Nagising ako na nasa tabi ko si Gilbert. Pinagmasdan ko siya sa kanyang pagkakahimbing.
Inisa-isa ko ang kanyang mga pisikal na katangian. Binusog ko ang aking mga mata sa kanyang makisig na kabuuan. Nag-uumapaw ako sa saya.
Subalit kinalaunan, nakadama ako ng lungkot dahil sa napipinto naming paghihiwalay. At pangamba dahil walang katiyakan kung kailan uli kami magkikita.
Kung maaari nga lang na pigilan ko sa pag-usad ang mga sandali upang manatili kami sa gayong kalagayan. Kung maaari nga lang na maging ganoon na lang kami habang buhay.
Panay ang buntonghininga ko dahil sa malabis na paghanga at pag-asam sa kanya. Gayundin sa magkakahalong emosyon sa aking dibdib.
Maya-maya, nagising na siya. At sa pagdilat ng kanyang mga mata, higit na tumingkad ang kanyang pang-akit nang tumitig sa akin ang mga iyon.
“Good morning,” ang sabi niya.
Sa kabila ng udyok ng aking damdamin na hagkan siya bilang tugon, ngumiti lang ako.
Nag-inat siya at bumangon. Bumangon na rin ako.
At dahil pareho kaming nakahubad, nagbihis muna kami. (Pinahiram niya ako ng T-shirt at shorts.) Niyaya niya ako sa kitchen na kung saan nagsimula siyang magluto ng breakfast.
Hindi ko akalain na marunong pala siyang magluto. (Although, scrambled eggs lang naman at sausages ang niluto niya.) Nag-brew din siya ng kape.
“May live-out maid ako pero hindi siya pumapasok kapag Sunday,” ang sabi niya.
Ilang sandali pa, pinagsasaluhan na namin ang almusal na inihanda niya. Hindi ko inasahan na pagkakaabalahan niya ako nang ganoon.
“Kumusta ang pag-aaral mo?” ang pagbubukas niya ng conversation.
“Okay naman. Nakakaraos din.”
“Hindi ka naman nahihirapan?”
“Medyo. Ano kasi… wala pa akong mga libro. Nakikihiram-hiram lang o kaya nakikibasa sa library. Pinag-iipunan ko pa kasi ang pambili.”
Saglit niya akong tiningnan nang mataman.
“Saan ka nga pala nag-aaral?” ang tanong niya uli.
Sinabi ko. Medyo nahiya pa ako kasi hindi iyon nabibilang sa mga sikat na eskuwelahan. Pero may magandang reputasyon din naman.
“Ano’ng course mo?”
“Education. Pangarap kasi ng nanay ko na maging teacher pero hindi natupad.”
“Iyon din ba ang pangarap mo?”
“Iyon na rin ang gusto ko para mapasaya ko siya at para makatulong din ako sa mga bata.”
“Mukhang pursigido ka naman sa iyong pag-aaral. Ipagpatuloy mo lang ‘yan at siguradong may mararating ka.”
Napangiti ako sa kanyang encouragement.
“Hanggang anong oras ang klase mo bukas?”
“Alas-kuwatro.”
Tumango-tango siya at hindi na muling nagsalita.
Tahimik naming ipinagpatuloy ang pag-aalmusal.
Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagkusang magligpit. Tinulungan niya ako. At nang mahugasan na namin ang mga pinagkainan at pinaglutuan, muli kaming pumasok sa silid at naghanda na akong umalis.
“Ano nga pala ang number mo?” ang tanong niya.
Natuwa ako dahil nangangahulugan iyon ng pagkakaroon namin ng komunikasyon at posibleng pagkikitang muli sa lalong madaling panahon.
Kaagad kong ibinigay ang number ko. Miniskol niya ako at sinave ko iyon.
“Aalis na ako,” ang sabi ko nang matapos akong magbihis. “Salamat.”
“Sandali,” ang pigil niya.
Napahinto ako at nakita kong may inaabot siya sa akin. Pera.
Parang gusto kong ma-offend.
“Hindi mo ako kailangang bayaran,” ang sabi ko. “Wala tayong usapan. At hindi ako naniningil.”
“Hindi ito kabayaran,” ang sagot niya. “Ibinibigay ko ito dahil may gusto akong hilingin sa’yo.”
Napatitig ako sa kanya, nagtatanong ang mga mata.
“Stay out of the streets,” ang sabi niya. “Tanggapin mo ito para hindi mo muna kailanganing magbenta ng sarili.”
Parang nagbara ang lalamunan ko.
“Gusto kong pag-isipan mo ang pagsasaayos ng buhay mo. Kung maaari, simulan mo na ngayon.”
Nakita ko sa kanyang mukha ang concern at sincerity. Na-touch ako.
“Will you do it for me?”
Parang gusto kong maiyak.
***
Kalalabas ko lang sa klase nang mag-ring ang cellphone ko. Nagulat ako nang makita ko kung sino ang tumatawag. Parang lumukso ang puso ko.
