Sunday, November 28, 2010

Dove 6

Dinala niya ako sa Bed, ang pinakasikat at pinaka-in na dance club sa Malate.

Nginitian niya lang ang receptionist, tuluy-tuloy na kami sa loob. VIP pala siya roon.

First time kong makapasok sa lugar na iyon at namangha ako kung gaano kasaya at kasigla sa loob.

Nagsasalimbayan ang makukulay na ilaw sabay sa tiyempo ng mabilis na tugtog. Siksikan ang mga kalalakihan sa dancefloor, gayundin sa ledge.

Ang daming guwapo. May mga hubad-baro na nagbibilad ng magagandang katawan. May mga nagyayakapan at naghahalikan. Malaya at walang pag-aalinlangan ang mga naroroon sa paghahayag at pagdiriwang ng kanilang kasarian.

Nakangiti at may kislap sa mga mata na pinagmasdan ko ang aking kapaligiran. Nakadama ako ng excitement, ng kakaibang tuwa. Para akong bata na napasok sa Enchanted Kingdom.

Napatingin ako kay Gilbert. Nakangiti rin siya habang pinagmamasdan ang aking reaksiyon. Hinawakan niya ang aking kamay at giniyahan niya ako papunta sa bar. Medyo gitgitan kaya nahirapan kaming makiraan. Mahigpit ang kapit ko sa kanya na parang takot akong mawalay.

“Hey, Gilbert!” ang bati sa kanya ng isa sa mga nakasalubong namin.

“Justin!” ang bati niya rin.

Nagyakapan sila.

“This is Mark,” ang pakilala niya sa akin. “Mark, Justin.”

Kinamayan ako ni Justin. “Nice meeting you, Mark.”

“Nice meeting you, too.” Nakangiti ako kahit medyo nahihiya. Deep inside natuwa ako sa pagpapahalaga sa akin ni Gilbert. Gayundin sa magiliw na tugon ni Justin. Parang nakalimutan ko ang tunay kong katayuan dahil sa munting respetong natanggap ko mula sa kanila.

Saglit silang nagkumustahan bago kami nagpatuloy. At bago namin narating ang bar, isa pang kaibigan ni Gilbert ang bumati sa kanya. Humalik pa ito sa pisngi niya. Sandali silang nag-usap.

“Si Mark nga pala,” ang baling ni Gilbert sa akin pagkatapos. “Mark, this is Brandon.”

Hinagod ako ng tingin ni Brandon.

“Is he your new boyfriend?” ang tanong niya kay Gilbert.

“What do you think?” ang sagot ni Gilbert.

Ngumiti si Brandon at niyakap ako. Dama ko ang mainit niyang pagtanggap sa akin. Hindi ko inaasahan iyon pero natuwa ako.

“Huwag mong sasaktan ang kaibigan ko,” ang sabi pa.

Sumakay ako sa assumption niya. “Baka ako ang saktan niya,” ang sagot ko.

“I don’t think so. Mabait siya,” ang sagot niya. Na kaagad kong pinaniwalaan. At pinanghawakan dahil kung mayroon man akong pinangangambahan, iyon ay ang masaktan dahil sa namumuong damdamin ko kay Gilbert.

“Sikat ka pala rito,” ang sabi ko kay Gilbert nang nasa bar na kami.

“Marami lang kaibigan,” ang mapagkumbaba niyang sagot.

Tinanong niya ako kung ano ang gusto kong inumin.

“Bahala ka na,” ang sagot ko. Ang totoo, hindi ko alam kung ano ang puwede kong orderin.

“Blue frog,” ang sabi niya sa bartender.

Isinilbi iyon sa amin na nasa pitsel at may dalawang straw. Ibig sabihin, magsasalo kami.

“Ito ang famous cocktail ng Bed,” ang pagbibigay-impormasyon niya. “It’s like no other and they do it best here. Kakaiba rin ang tama nito.”

Hindi ako pamilyar sa inuming iyon pero nang matikman ko, nasarapan ako. Manamis-namis at suwabe ang pasok. Nag-share kami sa drink at may mga pagkakataong nagkakatinginan kami at nagkakangitian habang nagsi-sip.

At dahil nagustuhan ko ang drink, naging sunud-sunod ang aking pag-inom at hindi nagtagal, naramdaman ko na ang sipa niyon. Kakaiba pala talaga. Dahil nawala ang inhibitions ko at lumakas ang loob ko. Naging madaldal din ako.

“Alam mo, Gilbert, ang saya-saya ko ngayon,” ang sabi ko.

“Bakit naman?” ang tanong niya.

“Dahil kasama kita.”

Ngumiti lang siya. Muli kong napagmasdan ang kaakit-akit na facial features niya.

“Ngayon ko lang uli naramdaman ang ganito,” ang patuloy ko. “Parang nakalimutan ko kung ano ako dahil sa ipinapakita mo sa akin. Na sa kabila ng pagiging mababa ko, tinatrato mo ako nang mabuti.”

“Hindi mo na kailangang sabihin ‘yan. Mabuti kang tao and you deserve it.”

Parang haplos iyon sa aking puso. Gusto ko siyang yakapin bilang pasasalamat subalit parang hindi proper.

Muli, isang kaibigan ang bumati sa kanya.

At nang ipakilala niya ako, ako na mismo ang nag-volunteer ng pangalan ko.

“Anton. Ako si Anton,” ang sabi ko.

Kinamayan ako ng kaibigan niya. “Nice meeting you, Anton.”

May pagtatanong sa mga mata ni Gilbert habang nakatingin sa akin.

Pagkaalis ng kaibigan niya, nagpaliwanag ako. “Anton ang totoong pangalan ko. Alias ko lang ang Mark dahil sa trabaho. Habang maaga, puputulin ko na ang pagkukunwari at magpapakatotoo na ako. Ako si Anton Alvarez. Gusto ko uling magpakilala sa’yo. At sana tanggapin mo ako bilang ako at hindi bilang si Mark.”

Tumitig siya sa akin na parang pinag-aaralan ako. Saglit akong nawala sa softness ng kanyang mga mata. Maya-maya, ngumiti siya at inabot ang kamay ko.

“Ako si Gilbert Garcia,” ang sabi niya. “Ikinagagalak kitang makilala, Anton.”

Ngumiti rin ako at mahigpit na nakipagkamay sa kanya. “Salamat.”

Tumugtog ang “I Will Go With You”. Nakita kong nagliwanag ang kanyang mukha.

Hindi ako nakatanggi nang hilahin niya ako sa dancefloor upang magsayaw. Sabagay, wala naman akong dapat ipag-alala dahil isa iyon sa mga strengths ko. Bata pa ako mahilig na akong sumayaw at alam kong magaling ako.

