Iginala ko ang aking paningin. Hinanap ko siya sa kapal ng tao sa dancefloor.
Sa liwanag ng patay-sinding mga ilaw, nakita ko siya. Mas guwapo pala siya sa personal. Na-excite ako. Tapos, nagtama ang aming mga mata.
Who knew that you’d be up here Looking like you do You’re making staying over here impossible Baby I must say your aura is incredible
Pareho kaming nakipagsiksikan upang makalapit sa isa’t isa. At nang magtagpo, nagsimula kaming sumayaw na hindi bumibitiw ang mga titig.
Do you know what you started I just came here to party But now we’re rockin’ on the dancefloor Acting naughty
Hinawakan niya ang aking kamay, ang aking baywang. Hinila niya ako payakap sa kanya. Nagdikit ang aming mga katawan. Naglapit ang aming mga mukha.
Your hands around my waist Just let the music play We’re hand in hand, chest to chest And now we're face to face
Tukso ang kanyang mga labi. Barely an inch away from mine. Hindi ko napigil ang aking sarili. I kissed him. He kissed me back. Napapikit ako at nilasap ang tamis ng aming paghahalikan.
“Hi. Ako si Aris,” ang sabi ko nang magbitiw kami.
“Ako si F.”
Sabay kaming napangiti.
Finally, natuloy din ang aming pagkikita. After being chatmates and textmates for so long. Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong iyon.
I wanna take you away Let’s escape into the music DJ let it play
Muling naglapat ang aming mga labi, may urgency ng pagkasabik at pagkauhaw. Nagyakap kami, mahigpit. Nadama ko ang bawat contour ng kanyang mala-diyosong katawan.
Baby are you ready ‘cause it’s getting close Don’t you feel the passion ready to explode What goes on between us no one has to know This is a private show
He was extemely sweet, higit sa pagkakakilala ko sa kanya online. In my mind, I started imagining the two of us becoming lovers. It was an exciting thought. Higit lalo at hindi maikakaila ang aming mutual attraction.
Patuloy kaming nagsayaw. We were both uninhibited. May init ang bawat galaw.
Keep on rocking to it Please don’t stop Please don’t stop the music
“Hi.” May guy na lumapit sa amin. Matangkad, maporma, gym-fit. Inakbayan niya si F na kaagad namang nag-respond. Obviously, magkakilala sila.
“Aris,” ang baling ni F sa akin. “I want you to meet B…”
I was about to extend my hand and say hello nang marinig ko ang karugtong ng introduction.
“…my boyfriend.”
Nagulat ako at napaurong.
“Don’t worry, we have an open relationship.”
Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa
“Can I join you?” ang tanong ni B, sa akin nakatingin.
“Of course.” Si F ang sumagot.
He kissed F. Then he kissed me. F kissed me. Then B kissed us both. Sabay-sabay na naglapat at nagtunggalian ang aming mga labi.
I just can’t refuse it Like the way you do this Keep on rocking to it Please don’t stop Please don’t stop the music
I felt my heart slowly breaking but I went along with what was happening.
Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa
Bumulong sa akin si F. “Sama ka sa amin ni B. Mag-threesome tayo.”
Tuluyang nanlumo ang aking puso at gumuho ang ilusyon ko kay F.
Kabubukas lang ng mall, naroroon na ako. Ang aking sadya: magpa-facial! Hindi dahil sa kalandian kundi dahil kailangan kaya tumakas muna ako sa office nang umagang iyon.
Bago pumunta sa clinic na nasa basement ng mall, dumaan muna ako sa kalapit na restroom. Walang-wala sa hinuha ko na may naghihintay na sorpresa sa akin doon.
Pagpasok ko, nakita ko siyang nakaharap sa salamin, nagpapaguwapo. Sure ako na sa mall siya nagtatrabaho dahil sa kanyang uniporme na hindi ko pinagkaabalahang basahin ang logo. Saglit na nagtama ang aming mga mata at napansin ko na may itsura siya.
