
P.S thanks for dropping by to my blog.
Post a Comment