Nagsimula kaming umindak. Hindi naglalayo ang mga mata namin sa isa’t isa. Siguro dahil sa makahulugang musika o dahil sa aking pagkalasing kung kaya ako na mismo ang naglapit ng aking mukha at nag-initiate ng halik.

Malugod niyang tinanggap ang aking bibig. At sa paglalapat ng aming mga labi, napapikit ako. Niyakap niya ako at para akong idinuyan. Nawala ang mga pangamba ko at agam-agam. Nakadama ako ng kapanatagan… ng comfort… ng proteksyon. Para akong naging invincible na walang maaaring manakit sa akin nang mga sandaling iyon. Parang nabura ang aking mga takot.

Nagpalit na ang tugtog, hindi pa rin ako bumibitiw sa kanya.

Maya-maya, bumulong siya sa akin.

“Halika, iuuwi na kita.”

***

Inuwi niya ako sa bahay niya.

Isang condominium iyon sa Makati. Masculine ang interior, minimalist ang dekorasyon at essentials lang ang mga gamit.

Napansin ko ang drafting table sa isang gilid. May nakapatong na blueprint ng plano ng bahay doon. Kahit hindi niya sabihin, alam ko na ang kanyang propesyon. Isa siyang arkitekto.

Pagpasok namin sa kanyang silid, muli isang bagay ang napansin ko sa kanyang bedside table. Hindi ko naiwasang mapatitig doon.

Isang picture frame na may larawan niya kasama ang isang lalaki. Magkaakbay sila at parehong nakangiti.

Pinagmasdan kong mabuti ang itsura ng lalaki. Guwapo. Mestisuhin. Maputi. Bagay na bagay sila. Sabi nga, a picture paints a thousand words. Parang nahulaan ko na kung sino ang lalaking iyon.

“My ex,” ang kanyang pagkumpirma.

Obviously, mahalaga pa rin ito sa kanya dahil sa larawang iyon sa tabi ng kanyang kama. Mahal niya pa rin kaya ito? May selos akong naramdaman kahit alam kong wala akong karapatan.

Kaagad na dinampot ni Gilbert ang picture frame at ipinasok iyon sa drawer.

“Tapos na ang lahat sa amin. It’s time for me to move on,” ang kanyang sabi.

Nilapitan niya ako. Marahan niyang hinaplos ang aking buhok, ang aking mukha. Sapat upang pawiin ang anumang pagdaramdam sa aking dibdib.

Wala akong naging pagtutol nang hubaran niya ako.

Naghubad din siya at dinala niya ako sa banyo. Binuksan niya ang dutsa ng shower at dinaluyan kami ng masaganang tubig.

Sinalat namin ang depinisyon ng aming mga katawan. Gayundin ang hugis ng aming mga kaangkinan. Appreciatively, hinaplos-haplos namin ang mga sensitibong bahagi at nilaro-laro ang mga iyon.

Maya-maya, para akong bata na kanyang sinabon. Napapikit ako habang hinahagod ng kanyang mga palad. Pakiramdam ko, hindi lang dumi ng aking katawan ang kanyang tinatanggal kundi pati na ang unworthiness na nasa aking isip.

At dahil grateful ako, ginawa ko rin iyon sa kanya. Sinabon ko siya mula ulo hanggang paa. Subalit hindi iyon paglilinis kundi pagsamba.

Paglabas namin ng banyo, dumiretso kami sa kama. Humiga kami nang magkatabi. Humarap kami sa isa't isa at nag-usap ang aming mga mata.

Nagyakap kami at naghalikan. Nag-ugnayan ang aming mga katawan.

Nilasap namin nang walang pagmamadali ang tamis ng bawat sandali.

(Itutuloy)

Part 7

Sunday, November 21, 2010

Dove 5

Kaagad akong pumihit at humakbang palapit sa kanya. Nag-uumapaw ako sa tuwa.

Ngiting-ngiti siya habang pasalubong sa akin.

At kahit maraming tao, hindi namin napigilan ang magyakap nang kami ay magtagpo.

Si Richard. Miss na miss ko siya. At dama ko sa higpit ng yakap niya na miss niya rin ako.

Iyon ang muli naming pagkikita pagkatapos naming maghiwalay. Ilang buwan na rin ang nakakaraan.

“Kumusta?” ang halos sabay pa naming bati sa isa’t isa.

Pinagmasdan ko siya. Iba na ang kanyang itsura. Bihis na bihis at halatang mamahalin ang damit. Higit siyang pumuti at kuminis. May bitbit siyang paperbag ng Smart.

“Anong ginagawa mo rito?” ang tanong ko.

“May binili lang,” sabay muwestra sa bitbit niya.

“Wow, cellphone!” ang sabi ko.

“Binigyan ako ni Dan ng pambili ng bago. Luma na raw kasi ang cellphone ko.”

Ang tinutukoy niyang Dan ay ang mayaman niyang boyfriend. Parang nakaramdam ako ng inggit. Gayunpaman, natutuwa akong makita siyang maayos at masaya.

“Bakit dito ka pa namili?” ang tanong ko.

“Mura kasi. At saka dito pa rin ako sa Maynila nakatira. Diyan lang sa Sampaloc ang apartment ko.”

“Bakit, hindi ka pa rin ba nakatira kay Dan?”

“Baka palipatin niya na ako sa bahay niya. Ngayong legal na kaming dalawa.”

Napakunot-noo ako. “Ano’ng ibig mong sabihin?”

“Pauwi ka na ba?” ang tanong niya sa halip na sagutin ang tanong ko.

“Oo.”

“Halika, uminom muna tayo. Libre kita.”

“May pasok ako bukas.”

“Kahit isa o dalawang bote lang. Para makapagkuwentuhan tayo.”

Hindi na ako nakatanggi.

“Ikaw, bakit ka nandito?” ang tanong niya habang papalabas kami ng mall. “Huwag mong sabihing balik-Quiapo ka.”

“Hindi. Kumain lang ako. May binili akong libro kanina sa Recto.”

Naghanap kami ng mumurahing beerhouse, katulad ng mga pinupuntahan namin noon. Nagbalik sa aking alaala ang mga panahong lagi kaming magkasama at nilulunod sa alak ang mga hinagpis namin sa buhay.

Umorder siya ng San Mig Light. At saka sisig.

“Big time ka na talaga,” ang sabi ko.

“Hindi naman,” ang sagot niya. “Gusto ko lang i-celebrate ang muli nating pagkikita kaya sinamahan ko na ng pulutan.”

Nagsimula kaming uminom. At magkuwentuhan.