Tumuloy ako sa urinal. Sumunod siya sa akin at tumabi. Iniwasan kong tumingin. Subalit sa aking peripheral, nabanaagan ko ang inilawit niya at iwinagayway. Na-curious ako pero pinigil ko pa rin ang sumulyap.
Nang matapos akong umihi, humarap ako sa salamin at nag-ayos ng buhok. Tumayo siya sa aking likod. Nagulat ako dahil nakabukas ang kanyang pantalon, kita ang kanyang puting brief na namumurok sa bukol.
Napalunok ako at napatitig sa kanyang repleksiyon. Ngumiti siya sa akin at kumindat. Dinilaan niya rin ang kanyang mga labi. He was seducing me! Para akong itinulos na hindi makakilos.
Maya-maya pa, kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kanyang harapan. Ipinasalat niya sa akin ang kanyang umbok. Ipinahimas-himas at nagsimula siyang tigasan.
Bumilis ang tibok ng aking puso at nag-init ang aking pakiramdam.
Nagharap kami. Muli ay hinawakan niya ang kamay ko at ipinasok sa brief niya. Nadama ko ang kanyang di-pangkaraniwang sukat.
At bago pa ako nakahuma, inilabas niya ang ari niya. Umigkas iyon na parang dalag. Napanganga ako at napasinghap.
Grabe, extra large! Jumbo, kumbaga sa hotdog. Bratwurst, kumbaga sa European deli. At homemade special, kumbaga sa embotido.
Nanlaki ang mga mata ko. Noon lang ako nakakita ng ganoon. Kalahati lang ang kayang balutin ng kamay ko at halos hindi magtagpo ang hinlalaki at hinlalato ko.
“Tikman mo,” ang kanyang utos.
Nanghina ang aking mga tuhod at ako ay napaluhod.
***
Pinahiga niya ako sa kama at kaagad na tinrabaho.
Nadama ko ang haplos ng mga kamay niya sa mukha ko. Napapikit ako.
Naging maulap ang kamalayan ko at nadama ko ang mainit na singaw sa aking balat. Nagsimula akong magpawis.
Nagpabiling-biling ako. Hindi mawala sa aking isip ang jumbo hotdog.
Maya-maya pa, naramdaman ko ang pagtusok ng matulis na sandata. Napapitlag ako.
“Ahhh… Dahan-dahan… masakit…” ang anas ko.
Magkakasunod ang ginawa niyang pag-ulos. Sundot-kalikot. Pilit pinipiga ang nasa loob.
Naglumiyad ako, sunod sa kanyang bawat kilos.
Hindi nagtagal, may nakatas siya mula sa akin. Nakadama ako ng ginhawa kahit na may konting kirot.
Isang buntonghininga ang aking pinakawalan. Nag-relax ang aking katawan.
Tuluyan na akong nagpaubaya sa facialist.
***
Bago umuwi, naisipan kong bumili ng pasalubong para sa mga kaopisina ko.
May nadaanan akong food cart at kaagad akong nagpabalot ng German Franks. (Obviously, nasa subconscious ko pa ang nangyari sa restroom.)
Nang magbabayad na ako, nagulat ako nang mapagsino ko ang nasa likod ng cart.
Nagkatinginan kami at nagkangitian.
Ang lalaking nagmamay-ari ng pinakamalaking hotdog na aking natikman…
Pitong taong gulang siya noon nang una niyang masilayan si Miguelito. Nagtatapos noon ang Marso nang dumating ito sa plantasyon kasama ni Doña Anastasia.
Mangha siya sa itsura nito na naiiba sa mga batang kanyang nakakasalamuha. Mestiso, maputi ang balat at ginintuan ang buhok. Para siyang nakakita ng anghel na bumaba sa lupa.
“Mula ngayon, dito na maninirahan ang aking mag-ina,” ang anunsiyo ni Don Miguel Montemayor sa mga tagapaglingkod na sumalubong sa kanila. “Paglingkuran n’yo sila na katulad ng paglilingkod n’yo sa akin.”
