Saturday, May 28, 2011

Broken

Kaka-break ko lang noon sa boyfriend ko nang magkakilala kami ni Roy. Malungkot ako. Inaaliw ko ang sarili ko kaya panay ang gala ko sa mall.

Una ko siyang nakita na nakatambay sa fourth floor ng SM, malapit sa sinehan. Naka-hiphop outfit, may bandana pa sa ulo. 19 lang siya noon.

Nagkatinginan kami. Nginitian niya ako.

“Oh, please…” ang sabi ko sa sarili. “Callboy.”

I ignored him. I went inside the cinema.

Tahimik akong nanonood nang may tumabi sa akin. Dedma lang. Ni hindi ko tiningnan.

Naramdaman ko na parang hindi mapakali ang katabi ko, pasulyap-sulyap sa akin. Tumingin ako sa kanya. And I recognized him.

Si Callboy.

Napabuntonghininga ako. “Oh, well,” ang sabi ko sa sarili. “Why not? Malungkot ako, di ba?” At nagpasya akong patulan siya.

Muli akong tumingin sa kanya. Nginitian ko siya.

Ngumiti rin siya. Nakita ko sa dilim ang mapuputi niyang ngipin. “Hi,” ang sabi. “Ako si Roy.”

“Ako si Aris.”

Maya-maya naramdaman ko, hinahawakan niya ang kamay ko. Nagpaubaya ako.

Humilig siya sa akin. Maya-maya’y sumiksik. Malamig ang aircon kaya may ginhawang hatid ang pagdidikit ng aming mga katawan. Nalanghap ko ang amoy ng magkahalong pabango at yosi. There was something very masculine about his scent.

Pinakiramdaman ko kung ano ang susunod niyang gagawin. Pero nanatili siyang nakahilig at nakasiksik lamang sa akin.

Pinagmasdan ko siya. Kahit sa dilim aninag ko ang maganda niyang mukha. Maamo. Inosente. Parang masarap alagaan at mahalin. “Sayang, callboy siya,” ang bulong ko sa sarili.

Bago ako tuluyang madala at makalimot sa kaakit-akit na itsura niya, I decided to talk business. Binawi ko ang kamay ko, lumayo ako sa aming pagkakadikit at hinarap ko siya. “Magkano?” ang tanong ko.

Tahimik siyang nakatingin sa akin. Alam niya ang ibig kong sabihin.

“Hindi ako callboy,” ang sagot niya.

Nakaramdam ako ng pagkapahiya.

“I’m sorry,” ang sabi ko.

At hinawakan ko ang kamay niya.

***

Muli kaming nagkita ni Roy. It was a planned date. I was expecting to see the same hip-hop guy pero nagulat ako nang dumating siya. Disente ang ayos niya. Naka-polo shirt. Naka-gel pa ang buhok. Parang nagpa-pogi talaga siya para sa okasyon!

Nag-dinner kami. Nakakatuwa dahil nilibre niya ako. Balak ko sana ako ang manlilibre, pero hindi siya pumayag.

“Ako ang nagyaya, di ba?” ang sabi niya.

“Ibang klase ang batang ito,” ang nasabi ko na lamang sa aking sarili.

Over coffee and yosi, nagsimula siyang magkuwento tungkol sa kanyang sarili.

Solong anak siya. Magkahiwalay ang parents na parehong nagtatrabaho sa ibang bansa. Hindi problema ang pera dahil dala-dalawa ang sumusustento sa kanya. Nakatira siya sa kanyang Tita at nag-aaral pa siya.

“Alam mo minsan, pakiramdam ko, mag-isa lang ako,” ang seryoso niyang sabi. “Wala akong magulang. Wala akong kapatid.”

“Marami ka naman sigurong kaibigan,” ang sabi ko.

“Marami. Pero iba pa rin siyempre yung pamilya.”

Pinagmasdan ko si Roy. He looked younger than his 19 years. Para siyang bata na may dinaramdam at nagsusumbong.

Nagsindi siya muli ng yosi. Napansin ko ang suot-suot niyang leather bracelet. Nagandahan ako.