“May hindi ako sinabi sa’yo noon,” ang panimula niya. “Kabit lang ako ni Dan. May iba siyang boyfriend kaya ibinahay niya ako. Matagal din naming itinago ang aming relasyon. Nitong huli lang, nabuko kami ng boyfriend niya. Umamin si Dan at nauwi iyon sa paghihiwalay nila. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili niya gayong matagal na sila. Siguro dahil na-bore na siya sa relasyon nila. Siguro dahil mas nabibigyan ko siya ng excitement na hinahanap niya.”

Napatingin ako sa kanya, dina-digest ang ipinagtapat niya.

“Mabait si Dan,” ang patuloy niya. “Galante. Pero iniiwasan kong humingi dahil ayokong isipin niya na inaabuso ko siya. Kusa niya akong binibigyan. Tumutulong-tulong ako sa business niya para makaganti sa mga kabutihan niya.”

“Masuwerte siya sa’yo,” ang sabi ko.

“Masuwerte rin ako sa kanya dahil binigyan niya ako ng pagkakataong ayusin ang buhay ko.”

“Sana makatagpo rin ako ng kagaya ni Dan.”

“Makakatagpo ka rin.”

Mabilis na sumagi sa isip ko si Gilbert. “Pero, teka. Palagay ko, natagpuan ko na siya.”

Namilog ang mga mata ni Richard. “Talaga?”

“Mabait. Guwapo. Mayaman. Gusto ko siya. Kaya lang hindi ako sigurado kung gusto niya rin ako.”

“Sino siya? Saan mo nakilala?”

“Customer ko sa Malate noong Sabado. Akalain mo ba na sa hotel ako dinala? At sobra-sobra ang ibinigay sa akin.”

“Ibig sabihin, nagustuhan ka. Magandang senyales yun. Kami ni Dan, parang ganyan din nagsimula.”

“Actually, hindi siya mawala sa isip ko. First time ko itong maramdaman sa isang customer.”

“Magkikita ba kayo uli?”

“Hindi ko alam.”

“Bakit? Hindi ba kayo nagpalitan ng number?”

“Paggising ko kasi, wala na siya. At saka wala akong cellphone, di ba?”

“Ganoon ba?” Dumukot si Richard sa kanyang bulsa. Inilabas ang lumang cellphone niya. “O, sa’yo na ‘to,” ang sabi.

Hindi ako makapaniwala. “Sigurado ka?”

“Di ko naman na kailangan ‘yan. Meron na akong bago.”

Mula sa paperbag, may kinuha siya.

“Sa’yo na rin itong bagong sim card. Di ako magpapalit ng number. Dati pa rin ang gagamitin ko.” Inayos niya muna ang sim card at sinave ang numero niya bago tuluyang ibinigay sa akin ang telepono.

Tuwang tuwa ako. “Wow, salamat.”

“Kailangan mo ‘yan sa trabaho. At malay natin, baka dahil diyan, magka-lovelife ka na rin,” ang sabi niya nang nakangiti.

Nakangiti rin ako habang dinadama sa aking palad ang cellphone.

“Text-text tayo ha?” ang sabi niya.

“Siyempre naman.”

***

Nang sumunod na Sabado, muli akong tumambay sa dating kanto na kung saan nagkakilala kami ni Gilbert. Hindi pagbebenta ng sarili ang pakay ko kundi ang makita siyang muli.

Buong linggo, siya ang laman ng isip ko. At habang nakatayo, hindi lumalayo ang tingin ko sa bar na pinanggalingan niya noon.

Subalit nakailang sigarilyo na ako, wala pa rin kahit anino niya. Naisip ko na baka hindi siya nagpunta. Wala mang katiyakan, patuloy akong naghintay. Puno ng pag-asa at pagbabaka-sakali.

“Puwede ka ba?”

Napapitlag ako pagkarinig sa tinig na iyon. Kaagad kong binalingan ang nagsalita. Akala ko si Gilbert na. Subalit hindi pala.

Isang mataba at pandak na lalaki. Namumuti sa foundation ang mukha at puno ng pagnanasa sa mga mata.

Umiling ako bilang pagtanggi.

Subalit mapilit ang lalaki. “Sige na, magpresyo ka. Type lang kita eh.”

“Hindi ako callboy,” ang sagot ko sabay layo sa kanya.

Subalit sinundan niya ako.

“Anong hindi,” ang pangungulit niya. “Matagal na kitang nakikitang nagpapa-pick-up dito. Bakit ba ayaw mo? Magbabayad naman ako.”

Tiningnan ko siya nang masama.

Hindi pa rin tumigil ang lalaki. Hinawakan ako sa braso. “Sige na. Magkano ba?”

“Bitiwan mo ako,” ang sabi ko.

Subalit lalong humigpit ang hawak niya sa akin. “Pumayag ka na.”

“Sinabi nang bitiwan mo ako!” Kumawala ako nang pilit subalit ayaw niyang bumitiw.

“Putang ina! Ano ba!” ang sigaw ko sa kanya.

Patuloy ako sa pagpupumiglas nang isang tinig ang aking narinig.

“Bitiwan mo siya!”

Napatingin ako sa pinagmulan niyon. Napasinghap ako sa pagkagulat. Sa kabila ng sticky situation ko, binalot ng galak ang aking puso.

Si Gilbert.

“Bakit, sino ka ba?” ang asik ng lalaki.

“Ako ang boyfriend niya.” Hindi ako makapaniwala na iyon ang kanyang naging tugon.

“Boyfriend? E callboy ito eh. Boyfriend ng bayan.”

Nagdilim ang mukha ni Gilbert. Napuno ng galit. Kaagad na umigkas ang kanyang kamao.

Dumapo iyon sa mukha ng lalaki. Na sinundan ng isa pa. Sa lakas ng magkasunod na suntok, tumilapon ito at napahandusay. (I swear, nakita kong parang nagka-eyeshadow at blush-on ang foundation ng lalaki.)

Sumugod si Gilbert at umakmang tatadyakan pa ito.

Napasigaw ang lalaki. “Huwag! Tama na!” Gumapang ito palayo at nagkukumahog na bumangon. At nang makatayo, hintakot na nagtatakbo.

For a moment, nakatingin lang ako kay Gilbert. Para akong nananaginip.

Maya-maya, inabot niya ang aking kamay. Hinawakan niya iyon nang mahigpit.

“Halika, sumama ka sa akin,” ang sabi.

(Itutuloy)

Part 6

Thursday, November 18, 2010

Foolish

Nagkakilala tayo sa gym. Tapos, nag-coffee tayo. Usap-usap. Getting-to-know-you lang.

Nag-exchange numbers din tayo. At pagkatapos, tinext mo ako. Lumabas tayo uli.

