Nag-offer siya na ihatid ako pauwi. Ayoko sana dahil nahihiya akong makita niya ang kalagayan ko sa boarding house. Pero mapilit siya.
Ang boarding house ko ay isang luma at malaking bahay na kinuwarto-kuwarto. Maayos naman ito. Siksikan nga lang kaming mga boarders na halos lahat estudyante dahil malapit sa U-Belt ang lokasyon nito at mura ang upa.
Ewan ko naman kung bakit sa dinami-dami ng pagkakataong hindi ko naman nadadatnan ang kasera ko sa aking pag-uwi, ngayon niya naisipang maggantsilyo sa salas kung kailan may kasama ako.
“Magandang gabi, Aling Vangie,” ang bati ko sa kanya.
Hindi siya sumagot. Tumingin lang siya sa akin at kay Gilbert, naka-arko ang mga kilay. Classic na ang ekspresyong iyon sa kanyang mukha dahil sa likas na pagkasuplada niya.
“Si Gilbert nga po pala. Kaibigan ko,” ang sabi ko pa.
“Uhum,” ang naging tugon ni Aling Vangie at muling nagpatuloy sa kanyang ginagawa.
“Saan ang kuwarto mo?” ang tanong ni Gilbert sa akin.
“Sa itaas.”
“Maaari ko bang makita?”
Nag-angat ng paningin si Aling Vangie. “Bawal ang bisita sa kuwarto ng mga bedspacers,” ang sabi, higit na mataas ang mga kilay at masungit ang mga mata.
Napatingin ako kay Gilbert, apologetic.
“Anim sila sa kuwarto. Baka may mawala at may magreklamo,” ang dugtong pa ni Aling Vangie na puno ng kataklesahan. Ano’ng palagay niya kay Gilbert, magnanakaw?
Pero hindi na-intimidate si Gilbert. “Kung solo ba ang nirerentahang kuwarto, pwede ang bisita?” ang tanong niya kay Bella Flores.
“Oo. Pero bawal makitulog,” ang sagot.
“May solong kuwarto ba kayo na bakante?”
“Meron. Pero mas mataas ang upa.”
“Magkano?”
“Two five.”
Kaagad na dumukot ng wallet si Gilbert, mabilisang nagbilang ng pera at inabot kay Aling Vangie.
Napanganga si Aling Vangie, nanlaki ang mga mata.
“Heto ang kabayaran sa apat na buwan. Lilipat ngayon din sa solong kuwarto si Anton.”
Halos dakmain ni Aling Vangie ang pera sabay sa pagkakaroon ng maluwag na ngiti sa kanyang mukha. “Sure. Sure,” ang sabi. “Walang problema.”
Bumaling sa akin si Gilbert. “Hakutin mo na ang mga gamit mo.”
Sa bilis ng mga pangyayari, hindi na ako nakakibo. Napasunod na lamang ako, mangha sa mga bagay na maaari niyang gawin para sa akin.
***
At nagsimula ang bagong kabanata ng aking buhay.
Tinalikuran ko na ang pagko-kolboy. Nag-concentrate ako sa aking pag-aaral. At dahil solo ko na ang kuwarto ko at may mga libro na ako, lahat ng libreng oras ko ay ginugol ko sa pagbabasa at pagkabisa ng mga leksiyon ko. Nagbunga iyon ng matataas na marka na ikinatuwa ni Gilbert.
Patuloy pa rin kaming nagkikita ni Gilbert. Naroong sorpresa niya akong sinusundo sa school o pinupuntahan sa boarding house. Madalas lumalabas kami kapag weekend – dinner, bar, pasyal – at doon ako natutulog sa condo niya. Maiinit pa rin ang mga gabing pinagsasaluhan namin.
Subalit hindi defined kung anong relasyon meron kami. Hindi naman kasi namin pinag-uusapan. May isang pagkakataon na hindi ko naiwasang magtanong bunsod na rin ng nag-uumapaw kong kaligayahan pagkatapos naming magtalik.
“Mahal mo ba ako?” ang tanong ko.
Hindi siya sumagot. Niyakap niya lang ako nang mahigpit.
Gusto ko mang marinig ang kanyang damdamin, nakuntento na ako roon dahil nararamdaman ko naman ang kanyang saloobin at wala akong mairereklamo sa mga kabutihan niya sa akin.
Minsan, may ibinigay siya sa aking mga damit. “Hindi ko na isinusuot. Sa’yo na lang,” ang sabi. Tinanggap ko ang mga iyon subalit nang nasa bahay na ako at hina-hanger ko na sa cabinet, napansin ko na may tag pa ang mga damit. Bago pa ang mga iyon, hindi katulad ng kanyang sabi na pinaglumaan na niya.
Minsan din, wala na akong pera. Linggo noon at nasa condo niya ako, nag-aaral dahil may exam kinabukasan. Sabay sa pagsasaulo ko ay ang pag-aalala kung saan ako kukuha ng panggastos. Siyempre, hindi na option ang pagpapa-booking. At katulad ng sabi ko, hindi ako manghihingi sa kanya. Umuwi ako na walang binabanggit tungkol sa aking problema kahit na at one point, nagtanong siya kung bakit para akong balisa. Subalit nang nasa bahay na ako at muli kong ipinagpatuloy ang pagre-review, nagulat ako. May nakaipit na pera sa aking libro.