Nagbigay-galang ang mga tagapaglingkod na kinabibilangan ng kanyang ina. Nakasilip siya mula sa likuran nito.
Namataan siya ni Miguelito at nginitian. Subalit sa halip na ngumiti rin, siya ay nagkubli.
Nang sumunod na araw, hindi siya nakaiwas nang lapitan siya nito.
“Ano’ng pangalan mo?” ang tanong.
Nahihiya man, nagawa niyang tumugon. “Alberto.”
“Ako si Miguelito. Halika, laro tayo,” ang yaya nito.
Nanaig ang kagustuhan niyang makipagkaibigan kaya sumama siya rito.
Nagtungo sila sa hardin at doon ay naglaro sila ng habulan. Ang saya-saya nila.
Mula noon, lagi na silang magkalaro at nagkaroon ng bagong sigla ang pagsama-sama niya sa kanyang ina sa malaking bahay.
Pagkalipas ng dalawang linggo, muli ay may dumating sa plantasyon. Si Miss Josephine, kasama ang isang batang babae na nagngangalang Isabel. Kasinggulang nila ito ni Miguelito.
Kaibigan ni Doña Anastasia si Miss Josephine. Anak niya si Isabel at nanggaling sila sa Maynila. Isa siyang maestra at pinapunta siya roon ni Doña Anastasia upang maging tagapagturo ni Miguelito. At dahil lagi silang magkasama ni Miguelito, pati siya ay naging estudyante nito. Gayundin si Isabel na kaagad din nilang nakasundo. Sa araw-araw, bukod sa paglalaro, ay naging bahagi na ng mga aktibidad nila ang pag-aaral.
Sa kanilang tatlo, si Alberto ang pinakamatalino kung kaya tuwang-tuwa sa kanya si Miss Josephine. Pumapangalawa si Isabel. Hindi naman mahina ang ulo ni Miguelito, medyo mabagal lang ito.
Sa hapon, pagkatapos ng kanilang pag-aaral, diretso sila sa paglalaro sa hardin na kung saan palaging abala ang hardinerong si Delfin. Mabait sa kanila si Delfin. Palagi sila nitong ipinangunguha ng mangga at bayabas. At kahit sunog ang balat sa araw, hindi mapasusubalian ang kakisigan nito. Lagi itong hubad-baro kapag nagtatrabaho at litaw ang katawang matipuno.
Ang napansin niya kay Delfin, kapag nasa hardin na sila at naglalaro, panay ang sulyap nito sa ikalawang palapag ng malaking bahay na para bang may hinahanap at hinihintay. At minsang sinundan niya ang tingin nito, nakita niyang nakadungaw sa bintana si Miss Josephine at nakatingin din kay Delfin. Kitang-kita niya na nagpalitan ng tipid na ngiti ang dalawa.
At dahil bata pa, wala siyang naging malisya. Subalit isang hapong malapit nang dumilim, nagyaya si Miguelito na magtungo sa bayabasan. Hinahanap sana nila si Delfin upang magpapitas ng prutas subalit wala ito sa hardin. Ayaw sumama ni Isabel dahil natatakot itong sumuot sa kakahuyan kung kaya sila na lamang ni Miguelito ang lumakad.
Dahil pamilyar siya sa lugar, si Alberto ang naging giya. Nagmamadali sila dahil ayaw nilang abutan ng dilim. Malapit na sila sa bayabasan nang matanaw nila sa di-kalayuan ang isang kamalig. Umiral ang kanilang kuryusidad nang makita nila ang isang babae na pumasok doon. Dali-dali nilang tinungo ang kamalig at sumilip sa mga siwang sa dingding.
At sila ay nagulat. Dahil nakita nila sa loob ng kamalig si Miss Josephine. At si Delfin.
Magkayakap at naghahalikan.
Napasinghap sila nang maghubad ang dalawa.
Binuhat ni Delfin si Miss Josephine at isinampa sa mga sako ng mais.