Tatlong ulit iyon. At naipahatid mo ang mensahe na interesado ka sa akin. Good, dahil interesado rin ako sa’yo. Tagal ko na ring naghahanap ng serious relationship at pagkaraang mabigo nang ilang beses, nagkaroon uli ako ng pag-asa dahil sa’yo.

Kahit wala kang sinasabi, in-assume ko na doon tayo papunta. Mukha ka namang pursigido kasi. Seryoso at maalaga pa.

Ipinagpasya kong ipakilala ka sa mga kaibigan ko. Importante kasi sa akin ang approval nila. At saka, proud ako sa’yo. Gusto kitang ipagmalaki kasi guwapo ka, matangkad, maykaya. Good catch, kumbaga.

Winelcome ka naman nang maayos ng mga kaibigan ko. At masasabi kong na-charm mo sila. Umorder ka pa nga ng sisig for everybody and you paid for one round of drinks. Na-appreciate ko yung effort mo na magpalakas sa kanila.

But not until nagkaroon ako ng honest mistake. I don’t know, must have been the beer. Out of the blue, nag-text sa akin ang ex ko (na aaminin ko, may pitak pa rin hanggang ngayon sa puso ko). Ewan ko naman kung bakit sa’yo ko naipadala ang reply ko. Madamdamin pa naman ang mga sinabi ko. At dahil nag-I miss you siya, nag-I miss you too din ako.

At biglang naiba na nga ang timpla mo. Nagselos ka. Kinausap mo ako. Actually, kinumpronta. Quietly lang.

Kahit pasimple tayo, nakahalata ang mga kaibigan ko. At na-shock sila nang pagtaasan mo ako ng boses. Siguro dahil lasing ka na kung kaya nakalimutan mo na nasa harap nila tayo. Maaari ring galit ka na at frustrated dahil hirap na hirap akong mag-explain.

Bago pa lumala ang “away” natin at tuluyan tayong mapahiya, nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at niyaya na kitang umalis.

Napatunayan kong galit ka nga (offended, ang term mo) dahil hindi mo ako tinantanan habang naglalakad tayo. Ang lakas pa ng boses mo. Tahimik lang ako.

Subalit nang nasa taksi na tayo, nag-sorry ka. Bigla, para kang naging maamong tupa. Nag-sorry din ako dahil kasalanan ko naman talaga kung bakit nasira ang gabi natin. Sabi mo pa, gusto mo ring mag-sorry sa mga friends ko dahil sa inasal mo. I texted them na nagso-sorry ka pero wala isa man sa kanila ang nag-reply. Alam ko na ang ibig sabihin niyon, bagsak na ang ratings mo sa kanila. Pero hindi na ako nagkaroon ng panahong alalahanin iyon dahil hinawakan mo na ang kamay ko, dinala iyon sa iyong mga labi at hinagkan.

Nagulat ako nang utusan mo ang driver sa biglang-liko.

Naging sunud-sunuran ako sa’yo. At pagkaraan ng halos tatlong linggo na wala tayong ginawa kundi ang magbolahan at magpa-cute, isinuko ko sa iyo ang sarili ko.

Hindi lang pagsuko kundi pagbibigay nang buong-buo. Ginawa ko ang lahat upang paligayahin ka. I did my best to satisfy you.

I was feeling good afterwards. Dahil na-satisfy mo rin ako. Magaling ka pala sa kama. At kahit parang niluray mo ako, may napunuan ka na pangangailangan ko.

At inisip ko na pagkatapos niyon, mababago na sa atin ang lahat. Inasahan ko na magiging tayo na, na magiging pormal na ang relasyon natin. Handang-handa na akong makipag-commit sa’yo. Dedma na kung nakitaan kita ng masamang ugali dahil sa pagseselos mo. Dedma na kung ayaw sa’yo ng friends ko. Maaari pa namang maituwid ang mga pagkakamali.

But the morning after, hindi ka nag-text. Ako pa ang gumawa ng way upang magkaroon tayo ng komunikasyon.

At ang sabi mo: “You’re very special to me. Nahihiya ako sa inasal ko. Siguro kailangan ko muna ng time upang mapagsisihan ang ginawa ko kasi hiyang-hiya ako sa’yo at sa mga friends mo. Ayoko ring i-pressure ka na mahalin ako because, honestly, right now I don’t feel I am worthy of your love.”

Medyo dumugo ang utak ko sa pag-aanalisa sa tunay na kahulugan ng sinabi mo. At nang hindi ko na makayanan, I forwarded your message to my friends at hiningi ko ang opinyon nila.

Ang kanilang consensus: Ayaw mo na. Hindi mo lang ako madiretso.

Pero ayokong maniwala. Biglang-bigla naman yata. Bakit, na-disappoint ka ba sa performance ko? Ganoon ka ba talaga katinding magselos at hindi mo mapatawad ang wrong send ko. Sinabi ko naman sa’yo, ex ko na yun. May bago na siya. Gusto ko na ring mag-move on at ikaw na ang gusto ko.

Or masyado ba akong naging madaldal sa pag-e-explain ng sarili ko? Masyado ko bang ibinilad sa’yo ang damdamin ko at nakita mo na ang mga kahinaan ko? Nawala na ba ang misteryo ko nang magpakatotoo ako?

Nagpursige pa rin ako. Tinanong kita kung kailan uli tayo magkikita. (Siguro, isa rin ito sa naka-turn off sayo, ang pagiging makulit ko.)

Ang sagot mo, baka hindi muna kasi medyo magiging busy ka next week. Kailangan mong tulungan ang iyong Tita sa kanyang business, mag-a-out of town ka, etc. etc., yada-yada.

Alam kong alibi na lang ang lahat nang iyon. At unti-unti, nakita kong nag-crumble ang hopes ko na ikaw na nga ang hinahanap ko. Katulad ka rin pala ng iba. Paasa.

Masakit man, tinanggap ko iyon. At sino pa nga ba ang magiging refuge ko, kundi ang mga kaibigan ko.

They were very consoling. May mga “I knew it” and “I told you so” sila sa akin pero dama ko ang kanilang concern. Na nasasaktan din sila para sa akin. Hindi na kasi ako natuto, lagi na lang akong nahuhulog sa mga kagaya mo. Minsan, kulang na lang sabihin nila sa akin na ang tanga-tanga ko.

Ang speaking of sabi, huwag mo nang itanong kung ano ang sabi nila tungkol sa iyo. You wouldn’t want to know.

And so, tuloy ang ikot ng mundo. Sinimulan na kitang kalimutan. Pati ang gym na kung saan una tayong nagtagpo, iniwasan ko na. Marami naman silang branch.