“Pahiram. Sukat ko,” ang sabi ko.

Nag-alinlangan siyang tanggalin ito. Pero pinagbigyan niya ako. Tinanggal niya ang bracelet. At doon ko napansin ang pilat na tinatakpan nito.

Napansin niya na nakatingin ako sa pilat.

Sinagot niya ang tanong sa isip ko. “Suicide attempt he he!” ang parang pabiro niyang sabi pero alam ko, nagsasabi siya ng totoo.

Nagtatanong ang mga mata ko.

“Masyado akong naging malungkot noong maghiwalay ang parents ko. Di ko kinaya.” Seryoso siya. May nakadungaw na pait sa kanyang mga mata.

May awang humaplos sa aking puso.

Tumitig ako nang diretso sa kanyang mga mata. “Wag mo na uling gagawin.” Madiin ang bigkas ko sa aking mga salita. “Please. Promise me.”

Ngumiti siya.

“Hindi na. I promise.”

***

We saw each other regularly sa loob ng dalawang buwan. Every moment was a beautiful experience. Kakain kami sa labas. Manonood ng sine. Magho-holding hands. We would even kiss.

“Tayo na ba?” ang tanong ni Roy sa akin.

Katahimikan. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot.

“I don’t know,” ang pagpapaka-honest ko.

“Bakit di mo alam?”

Mahal ko siya pero may emotional baggage pa ako sa break-up namin ng ex ko kaya hindi ko masabi sa kanya.

“I am not yet over him,” ang pag-amin ko. “Mahal ko pa siya!”

Hindi kaagad nakapagsalita si Roy. May hurt akong nakita sa kanyang mga mata.

“E ano tayo?”

“Ewan ko.”

“Pero mahal na kita, Aris. Mahal na kita!”

“Pero hindi ako sigurado.”

“Saan ka hindi sigurado? Sa akin? Hindi ka sigurado kung dapat mo ba akong mahalin?”

“Hindi ako sigurado sa sarili ko. Ayokong lumabas na panakip-butas ka, na ginagamit lang kita para ipampuno sa emptiness na nararamdaman ko. Dahil hanggang ngayon, kahit nandiyan ka na, hinahanap-hanap ko pa rin ang ex ko. Naiintindihan mo ba ako?

Hindi sumagot si Roy.

“Bigyan mo ako ng time. Time to heal. Time to sort things out.”

Bumuntonghininga siya.

“Ayoko na,” ang bulalas ni Roy.

“Anong ayaw mo na?”

“Ayoko nang maghintay. Ayoko nang umasa. Kung hindi mo rin lang ako pwedeng mahalin ngayon, itigil na natin ito. Habang hindi pa masyadong malalim. Habang hindi pa masyadong masakit.”

“Roy! What are you saying?”

“Maghiwalay na lang tayo.”

I was stunned.

Hindi ako makapagsalita. Hindi ako makagalaw. Nakatingin lang ako sa kanya.

“Goodbye, Aris.”

Nang mahimasmasan ako, wala na siya.

***

Hindi inaasahan, nakita ko uli siya pagkaraan ng anim na buwan. Sa dating lugar na kung saan una ko siyang nakita. Sa fourth floor ng SM, malapit sa sinehan.

Nakatalikod siya, naka-lean sa barandilya padungaw sa ibaba.

“Hey, Roy,” ang bati ko sa kanya sabay tapik sa likod niya.

Lumingon siya. “Aris,” ang halos pabulong niyang tawag sa pangalan ko.

“Kumusta ka na? It has been a long time,” ang sabi ko.

There was something strange about the way he looked.

“Ok lang,” ang sagot niya.

“Anong ginagawa mo rito?”

“Wala. Tambay lang.”

“Pumayat ka. Nagkasakit ka ba?”

“Kalalabas ko lang ng ospital.”

And then I saw it. Ang bandage sa kanyang left wrist.

Oh my God! Don’t tell me…

Napansin niya ang expression sa aking mukha.

“I did it again,” ang sabi niya sa akin.

Hindi ako makapagsalita.

