Saturday, May 21, 2011

Sa Iyong Hardin


Maalinsangan ang gabi. At dahil sa mapang-akit mong himig, napadungaw ako sa balkonahe.

Nakita kita sa ibaba. Nakaupo, hubad-baro, may katabing bote ng beer. Tumitipa ng gitara habang nakatanaw sa malayo.

Pinagmasdan kita, katulad ng aking ginagawa kapag ikaw ay nasa iyong hardin.

Bigla kang napatingala at nahuli mo akong nakatingin. Sinalubong mo ang aking mga mata. Mapanukso ang dati ay mahiyain mong titig.

Hinimas mo ang iyong matipunong dibdib, gayundin ang iyong impis na tiyan. Tumungga ka ng beer na tumapon sa iyong katawan. Ngumiti ka sa akin at nagmistulang isang panaginip.

Maya-maya, muli mong kinalabit ang mga kuwerdas.

Napapikit ako. Napahinga nang malalim.

Nalanghap ko ang halimuyak ng iyong mga bulaklak.

10 comments:

ron.angitawagmosaakin said...

weeee... anu pa... to be continued ba ito? hehe. anu pang naganap!!! hekhek-

john chen hui long said...

yet another exquisite summer blossom. i wonder how the impending monsoon rains will change your prose and pace. i can hardly wait. xx

Midnight Orgasm said...

All I can do now is imagine the sensation. I am sure it is very satisfying. :)

orally said...

hinarana ka ba nya aris?

Aris said...

@ron: abangan mo na lang ang possible update. hehe! :)

@john: dahil nakaka-inspire ang mga comments mo, i promise pipilitin ko pang mapaganda ang mga future entries ko. thanks, john. :)

@midnight orgasm: totoo. nakakakilig. nakakakiliti. hehe! welcome to my blog and thank you for visiting. :)

@orally: hindi naman. i wish. hehe! :)

Yannie said...

HI aris! Care for xlink.. added yours at http://mpr-spicesofmylife.blogspot.com/

Half said...

I suddenly wished na may 2nd floor ang bahay namin. *wink*

Hahaha love it.


- Half

Aris said...

@yannie: surely. nasa links na kita. :)

@half: actually. marami kang makikita sa pagdungaw-dungaw. hehe! :)

Mars said...

hehehehe...


NICE!

may kasunod po ba?...

sana ang plantation may kasunod na rin...

GOD BLESS!

-mars

Aris said...

@mars: kasunod? maybe. at siguradong hot ang eksena. hehe!

yung kasunod ng plantation, may stumbling block lang ako ngayon. pero isusunod ko na rin.

god bless you too, mars. :)