Pero kung kailan okay na ako saka ka naman muling nagparamdam. (Karma ko yata talaga na hindi ako tinitigilan ng aking mga nakaraan.) Akala ko ba, ayaw mo na.

Initially, nangungumusta ka. Na sinagot ko naman nang maayos dahil polite ako.

Pero nauwi iyon sa pag-iimbita mo na manood tayo ng sine. Hindi ako makapaniwala. Bakit, na-miss mo ba ako? Na-realize mo ba na mahal mo na ako? Inisip ko rin na baka nalilibugan ka lang. Kung sakali man, okay lang dahil parang gusto ko ring makipag-do sa'yo.

Muli, pinairal ko na naman ang aking katangahan. O baka likas lang talaga akong romantiko at patuloy na naniniwala sa posibilidad ng love.

Nagkita tayo at nag-sine. Wow, it was like the first time. You were very nice. Nag-holding hands pa tayo. And, yes, we kissed.

Natunaw na naman ang puso ko. Nabura lahat ng mga hinampo ko. Para uli akong teen-ager na na-in love for the first time.

Nag-dinner pa tayo. And you were the sweetest. Nakinig ako at tumawa sa mga kuwento at jokes mo. Ang tingin ko sa’yo, ikaw na uli ang perfect guy for me.

At hindi tayo nag-sex. After dinner, you drove me home. Inuwi mo ako sa bahay ko na katulad ng isang nirerespetong babae.

Higit akong nagulat nang kinabukasan, Sabado, tumawag ka. Iniimbita mo naman akong gumimik. Hindi ako nagdalawang isip. Pumayag kaagad ako. Actually, may lakad na kami ng barkada nang gabing iyon. At nang sinabi ko sa kanila na kasama kita, isa-isa silang nag-cancel out. Alam ko, naiinis na naman sila sa akin. But no worries, lagi naman nila akong naiintindihan. Ang sabi ko na lang sa kanila: “Please, mga ate, gusto ko lang namang maging masaya.”

And so, nag-clubbing tayo na tayong dalawa lang. Ang sweet-sweet natin, para tayong mag-jowa. Buong gabi mo akong isinayaw, niyakap at hinalikan. Ang saya-saya ko. Sabi ko sa sarili ko, this is it. Ito na talaga. Buti na lang pinayagan ko na magkaroon tayo ng second chance.

That night, pinatulog kita sa bahay ko. Mas naging maalab tayo sa kama. Sinaid talaga natin ang lakas ng isa’t isa.

Nakatulog ako sa mga bisig mo na may ngiti sa mga labi.

Sabay tayong nagising. We looked into each other’s eyes. Hindi na natin kailangang magsalita. Naroroon na, nababasa na ang mga mensaheng gusto nating sabihin.

Nag-breakfast pa tayo together. At bago ka umalis, niyakap mo ako nang mahigpit.

Heaven ang pakiramdam ko nang bumalik ako sa pagkakahiga sa kama. Ang saya-saya ko. Sinasabi ko na nga ba, mali na hinusgahan kita noong una. I was tempted to text my friends. Gusto kong sabihin sa kanila: “Gurls, buti na lang binigyan ko uli siya ng pagkakataon dahil kung hindi, hindi ko sana mae-experience ang ganito kasaya.” But I decided against it. Ayokong muli ay magtaasan ang mga kilay nila. Sa akin na lang muna ang masarap na feeling na ipinagkaloob mo sa akin.

I was almost sure na pagdating mo sa bahay, magte-text ka kaagad sa akin o tatawag. Ina-anticipate ko na iyon.

Naghintay ako. Tik tak. Tik tak.

Subalit nakatulog na ako at nagising… nakapagsimba na ako at nakapag-gym… tahimik ka pa rin.

Hindi na ako mapakali. Tinawagan ko ang pinaka-close ko sa barkada. Kumonsulta na ako.

Nakikinig lang siya habang naglilitanya ako tungkol sa confusion ko sa behavior mo. I was just hoping na sana hindi nadagdagan ang dislike niya sa’yo.

“Call him,” ang sabi niya. “Once and for all, kailangan malaman mo, ano ba talaga?”

And so I did.

Ang tagal nag-ring ng phone mo, parang ayaw mong sagutin. At nang mag-hello ka, parang may alinlangan pa. Gayunpaman, lumukso pa rin ang puso ko pagkarinig sa boses mo.

“Hi,” ang sabi ko. Unsure pa ako kung paano sisimulan ang pagtatanong tungkol sa ating dalawa. “Hindi ka na tumawag or nag-text…”

“Uhm, nakatulog kasi ako,” ang sabi mo. “Tapos, inutusan ako ng Tita ko. May ipinagawa siya sa aking trabaho.”

“On a Sunday?” ang tanong ko.

“Yeah. Sa computer lang naman. Dito sa bahay. Pressure nga eh kasi minamadali niya ako.”

“Oh, I see.”

Pause sandali.

“About last night…” ang sabi ko pagkaraan, wanting to go straight to the point.

“Yeah, it was great,” you interrupted me.

Diniretso na kita. “ May ibig na bang sabihin iyon? Ano na ba tayo ngayon? Ano na ang status natin?”

Saglit kang natigilan. You cleared your throat bago ka sumagot.

“You are very special to me.” Mukhang narinig ko na yata ang linya mong yan. “You are a great person and I am not really sure if I deserve you. Natatakot ako na baka masaktan lang kita. Ayokong mangyari yun. You see, in six months time, I will be leaving for the States. Na-approve na kasi ang petition ko. If we are going to have a relationship now, masasaktan lang kita pag-alis ko.”

“Mahal mo ba ako?” Alam ko, hindi ko dapat itinanong iyon pero hindi ko na kasi mapigilan ang damdamin ko. I just had to know.

“Uhm, yeah. Precisely the reason why it is hard for me. Gustuhin ko mang makipagrelasyon, I really cannot kasi nga I am leaving. We can be really good friends, though. The love will always be there kahit magkalayo tayo. Yun na lang ang consolation natin. You get what I mean?”

No, I don’t.

“Nasa akin talaga ang problema. Magulo ang buhay ko. Hindi ako stable.” Blah blah blah.

The classic “It’s not you, it’s me.”

Pinatay ko ang telepono. Ayoko nang makinig sa mga bullshit mo.

Napayupyop na lamang ako at napaiyak. Ang sakit-sakit lang kasi ng loob ko. Feeling ko, pinaglaruan mo lang ako. Pinaasa. Twice over.

Isa kang malaking palaisipan. Higit lang akong mahihirapan at masasaktan kung iso-solve pa kita. I am giving up on you.

