Tuesday, December 7, 2010

Ex-sena

Nakita kita sa simbahan. May kasamang iba.

Nagsisimba ka na pala ngayon.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi kita nayayang magsimba. “Hindi ako religious,” ang sabi mo pa.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iniwasan kita. Mas mabuti nang hindi mo ako makita.

***

Pagkatapos ng misa, muling nag-krus ang landas natin.

Sa bookstore sa kalapit na mall. Kasama mo siya.

Noong tayo pa, kahit minsan hindi mo ako sinamahang mag-bookstore. “Hindi ako mahilig magbasa,” ang sabi mo pa.

Isa uli iyon sa mga dahilan kung bakit nagkahiwalay tayo.

Iiwas sana ako subalit nagkasalubong na ang ating mga mata.

***

“Kumusta?” ang bati mo.

“Mabuti,” ang tugon ko.

Ipinakilala mo ako sa kasama mo. Kunwari wala tayong nakaraan.

“Saan kayo galing?” ang chika ko pa.

“Nagsimba,” ang sagot niya.

“Uy, nagsisimba ka na,” ang tukso ko sa’yo.

“Oo. Good boy na ako,” ang sagot mo, nakangiti.

“At nagbabasa na rin,” ang dugtong ko pa.

“Dahil sa kanya,” sabay turo sa kasama mo.

Ngumiti siya at nakita ko sa mga mata niya na proud siya dahil napagbago ka niya.

***

Bitbit ang mabibigat na libro, lumabas ako ng bookstore na mabigat din ang dibdib ko.

Sa huling sulyap, nakita ko kayong masayang nagba-browse.

Willing ka palang magbago at mag-adjust, bakit hindi pa sa akin noon?

Sana tayo pa rin hanggang ngayon.

At sana hindi ako nagbabasa ng romance upang pawiin ang lungkot.

17 comments:

likha said...

may bago...may experience din ako nyan kaso hindi ko na inisip un ang mahalaga maayos na ang buhay ng isat isa kahit hinid na kayo...makakahanap ka din ng iba...

Nimmy said...

idol! baka nagger lang ung new dyowa nya kaya ganun. ahihi

Ewan said...

haiz sana hindi mangyari sakin to..
di pa kami nagtatagpo ng ex ko though lahat ng taong konektado sa amin dati... nakasalubong ko na somewhere...

somewhere.... sometime... sana hindi magkrus ang landas naming dalawa x

john chen said...

is this fiction? and did you really want to change him?

orally said...

shet, medyo masakit to...

Jinjiruks said...

aris ang lungkot naman ng post na ito. ramdam ko na naman ang emosyon na pinaparating mo dito. la na tayong magagawa sa bagay na yan. may reason kung bakit nangyari ang bawat bagay. kung ako siguro maluluha ako habang papalayo sa eksena na ito.

MkSurf8 said...

awwww friend! marami pa naman dyan ang mga di nagsisimba at di marunong magbasa. tara convert natin at turuan magbasa.

charoz lang!

Anonymous said...

hmmm.... kung mababasa lang natin ang laman ng isip ng mga EX-sena natin.

-geek

Kane said...

"Somebody said you got a new friend
Does she love you better than I can

I'm in the corner, watching you kiss her
I'm right over here, why can't you see me
I'm givin' it my all, but I'm not the girl you're takin' home
I keep dancin' on my own"

Ming Meows said...

ouch!

si angelong discreet said...

awww ang lungkot. di bale makakakuha ka din ng katapat mo. ng someone na ikakaligaya mo na kasama ahihi

Ester Yaje said...

ba't parang nadama ko ang sakit? --love does not desire to change the beloved, otherwise love becomes conditional. For it is not a desire simply to make others change

iprovoked said...

Awww, baka hindi ka nya ganun kamahal para magbago siya for you. Just a thought sir! :]

ISTAMBAY said...

May mga bagay talagang hindi nakalaan para sayo.. iba na kasi ang panahon.. ang akala mong sapat na noon, hindi na ngayon.. tsk tsk.. much better be happy ka na lang.. kasi kung kayo pa, baka until now hindi pa din sya nagbabago... cheerzzz

Ester Yaje said...

komokorni na talaga ang life ngayon. LOL. salamat at nagawa mong bumisita sa tambayan ko. balik ka. :)

Tsina said...

Willing ka palang magbago at mag-adjust, bakit hindi pa sa akin noon?

Tanong ko din dati.

chag-a-delic-gurl said...

Nice post. Nakarelate ako. Deym. Folling you. - chagadelic gurl -