“Hello? Gilbert?” Bakas ang excitement sa aking tinig.
“Hey, Anton,” ang sabi niya. “Tapos na ang klase mo?”
“Katatapos lang.”
“May lakad ka ba?”
“Wala. Sasaglit lang ako sa library tapos uuwi na.”
“Nandito ako sa labas ng eskuwelahan n’yo. Naka-park ako.”
“Ha?” Seryoso ba siya?
“Kilala mo naman ang kotse ko, di ba? Hihintayin kita.”
“Sinusundo mo ba ako?”
“Oo.”
Hindi ko maipaliwanag ang tuwang bumalot sa akin. Halos liparin ko ang gate palabas ng eskuwelahan namin.
At nang makita ko ang kotse niya, saka ko lang napagtanto na totoo nga, hindi siya nagbibiro.
Ibinaba niya ang bintana ng kotse nang makalapit ako. Naka-shades siya at naka-long sleeves and tie. Napakaguwapo niya sa sinag ng panghapong araw.
“Halika, sakay na,” ang sabi niya.
Nakaupo na ako sa tabi niya, para pa rin akong hindi makapaniwala na naroroon siya.
Binuhay niya ang makina ng kotse at nagmaniobra siya palabas ng parking lot.
Malayo-layo na ang natatakbo namin nang magawa kong magsalita.
“Saan tayo pupunta?”
“Mamamasyal,” ang sagot niya sabay tingin at ngiti sa akin.
Ngumiti rin ako. Deep inside, tuwang-tuwa ako.
“Maaga akong nakalabas ng opisina kaya naisipan kong daanan kita. Saan mo gustong pumunta?”
“Kahit saan. Basta doon sa hindi nakakahiya ang suot ko.”
“You look fine.”
“Ano kasi… Hindi ako nakabihis nang maayos.”
“Wala kang dapat alalahanin. Para sa akin, it doesn’t matter.”
Napatingin ako sa kanya at muling napangiti. Masarap sa pakiramdam iyong naa-appreciate ka kung ano ka.
Maya-maya pa, lumiko kami papunta sa Mall of Asia. Higit akong natuwa dahil hindi ko pa napupuntahan ang lugar na iyon.
Hindi ko inaasahan na sa pagpasok namin sa mall, ang una naming magiging stop ay National Bookstore. Naisip ko, siguro mahilig siyang magbasa. Okay lang, kasi gusto ko rin namang mag-browse. Mahilig din ako sa libro, wala nga lang pambili.
Akala ko sa fiction section ang tuloy namin pero dinala niya ako sa textbook section.
Bakit dito? Gusto ko siyang tanungin. Pero bago ko pa nagawa iyon, nagsalita na siya.
“Get the books you need for school.”
Gulat akong napatingin sa kanya.
“I'll buy them for you,” ang sabi pa niya.
“Are you kidding me?”
“No.”
“Hindi mo kailangang gawin ito.”
“Gusto kong gawin ito.”
“But it’s too much.”
“Gusto kong makatulong sa pag-aaral mo. And this is the least I can do.”
Noon lang may nag-care sa akin nang ganoon. Na-overwhelm ako ng emosyon na para akong natulala at hindi makakilos.
“Ano pa ang hinihintay mo?” ang pukaw niya sa akin. “Go!”
***
Over dinner, kinausap niya ako nang seryoso.
“Huminto ka na sa pagko-kolboy,” ang sabi niya. “Mag-concentrate ka na lang sa pag-aaral mo.”
“Iyon sana ang gusto ko,” ang sagot ko. “Kaya lang, may mga pangangailangan akong natutustusan ng pagko-kolboy ko.”
“Tutulungan kita.”
“Ayokong dumepende sa’yo.”
“Bakit?”
“Dahil hindi ako katulad ng iba na mapagsamantala.”
“Alam ko. Kaya nga nag-aalok ako ng tulong kahit hindi ka nanghihingi.”
“Bakit mo ginagawa sa akin ito?”
Saglit siyang tumitig sa akin bago sumagot.
“Because it makes me feel good.”
Hindi iyon ang inaasahan kong sagot. Akala ko, maririnig ko na sa kanya ang pinakaaasam ko, na gusto niya rin ako. Nakakatawa, dalawang beses na kaming naging intimate pero parang ang hirap sabihin ng feelings. Kahit ako, parang hindi ko pa magagawang aminin sa kanya na gusto ko siya.
“I will try my best na gawin ang ipinagagawa mo sa akin,” ang sabi ko sa kanya.
“Good,” ang sagot niya.
“Pero hangga’t maaari, ayokong manghingi sa’yo.”
“Saan ka kukuha ng pera?”
“Titipirin ko na lang ang padala sa akin. Maghahanap ako ng ibang pagkakakitaan. Bahala na.”