At bago pa ako muling bumigay dahil sadya nga akong tanga at mahina, just get out of my life, will you?

Wednesday, November 10, 2010

Dove 4

Maingay, magulo, madumi ang Quiapo. Pero sanay na ako. Minsan ko na rin itong naging tambayan.

Habang binabagtas ko ang kahabaan ng Avenida, nadaanan ko ang bulok na sinehan na kung saan una akong nabinyagan. Naalala ko ang mga surot, ang maingay na industrial fan at ang sahig na malagkit at amoy clorox.

Naalala ko rin ang mga misteryong nagaganap sa loob.

At si Richard.

Kasasalta ko lang noon. Tipid na tipid sa pera kaya doon ako napadpad. Mura na ang bayad, doble pa ang palabas.

Pag-akyat ko sa balcony, nakita ko siya sa lobby. Nakasandal sa barandilya, nakatingin sa akin. Halos kasing-edad ko siya. Guwapo, matangkad, maputi. Naka-sleeveless na itim, hapit na maong at rubber shoes.

Napatingin din ako sa kanya at napansin ko, kakaiba siya kung sumipat. Parang nang-aakit. Inarko niya ang kanyang payat na katawan upang ipangalandakan ang namumukol niyang harapan.

Nilagpasan ko siya pagkaraang saglit na makipagtitigan. Dama ko na sinundan niya ako ng tingin.

Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng dilim. Sandaling nag-adjust ang aking mga mata bago ko nabanaagan ang mga kakaiba. Pulos lalaki ang nasa loob. Marami ang nakatayo at palakad-lakad. May mga nagkukumpulan.

At sa liwanag na nagmumula sa telon, tuluyan kong napagmasdan ang mga nagaganap na aking ikinagulat.

Ang mga nakatayo ay nagdudukutan at naghahawakan.

Ang mga nagkukumpulan ay nakikinood at nakikisali sa group sex.

Ang mga nakaupo ay may mga kamay o ulong nagtataas-baba sa harapan.

Wala talagang nanonood. Ang buong sinehan ay bulwagan ng kamunduhan. Lahat ay naghahanap at tinutugunan ang tawag ng laman.

Nagulat ako nang bigla akong pagsalikupan ng dalawang lalaki. At bago pa ako nakaiwas, pinigilan na nila ako at pinaghihipuan.

Kumawala ako at nagmamadaling lumabas.

Muli ko siyang nakita. Naroroon, nakatambay pa rin sa lobby. Hindi ko alam kung bakit dinala ako ng aking mga paa sa kanyang tabi. Napatingin siya sa akin at ako ay muli niyang sinipat.

“Bago ka?” ang kanyang sabi.

Hindi ko man lubusang nauunawan ang kanyang tanong, napatango ako.

“Richard, pare,” ang pakilala niya sa sarili. “Ikaw, ano’ng pangalan mo?”

“Anton,” ang sagot ko.

Tinanggap ko ang kanyang pakikipagkamay.

Maya-maya, lumabas ang dalawang lalaki na nanghipo sa akin sa loob. Lumapit sila sa amin.

“Puwede ba kayo?” ang tanong ng isa.

Bago pa ako nakahuma, sumagot na si Richard. “Sure.”

“Magkano?” ang tanong naman ng isa.

“Five hundred. Buy one, take one. BJ lang. Kayo ang gagawa. Walang halik.”

“Mahal naman.”

“Hindi kayo lugi sa amin. Malaki. Sariwa.”

Napatingin ako kay Richard, sanay na sanay siyang makipag-negosasyon. Parang normal lang.

Gayunpaman, nagkatawaran pa rin. Pumayag si Richard sa four hundred.

“Saan?” ang tanong ng isa. “Sa loob ba natin gagawin?”

“Hindi,” ang sagot ni Richard. “Sumunod kayo sa akin.”

Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakatanggi gayong ibinenta niya na ako. Nang mga sandaling iyon, hindi ko alam kung curious lang ako, pero parang na-excite ako sa mangyayari.

Dinala kami ni Richard sa Ladies CR.

“Bakit dito?” ang tanong ko.

“Walang babaeng nanonood sa sinehang ito kaya walang pumapasok dito,” ang sagot niya.

“Baka mahuli tayo ng guwardiya.”

“Walang guwardiya rito.”

“E janitor?”

“Walang pakialam ang janitor dito.”

Pagkapasok namin, kaagad niyang ini-lock ang pinto.

“Ano nga pala ang mga pangalan n’yo?” ang tanong ng isa sa mga lalaki.

“Ako si Eric. Siya si Mark,” ang sagot ni Richard. Nagtaka ako kung bakit binago niya ang mga pangalan namin. “Kailangan ang alias sa ganitong trabaho,” ang sabi niya sa akin later on.

Walang kaabog-abog, niluhuran na kami ng dalawang lalaki. Ibinaba ang aming mga pantalon at brief.

“Ang laki nga,” ang halos sabay pang sambit ng dalawa. Hindi pa matigas ang akin. Gayundin ang kay Richard.

Hindi na nagsalita pa ang dalawa at pinuno na ang kanilang mga bibig. Sinimulan nila kaming kainin.

Ginapangan ako ng kakaibang kiliti at mabilis na tinayuan. Halos mabulunan ang lalaking tumatrabaho sa akin pero tuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa.

Napatingin ako kay Richard. Nakatingin din siya sa akin. Bakas sa kanyang mukha na siya ay nasasarapan na rin.

Ewan ko pero parang higit akong nalibugan habang pinagmamasdan ko si Richard. Ang bawat ekspresyon ng kanyang mukha. Ang bawat galaw ng kanyang katawan. Higit lalo nang magsimula na siyang mag-pump sa bibig ng lalaking nakayupyop sa kanyang harapan. Hawak ang ulo nito na halos kanyang ipagdiinan.

Napahawak na rin ako sa ulo ng lalaking nagpapasasa sa akin at nagsimula na ring umindayog ang aking balakang. Pabilis nang pabilis habang hindi lumalayo ang mga mata ko kay Richard.

Ilang sandali pa, sabay kaming napapikit at napa-“aaahhh!” Nanginig ang aming mga katawan at sabay kaming nilabasan.

Hindi bumitiw ang dalawang lalaki. Sinaid nila at nilunok ang aming mga katas.

Pagkatapos magkabayaran, ibinigay sa akin ni Richard ang dalawang daan. Nakaramdam ako ng tuwa nang mahawakan ko ang pera. Ang bilis palang kumita sa ganoong paraan.

Niyaya niya akong kumain sa Jollibee. Umorder ako ng Chickenjoy.

“Magkita uli tayo sa Sabado,” ang sabi niya.

