Wednesday, March 30, 2011

Eyeball

“Nasaan ka na?”

“Bed na. Ikaw?”

“Bed na rin. Naka-brown ako.”

“Ako, naka-blue stripes.”

Iginala ko ang aking paningin. Hinanap ko siya sa kapal ng tao sa dancefloor.

Sa liwanag ng patay-sinding mga ilaw, nakita ko siya. Mas guwapo pala siya sa personal. Na-excite ako. Tapos, nagtama ang aming mga mata.

Who knew that you’d be up here
Looking like you do
You’re making staying over here impossible
Baby I must say your aura is incredible

Pareho kaming nakipagsiksikan upang makalapit sa isa’t isa. At nang magtagpo, nagsimula kaming sumayaw na hindi bumibitiw ang mga titig.

Do you know what you started
I just came here to party
But now we’re rockin’ on the dancefloor
Acting naughty

Hinawakan niya ang aking kamay, ang aking baywang. Hinila niya ako payakap sa kanya. Nagdikit ang aming mga katawan. Naglapit ang aming mga mukha.

Your hands around my waist
Just let the music play
We’re hand in hand, chest to chest
And now we're face to face

Tukso ang kanyang mga labi. Barely an inch away from mine. Hindi ko napigil ang aking sarili. I kissed him. He kissed me back. Napapikit ako at nilasap ang tamis ng aming paghahalikan.

“Hi. Ako si Aris,” ang sabi ko nang magbitiw kami.

“Ako si F.”

Sabay kaming napangiti.

Finally, natuloy din ang aming pagkikita. After being chatmates and textmates for so long. Kaytagal kong hinintay ang pagkakataong iyon.

I wanna take you away
Let’s escape into the music
DJ let it play

Muling naglapat ang aming mga labi, may urgency ng pagkasabik at pagkauhaw. Nagyakap kami, mahigpit. Nadama ko ang bawat contour ng kanyang mala-diyosong katawan.

Baby are you ready ‘cause it’s getting close
Don’t you feel the passion ready to explode
What goes on between us no one has to know
This is a private show

He was extemely sweet, higit sa pagkakakilala ko sa kanya online. In my mind, I started imagining the two of us becoming lovers. It was an exciting thought. Higit lalo at hindi maikakaila ang aming mutual attraction.

Patuloy kaming nagsayaw. We were both uninhibited. May init ang bawat galaw.

Keep on rocking to it
Please don’t stop
Please don’t stop the music

“Hi.” May guy na lumapit sa amin. Matangkad, maporma, gym-fit. Inakbayan niya si F na kaagad namang nag-respond. Obviously, magkakilala sila.

“Aris,” ang baling ni F sa akin. “I want you to meet B…”

I was about to extend my hand and say hello nang marinig ko ang karugtong ng introduction.

“…my boyfriend.”

Nagulat ako at napaurong.

“Don’t worry, we have an open relationship.”

Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa
Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa

“Can I join you?” ang tanong ni B, sa akin nakatingin.

“Of course.” Si F ang sumagot.

He kissed F. Then he kissed me. F kissed me. Then B kissed us both. Sabay-sabay na naglapat at nagtunggalian ang aming mga labi.

I just can’t refuse it
Like the way you do this
Keep on rocking to it
Please don’t stop
Please don’t stop the music

I felt my heart slowly breaking but I went along with what was happening.

Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa
Ma ma se, ma ma sa, ma ma coo sa

Bumulong sa akin si F. “Sama ka sa amin ni B. Mag-threesome tayo.”

Tuluyang nanlumo ang aking puso at gumuho ang ilusyon ko kay F.

Kumalas ako at lumayo.

The music just stopped playing.

28 comments:

Aris said...

revised version of a deleted post. :)

Sean said...

galing. i know it's figurative, pero na-imagine ko yung biglang katahimikan sa dance floor maliban sa tunog ng iyong mga yapak palayo sa kanila.

Lester Del Rey said...

Hoping for a real relationship.. But the world won't allow..

Anonymous said...

Kainis yun ah! Panira ng moment!

Lalaking Palaban said...

Ouch!

I could feel the hurt with this post.

Dark Angel said...

Buti umalis ka. Kadiri ang threesome kapag magkarelasyon ang dalawa. As in sobrang kabastusan na iyon. Hay. Why can't people just be faithful? Napaka-unrealistic man but it should be an option.

Anonymous said...

Sayang...

Sex, like relationships, is supposed to be fun, fun, fun.

Nimmy said...

awwwwwwwwwwwwwwwww....

salbahe said...

“we have an open relationship”

may gulay!
yaikz! sa ganyang set-up…

Aris said...