Natuto akong magtipid nang husto upang makaraos. Naglakad ako papasok sa eskuwela. Naghapunan ng isaw at squid balls. Nag-skip ng meals.
Tinulungan din ako ni Richard upang kumita ng extra. Sa tuwing magde-deliver siya ng mga sabon at pabango sa kiosks nila sa mga mall sa Metro Manila (iyon ang business ni Dan), ako na ang isinasama niya bilang tagabuhat sa halip na tao nila.
Sa kabila ng mga hirap at pagtitiis, masaya pa rin ako dahil napapangatawanan ko ang promise ko kay Gilbert.
At lagi siyang nandiyan, hindi niya ako pinababayaan.
***
Nalalapit na ang finals. At ang inaasahan kong padala ng mga magulang ko na pang-tuition ay nabulilyaso pa dahil sinalanta ng bagyo ang aming mga pananim sa probinsiya.
Halos walang-wala na ako at ang natitira kong pera ay sapat na lamang upang ipantawid ko ng gutom. Alalang-alala ako dahil kung hindi ako makakapag-exam baka bumagsak ako at masayang lang lahat ng aking pagsisikap. Hangga’t maaari ayokong lumapit kay Gilbert. Sobra-sobra na ang nagagawa niya sa akin at ayaw kong isipin niya na umaabuso ako.
Si Richard ang naisipan kong hingan ng tulong. Subalit wala rin siyang maipahiram sa akin. Pareho kami ng paninindigan kaya ayaw niyang ilapit kay Dan ang problema ko. Umiiwas din siya sa maaari nitong isipin.
Pero nangako pa rin si Richard na tutulungan ako. Maghahanap siya ng ibang malalapitan. Kahit medyo malabo, hindi ako nawalan ng pag-asa. Naniwala ako sa kanya dahil kahit noong mga panahong nagpapahada pa kami, hindi niya ako natitiis sa ganitong mga pagkakataon.
Sa panig ko naman, naghanap din ako ng raket. Kahit anong trabaho basta marangal at malinis. Subalit talagang nahirapan ako, dahil kung may napasukan man ako, kulang na kulang ang kinita ko. Hindi sasapat upang maipon ko ang pang-tuition ko.
Isang araw, tinawagan ako ni Richard.
“Pare, hindi ako sure kung okay lang sa’yo,” ang sabi niya. “Pero malulutas nito ang problema mo.”
“Kahit ano, basta kaya ko,” ang sagot ko. Desperado na kasi ako.
May na-sense akong pag-aalinlangan sa kanya bago siya nagpatuloy.
“Ganito kasi… May kabarkada sina Dan na magma-migrate na sa Australia. Bibigyan niya ito ng despedida.”
Ano naman kaya ang relevance niyon sa akin?
“At sa despedidang iyon, balak niyang magkaroon ng… live show.”
Saka ko lang naunawaan ang tinutumbok niya.
“Pinakiusapan ako ni Dan na maghanap ng performer,” ang patuloy niya. “Alam ko na labag na ito sa kalooban mo pero ipinapaalam ko pa rin sa’yo dahil baka gusto mong i-consider. Pero kung ayaw mo, okay lang dahil may mga kakilala naman ako sa gaybar na maaari kong kuhanin. Kaya lang, pare, wala na akong ibang mahanap na paraan upang makatulong sa’yo.”
Napabuntonghininga ako.
“Dalawa kayong magpe-perform. Macho dancer ang makakapareha mo. Sayaw-sayaw muna tapos live sex sa harap ng mga kaibigan ni Dan. Malaki ang budget. Sobra pa sa pang-tuition mo. Kung gusto mo lang. Private naman ito. Tayo-tayo lang. Hindi na ito malalaman ni Gilbert.”
Natahimik ako at napag-isip.
“Pare, sorry, I even brought this up,” ang sabi ni Richard pagkaraan ng ilang sandali na hindi ko pagkibo. “Alam ko naman na nagbagong-buhay ka na. Sige, tatawagan na lang uli kita. Baka makahanap pa rin ako ng ibang way para makatulong sa’yo.”
“Sandali…” ang pigil ko sa kanya.
“O, pare… bakit?”
“Kailan ang despedida?”
Saglit na natigilan si Richard. “Pare, sigurado ka?”
“Wala na akong ibang magagawa.”
“Sa darating na Biyernes.”
“Paano tayo magkikita?”
“Maaari kitang sunduin sa boarding house mo. Mga bandang alas-sais siguro. Kasama ko na noon ang makakapareha mo. Tapos tutuloy tayo sa bahay ni Dan. Itatago ko muna kayo dahil sorpresa sa mga bisita ang palabas n’yo.”
“Ok, sige. Sa Biyernes, hihintayin kita.”
“Pare, sigurado ka?” ang ulit niya.