Isipin niya nang ma-pride ako, pero iyon ang gusto kong mangyari dahil… mahal ko siya. Precisely iyon ang dahilan kung bakit pumapayag ako sa gusto niya. Kahit alam ko na mahihirapan ako, gagawin ko ang gusto niya upang ma-please ko siya at maging karapat-dapat ako sa kanya.
“Okay,” ang sang-ayon niya. “Ang mahalaga, pumapayag ka. Basta nandito lang ako and my offer stays. All you have to do is ask.”
Ngumiti ako. Sapat na iyon upang lumakas ang loob ko.
“May isa pa nga pala akong hihilingin sa’yo,” ang sabi niya.
“Ano yun?” ang tanong ko.
“Maaari ba tayong magkita nang madalas?”
(Itutuloy)
Part 8
28 comments:
nauna ako hehehe... well nice naman po... till next cahpter po... we will wait :)
WOW! Talagang Kapana-panabik! Another great story in the making..Keep it up! KUDOS!!!
i love reading this story because it's well-written, although i know that a prostitute with a golden heart does not exist in real life. having said that, i'll continue waiting for the next posts. ;-)
I'm hooked to the Dove series. You sure can tell a story Aris.
@likha: salamat sa iyong pagtitiyaga. sana huwag kang magsawa. :)
@anonymous: pinasaya mo naman ako sa comment mo. thanks a lot. :)
@john chen: thank you, john. you boost my confidence sa pagsusulat. hayaan mong aliwin pa kita sa mga susunod na kabanata. :)
@dsm: wow naman. nagpapasalamat ako na nagugustuhan mo ang kuwento ko. promise, pagbubutihan ko pa. :)
gumawa ka ng libro fafa! kikita ka ng malaki - kailangan mo ba ng procucer? hahaha - galing mo magsulat! ang tagal lang ng kasunod(nagreklamo daw!) lol
@jr: balang araw, papa jr. balang araw. hehe! salamat sa patuloy na pagtangkilik. :)
i love this story... sobra...i hope i will find my own "ANTON"...
reynan
@reynan: sana nga mahanap na natin ang mga prinsipe ng ating buhay. hehe! thanks, reynan. at sana patuloy mong ma-enjoy ang kuwentong ito. :)
i have never been so immersed in reading blogs until i saw yours. keep up the great work! :) - frank
@frank: wow, napakagandang compliment naman. nakakataba ng puso. maraming salamat. :)
This is your best series... so far. Looking forward for your next best. ;-)
Hay, sana lumabas na ang 8. Nakakarelate ako. Hehe!
nakakarelate ako ng sobra sa story mo aris. ipinaaalala mo ang nakaraan ko. at diko ikinahihiya yon.
salamat.
ipinaaalala mo ang aking nakaraan. salamat.
@lalaking palaban: salamat. your comment is so inspiring kaya kahit medyo busy ako, sinimulan ko nang sulatin ang karugtong. :)
@wala na and anonymous: isang karangalan sa akin ang hayaan ninyo akong ma-touch ko kayo. thank you. :)
wah! akala ko lang ang self proclamed pokpok (na ngayon ay bugaw na). haha.
Grabe! Ang ganda ng mga series mo Aris. Kinikilig ako sa bawat chapter. Lol. I'm really a fan of yours. Matagal na. Hintayin ko ang next post. :-)
@lalaking palaban: marami pala ang makaka-relate. hehe! :)
@marvin: hello, marvin. maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay. kapag nakakatanggap ako ng mga ganitong comment, lalo akong nai-inspire at ginaganahang magsulat. :)
Buti naman at ginaganahan ka. Naeexcite na tuloy akong mabasa ung continuation. Haha.
Aris, I have been reading your blog for a long time now and I am very much amazed with how you unfold your series. I am enjoying your stories, keep it up. :)
@marvin: part 8 malapit na. abangan! hehe! :)
@louie: hello, louie. natutuwa ako na nagugustuhan mo ang mga kuwento ko at napapasaya kita. sana hindi ka magsawa. thanks a lot. :)
waaaah, nakaka-inlab! kung totoo yang love story na yan, sobrang nakakakilig. Pero linawin kolang medyo naguluhan ako, pareho silang lalaki diba? hahahaha.. Cool. :]
@iprovoked: korek. m2m love story nga. hehe! cheers! :)
too bad hanggang dito nalang ang ganitong story at hindi madalas nangyayari in real life. lalo na sa akin, parang lotto sa chance na mangyari. na depressed lang ako ulit.
@jinjiruks: friend, huwag kang ma-depress. laging nandiyan ang possibilities. life is full of surprises. :)
magaling! ang ganda ng dove series. aabangan ko ang susunod
I hope these things happen too in real life. It's not everyday that you get to meet someone like him - kung totoo man xa. Nakakataba ng puso.
@ester yaje: may karugtong na po. hindi ka na maiinip sa pag-aabang. hehe! thanks, ester. :)
@mico: may mga tao at pangyayari akong pinagbasehan ng kuwentong ito. salamat, mico. part 8 is already up. enjoy! :)
Post a Comment