Sunday, December 19, 2010
Notes On Bed
Abot na sa kanto ng Nakpil-Orosa ang pila nang magkayayaan na kaming pumasok bandang 1:30 am. Medyo slow ang usad kaya by the time na makarating kami sa pinto, nawala na ang tama ng ininom namin sa Silya.
Five hundred ang entrance fee with 2 drinks (local beer or juice). At hindi ka na lang basta tatatakan pagpasok mo. May ikakabit pa silang paper bracelet sa wrist mo. May separate entrance na ang mga VIPs.
Ang lawak ng floor area. Sinakop na nila ang dating Mafia (na dating Rainbow Project na dating NYC) bukod sa 3 floors na sila. Although yung pangatlong floor, maliit lang na bahagi ng rooftop. Doon lang pwedeng mag-smoke.
Ang liwanag ng lighting. Kita ang mukha ng lahat kaya naman wala nang excuse upang hindi mambati ng mga kakilala. Madali na ring magkahanapan kapag nagkahiwa-hiwalay kayo ng iyong mga kasama.
Ang laki na ng DJ’s booth. Ang laki na rin ng dancefloor pero wala nang ledge. Although may dalawang hugis bilog na platform na kung saan nakasampa ang mga go-go boys.
Ang sound system? Dumadagundong! Super pa rin ang music. May fog machine na nakakagulat ang tunog kapag nagbubuga ng usok (lalo na kapag nakadungaw ka mula sa second floor na kung saan ito naka-install). At ang usok, sa sobrang kapal, nahirapan akong huminga.
Directly above the DJ’s booth (ka-level ng second floor) ay may napakalaking glass window (parang aquarium) and guess what kung ano ang naroroon? A mock bathroom na kung saan may tatlong hunks na naka-trunks ang nagsa-shower! As in, naliligo with real water. Nakakamangha silang panoorin. Nakakabuhay ng damdamin. Subalit sandali lang iyon (mga 30 minutes to 1 hour siguro) at pagkatapos ay tinabingan na ang window ng screen na kung saan naka-project ang video.
Grabe, ang init sa loob! Medyo kapos ang airconditioning system. Pawis na pawis ako kaya I had to look for spots na kung saan bumubuga ang aircon. I discovered na malamig ang mga lugar na kung saan naroroon ang mga couches.
Ang liit na ng restroom sa second floor (1 cubicle, 2 urinals). Wala na ang aquarium divider. At ang naging kapalit ay mirror sa harap ng urinals na konting dukwang mo lang, masisilipan mo na ang umiihi. Kaya siguro pila-pila sa cubicle.
As expected, ang daming cuties! Fresh and new faces. Hindi na nga lang ganoon ka-condusive kumarir dahil sa lighting. Although pwede pa rin naman kung gugustuhin.
I like the new Bed but I prefer the old one.
And frankly, I do not like the new logo. Thai massage ang naiisip ko.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
14 comments:
wish i could've been there but was expecting the long line. love this song thanks!
@sean: hope to see you there one of these days. pareho tayo, love ko rin ang song na ito. thanks, sean. :)
i could have been there with someone last saturday night, kaso pumanaw ang lolo ko..VIP pa mandin siya dun, ahehehe
one day! i'll go there[Bed]...hehe
@anteros dominion: sayang, sana nagkita tayo. my condolences.
@desole boy: sana magkabanggaan tayo kapag nagpunta ka. hehe! :)
nakita ko mga pics sa FB. ang ganda ng interior nila! panalo! hihi
@nimmy: ay oo, ganda nga ng interior! sana makita ko kayo dun ni leo. hehe! :)
i'm sure kaya 30 mins or so lang yung nagsa shower eh bka nman ma pulmonya pag magdamag silang wet eheheh..
so does that mean di ka nakapagflirt that night? ehehe :P
happy holidays aris!
@soltero: korekness. pero ang sarap nilang panoorin. hehe!
ay, hindi nga ako nakapag-flirt. mayumi kasi ako nang gabing iyon. haha!
maligayang pasko rin, papa s.:)
makapunta nga jan... magti-tiara at tutu ako! oi pag nakita mo ko wag mo kong ikahiya ha! baka naman itakwil mo ko porke naka tangga ako!
@baklang maton: of course not. sasalubungin pa kita nang buong ningning at sasabayan kitang sumayaw. hehe! :)
I hope you enjoyed your Christmas! Sana naging meaningful and very happy yung Pasko mo. :D
Advance happy new year too, wag magpaputok, baka maputulan. lol. :P
tagal ko na di nakapunta ng bed. woah lots of changes. thanks for the post, very informative :)
Happy Holiday ^0^ wish u all the best for this year! ingat po palagi.at salamat din po sa pag bati :)
Post a Comment