Ipinagpatuloy nito ang paghalik. Sa labi… sa leeg… sa dibdib ni Miss Josephine. Napapaliyad si Miss Josephine habang nakakapit nang mahigpit kay Delfin.
Maya-maya pa, ibinuka ni Delfin ang mga hita ni Miss Josephine at nagsimulang magdumiin sa pagitan niyon. Sa bawat kadyot ni Delfin ay impit na napapasigaw si Miss Josephine.
Hanggang sa bumilis nang bumilis ang urong-sulong ng balakang ni Delfin na sinasalubong naman ni Miss Josephine at ang impit na mga sigaw ay naging mga ungol.
Nakamulagat sina Alberto at Miguelito sa panonood. Dinig nila ang bilis ng tibok ng kanilang mga puso.
At nang higit na maging marahas ang galaw ng katawan ni Delfin at mag-ingay si Miss Josephine na parang sinasaktan, natakot ang dalawang bata at mabilis na nagtatakbo palayo.
Hingal na hingal sila nang makarating sa malaking bahay. Hindi nila maunawaan kung ano ang kanilang nasaksihan. Nag-alala sila sa maaaring mangyari kay Miss Josephine dahil sa ginagawa ni Delfin. Gulung-gulo man ang kanilang isip, sinarili nila ang nakita sa kamalig. Hindi nila iyon binanggit kahit kanino, lalo na kay Isabel.
Kinabukasan, wala silang nakitang anumang bakas ng nakahihindik na karanasan kay Miss Josephine. Normal pa rin itong humarap sa kanila at tila higit pang naging masayahin. Nakahinga sila nang maluwag. Subalit nang makita nila si Delfin sa hardin, may takot na silang nadama rito kaya mula noon, iniwasan na nila ito.
Tahimik na lumipas ang mga araw. Aral-laro pa rin ang naging takbo ng kanilang buhay. Naging mas malapit sila sa bawat isa at nagsimula silang gumala palayo sa malaking bahay upang tuklasin ang iba pang bahagi ng plantasyon. At kung may pinakaiiwasan man sina Alberto at Miguelito na puntahan, iyon ay ang kamalig. Ayaw na nilang muli ay may masaksihan doon lalo na at palagi nilang kasama si Isabel. Ayaw nila itong magimbal sakaling makita ang ginagawa ni Delfin kay Miss Josephine.
Kasagsagan noon ng tag-init nang sabay na mawala sa plantasyon sina Miss Josephine at Delfin. Narinig niya sa usapan ng mga tagapaglingkod na nagtanan daw ang dalawa. Nagulat ang mga tagapaglingkod dahil hindi nila alam na may relasyon sina Miss Josephine at Delfin. Nagalit din sila kay Miss Josephine dahil kasamahan nila ang asawa ni Delfin. Hindi rin sila makapaniwala na magagawang iwan ni Miss Josephine ang anak na si Isabel upang sumama sa isang lalaki.
“Haliparot! Naturingan pa namang isang maestra,” ang pagkondena na nanggaling mismo sa kanyang ina.
Isang liham ang natagpuan ni Doña Anastasia na iniwan ni Miss Josephine:
Mahal kong Ana,
Ipagpatawad mo ang kapangahasang aking nagawa. Likas na ako ay mahina pagdating sa pag-ibig. Hindi na ako natuto sa mga pagkakamali ko noon. Sumama ako kay Delfin bilang pagsunod sa itinitibok ng aking puso.
Sana hindi kalabisan na ihabilin ko sa inyo si Isabel. Kayo na ang bahala sa kanya. Mas makabubuting mamuhay siya sa piling ng isang pamilya kaysa ang sumama sa isang pariwarang ina.
Josephine
Iyak nang iyak si Isabel sa pagkawala ng ina. Umiyak siya hanggang sa masaid ang kanyang luha. Subalit hindi naglaon, natanggap niya rin iyon. At muli siyang bumalik sa pakikipaglaro kina Alberto at Miguelito. Muli silang naging masaya, higit lalo at pulos laro na lamang ang inatupag nila dahil natigil na ang pag-aaral nila. Wala silang ginawa kundi ang maghabulan sa hardin.