“Sige,” ang sagot ko habang sarap na sarap sa kinakain ko. (First time ko kasing matikman iyon.)

Inalok niya ako ng kanyang french fries.

Kumuha ako at sumubo ng ilang piraso.

Ngumiti siya. Lumabas ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi.

Ngumiti rin ako. “Salamat.”

Hindi ko maitago ang saya habang nakatingin sa kanya.

***

Bago ko namalayan, nakarating na pala ako ng Recto na siya talagang sadya ko. Inignore ko ang mga barker na nag-aalok ng diploma at thesis habang naglalakad ako sa bangketa.

Inisa-isa ko ang mga nagtitinda ng segunda-manong libro. Muli kong naalala si Richard dahil minsan niya na rin kasi akong sinamahan noon dito.

“Nag-aaral ka pala,” ang sabi niya.

“Oo. Yun talaga ang dahilan kung bakit nandito ako sa Maynila,” ang sagot ko.

“Mahirap ba?”

“Medyo. Lalo na kung laging kapos sa panggastos.”

“Kailangan mo ngang rumaket.”

“Pero kulang pa rin.”

“Barya-barya lang kasi talaga ang maaari nating kitain sa sinehan.”

Sandali siyang natigilan.

“Alam mo, Anton,” ang sabi niya sa akin pagkaraan. “Matagal ko na itong pinag-iisipan.”

“Ang alin?”

“Ang umiba tayo ng puwesto.”

Napatingin ako sa kanya, interesado sa sinasabi niya.

“Alam mo, para kumita tayo ng malaki, kailangan sa mga sosyal na lugar tayo tumambay. Sa mga mall. O kaya sa Malate.”

“Saang mall? At saan sa Malate?”

“Basta sumama ka lang sa akin. Ako ang bahala. Tuturuan na rin kita kung paano dumiskarte at magpresyo.”

Dinala niya ako sa Shangri-La at sa Galleria. Gayundin sa Nakpil-Orosa. Successful ang plano niya dahil nadagdagan ang kita namin. Para kaming na-promote. Kinailangan nga lang naming magbihis nang maayos at maging pino ang kilos. Pero kaagad din naman kaming nakapag-adapt.

Isang araw, bigla na lang nagpaalam sa akin si Richard. May naging customer siyang mayaman na inalok siyang maging boyfriend. Pumayag siya dahil may gusto na rin siya rito. At dahil pinangakuan siyang aalagaan, ipinagpasya niyang iwan na ang trabaho namin.

Nalungkot ako pero wala akong magawa. Kailangan kong tanggapin iyon dahil alam kong kahit paano aayos na rin ang kanyang buhay. Ikukuha raw siya ng sariling matitirahan. Matatakasan niya na rin ang kahirapan ng kanilang pamilya at maaaring makatulong pa siya.

Bago umalis si Richard, niyakap niya ako.

“Ingatan mo ang sarili mo. Mag-isa ka na lang.”

“Ikaw rin, mag-iingat ka.”

“Mahal kita, pare.”

“Mahal din kita.”

Umiyak ako pero alam kong hangggang doon na lang kami.

***

Natagpuan ko rin ang librong hinahanap ko. Kahit medyo luma na, binili ko pa rin. Nanganganib na kasi akong bumagsak sa subject na kung saan kailangan iyon.

Buti na lang malaki ang ibinigay sa akin ni Gilbert. Bukod sa nakabawas sa utang ko sa boarding house, nagkaroon pa ako ng pambili ng libro. Sa wakas, hindi na ako mahihirapang kumopya sa library. Makakapag-aral na ako nang maayos kahit nasa bahay. Sana magawa ko ring bilhin sa mga darating na araw ang iba pang mga libro na kailangan ko.

At sana muli kaming magkita ni Gilbert.

Hindi ko alam kung bakit na-wish ko iyon. Siguro dahil naging napaka-memorable ng encounter namin. Sa unang pagkakataon, nagkaroon ako ng pagtatangi sa isang customer. At nag-enjoy ako sa pakikipag-sex. Ibig sabihin, tao pa rin ako na may damdamin.

Hindi naman siguro masamang mangarap. At ma-in love. Kahit isa akong bayaran. Si Richard nga na katulad ko, nakahanap ng kaligayahan. Baka maaari ring mangyari sa akin ang nangyari sa kanya.

At kung mangyayari man iyon, sana kay Gilbert.

Maisip ko lang siya, nai-inspire na akong pagbutihin ang aking pag-aaral. Magsikap pang lalo at ayusin ang aking buhay.

Gusto kong gawin ang lahat upang maging karapat-dapat sa kanya.

***

Dumiretso ako sa Isetann pagkatapos. Naghapunan ako ng budget meal sa foodcourt.

Tapos, naglakad-lakad ako. Napagmasdan ko ang mga pa-pick-up na nakapuwesto sa bawat palapag. Patingin-tingin sa mga nagdaraan. Nakikipagtitigan. Nagpapapansin.

Alam ko ang pakiramdam. Alam ko kung paano maghanap ng prospect.

Kung noon iyon, baka ka-join pa nila ako sa mga ganitong pagkakataon. Pero in-upgrade na nga namin ni Richard ang aming mga sarili. Hindi na kami dumidispley sa ganitong mga lugar. At kahit iniwan niya na ako, ayaw ko nang balikan ang pinaggalingan namin noon.

Papalabas na ako ng mall nang marinig ko ang alias ko.

“Mark!”

Hindi ko iyon pinansin subalit umulit pa, gamit ang tunay na pangalan ko.

“Anton!”

Pamilyar ang tinig. Napahinto ako at napalingon.

Hindi ako makapaniwala nang mapagsino ko ang tumatawag sa akin.

(Itutuloy)

Part 5

Wednesday, November 3, 2010

Dove 3

Halos pagapang akong umakyat sa kama at pumaibabaw sa kanya. Sinapo niya ang aking pisngi. Tumitig siya sa aking mga mata at dahan-dahan niyang inilapit ang kanyang mukha. Nalanghap ko ang mainit at mabango niyang hininga. Napapikit ako. Ibinuka ko ang aking bibig at malugod kong tinanggap ang kanyang mga labi.

Napayakap ako sa kanya habang kami ay naghahalikan. Hinaplos niya ang aking likod, ang aking puwet na marahan niyang pinisil-pisil at dinakot-dakot. Nagkiskisan ang aming mga ari. Ang ganap na pagdidikit ay hinadlangan ng kanyang suot na brief.

Binalot niya ako ng kanyang mga bisig habang patuloy ang aming mga labi sa pagtutunggali. Nagdumiin ang aming mga katawan. Nadama ko ang kanyang hubog na ang bawat paggitgit sa akin ay nagdulot ng kakaibang init.