@sean: wow, you've made me see the scene in a different light. salamat muli sa makabuluhang comment. :)

@half: siguro dahil sa maling lugar ako naghahanap. :)

@anonymous: oo nga. di ko na-anticipate. :)

Aris said...

@lalaking palaban: masakit nga nang mangyari iyon. pero wala na, nakalimutan ko na ngayon. :)

@jay gel: actually. parang kahit nakaka-excite, alam mong may mali. :)

@anonymous: yeah, i know. kaya lang inilagay ko na siya sa mas mataas na lebel. at nang mangyari iyon, na-disappoint ako. parang hindi ko maatim na hanggang pier lang ako. higit pa roon sana ang inaasahan ko. :)

Aris said...

@nimmy: yeah, masakit. pero kaagad din akong naka-recover. :)

@salbahe: actually. whatever happened to love and fidelity?

cArLo said...

awwww! ang sad! :(
pero good to know na you're okay na...
i had this experience once, parang ganyan, pero mas mababaw, mas mababang level d'yan sa entry mo. well there was this guy...we never became textmates pero we exchanged numbers. kumbaga crush ko s'ya before and then mataas ang tingin ko. i sent a text but didn't receive and reply. so okay lang saken. i just let it go.
and then after a month or so our group had an outing sa bed, sabay daw kami pumunta he texted me. natuwa ako. pero punta daw kami ng mas maaga ng 2 hours before the meeting time.
i thought... bakit?
"motel tayo"
hindi na ako tumuloy.. kahit sa bed. kaasar!
siguro nga he was just looking for that, which nalaman ko din a week after na ganun lang talaga s'ya.
kasi i just liked him so much na tipong if he's gonna ask me out for coffee e i'd definitely go... haha oh well...
(sorry palakwento lang talaga ako haha)

RainDarwin said...

lungkot naman papa aris.

buti umalis ka, paglalaruan ka lang nilang magjowa.

Arnel said...

lahat kami nakikisimpatya sa napagdaanan mo, buti n lng strong willed ka, on the other hand i cant really see the point of having an "open relationship" - nakikita kong para lng ito sa mga taong may hidden fears, di ganun kalalim ang "foundation" and so irespectful.(i have nothing against with them, im jst stating my views - peace to all!).

the geek said...

nakakalungkot.

iinLoveAqohSeo said...

kakalungkot... but you made a right decision.. cheer up!!

Lasher said...

Aw how sad! I know how you feel! You built a part of your life so much into this illusion with someone and suddenly, like libido, it ends just like that!

Mac Callister said...

open relationship,hay naku i dont like that set up! ano yun bored na sila sa isat isa at kelangan maghanap ng pangatlo?hell no!

katurn off un mga ganun haha.

unbroken said...

Aris. I agree. Sa maling lugar ka nga naghahanap. Pero may tamang lugar ba para maghanap ng pagibig? Hahaha :)

BUJOY said...

i miss you Aris ;( tagal ko ng di nakakapag basa ng mga blog mo.so busy kasi. sana kilala mo pa ako.

"Hi, Me!" said...

Wow. Amazing. Ngayon lang ako napadpad sa blog niyo po through Nishi's blog. I'm-a start back-reading in a few days. May exam pa ako bukas eh. Wehe.

Aris said...

@carlo: *sigh!* ganoon yata talaga. madaling maghanap ng sex. mahirap maghanap ng karapat-dapat mahalin. :)

@rain darwin: nagkataong iba ang nasa isip ko nang mga oras na iyon kaya parang nawalan ako ng gana. pero sayang din. ching! hahaha! :)

@arnel: para sa akin, parang di talaga magwo-work ang open relationship na yan. naniniwala kasi ako sa commitment and fidelity. :)

Aris said...

@the geek: matagal nang nangyari ito, friend. nakalimutan ko na ang naging sakit. :)

@iinloiveaqohseo: thanks. cheers! :)

@lasherations: it was a very disappointing experience, indeed. but it's ok. bahagi ng pagkatuto. :)

Aris said...

@mac callister: i agree with you, friend. :)

@unbroken: napag-isip ako dun ah. may tamang lugar nga ba para maghanap ng pag-ibig? at kung meron, saang lugar iyon? hahaha! :)

@bjoy: i miss you too. oo naman. kaw pa, makakalimutan ko? hehe! thank you sa muling pagbisita. :)

@hi, me!: hello, welcome to my blog. sana ma-enjoy mo ang iba ko pang mga entries. good luck sa exams. :)

citybuoy said...

ang galing ng scoring ng kantang to. i didn't realize the song could be interpreted that way. parang naging plea nasiya halos. galing!!

Aris said...

@citybuoy: thanks, nyl. check out the music file. pinalitan ko. palagay ko, magustuhan mo rin. :)

citybuoy said...

i love that version! jamie cullum forever!