Dahil sa naging paghahabilin ni Miss Josephine, naging bahagi ng pamilya Montemayor si Isabel. Inari siyang parang anak nina Don Miguel at Doña Anastasia.
“I have always wanted a daughter, anyway. At hindi naman na iba sa akin ang batang ‘yan,” ang narinig niyang sabi ni Doña Anastasia.
Katapusan noon ng Mayo nang ipahanda ni Don Miguel ang kotse para sa isang pagbibiyahe. At nagulat si Alberto nang malaman niyang aalis sina Doña Anastasia, Miguelito at Isabel. Narinig niya sa mga tagapaglingkod na kailangan daw kasing mag-aral ng mga bata. Subalit narinig niya rin na nababagot daw si Doña Anastasia sa plantasyon at hinahanap-hanap nito ang nakasanayang buhay sa lungsod.
Bumaba ng bahay sina Miguelito at Isabel, bihis na bihis. Kahit bagong paligo, nagmukha siyang gusgusin nang mapatabi sa mga ito.
“Babay, Alberto.”
“Saan kayo pupunta?”
“Sa Maynila.”
“Babalik pa ba kayo?”
“Hindi ko alam.”
“Magkikita-kita pa ba tayo?”
“Hindi ko rin alam.”
“Sino na ang magiging mga kalaro ko?”
Hindi niya napigil ang umiyak. Umiyak din si Isabel. Niyakap siya ni Miguelito nang napakahigpit.
At nang umandar na ang kotse, humabol pa siya subalit kaagad din siyang naiwan. Parang dinudurog ang kanyang puso habang tinatanaw niya ang paglayo at paglalaho nito.
Nangulimlim ang kanina ay maaliwalas na langit. Umihip ang malamig na hangin. Dumagundong ang kulog at may kidlat na gumuhit. Bumuhos ang malakas na ulan at kaagad na tinigmak ang paligid.
Napasalampak siya sa putik, patuloy sa pag-iyak habang tinatawag ang mga pangalan nina Miguelito at Isabel.
Tiningala iyon ni Albert hanggang makalagos ang kotseng kinalululanan niya. Napansin niya ang mabulaklak na bogambilyang nakalingkis sa mga poste nito. Gayundin ang kupas nang pintura.
“Mang Carding,” ang sabi niya sa driver ng kotse. “Pakibanggit kay Nanding na kailangan nang pinturahan ang arko.”
Ang arkong iyon ang nagsisilbing palatandaan papasok sa kanyang lupain.
Ang kalsadang binabagtas nila ay nagsimulang humiwa sa gitna ng pataniman ng mais at tubo. Malawak iyon kaya mahaba-haba rin ang kanilang nilakbay bago nila sinapit ang bahagi ng kalsadang nayuyungyongan ng nagpapang-abot na mga dahon at sanga ng mga akasyang nakatanim sa magkabila.
Sa dulo niyon ay naroroon ang gate ng Plantation Resort. Matatanaw sa loob ang lumang plantation house na nasa bulubunduking bahagi ng lugar. Imposing ang bahay na dati ay tahanan ng mga Montemayor na nagmamay-ari ng pataniman.
Isang guwardiya ang nagbukas ng gate at nagbigay-pugay. Nilandas ng kotse ang daan paakyat sa plantation house. Pinagmasdan ni Albert ang malawak na hardin. Naalala niya noong paslit pa siya. Iyon ang palaruan nila nina Miguelito at Isabel.
Parang kailan lang, kasa-kasama siya ng kanyang mga magulang sa paninilbihan sa mga Montemayor. Sino ang mag-aakalang darating ang panahon na mapapasakanya ang lugar na iyon?
Humimpil ang kotse sa tapat ng bahay. Bumaba si Albert at inakyat ang hagdan patungo sa balkonahe. Tuluy-tuloy siyang pumasok sa salas na ngayon ay nagsisilbi nang reception ng resort. May mga guests na nagtse-check-in sa front desk at may mga nakaupo sa couches habang sumisimsim ng welcome drinks.