“Pare, may choice pa ba ako?”
(Itutuloy)
Part 9
24 comments:
una ba ako? hehhehe nice one... bitn like ko...
bitin na naman Aris... =(
hayyy...
hindi ako makahinga.... next please!
=)
@likha: may karugtong pa. :)
@angel: abangan. hehe! :)
@ms. chuniverse: ginagawa ko na ang karugtong. more surprises! :)
this series... fiction ba?
@rygel: yep. fiction nga. :)
kumabog ang dibdib ko.ahihihi... naku po
@angelong discreet: lalo kang kakabahan sa mga susunod pang mangyayari, pramis. hehe! :)
Aris, pakibilisan naman sa pagpost nung kasunod. Nakakabitin eh.
hehehe. Demanding lang. :)
Merry Christmas.
alam ko na nag next nam angyayari..si Gilbert isa sa mga bisita sa live show! di kaya?
@m.i.: lapit na. sinusulat ko na. hehe! maligayang pasko rin. salamat sa follow. :)
@anonymous: basta. abangan mo na lang. hehe! :)
Hey aris,
im so hooked to this story.
sobrang nakaka excite yung kwento.
cliche' na yung topis pro aabangan at aabnagn mo yung susunud na kwento na parang kung pwede lang e hilahin mu yung araw para lang malaman muna yung sumunud na nangyari? LOL.
thank you for always sharing.
pls. do continue to keep on posting your your stories & others.
TC dude & merry xmas.
hotpipe1
@anonymous: hello hotpipe. wow, ang sarap naman sa pakiramdam ng sinabi mo. salamat din sa pagbabasa. at dahil sa nakaka-inspire mong comment, pramis, patuloy akong magkukuwento. ingat always at maligayang pasko rin. :)
shet ito na.. mukang alam ko na yung susunod na mangyayari.. pero sana inde yun yung mangyari... tagal kong nawala sa site na to.. at tuwang tuwa ako na madami akong nabasa na bago... salamat aris..
@virex: hello again, virex. salamat din sa patuloy mong pagsubaybay. isang maligaya at mabiyayang pasko sa'yo at sa mga mahal mo sa buhay. :)
Kuya aris, ano ba yan? Napaparanoid na ako yata ako sa series na ito. Well it could really happen. Pero kasi andaming "what if's" na pwedeng mangyari sa susunod. Eto mga possibilities na what if's sa kwento mo: What if magiging guest si Gilbert sa despidida? What if may nakakuha ng video during that despidida na kakalat sa bangketa at saka makikita ni Gilbert? What if hindi tunay ang ipinakilalang pangalan ni Gilbert sa kay Anton at siya pala ang nagpadespedida? What if mamamatay si Anton? Wah, Kuya Aris napaparanoid na talaga ako sa kwento! Super ganda kasi ng pagkakagawa, iba na naman ang istilo ng pag-atake ng kuwento. Sana naman Kuya Aris, magiging Indie Film yung mga ginagawa mong kwento para astig! MERRY XMAS po, at sana wish ko ngayong Pasko magiging magaling din akong tagagawa ng Kuwento! Ingat po. Can't wait for the next episode!
exciting. isang basahan ko lng yung 1-8. sayang wla pa yung nine eh yun pa nman ang may kaabang abang. 1st time to visit this site. like much. kip it up aris.
freilancer
@xtremesolitude: nagpapasalamat ako na patuloy kang napapasaya ng mga kuwento ko. nakakapagbigay inspirasyon sa akin ang mga comment mo upang higit ko pang pagbutihin ang ginagawa ko. maligayang pasko rin sa'yo. :)
@freilancer: welcome sa aking blog. masaya akong malaman na na-appreciate mo ang aking kuwento. sana patuloy kang mag-enjoy sa mga susunod mo pang pagbisita. merry christmas! :)
well for a fiction story i'm hooked :)
~hahaha,...kinabahan ako akala ko totoo..hehehe....(totoo nga ba?)
Hi there. I saw this blog when I joined BNP. Nakakatuwa ang story na ito. It caught my attention while lurking. Wala sana akong planong magbasa muna pero what I don't know is that I'm actually reading this chapter and here I am, writing this comment at this very moment. One thing lang sana, I would love to share my stories here. Would that be possible? You can e-mail me at angelpaulhilary28@yahoo.com.
Or vist my blog http://dalisaynapusoatkaluluwa.blogspot.com
@rygel: happy to know that, rygel. thanks a lot. :)
@poppe bowow: fiction lang. pero may pinaghugutan. hehe! thanks and welcome sa aking blog. :)
@dalisay: hello there. maraming salamat sa iyong pagbabasa. email na lang kita. congrats for being number 2 sa bnp. :)
hi aries...it was yerterday when i bookmark your site to my pc.and then i was hooked also to this series.slamat sa kwnto mo..so inspiring.isang basahan din lng ang gnwa q for this story,and now excitedly waiting for the next chapter.tc aries...
@bongjay: thank you for bookmarking me. kumpleto na ang series na ito. enjoy! :)
Post a Comment