“Nagka-boyfriend ako after na maghiwalay tayo. Mahal na mahal ko siya. Pero iniwan niya ako. I got so depressed…”

“But you promised. Sabi mo sa akin noon, di mo na uli gagawin.”

“Sorry,” ang sabi. “But hey, it’s over. I’m okay now.”

Napabuntonghininga ako. Hinagod ko siya ng tingin. May lungkot at awa akong naramdaman para sa kanya.

Sumunod ang mahabang katahimikan. At a loss kami pareho kung ano pa ang dapat sabihin.

“I have to go,” ang sabi niya sa akin pagkaraan.

“Do you really have to?” ang tanong ko.

“May pupuntahan pa ako.”

“Will you text me?”

“Yeah. Sure.”

At umalis na siya.

I never heard from him again.

17 comments:

Meeya Cruz said...

awts!

RoNRoNTuRoN said...

grabe. awww. nakakalungkot ito, swear.

Anonymous said...

was in the same situation you had four years ago..recently broke up with my partner, a too good to be true guy i met, fell in love with me but ain't sure with myself. he trusted me so much with his life, with his future but wasn't able to keep up, i let go though i know i value him,still traumatised with the recent break up.. he pursued until he got tired, only then i realised how fool i am to take him for granted but it was too late. the next time we met, he said, i love you so much but i don't want to love you anymore. just like that, he went very cold.

Mars said...

Ai... emotionally disturbed...
Sayang....

-mars

Rygel said...

good thing hindi kayo nagkatuluyan... guys who don't value themselves (to he point of hurting themselves) will be trouble in then end. what seems like total devotion and love is actually over dependence on others.

roland ray said...

hi aris i really like your stories, hope you'll do more, wanna meet you... seems your a nice guy

sunny said...

ouch. this is sad.

Arnel said...

katakot talaga pag suicidal... they are so weak and dependent to their partners.Need more spiritual and emotional guidance for them.

Aris said...

@meeya cruz: hello meeya. thanks for the visit. :)

@ron: nakakalungkot nga kahit alaala na lang.

@anonymous: may takdang panahon ang pag-ibig at minsan mahirap itong maintindihan.

@mars: sayang nga. him and what could have been.

Aris said...

@rygel: i agree with you. aaminin ko, iyon ang fear ko. :)

@roland ray: oh wow, thank you. sure. maybe one day. :)

@kuyakoy: sinabi mo pa. salamat sa iyong pagdaan. :)

@arnel: actually iyon ang ikinakatakot ko noon. ang masaktan siya tapos mag-attempt uli.

Kane said...

Hay Aris, I'm sure you wonder... kamusta na kaya siya? Where is he? Will you ever see him again?

Questions we may never know the answer to.

How are you =) Di na kita nakikita. Still same no ka ba? Parang iba na?

Kane

Aris said...

@kane: true. paminsan-minsan naiisip ko pa rin siya at hindi ko maiwasang mag-wonder kung ano na kaya ang nangyari sa kanya.

i'm doing good, dami lang ginagawa. and you? oo nga, tagal ko na kasing di nakakalabas. i hope to see you sa white. yup, same number pa rin ako.

take care, my friend. :)

Jhamy whoops! said...

nice story kahit nakakatakot ang boylet.. suicidal ang lolo!


more more stories! :)

Unknown said...

hala naman... kakatakot maging Bf yun mga taong may suicidal tendencies...

in my opinion, you did the right thing aris...

pero nakakaawa yun Roy no?

Aris said...

@jhammy whoops!: oo nga, nakakatakot. lagi kang nag-aalala na baka may gawin sa sarili. salamat uli sa pagbisita.. :)

@daemonite: sinabi mo pa. kahit mahal mo siya, ang hirap nang lagi kang nagwo-worry. salamat sa comment at sa follow. sana balik ka. :)

Viva la BAM said...

This is truly touching. If i may ask, do you have the link where i can download this song of Eric Benet for free?

Aris said...

@viva la bam: hello. thank you for the visit and for the comment. i'm sorry i don't have the mp3 link for the song. :)