“Albert!” ang salubong sa kanya ng isang charming at eleganteng babae na nasa late forties. Si Aurora, ang manager ng resort. “You’re early.”
“Alam mo naman si Mang Carding, mabilis magmaneho,” ang kanyang sagot.
Nagbeso sila. Ganoon sila ka-close. Hindi boss-employee ang turingan nila dahil may pinagsamahan na sila noon pa.
“Kumusta kayo rito?” ang tanong niya.
“We’re fully booked,” ang sagot ni Aurora. “Kailangang i-commend ang Manila office natin. They’re doing a good job in selling the resort.”
“I’m happy to hear that.”
“Halika, magmeryenda ka muna.” Kumapit sa braso niya si Aurora at giniyahan siya patungo sa dining room na converted na ngayon bilang isa sa mga restaurant ng resort.
Pagtapat nila sa front desk, saglit siyang napatigil at napatingin sa isa sa mga staff na naroroon. Si Francis na ang angking kakisigan ay namumukod-tangi sa kanyang mga kasamahan. Napatingin din ito sa kanya at ngumiti. Tumango si Albert bilang tugon at muli silang nagpatuloy sa paglalakad ni Aurora.
“How is he doing?” ang tanong niya kay Aurora.
“He’s enjoying it here. I am thankful that he has chosen to be with his mother.”
Anak ni Aurora si Francis. Nang alukin siya ni Albert na i-manage ang resort, hiniling niya ang employment nito para makasama niya sa relokasyon. Pumayag si Albert dahil may kuwalipikasyon naman si Francis bilang Tourism graduate. Bukod sa minsan ay naging espesyal din ito sa kanya.
Pag-upo nila sa restaurant, kaagad na nagsilbi ang waiter.
“Ipinahanda ko na ang paborito mong meryenda,” ang sabi ni Aurora.
“Thanks.”
“Ipinahanda ko na rin ang kuwarto mo sa itaas. Nag-reserve din ako ng riverside cottage just in case gusto mong lumipat.”
Ngumiti si Albert. “What will I do without you, Aurora? Mabuti na lang nagbago ang isip mo about retiring early at pinagbigyan mo ako.”
Ngumiti rin si Aurora. “My life in Manila was so stressful. Dito, nag-slow down ako. Para na rin akong nag-retire and yet I am still useful. Buti na lang tinanggap ko ang alok mo. I love it here.”
Nagsimula silang kumain.
“How long will you be staying?” ang tanong ni Aurora.
“Hindi ko alam. Kailangan kong magpahinga… to sort something out.” Saglit na nag-wander ang atensiyon ni Albert, distracted ng kung anumang sumagi sa kanyang isip.
Mataman siyang pinagmasdan ni Aurora, tila binabasa ang ekspresyon sa kanyang mukha.
“May problema ba?” ang tanong nito sa kanya.
Bumuntonghininga muna si Albert bago sumagot. “Ayokong magsinungaling sa’yo, Aurora, kaya sasabihin kong mayroon.”
“Business?”
“Personal.”
Muli siyang pinagmasdan ni Aurora. “Is it about… Mico?”
Marahang tumango si Albert. “From the very start, I knew it was wrong.”
“Pero siya lang ang nakita kong nakapagpasaya sa’yo mula nang mawala si Ramon.”
“I know I shouldn’t be acting this way. For God’s sake, I am already 38 and I should be decisive.”
“You are decisive,” ang giit ni Aurora.
“Not when it comes to love,” ang sagot niya.
“Akala ko, nakapagdesisyon ka na tungkol sa kanya. Na kahit malayo ang agwat ng edad n’yo, mamahalin mo siya. Bagay na pinapaboran ko dahil nakikita kong mahal ka rin niya at natitiyak kong hindi pera ang habol niya sa’yo dahil maykaya ang pamilya niya.”