Humulagpos ako sa kanyang pagkakayakap at bumaba ako sa kanyang dibdib. Hinanap ko ang kanyang mga utong. Dinila-dilaan ko ang mga iyon, sinundot-sundot at sinipsip-sipsip. Marahang inipit-ipit sa pagitan ng aking mga ngipin. Napaliyad siya at napakapit sa aking ulo, napaungol nang impit.

Bumaba ako sa kanyang tiyan. Binakas ng aking dila ang bawat depinisyon ng kanyang abs. Pinaikutan ko ang kanyang pusod. Sinukat ko kung gaano kalalim iyon at sinimsim-simsim, hinigop-higop.

Hinatak ko pababa ang kanyang brief. Umigkas ang kanyang pagkalalaki na parang jack-in-the-box. Lumikha pa iyon ng slap! nang humampas sa kanyang puson. Nagulat ako dahil napakalaki niyon. Sa wakas, nakatagpo rin ako ng katapat.

Pinagmasdan ko iyon. Mamula-mula ang ulo na hugis-kabute. Mataba ang tagdan at manipis ang balat. Nanuot sa aking ilong ang sariwang halimuyak. Para akong natakam sa isang matamis at makatas na prutas.

Subalit pinili ko munang ipagpaliban ang pag-atake roon upang siya ay pasabikin.

Sinuklay-suklay ko muna ng aking bibig ang kanyang bulbol. Hinimod-himod ko ang kanyang mga singit at nilaru-laro na parang kendi ang kanyang mga itlog.

Napasabunot siya sa aking buhok. Napabiling-biling at napaungol.

Gumawi ako sa kanyang mga hita, sa kanyang mga tuhod. Dinila-dilaan ko rin ang mga iyon. Napasinghap siya sa kiliti. At nang sapitin ko ang kanyang mga paa, napapitlag siya nang hagkan ko ang mga iyon at isubo ang mga daliri.

Kaagad niya akong hinatak paakyat. Hindi ko alam kung hindi niya iyon nagustuhan o hindi niya lang makayanan ang sarap. Inisip ko na lang na baka hindi lang siya sanay. Ako rin naman. Ginawa ko iyon hindi dahil may foot fetish ako kundi dahil gusto ko siyang sambahin nang lubusan, ipakita kung gaano ko pinagnanasaan ang bawat sulok ng kanyang katawan.

Muli kaming naghalikan. At sa muli naming pagpapantay, nagtagpo ang aming mga bahagi na parehong naninigas. Kumadyot-kadyot ako na kanyang sinalubong at kami ay nagpingkian. Kinulong ko sa aking palad ang aming mga kaselanan. Magkadikit at magkasabay na taas-baba kong hinimas hanggang sa dumulas dahil sa paunang dagta na sabay naming inilabas.

At nang ako ay hindi na makatiis, muli akong dumausdos pababa at hindi na nag-atubili pa. Dumiretso ako sa aking pakay. Hinimod-himod ko muna iyon bago tuluyang isinubo. Kinain ko iyon na parang lollipop.

Nabalisa si Gilbert at nagsimulang mamilipit. Halos ipagdiinan niya ang aking mukha. Namumuwalan man, ipinagpatuloy ko ang pagsibasib.

Siguro dahil ayaw niya munang makarating kung kaya muli niya akong hinila pataas. Muli niya akong hinalikan. At pagkatapos, ako naman ang kanyang pinahiga at pinaibabawan.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang paghalik na sumiil sa aking mga labi. Napayakap ako sa kanya nang mahigpit at napapikit. Ginawa niya rin sa akin ang mga ginawa ko sa kanya.

At bago ko namalayan, nasa loob na ako ng kanyang bibig at nagtataas-baba na siya.

Halos magdeliryo ako sa sarap. Isipin ko lang na siya ang gumagawa niyon sa akin ay parang lalabasan na ako. Subalit ayaw ko muna iyong matapos kaya pinigil ko ang tuluyang pag-akyat sa rurok. Nanatili ako sa isang lebel na abot-kamay lang ang langit.

Para akong nagising mula sa isang napakagandang panaginip nang bumitiw siya sa akin. Subalit hindi pa pala siya tapos. Pinadapa niya ako.

Gumapang ang kanyang mga halik sa aking batok, sa aking likod, pababa sa mga pisngi ng aking puwet na buong panggigigil niyang kinagat-kagat at halos paliguan niya ng himod. Nanuot din ang kanyang dila at ako ay siniklut-siklot. Tapos pumatong siya sa akin at naramdaman ko ang kanyang pagtutok. Hindi talaga ako nagpapapasok subalit hindi ko magawang tumutol. Napakapit na lamang ako sa gilid ng kama at nagpaubaya.

Naramdamanan ko ang kanyang paggiit. Para akong pinupunit. Napakagat-labi ako at napaluha sa sakit. Subalit dahil gusto ko rin, tiniis ko iyon. Ayaw ko siyang biguin. Gusto kong ibigay sa kanya ang lahat sa akin.

Dahan-dahan siyang kumadyot hanggang sa tuluyan na siyang bumaon. Unti-unting napawi ang kirot na nahalinhan ng sarap nang siya ay maglabas-masok. Habol ang hininga na sinalubong ko ang kanyang bawat ulos na sumundot sa G-spot ko at naghatid ng kakaibang sensasyon.

Inikot niya ako at pinahiga. Isinampay niya ang mga binti ko sa kanyang balikat at patuloy niya akong ginalugad.

Hinawakan niya ang aking paghuhumindig at hinagod sabay sa kanyang pag-ayuda. Idinuyan ako ng kakaibang ligaya na noon ko lang nadama.

Bumilis nang bumilis ang kanyang mga ulos. Gayundin ang pagbayo niya sa akin.

Ilang sandali pa, nanigas na ang mga katawan namin.

Halos mapugto ang aming mga hininga sa hindi maampat-ampat na pagsirit ng aming mga katas.

***

Mataas na ang araw nang ako ay magising.

Kaagad kong hinanap si Gilbert subalit mag-isa na lamang ako sa silid. Hindi ko alam kung bakit parang bigla akong nalungkot.

Nakita ko ang perang nasa bedside table. Parang ayaw ko iyong damputin. Siguro dahil gusto ko pang mag-hold on sa aking ilusyon.

Tumayo ako at nagbihis. Ni-remind ko ang aking sarili na business lang ang nangyari kaya hindi ko dapat haluan ng emosyon.

Binilang ko ang pera.

Labis-labis iyon sa napag-usapan namin.

(Itutuloy)

Part 4