“Pero may nangyaring hindi inaasahan. May natuklasan ako tungkol sa kanya at iyon ang nagpapagulo sa isip ko ngayon. Suddenly, unsure na ako sa relasyon namin. Hindi ko alam kung dapat pa ba kaming magpatuloy.”
Bumuntonghininga si Aurora, puno ng simpatiya. “It’s none of my business kaya hindi na ako magtatanong kung ano ang problema ninyo. Hahayaan muna kitang makapag-isip-isip at ayusin ang bagay na ‘yan on your own. But if you need somebody to talk to, nandito lang ako.”
Sa kabila ng pagkagulumihan, pilit na ngumiti si Albert. “Salamat, Aurora.”
Ngumiti rin si Aurora at tinapik-tapik ang kamay niya.
At nang matapos ang kanilang pagmemeryenda, tumayo na sila at lumabas ng restaurant.
“Magpapahinga ka na ba?” ang tanong ni Aurora.
“Hindi. Maglalakad-lakad muna ako,” ang sagot ni Albert.
“Alright. Ipapaakyat ko na lang ang mga bagahe mo sa kuwarto. I’ll see you later, Albert.”
“Okay. Thanks again.”
Tinanaw niya ang paglayo ni Aurora at natiyak niya, the resort is doing her good dahil sa masigla at masaya nitong kilos. Sana ganoon din ang maging epekto sa kanya ng pagtigil niya roon.
Sa pagdaan niya sa tapat ng front desk ay muli silang nagkatinginan ni Francis. Nginitian siya nito. Bahagya siyang tumugon subalit hindi huminto, patuloy ang mga hakbang palabas ng plantation house.
It was a glorious day. Asul na asul ang kalangitan at kahit mainit ang sikat ng pang-alas diyes na araw, mapresko ang ihip ng hangin at malilim ang mga lakaran dahil sa mayayabong na mga puno at halaman na nagkalat sa paligid.
Malaki na ang ipinagbago ng plantasyon mula nang ito ay maging pag-aari niya. Ideya niya na i-convert iyon. Hindi mapapasubalian ang kariktan ng lugar. Tahimik at hitik sa likas-yaman. Malapit sa paanan ng bundok at dinadaluyan ng malinis na ilog. Sayang naman kung mananatili na lamang itong pataniman at hindi malulubos ang potensyal. Naging malaking karagdagang kita sa ani ng lupain ang pagiging isang tourist destination nito.
Malaki ang kapasidad ng resort na tumanggap ng maraming guests dahil sa mga cottages na ipinatayo niya at in-incorporate sa landscape. At kahit maging fully-booked pa sila, sa sobrang lawak ng property ay hinding-hindi ito magiging masikip. Magkakaroon pa rin ng sapat na katahimikan at privacy ang mga manunuluyan doon.
Dama ni Albert ang koneksiyon niya sa lugar na iyon kahit na may kaakibat iyong magkahalong saya at lungkot. Dito siya nagkaisip at lumaki, unang umibig at nasaktan. Masakit ang mga alaala kung bakit kailangan niyang iwan noon ang plantasyon. At kahit itinadhana ang muli niyang pagbabalik, hindi nabubura iyon. Lalo na ngayon dahil isang bahagi ng kanyang nakaraan ang nagtulak sa kanya upang dito ay magkanlong.
Isang cottage na nakasuksok sa halamanan ang nadaanan ni Albert. Isang pamilya ang umuokupa niyon. Nasa porch ang Tatay at Nanay na nakapahingalay sa lounging chairs habang ang tatlong maliliit na anak – dalawang lalaki at isang babae – ay naglalaro ng habulan sa hardin. Matitinis ang mga tili at tawa, lipos ng kasiyahang walang malay.
Pamilyar sa kanya ang eksenang iyon at habang pinapanood niya ang mga bata, nakadama siya ng masidhing kirot sa kanyang puso.
Hindi niya napigil ang muling pananariwa ng mga alaala.
Mahigit tatlumpong taon na ang nakakaraan nang magsimula ang lahat, dito rin sa lugar na ito na kung tawagin ngayon ay Plantation Resort.